Share

Kabanata 17 Tatanggapin ba Niya

Matapos ayusin ang hapag kainan, ipinagsalok ni Lily si Caroline ng isang mangkok ng mushroom soup.

Matapos makita ang madilaw at mamantikang ibabaw ng soup, pakiramdam niya masusuka siya.

Hindi niya kinaya pigilan ang pakiramdam at mabilis siyang tumakbo sa banyo.

Walang masabi si Lily, matapos makita ang eksenang ito. Pero, hindi nagtagal at napalitan ng tuwa ang mukha niya.

Noong bumalik si Caroline, maputla siya, ngumiti si Lily at nagtanong, “Ms. Shenton, late ba ang period mo?”

Mahinang tumingala si Caroline mula sa lamesa. “Hindi naman naging on time ang period ko.”

Nagsalita si Lily, “Kung tama ang hula ko, Ms. Shenton, baka buntis ka.”

Nanigas si Caroline at tumingin siya kay Lily, “Buntis?”

Tumango si Lily, “Oo, tutulungan kita kumuha ng pregnancy test kit mamaya. Malilinawan ka pagkatapos mo ito gamitin.”

Ngumiti ng mapait si Caroline, “Lily, gumagamit kami lagi ni Evan ng proteksyon. Baka hindi lang maganda ang pakiramdam ko. Malabo na buntis ako.”

Nakaramdam ng kaunting pagsisisi si Lily. “Kung ganoon, maghahanda ako ng mga pagkain na masustansiya, just in case.”

Tumango si Caroline, halo-halo ang nararamdaman niya. “Oo nga pala, Lily, huwag mo sabihin ang tungkol dito kay Evan.”

Kinumbinsi siya ni Lily, “Nagmamalasakit si Mr. Jordan sa iyo.”

Ngunit, natawa si Caroline, “Alam ko. Pero napakabusy niya. Hindi ko siya gustong madistract ng dahil sa akin…”

Matapos ang hapunan, mabilis na umakyat si Caroline sa hagdan.

Hindi siya sigurado kung buntis siya o hindi. Noong gabi na iyon sa sasakyan, hindi sila gumamit ni Evan ng proteksyon.

Ngunit, maaari din itong resulta ng ibang sakit.

Itinaas niya ang kamay niya at inilagay sa tiyan niya habang nababahala.

Kung tunay na buntis siya, maaari ba niyang piliin na ipanganak ang bata? Sigurado, hindi gugustuhin ni Evan ang anak niya sa kabit.

Habang nababalisa, nagpalakad-lakad siya sa kuwarto, nag-iisip ng paraan kung paano aalis ng bahay.

*

Nakarinig si Caroline ng tunog ng sasakyan sa ibaba noong alas diyes ng gabi.

Lumapit siya sa bintana at nakita ang sasakyan ni Evan na nakapark sa labas. Agad siyang bumaba ng hagdan.

Isang linggo na ng huli nilang makita ang isa’t isa, at malinaw ang pagod sa guwapong mukha ni Evan.

Alam niya ang schedule ni Evan, na galing siya sa mga business trips.

Noong nakita ni Evan si Caroline na nakatayo sa harapan niya, nagulat siya, “May kailangan ka ba?”

Tumango si Caroline. “Gusto ko bisitahin ang ina ko sa ospital bukas.”

Naglakad si Evan at nilampasan siya at tumungo sa hagdan. “Pag-usapan natin ito sa itaas.”

Sinundan niya si Evan sa study room.

Naupo si Evan sa desk niya, niluwagan ang neck tie at nagtanong, “Kailan mo gusto pumunta?”

Habang ipinagbubuhos siya ni Caroline ng tubig, tumingin siya kay Evan, “Puwede ba ako pumunta bukas ng umaga?”

Matapos ilagay ang isang baso ng tubig sa harapan niya, naghintay siya ng sagot.

Tinitigan ni Evan ang baso bago malamig na nagsalita, “Sabihin mo kay Reuben na ihatid ka sa kumpanya matapos mo bisitahin ang ina mo.”

Hindi inaasahan ni Caroline na papayag si Evan agad, pati ang payagan siyang bumalik sa trabaho.

Pinigilan niya ang tuwa niya, tumango siya habang nakayuko. “Sige.”

Hindi niya alam, napansin ni Evan ang saya niya.

Mahinang nag-utos si Evan, “Lumapit ka dito.”

Tinignan siya ni Caroline, alam niya ang intensyon ni Evan.

Matapos ang kaunting alinlangan, lumapit siya.

Hinawakan niya ang batok ni Caroline at hinatak siya para mainit na halikan.

Pumayag si Caroline. Matapos makuha ang pagkakataon na makalabas, hindi niya ito hahayaan na mawala.

*

Maagang nagising si Caroline ng Lunes habang tulog pa si Evan sa tabi niya.

Maingat na inalis ni Caroline ang kumot, at tahimik niyang nilisan ang kuwarto.

Pagkatapos kumain ng almusal na luto ni Lily, tumawag siya ng taxi para pumunta sa gynecologist department ng ospital.

Matapos ang examination, pumunta siya sa doktor dala ang report.

“Anim na linggo ka ng buntis. Umiwas ka muna sa pakikipagtalik sa panahon na ito,” pinaalalahanan siya ng doktor.

Nanlaki ang mga mata ni Caroline. “Anim na linggo?”

Sumimangot ang doktor at tinignan siya, “Bakit? Hindi mo gusto ng anak?”

Nabalisa si Caroline. “Uminom ako ng contraceptive pills. Paano ako nabuntis?”

Nagtanong ang doktor, “Short-term ba sila o emergency contraception?”

Inalala niya ng mabuti, “Emergency contraception.”

“Hindi 100% na sigurado ang emergency birth control pills, at wala silang impact sa fetus. Kailangan ko ipaalala sa iyo na manipis ang uterine wall mo. Kung pipiliin mo na ipalaglagang bata, mahihirapan ka mabuntis ulit. Pag-isipan mo ito ng mabuti…”

Nilisan ni Caroline ang consulation room dala ang report habang wala sa sarili.

Buntis nga siya talaga…

Buntis siya at si Evan ang ama.

Pero tatanggapin ba niya ang bata?

Matapos ang ilang sandaling pag-iisip, kinuhaan niya ng litrato ang report at hinanap ang chat log nila ni Evan.

Naniniwala siyang may karapatan si Evan na malaman ito sapagkat siya ang ama ng bata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status