Love and Expectation

Love and Expectation

By:  Jhinnyy  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
88Chapters
1.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

EXPECTATION. That's how Zialla Trixie Alcantara describe her life. She's the type of girl who craves for freedom ngunit pinagkait ito sa kaniya. Living in a world full of perfectionist, hindi alam ni Trixie kung saan pa ba siya lulugar sa mundong ito. She almost believed that disappointing everyone is her talent because that's the only thing she's good at. She's aware how dark her life is because she always feel lonely and alone. Even her father never treated her special dahil maging ito ay mataas din ang expectasyon sa kaniya. She's too soft to even resist her father's expectations that's why she didn't had any second thought to obey her father's will. Her main goal in life is to experience the feeling of being inlove and to be loved by someone not until Kairo Ace De Guzman entered her life. Ang akala ni Trixie ay nagbago na ito pero roon siya nabigo. At sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang nasaktan ang puso niya. Paano pa matatakasan ni Trixie ang taong pilit niyang kinakalimutan kung mismo ang tadhana na ang naglalapit sa kanilang dalawa? Will they be able to chase the love they had before, or they will just leave it behind and just call it as their memory of the past? Handa na ba siyang tumaya ulit para sa kaniyang kaligayahan o tuluyan na niyang tutuldukan ang kaniyang nararamdaman at sundin ang kagustuhan ng kaniyang magulang? It is the battle between love and expectation.

View More
Love and Expectation Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments

No Comments
88 Chapters

PROLOGUE

Prologue"Bes, samahan mo muna ako sa CR please?"  Napaangat ako nang ulo nang marinig ang sinabi ni Irish. Napanguso ko siyang tinignan. "Nasa'n ang yaya mo? Sa kaniya ka na lang magpasama," sabi ko at ibinalik ang atensiyon sa ginagawa. Abala ako sa pagdadrawing nang bigla siyang pumasok at tumabi sa upuan ko para lang magpasama sa banyo. "Hindi ko makita si yaya Rosa eh,"  "May ginagawa pa 'ko, Irish. Mapapagalitan tayo ni ma'am kung hindi natin 'to tatapusin,"  "Hindi 'yan. Sige na balik tayo agad promise," aniya. Tumigil ako sa pagkukulay nang puno at nilingon siya. Nakanguso niya akong tinignan at nagpapaawa pa talaga ang kaniyang mukha. Napabuntong hininga ako. "Sige na nga. Nakakainis!" Reklamo ko. Malapad siyang ngumiti. Mabilis siyang tumayo at
Read more

Chapter 1

Chapter 1I woke up to the sounds of the birds chirping outside. Napatingin ako sa veranda at nakita kong hindi pa sumisikat ang araw. Medyo madilim pa rin ang kalangitan.Kinusot ko ang aking mga mata at saktong tumunog ang alarm clock sa bed side table.Inabot ko 'yon at pinatay.Bumangon ako at kahit inaantok pa ay dumiretso na 'ko sa banyo para maligo. After 20 minutes ay lumabas na 'ko. Suot ang roba ay nagtungo ako sa bintana at hinawi ang kurtina."What a beautiful morning," I murmured. Napangiti ako nang makita ang labas. The morning sun is now shining and the birds are flying freely in the sky.Sana palagi na lang ganito. 'Yong tipong gigising ka sa umaga at ganito kaganda ang bubungad sa'yo.Tumagal pa 'ko ng ilang minuto nakatayo roon at nakatingin sa tanawin. At nang magsawa ay nagbihis na 'ko ng uniform.Hindi gaano ka fit ang uniform ko sa'kin, maluwang 'yon. Pero dahil sanay na 'ko
Read more

Chapter 2

Chapter 2 "Salamat po, Manong Berto." Nakangiting usal ko sa driver namin nang bumaba ako sa sasakyan."Walang ano man, Ma'am Trixie. Sige ho, una na 'ko."Tumango ako sa kaniya at tinanaw ang kaniyang pag-alis. Nang hindi ko na siya makita ay pumasok na 'ko sa Xavier.Tinignan ko ang class schedule ko. Hinanap ko ang building number ng classroom namin. Nang makita kung saan ito ay naglakad na 'ko patungo roon.As usual naroon na naman ang mga nandidiring mga mata ng mga estudyante sa Xavier nang makita ako.Ang ilan sa kanila ay masasama pa ang tingin at bubulong sa kanilang tabi.Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Wala rin naman magbabago kung papatulan ko ang ganiyang klaseng tao. Nasanay na rin ako na ganiyan sila kasi simula pa lang noong first year high school ako hanggang ngayon na fourth year na ay hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa'
Read more

Chapter 2.1

Chapter 2.1NAKATAAS ang kilay ni Krezha habang nakatingin sa'kin at may nakakalokang ngisi sa kaniyang labi. Sa kaniyang likod naman ay naroon ang kaniyang mga kaibigan na nakangisi rin nang nakakaloka. Binalingan ko nang tingin si Irish na nakatitig din sa kanila at marahan siyang kinalabit."Mauna ka na muna sa room, Irish," mahinang usal ko. Mabilis siyang napatingin sa'kin at napakunot noo."Hindi kita iiwan dito, Trix. Baka kung ano pa ang gawin nila sa'yo," aniya. May bahid na pag-aalala ang kaniyang boses. Pero mas lalong ayoko rin na madamay ka pa sa gulong ito dahil sa'kin. Ayokong pati ikaw ay pag initan nila.Nais ko sanang isatinag 'yon pero hindi ko na lang ginawa. Sa halip ay nginitian ko siya ng sinsero tila pinapahiwatig na magiging maayos lang ang lahat."Sige na. Susunod ako." Tinanguan ko siya. Tinignan niya 'ko nang mariin bago binalik ang tingin sa k
Read more

Chapter 2.2

Chapter 2.2 WALA akong nagawa kundi ang sumunod sa office ni Dean katulad nang sinabi niya.Kasama ko ngayon si Krezha pati na rin ang mga kaibigan niya. Dahil ayon sa kanila ay saksi raw sila sa lahat ng pangyayari.Gusto kong matawa pero hindi ko magawa. Saksi sila sa pangyayari pero batid kong iba ang ipapalabas nilang kuwento.Alam ko sa mga oras na 'to ay ako na ang talo. Pero lihim pa rin akong nananalangin na sana pumanig sa'kin ang katotohanan.Kinakabahan ako nang husto at nanlalamig ang buong katawan ko. Wala pa mang nangyayari pero nakikita ko na ang posibleng mangyari sa'kin dahil sa ginawa ko. Sana hindi ko na lang pinatulan si Krezha at sana umalis na lang ako kanina para hindi na kami umabot sa ganito.Buhaghag pa rin ang buhok ko at ang lukot kong uniporme ay mas lalong nalukot at naging marumi tignan dahil sa nangyari sa'min ni Krezha. Ang kaba sa'king puso ay mas lalong dumoble nang m
Read more

Chapter 3

Chapter 3"WHAT WERE you thinking, Zialla Trixie at ginawa mo 'yon ha?!" Malakas na sigaw ni Papa ang bumungad nang makapasok ako sa loob ng bahay. Akala ko sisigawan at papagalitan niya lang ako pero nagulat ako ng bigla niya akong sinampal nang malakas sa pisngi.Napatulala ako at hindi agad nakagalaw. Parang namanhid ang katawan ko sa ginawa ni Papa."Alfred!" sigaw ni Mama halatang nagulat din sa ginawa ni Papa.Ito ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Talagang ginawa niya 'yon sa isang kasalanan na hindi ko naman ginawa.Nanginginig ang katawan ko sa takot.Sa takot sa posible niya pang gawin sa'kin lalo na't ngayon ko lang siyang nakitang ganito kagalit."Don't hurt your daughter, Alfred!""H'wag kang makialam dito, Zera!"Walang nagawa si Mama kundi ang manahimik. Maging ako ay wala ring nagawa kundi ang tiisin ang sakit.Ramdam ko pa rin ang pamamanhid nang pisngi ko
Read more

