ROSALINE'S POV: KINAUMAGAHAN ay wala na naman sa tabi ko si Joaquin ngunit maganda ang gising ko kung kaya't nag shower ako at nagbihis. Sinuklay ko ang maganda at mahabang buhok ko na kulot. Natural talaga na kulot ang buhok ko dahil namana ko ito kay mommy. Naglagay lang ako ng mild make up, nagpabango at nagsuot ng maxi dress dahil mainit sa labas. Tutal ang gusto niya ay mag-unwind lang ako dito sa Casa Joaquin ay lulubos-lubusin ko na. Marami kasing indoor at outdoor activities dito. Simula kasi ng ginawa itong bed and breakfast ay dinayo na talaga ng mga turista na gustong mamasyal at mag-relax. Hiwalay na kasi ngayon ang bed and breakfast sa mismong Mansyon ng mga Dela Vega. Kung dati ay nasa mismong Mansyon iyon ngayon ay nag-expand na sila at pinagawan ni lolo Joaquin ng sariling bed and breakfast na talagang para sa mga guests lang dahil maganda nga ang lugar ngunit problema rin nila kapag may mga nag-aaway o lasing na customer. Humigpit na rin ang seguridad dito dahil
ROSALINE'S POV: Akmang babalik na ako sa kwarto ko upang mag impake nang bigla akong tawagin ni uncle Joaquin. “Rosaline…” Natigilan ako at napalingon sa kanya kahit na puno na ng luha ang mukha ko. Siguro ay nahuli niya akong nagtatago sa pasilyo. “You heard everything?” tanong niya ngunit hindi ko siya sinagot. Masyado akong nasasaktan sa nangyayari. Nagtangka siyang lumapit sa akin at hawakan ako ngunit puno ng galit at sama ng loob ang puso ko. “Rosaline, I can explain.” saad niya na akmang hahawakan ako sa braso ngunit hinawi ko ang kamay niya. “Wag mo akong hahawakan! Uuwi na ako sa amin!” saad ko na tumalikod sa kanya at naglakad na pabalik sa kwarto ko ngunit sinundan niya ako. “Rosaline please, pag-usapan natin ‘to! Wag kang umalis!” saad niya na buong lakas na hinigit ako sa braso dahilan upang mapaharap niya ako sa kanya ngunit kinuha ko ulit ang braso ko. “Wag mo sabi akong hahawakan! Wala na tayong dapat pag-usapan pa, kaya hayaan mo nalang ako!” saad ko
ROSALINE'S POV: Habang nasa byahe ay nang-usisa naman si uncle Samuel. “What the hell happened there? nag-away ba kayo ni Junior?” tanong niya. “Uhm, hindi po, Uncle,” “Eh bakit parang umiiyak ka?” “Hindi po, sinisipon lang po ako at nagpaalam naman ho ako ng maayos na magle-leave ako sa trabaho.” saad ko sabay bahing para magpalusot at hindi mahalata. Iyon ang alam ng lahat. Empleyado lang ako ni uncle Joaquin at wala ng iba. “Mukhang badtrip yung ulupong na iyon kanina eh habang sumasakay ka ng kotse ko, parang galit eh. Yung tingin parang mananaksak eh.” “Hindi naman po.” “Sabagay, pressured siya ngayon dahil napipilitan siyang magpakasal doon sa anak ni Mr. Dela Torre. Can't blame my brother for that. Ako dapat ang nagpapatakbo ng kumpanya dahil ako ang mas matandang anak pero naipasa ko sa kanya ang responsibilidad. It's all my fault that I’m not competent enough and I don't have a choice but to watch him suffer.” “Wala ho kayong kasalanan, Uncle, ito yung kapalaran na
JOAQUIN'S POV: Nilasing ko ang sarili ko ng gabing iyon at tila hindi ko malaman ang gagawin. She's out of my league now. Maya-maya ay lumapit naman sa akin si Cindy. Hindi ko alam na nandito pa pala sila. “Hey, what's wrong? kanina pa kita hinahanap eh, may nangyari ba?” tanong niya sabay haplos sa balikat ko. I need to act fast dahil kung hindi, tuluyang mawawala sa akin si Rosaline. “Cindy, I have something to say.” “What is it?” saad niya na hinaplos ang pisngi ko at umupo sa tabi ko. Nasa mini-bar kami at kapwa nakaupo sa counter. “I’ll be here for you, ano bang gumugulo sa isip mo?” tanong niya sa akin na puno ng lambing ang pananalita pati na rin ang mga malamlam niyang mata. “We’ve been together since childhood at alam kong kilalang kilala mo na ako.” “Oo naman.” “At ayokong magsinungaling sayo ngayon.” “Joaquin, ano ba iyon? diretsuhin mo nga ako.” “Let's call off the wedding.” “What?! no! no Joaquin! nakausap ko na ang mga wedding planners and… ine-expect na ri
ROSALINE'S POV: Umiiyak ako sa kwarto ko nang biglang kumatok si mommy kung kaya't mabilis kong pinahid ang mga luha ko at binuksan ang pinto. “Ma, bakit po?” tanong ko ngunit pagtingin ko ay hawak niya yung medical results ko na nagpapatunay na buntis ako. Siguro ay nahalungkat niya iyon sa maleta ko dahil iniwan ko nalang sa sala basta-basta. “Anak, is this true? Are you pregnant?” tanong ni mommy na halos pa-iyak na. Hindi ko naman napigilan ang mga luha ko na kanina pa pumapatak. “Yes, Mommy, I’m so sorry,” saad ko na napahagulgol na ng iyak, niyakap naman ako ni mommy. Kahit kailan sa mga maling nagagawa ko ay ni minsan hindi niya ako pinagalitan at palagi niyang mas pinipili na umunawa ngunit iba si daddy, siguradong pagagalitan ako nun. “Paano natin ito sasabihin sa daddy mo?” tanong ni mommy ngunit hindi ko siya masagot. “Oh, bakit nag-iiyakan kayong mag-ina dyan? anong nangyari sa inyo?” nagulat kami nang marinig namin si daddy na nagsalita. Nasa loob pala siya ng k
ROSALINE'S POV: KINABUKASAN ay umiiyak pa rin ako dahil pinagbihis ako ni daddy at ngayon ay pinipilit niya akong isama sa Casa Joaquin. “Daddy, ayoko nga po!” saad ko habang humahagulgol ng iyak. “Isa! Rosaline! hindi ba’t pinag-usapan na natin ‘to?! hindi pwedeng agrabyado ka, Anak!” “Daddy, hindi naman eh… kaya ko mag-isa,” “Anong kaya mag-isa?! hindi nga pwede, halika na! kailangang panagutan ni Joaquin ‘yang ginawa niya sayo, hayop siya!” “Sige na Anak, please? come on… kakausapin lang naman natin sila para maayos yung problema kasi Nak, that's unfair. We fought so hard in life just for you to go abroad and finish your studies. You're just starting your career pero nabuntis ka kaagad.” saad ni mommy. “Ma, alam ko naman iyon eh, kaya nga ako nagso-sorry sa inyo.” “Masakit para sa amin itong nangyari sayo Anak, pero kailangan ‘tong harapin ni Joaquin, hindi ka niya pwedeng balewalain ng ganito, nag punla siya sayo tapos wala na siyang pakialam?! hindi pwede iyon.” saa
ROSALINE'S POV: “Junior! lumabas ka dyan!” sigaw ni daddy na kinatok ang pinto ng Mansyon ng mga Dela Vega. “Daddy, wag kang mag iskandalo! sabi ko usap lang eh!” saway ni mommy. “Buksan niyo ‘tong pinto! magsilabas kayo dyan! kayong mga Dela Vega kayo! Junior! lumabas ka dyan! Wag kang magtagong duwag kang hayop ka!” sigaw ni Daddy na pinagkakalampag na ang pinto ngunit natumba siya nang biglang may nagbukas ng pinto at iniluwa non si lola Samantha na may hawak na nakarolyong dyaryo at pinukpok sa ulo ni daddy. “Ang ingay ingay mong damuho ka! nagpapahinga mga tao dito eh! ano ba iyon, Wade?!” singhal ni lola Samantha habang pinapalo ng dyaryo sa ulo si daddy. “Aray ko! Samantha! masakit! tama na!” reklamo ni daddy. “Ano kasing sinisigaw-sigaw mo dyan?! natutulog ang kuya mo ngaw-ngaw ka ng ngaw-ngaw! nagising tuloy!” “May sasabihin akong importante!” “Samantha, Babygirl, sige na, papasukin mo na sila.” narinig kong saad ni lolo Joaquin na nakahawak sa tungkod niya bilang sup
ROSALINE'S POV: “Uncle, saan ba tayo pupunta?” tanong ko kay uncle kasi nagda-drive lang siya at hindi ako kinikibo. Nakasimangot siya at nakanguso pa. “Basta.” “Kanina ka pa kasi nagda-drive eh.” “Kamusta pakiramdam mo? sabihin mo lang pag nagugutom ka o pag may masakit sayo ah.” “Nagugutom ako.” “Sige, teka uhm, hahanap ako ng makakainan.” Nakahanap kami ng coffee shop sa di kalayuan kung kaya't doon na kami kumain. Kaagad kong kinuha yung menu at saka tumingin doon. “Uhm, ano sakin, coffee lat–” natigilan ako ng magsalita si uncle. “Anong kape? bawal sayo kape, mag hot chocolate ka lang.” “Huh? eh gusto ko ng kape!” “Bawal nga, ang kulit!” “Fine! hot chocolate and… croissant.” “Sige.” “Mas bawal nga yung matamis sa buntis kesa kape eh.” saad ko ngunit sinimangutan niya lang ako. Itong tiyuhin ko na ‘to hindi ko maintindihan. Tinanan ako tapos ngayon sinusungitan naman ako. Maya-maya ay nag ring naman ang cellphone niya kung kaya't kaagad niyang si
ROSALINE'S POV: ONE YEAR LATER…“Joaquin! nasaan ba tayo? sabihin mo naman! nakakatakot parang dagat na ‘to, lumulundo eh, nasa bangka ba tayo?!” tanong ko kay Joaquin habang kapit na kapit sa kanya, naka blindfold kasi ako. Pinilit niya pang isuot sa akin yan dahil ayoko talaga baka kasi mamaya ay kung ano na naman ang gawin niya sa akin. “Yes, nasa dagat tayo.” “Joaquin, tanggalin na natin ‘tong blindfold, ayaw ko na, natatakot ako!” “Relax. Wag kang matakot, nandito lang ako. