Share

Chapter 4: Pangalawang Banggaan

Throng's Point of View

"Omaygad! Besh, dito na ba talaga papasok ang g'wapong lalaking 'yon!"

"May bagong fafa na tayo, bakla!"

"Mukhang mahilig sa music ang isang 'to brad. P'wede natin yayain sa banda."

"Akin 'yan, ah! Walang aagaw. Mwehehe!"

Ilan lamang iyan sa mga naririnig ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gate, ang dami ko na agad tagahanga. Inalis ko ang headphone ko saka nginitian sila isa-isa sabay kaway na akala mo nasa isang pageant.

"Talaga bang papasok na siya dito? Grabe! 'Di ko aakalaing may anak pa lang ganito ka g'wapo ang owner nitong school," bulong ng nasa gilid ko. Sinaway naman siya ng katabi.

"Hindi kayo makapaniwala 'no?" sabi ko rito sabay ngisi.

Kinilig naman ang babae sa tinuran ko. Anong nakakakilig do'n? Tch! Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad patungong room 11-C

Nasa pintuan na ako nang classroom na siya namang dating ng Teacher kaya naman ay agad ko itong binati.

"Good morning, sumunod ka sa akin." tumango ako at sumunod. Laking gulat ko na lang ng lahat sila ay mukhang nagulat na magiging kaklase nila ako maliban sa isa na nakatungo at mukhang may ginagawa sa notebook nito. Tch!

Anong klaseng babae ba siya? 'Di man lang humanga sa 'kin.

"Sa mga absent no'ng in-announce ang pagdating at pagpasok nang anak ng may-ari ay heto siya ngayon, classmate niyo," wika ng guro sa mga magiging kaklase ko at bumaling sa akin. "Please, introduce yourself," dagdag nito.

Umayos ako ng tayo at taas noong humarap sa kanila. Hindi pa rin kumikibo ang babae, kainis naman siya! Lahat ay masayang dumating ako, nagagalak na naging kaklase nila ako, tapos siya hindi? Grabe naman sabog ba siya!

"Annyeong, Throng Jade imnida." /Hello, Ako si Throng Jade./ Pakilala ko at yumuko.

"Annyeong!" /Hello!/ Sabay-sabay ng lahat. Napansin ko ang babae na humarap sa direksyon ko. Wala man lang itong ekspresyon na pinagmasdan ako. Tch!

"Allright, Mr. Throng p'wede ka nang maupo sa likod ng babae na 'yon." Tiningnan ko ang babae na siyang walang kibo. Wala man lang pakialam. Napangisi ako ng may maalala. I think she's that girl.

"Saang likod po? I see that there's two back to that girl!" natatawa kong wika sabay nguso sa babaeng sumama ang awra. Tumawa naman ang lahat maging si Teacher---I don't know what's here name.

"Pft! Mr. Throng, 'wag mapanakit baka sa hospital ang ending mo." Napaatras ako sa tinuran niya. Nakakakaba naman!

"Kidding! Maupo ka na magsisimula na tayo." Sinunod ko siya. Bago umupo ay tiningnan ko muna ang ginagawa ng babae. Drawing!

"Ah, wait! Ms. Peyn?" tawag pansin ni Ma'am sa babaeng nasa harap ko. Nagdo-drawing pa rin siya. Tinawag ulit siya pero hindi pa rin kumikibo.

"Oi, Peyn! Tawag ka ni Ma'am Bella," bulong ng babaeng nasa tabi nito. Kaya naman ay tumigil na siya sa kan'yang ginagawa at tumayo.

"I'm sorry. Ano po 'yon, Ma'am?" Walang gana niyang tanong. Grabe naman ang babaeng ito. Kung ako ay gan'yan din ay mas malala pa siya sa akin.

"Pwede mo bang i-assist ang new classmate mo? May long test tayo bukas, e kaya simula last week ay ituro mo sa kan'ya kasi 'yon ang ipapatest ko, okay?"

"Po?" Nagulat siguro siya kaya lumingon siya sa gawi ko. Nangunot ang noo niya. Natatandaan niya ako? I see, world war 3!

"You--- Ma'am pwede po bang si Dan-- okay po." Wala pa namang sinasabi si Ma'am ay sumuko na ito. Gusto rin naman pala, aayaw-ayaw pa. Tch!

"You, Mr. Throng are you okay with that?"

"Yeah."

Tahimik lang kaming nakinig sa klase habang ako ay kinukutingting ang ballpen ko. Ang boring naman ng klaseng 'to. Samantalang ang babaeng nasa harap ko ay nakaub-ob lang.

"That's all for today. Good--- Ms. Peyn?"

"Po?"

"Are you okay?"

"Hin-- opo! Okay lang," tumawa pa ito ng pilit at saka nakangusong umupo pabalik. Bumaling siya sa akin na ikinagulat ko.

"You scared me!"

"I know. Lumapit ka tuturuan na kita, madali ka lang namang turuan 'di ba?" Tumango lang ako nakakatakot naman siya magsalita, lalo na at seryoso ang pagmumukha niya at--- wala ba siyang suklay?

"Y-you sure? Aren't you hurt me?"

Ngumisi siya. "Why would I? Come near me, I'll teach you now." Lumapit ako sa kan'ya. Hindi ko alam pero bakit kinakabahan ako sa babaeng ito? Parang hindi maganda ang mangyayari sa aming dalawa.

Peyn's Point of View

Bakit kaklase namin ang ulagang ito? Omaygad! Lilipat na lang akong seksyon kung gano'n. At saka ang laki talaga ng galit nitong si Ma'am Bella sa akin. Ako pa! Ako pa talaga ang pagtuturuin sa bagong salta na ito? No choice ako kun'di gawin ang ipinag-uutos niya.

"Ito ay idudugtong mo dito para magka-isa sila sa---" Naitigil ko ang pagtuturo nang may tumawag sa akin.

Lumingon ako kay Dani na siyang tumawag, "Bakit?"

"Canteen?"

"Walang pera! Libre mo ako kahit ngayon lang. Isang yakult, salamat!"

"Kapal!" singhal nito saka lumabas ng room. Natawa na lang ako sa ikinilos niya at humarap sa lalaking tinuturuan ko.

"Sorry, nasaan na ba tayo?"

"Chair."

Napamura na lang ako sa isip. Ulaga talaga, e. Kanina pa umiinit ang ulo ko sa kan'ya, ah! Dinaan ko na nga lang sa pagdodrawing, e. Lalo na sa sinabi niya bago umupo, e di mas lalong kumulo ang dugo ko? Sino ba namang hindi kukulo ang dugo, e ang pasamado ng bibig niya!

"Are you going to kill me?"

"Yeah!" walang preno kong pagsagot. Bwesit! Hindi pa naman kami nakakalahati ay puro na siya pang-aasar. Pabalik-balik na akala mo hindi naiintindihan dahil ako naman si tanga, natitimpi sa galit pero ngayon hindi ko na kaya!

"Alam mo!" bulyaw ko sabay tayo. Napabaling naman ako sa mga kaklase kong kunot noo na nakatingin sa amin. Nagbulong-bulungan pa. Tss! "Pwede ba! Kung alam mo sa sarili mo na kaya mo 'wag mo na akong idamay pa sa kalokohan mo dahil hindi lahat ng tao ay gaya mo! Nakaka pang-init ka ng ulo!" dagdag ko sabay tayo dala ang mga gamit.

Maayos na sana, e. Okay na, nasa stage one na ako ng pagbabago, pero--- back to zero ulit!

Sana hinanda ko talaga ng tuluyan ang sarili ko, na hindi magiging maganda ang pag-aaral ko ngayong taon.

Kung kailan naman gusto ko ng gumanda ang year na ito saka namang paninira ng ulagang 'yon sarap pag-untugin ni Leader Lhei!

"Pards!" Hindi ko nilingon ang tumawag sa akin. Diretso lang ako sa paglalakad, ayoko muna ng kausap ngayon. Kahit ngayon lang gusto kong mapag-isa nanggigil talaga ako sa lalaking 'yon. Akalain mo, sa dinami dami ng seksyon sa amin pa talaga?

Inalis ko na lang sa isip ko ang nangyari. Kinalma ko ang sarili ko, baka sumabog ako dito ng walang nakakakita. Mamatay akong walang salarin.

Kinabukasan, pumasok akong bangag at walang review. Mabuti na lang at binigyan kami ng five minutes para makapagreview, kaya laking pasasalamat ko.

Dahil ang mga itinuro ko sa ulaga na 'yon kahapon ay nawala sa isip ko sa inis sa kan'ya.

Paano ba naman kasi kaya ako ganito ay ang tagal kong makatulog kagabi kahit na gusto ko ng matulog pero ayaw pa ng utak ko. Pabaling-baling lang ako sa higaan tapos dumagdag pa 'yong mga 'di ko maintindihan na ikinikilos nila mama at papa, kaya ayon two hours lang ang tulog ko. Pighati!

"Ten minutes left and you will pass the papers forward."

Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses ni Ma'am. Tem minutes na lang wala pa akong sagot. Nagmamadali kong sinagutan ang test paper ko hindi ako sigurado sa mga pinagsasagot ko doon.

Ayos lang basta may sagot kaysa wala.

Motto ko na 'ata ito.

"Time's up, pass it now!"

Sakto lang ang tapos ko. May ibang hindi pa tapos magsagot pero pinasa na nila.

"Hey, get mine!"

Bumaling ako sa kan'ya. "Anong kukunin ko sa iyo?" asar ko. Hindi pa din kinukuha ang test paper niya.

"This,"

"E, 'di ikaw ang magpasa kay Ma'am. 'Learn to stand alone if they don't want to be part of your life' sabi nila, kaya naman tumayo ka diyan at ikaw ang maglagay do'n!"

Sinamaan niya ako ng tingin. Inismiran ko lang siya bilang ganti!

Matapos makolekta ang lahat ng test papers ay umalis na agad si Ma'am. Dahil math ang sunod ay umub-ob na lang ako. Ayoko sa mga numero.

Maya-maya ay dumating na ang guro namin sa asignaturang matematika. Dahil mahina ang boses nito ay matutulog na lamang ako kaso--- ano bang problema ng mokong na 'to? Nauulaga na talaga siya!

Napapailing na lang ako at babalik na sana ulit ng sinipa niya na naman. Nakaka-p*tang ina siya, ah! 'Wag niya akong ginagalit makakatikim talaga siya ulit ng sapak, makita niya!

'Pag ako'y ganitong wala sa mood.

Pumikit ako at bumilang ng hanggang sampo sa isip para pakalmahin ang sarili ko sa inis.

Nagsimula ng magtatawag si Ma'am para i-solve ang mga problem na isinulat niya sa board. Natawag siya kaya umub-ub ulit ako.

Istorbo!

Nasa kalagitnaan na sana ang patulog kong diwa nang may humampas sa table ko at sa gulat ay bigla akong napatayo.

"Sleepy head," he whispered. Masama akong bumaling sa kakaupo lang na lalaki. Nakakainis talaga siya!

"Ano bang problema mo?" Madiin kong bigkas na tanong. Pilit hinihinaan ang boses. Takot na baka marinig ng teacher namin. Sumusobra na siya, e!

"Hey, what's happening there?"

Mahina na nga narinig pa rin, kainis!

"Ms. Peyn, anong itinatayo-tayo mo riyan sa oras ng klase ko?" tanong niya na ikinatigil ng pagtuturo nito. Saka ko lang napansin na nakatingin na rin pala sa akin ang mga kaklase ko.

"Hinampas niya po kasi 'yong table ko Ma'am kaya napatayo po ako sa gulat," sumbong ko sabay turo sa likuran ko. Bumaling naman siya sa inosenteng nakaupo na nasa likuran ko.

"She's sleeping in your class, Ma'am. That's why I did that." Tumingin ako kay Ma'am at masama ang tingin nito sa akin. Paktay na! Pahamak talaga ang lalaking 'to.

"Is that true, Ms. Peyn?"

"No, Ma'am! Nakapikit lang po ako pero 'yung attention--- 'yung utak ko nasa topic po natin."

Sinungaling ka self! Remember? You hate numbers? Tss! Kailan pa ako nagkaroon ng utak sa Math na 'to?

Bumuntong hininga na lang si Ma'am Vicky at pinagpatuloy ang pagtuturo. Padabog akong umupo at binalingan siya ng masamang tingin.

Kung nakakapatay lang ang masamang tingin matagal na siyang wala riyan sa likuran ko!

Ano ba kasing problema niya sa 'kin?Nakadrugs ba siya? 'Di ko naman siya inaano!

Kung gusto niya ng gulo 'wag sa ganitong paraan. Papatulan ko naman siya, e pero 'pag ganitong dinadamay pati ang pag-aaral ko? Bumalik na siya sa Korea hindi namin kailangan ang Koreanong gan'yan ang ugali!

Hilaw!

Guluhin niya na ang lahat, 'wag lang ang taong nagbabagong buhay!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status