Chapter 4

Chapter 4 Kinabukasan ay maaga akong nagising na namumugto ang mga mata. Ramdam ko ang pagod at antok sa sistema ko dahil sa kakulangan ng tulog. Dahil sa nangyari kagabi ay hindi ko namalayan na nakatulogan ko na ang pag-iyak.Napabuntong hininga ako nang maisip ko na naman ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon kumikirot pa rin ang puso ko at hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ni Papa sa'kin.Bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo para maligo. Binabad ko ang sarili ko sa ilalim ng shower ng ilang minuto. At nang matapos ay agad din akong lumabas at tinungo ang cabinet. Kinuha ko ro'n ang uniform ko at nagbihis.Binalot ko ng tuwalya ang basa kong buhok at pinunasan. Nang matuyo ay basta ko na lang 'yong tinali at sinuot ang malaki kong salamin. Malaki ang tulong ng salamin na 'to dahil natatakpan nito ang namamaga kong mata. Pagkatapos kong kunin ang bag pack at ang libro ko ay lumabas na 'ko ng k
Read more

Chapter 4.1

Chapter 4.1Si Kairo Ace De Guzman ay may taglay na mapaglaro at game sa lahat ng bagay. Kahit saan at kahit ano pa ang ipagawa mo rito ay hindi niya ito tinatanggihan. Kahit pa sabihin mo na pagtripan niya ang isang tao ay gagawin niya talaga.Kilala siya bilang palatawa, mapaglaro at captain sa basketball. May pagka badboy type rin si Kairo na naging isa sa mga rason kung bakit sobrang kinababaliwan siya ng mga babae. And I admit he's an ideal type for everyone.Sa kanilang tatlo siya itong mas kinababaliwan ng lahat dahil sa angkin nitong charisma pero iyon nga lang hindi ko gusto ang ugaling meron siya. Masyado siyang mapaglaro at walang pakialam sa feelings ng iba. Wala siyang pakialam kung nasasaktan niya na ba ito o hindi.Si Brent Mendoza naman ay palabiro sa kanilang tatlo. Kung meron man sa kanila ang madali mong makasama ay si Brent iyon. Hindi siya snobber, masungit, mapaglaro at mayabang katulad ni Kairo. Kaya niya rin sabayan ang trip mo sa
Read more

Chapter 5

Chapter 5"TRIXIE, natapos mo ba 'yong pinapagawa ko sa'yo kagabi?"Bungad ni Irish sa'kin sa araw ng biyernes. Kakapasok ko pa lang sa classroom ay mabilis niya agad akong sinalubong para sa isang favor na hiningi niya sa'kin kagabi."Yes, ma'am," sagot ko pagkatapos ilapag ang libro sa'king desk at nilagay ang bag sa upuan ko.Kinuha ko sa loob ng bag ang notebook niya sa biology at inabot 'yon sa kaniya."Nasagutan ko na lahat ng questions diyan. Don't worry magkaiba tayo ng sagot kaya hindi malalaman na ako ang gumawa sa assignment mo." Inirapan ko siya na ikinatawa niya naman."The best ka talaga bestfriend!" Niyakap niya 'ko bigla kaya wala akong nagawa kundi ang matawa.Nag favor si Irish sa'kin kagabi na kung p'wede raw ay ako na ang sumagot sa assignment niya sa bio since busy siya kagabi dahil sa family dinner nila at no'ng nakauwi na sila ay napagod din naman siya.Kaya ayon wala rin akong nagawa kundi ang pumayag sa
Read more

Chapter 6

Chapter 6"SANA hindi mo na 'ko pinigilan kanina Trixie, edi sana naipag higanti kita sa babaeng 'yon!" Sigaw ni Irish nang makapasok kami sa loob ng CR."Ayoko ng gulo Irish kaya hayaan mo na,""S'ya ang unang nanggulo Trixie. Wala siyang karapatan na ipahiya ka roon!""Alam mo naman ang ugali ni Krezha 'di ba? Kaya hangga't maari ay tayo na lang ang umiwas sa gulo," sabi ko.Pagkatapos naming umalis sa cafeteria ay dumiretso kami ni Irish sa CR para magbihis. Masyadong marami ang binuhos ni Krezha na tubig kanina dahil nabasa talaga ang blouse ko.Mabuti na lang palagi akong may extra na damit sa locker kaya may pampalit ako.Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Irish pero hindi naman nagsalita. I inserted my white t-shirt in my skirt at hindi pinansin si Irish.Nakita ko sa repleksiyon ng salamin na titig na titig siya sa'kin."Bakit ba masyado kang mabait, Trix?" Napatigil ako sa'king ginagawa dahil sa tan
Read more
DMCA.com Protection Status