/ 모두 / Trip to Heaven / Chapter 3: Decision

공유

Chapter 3: Decision

작가: ALIENRAIN_18
last update 최신 업데이트: 2021-09-02 15:05:04

Throng's Point of View

After ng pag-uusap namin kanina nila Lolo and Dad ay umuwi na ako dahil sa inis. Bakit ba kasi nila ako pinipilit  na pumasok sa mismong paaralan namin? Ayoko! Hindi ko kasama ang mga kaibigan ko at siya. I want to be with her.

"Bregs, free ka ngayon?" tanong ko sa kabilang linya. Alam kong may klase sila ngayon nagbabakasakali lang naman ako.

"Yeah. May klase ako. Later bregs, puntahan ka namin d'yan."

"No, 'wag na. Nagtanong lang ako."

Kahit na alam kong may klase sila ay nadismaya pa rin ako.

"Drama bregs, ah. Basta! Pupunta kami d'yan after practice. Bye na, may exam pa ako."

"Bye."

Hinagis ko ang phone ko sa kama at saka humilata. Ang boring! Kumusta na kaya s'ya? Ilang araw pa lang ang nakalilipas miss ko na agad s'ya. Pero, bakit hindi man lang s'ya tumawag? Psh, babaeng 'yon talaga!

"Kuya! Kuya! Nand'yan  ka ba? Kuya!"

Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng pagtawag at katok ng kapatid ko. Ano ba naman s'ya? Grabe kung makakatok, akala mo naman may utang ako sa kan'ya!

Kakamot-kamot akong tumayo at naglakad papuntang pintuan para pagbuksan siya.

"Kuy---,"

"Ang ingay mo! Bakit ba?" Inis kong singhal sa kan'ya.

"Samahan mo 'ko, Kuya." Nangunot ang noo ko. Anong nakain nito? Wala ba s'yang pasok? Enrolled na naman siya. "Kuya, dali na! Wala kaming pasok e, don't ya' worry. Kaya halika na samahan mo na ako!" parang batang wika ni Hera.

"Ayoko! Pagod ako, gusto kong matulog na lang ng matulog."

"Ayaw pa kasi pumasok, tch!" bulong niya na dinig ko naman.

"Ayo---"

"Hep! Lahat na lang ayaw mo! Ano 'yon, siya lang ang hindi mo aayawan gano'n? Grabe ka Ku---"

"Oo na! Oo na! Ito na nga magbibihis na!"

Padabog kong sinara ang pinto para makapagbihis na. Rinig ko pa ang agik-ik niya pero hindi ko na lang pinansin. Mag sho-shopping lang naman ang isang 'yon at gawin lang akong taga-bitbit. At hindi nga ako nagkamali!

"Kuya, ito pa. Hold these for me may kukuhanin lang ako do'n. Hintayin mo na lang ako dito."

"Tsk!" singhal ko na lang.

Hinintay ko siya sa tabi tulad ng sinabi niya at sa isang oras at kalahati na paghihintay ko sa wakas ay dumating na din siya.

"Tagal mo!" inis na kong sambit sa kan'ya pagkadating sa harapan ko.

"I'm sorry, let's go!"

Tahimik kaming lumabas ng mall at uwi sa bahay.

"Bregs!" Nagulat ako ng may tumawag sa akin mula pinto. Sabi ko 'wag na, e. "Aren't you happy? Nandito na kami."

"Yeah. Thanks! Naabala ko pa kayo imbes na magreview na lang kayo," sabi ko pa. Nakakahiya tuloy sa kanila hindi naman mas'yadong importante 'tong bumabagabag sa isip ko.

"Oi, katamad kaya mag-aral ng mag-aral. Kaloka!"

"Tae mo, Palma! Bading ka talaga."

"Yay! Marumi ka nga sa g'wapong kong mukha, Sierra!"

Pagbabangayan pa nila kaya naman ay sinaway ko sila. Baka kung saan pa mapunta ang asaran nila. Hindi ako 'yong tipo na mabait kapag kaharap sila at masama naman kapag hindi sila ang kaharap. Nasapian lang talaga ako ngayon ng kabaitan.

"Bregs, ano bang nangyari? Mukhang pinag-sakluban ka ng langit, ah." natatawa pang sabi ni Blessy. Naglalakad kami papuntang garden para doon mag-usap.

"E, kasi si Dad at Lolo gusto nila akong papasukin sa paaralan namin, tsk! Ayoko nga." Maktol ko na parang bata pagkadating namin. Nadagukan naman ako ni Steve. Ang brutal nila!

"Siraulo ka ba? Bakit ayaw mo? Anong gusto mong mangyari sa buhay tambay na lang gano'n? Pumasok ka, bregs! Gusto mo ba, lumipat kami sa school niyo para sama-sama ulit tayong tatlo?" Napangiti ako sa tinuran niya. Kaya mahal ko ang mga ugok na 'to e, kasi mahal nila ako. Pft!

"Ayan na! Ngumingiti na," asar ni Blessy.

'Yon lang naman ang gusto ko, e. Ang samahan nila ako, hindi kasi ako sanay na wala sila o maging siya. Pero ngayong wala siya kakayanin ko kasi nandito sila.

"Thank you, bregs!"

"No problem."

Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan at umalis na rin sila dahil may mga task pa silang hindi nagagawa.

I made my decision. Papasok na ako! Wala man o nand'yan sila. Papasok ako!

Peyn's Point of View

"Good afternoon, Students!" bati ni sir  Alajar  sa aming lahat. Bumati rin naman kami pabalik. 

Napuno ng ingay ang buong gymnasium dahil sa mayro'n daw itong ia-announce. Wala naman akong pakialam sa kung anong sasabihin nila.

"Kaya tayo nandito ngayon kasi may mga bisita tayong darating!"

Dahil sa idinugtong ni Sir ay napuno ng bulong-bulungan ang gym.

"Huh? Sino naman kaya?"

"Bakit parang biglaan naman 'ata."

"Baka may g'wapo tapos dito papasok yei! Sawa na ako sa pagmumukha ng mga school mates natin, e."

"Baka 'yong  may-ari ng paaralan? Hindi pa kasi nila sinasabi kung sino 'to."

"Hinihingi ulit namin ang inyong katahimikan! Maghintay lamang kayo at malalaman niyo din!"

Tumahimik naman ang lahat maging ang katabi kong si Dani ay tahimik lang din na nakikinig. Umalis ako sa p'westo dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

"Oi, saan ang punta mo?"

"Banyo lang," sagot ko. Tumango lang naman siya. Wala talaga akong balak samahan ng gagang 'yon, tss!

"Naku! Sorry, sorry, sorry, hindi ko sinasadya." Sa hindi inaasahan, pagliko ko ay may nakabanggaan akong isang nilalang. Tiningnan ko ito at mukhang maayos naman. Tss!

Wait! Parang namumukhaan ko siya. ah!Saan ko nga ba siya nakita? Ay ewan!

"Sorry too," sagot niya din at saka umalis na. Nagsimula ulit s'yang magkutingting sa cellphone niya, kaya nakakabangga, e!

Umiling-iling na lang ako at hindi na lang siya pinansin pa. Pinagpatuloy ko ang pagpuntang banyo. Paglabas ko nakita ko si Emman na hirap sa pagdadala ng pagkain.

"Hey there, Emman!" tawag pansin ko dito. "Need help?" dagdag ko at naglakad  papunta sa kan'ya. Hindi pa naman siya nakakasagot ay kinuha ko na ang ibang dala nito.

"Thank you."

"Saan ba 'to dadalhin sa mga bisita ba?"

"Yeah. P'wede ba?"

Tumango lang ako. Wala din naman kasi akong gagawin doon kung 'di ang manood lang sa mangyayari at makinig sa mga sasabihin.

Nandoon ang ibang Teachers at mga kakilala ng mga ito, maging ang principal din ay naroon at lalaking kau--- tama! Siya 'yong lalaki sa guidance at kaninang nakabanggaan ko! Maging noong nakaraan na nagpainit ng dugo ko! Malas yata school year ko ngayon.

"Alam mo ba kung bakit may biglaang announcement?" I asked Emman in a low voice. Pagkatapos naming ipamigay ang mga pagkain ay pumunta kami dito sa back stage.

"Ang alam ko dito na daw papasok 'yong anak ng may-ari nitong school," sagot niya. Tumango-tango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Aalis na sana ako ng tawagin niya ako, ni Emman. Akala ko hindi niya ako mapapansin dahil busy ito sa panonood.

"Bakit?"

"Kakanta ako mamaya p'wede mo ba akong samahan?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Napitik ko na lamang ang noo niya dahilan ng pagreak nito.

"Ayoko!" matigas kong sabi. Matagal na akong hindi kumakanta. Matagal na panahon na.

"B-bakit?" nauutal pa niyang tanong.

"Ayoko lang. Matagal na akong hindi kumakanta, laos na ang boses ko, baka bumagyo lang kapag nagkataon." natatawa kong sagot.

Narinig ko na siyang  kumanta at hindi ko maitatangging maganda ang  boses niya. Malamig itong pakinggan na may pagkamalambot. Masarap sa tainga.

Sa pagkakaalam ko, kasali siya sa banda dito.

"Dali na. Nasanay akong may kasama kumanta kaya naman ay pumayag kanang samahan ako. Magaling ka rin namang kumata, e." Pagpupunilit pa nito. Gusto ko pero ayoko.

"Please... hindi para sa akin but for them." Sabay nguso sa mga guro at mag-aaral na tahimik na nakikinig.

Sasamahan ko ba s'ya o hindi? Grabe naman ang hirap!

"Please..."

"Okay! Final na, kakanta ulit ako."

I decided na bumalik ulit sa pagkahumaling sa musika. I decided na iparinig ulit sa kanila ang boses kong nagpapaulan ng luha gamit ang mga liriko mula sa labi ko.

Taray ko naman parang broken lang, e.

Pero nang dahil kasi sa pagkanta, ako na lagi ang pinapatawag kapag may program dito sa school noon kaya no'ng nagkasakit ako sinabi ko na bawal na akong kumanta pa saka ayokong may mga taong pinapanood ako. Simple lang ang dahilan ko para tumigil sa pagkanta noon pero ngayon, ibabalik ko na.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Trip to Heaven   Chapter 17: Knowing the Punishment

    PEYN'S POV.Bumalik sa pagpasok si Throng na feeling close sa akin. Tsk! Nakahinga ako ng maluwag dahil parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang wala ng tanong nang tanong sa akin. Sino ba naman ang matutuwa no'n 'di ba? Tanong dito, tanong doon?"Hello, kups! Namiss kita," bungad sa akin ni Emman. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakapunta dito dahil busy na kami ni Dani."Hi, namiss din kita. Makikitulog ulit ako dito, ah?" Paalam ko. Wala ako sa mood ngayon para makigpag-usap sa kanya kahit na gusto ko. Napansin kong nalungkot ang mukha niya.Sorry, Emman sa loob loob ko."Okay, mukhang wala kang pahinga. Gigisingin na lang kita." Hindi ako sumagot at naglakad na lang papunta do'n sa pwesto namin palagi. Ilang oras lang ang tulog ko kaya ganito ako. Idagdag mo pa ang sakit ng ulo ko. Hayst!Naglagay ako ng heads

  • Trip to Heaven   Chapter 16: Comfort

    PEYN'S POV.Ilang linggo ng hindi pumapasok sa School si Throng at ako ang napapagalitan ng guro namin? Gago lang 'di ba? E, kesyo daw ako 'yong nag-aassist no'ng mga araw na nahuli siya sa klase. 'Di ko alam kung ilang beses na akong nakakapagmura sa isip ko. Oo, ako ang nag-aassist sa kanya before pero hindi ko obligasyong alamin kung anong nangyayari sa buhay ng tayong iyon. Nakakainis talaga si ma'am Bella kung wala lang akong respeto sasagot sagutin ko iyon, e.Kung wala lang ako sa stage ng pagbabago nasa guidance na naman ako."Oi, kayong dalawa nasaan ang gunggong niyong kaibigan?" pasigaw kong tanong kina Steveat Blessy na kumakain ng lunch dito sa canteen. Nakakainis tuloy lalo nang makaramdam ako ng gutom. Naalala ko kape lang 'yong i

  • Trip to Heaven   Chapter 15: Break-up

    THRONG POV."Good evening, Tita," bati ko sa mommy ni Blessy na siyang sumalubong sa amin. Ang daming tao akala ko ba kaunti lang? Sira talaga ang isang 'to. Hinayaan ko na lang dahil nag-uusap sila ng kanyang mommy at hinahanap naman ng mga mata ko ang dalawa kong kapatid baka kasi lasing na saka sasabay ako sa kanila kasi wala akong dalang sasakyan. "Sige, Mom, ipapakilala ko lang si Throng sa kanila," rinig kong paaalam niya kay Tita. Naglakad kami papunta sa likod ng bahay nila kung saan may mga taong nag-iinuman. Siguro mga kaibigan ng pinsan niya. "Uy, Blessy, nandito na pala kayo. Hi, Steve and..." Napatigil naman siya pagdating sa akin. Mukhang nagulat siya nang makita ako. Kumunot naman ang noo ko, hindi naman ako multo para katakutan

  • Trip to Heaven   Chapter 14: Alamin ang totoo

    Throng's Point of ViewMabilis dumaan ang maghapon at ngayon na 'yong oras na susunduin niya ako. Hindi na nga ako nagdala ng sasakyan dahil do'n.Nandito lang ako sa labas hinihintay siya. Marami na ring mga tulad kong estudyante ang lumalabas at umuuwi na sa kani-kanilang bahay. Mag-pa 5pm na rin ng hapon at wala pa rin siya. Ti-next ko siya kung nasaan na siya pero hindi naman nagrereply. Tinawagan ko na rin siya pero hindi rin sumasagot. 'Yong totoo, gusto ba talaga niya akong makita? Nakakainis din maghintay!Alas singko sakto ng hapon ng tumingin akong muli sa relo ko at wala pa rin siya. Mukhang wala na nga yatang mga estudyante dito at ako na lang 'yong natira at ang mga guro. Umuwi na rin kasi ang dalawang ugok kasi darating daw ang mga magulang ni Steve sabay-sabay daw silang magdidinner. Tapos itong si Blessy may kaunting party daw sa kanila kasi bagong dating daw ang pinsan niya. Kaya pinauna ko na sila dahil sinabi ko na ngayon kami magkikita

  • Trip to Heaven   Chapter 13: She's Back

    Throng's Point of ViewDalawang araw na ang nakalipas simula no'ng nakasabayan namin ang tatlong magkaibigan sa supermarket. Naisipan kasi namin na subukan ang ganoong uri kahit na mayayaman kami. Nagsimba din kasi kami kaya, dumaan na rin kami sa supermarket. At ngayon, araw ng miyerkules p.e subject namin kaya heto kami at magpapalit na ng pam-p.e na damit.Inaasar ko pa rin paminsan-minsan si Peyn, pero ngayon? Parang gusto ko ulit siya asarin kasi sabog na naman siyang pumasok kaninang umaga hanggang ngayon. Kahit simula no'ng sa akin pinasabay ni Blessy habang umuulan ay bumubuti na kami sa isa't isa ay hindi ko pa rin maiwasan. Nakakainis kasi 'yong itsura niya at ang sarap niyang asarin.Pakiramdam ko ngayon ay ako 'yong principal... I mean ang Lolo ko. Pinagmamasdan ko kasi lahat ng mga estudyante na lakad dito, lakad doon ang ginagaw

  • Trip to Heaven   Chapter 12: Unexpected

    Peyn's Point of View Pagkatapos ng paghahanap namin ng trabaho kahapon ay umuwi na agad kami kahit 4pm pa lamang dahil inaantok na talaga ako. At sinabi naman sa akin ni Dani na maglalaba daw siya kaya naghiwalay na kami doon sa mismong puno ng mangga na pinaghintuan ko sa pagtakbo.Since linggo ngayon ay may balak akong magsimba to thank God dahil sa mabilisang pagtanggap sa amin ni sir Deon. At dahil bagot na ako dito sa kwarto kakabasa ng mga novels sa wattpad ay bumaba ako. Naabutan ko silang nanonood ng tv pero si Mama pauli-uli kasi may niluluto siya sa kusina. At 'yong dalawa ko namang kapatid ay tahimik na nononood, talagang focus na focus sila sa palabas na Green Lantern patapos na kasi ito at nag-aaway na sina Halle at Hector. Nakikinood din ako kasi gusto ko ang action. Ang sarap kasi tingnan na may nag-a

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status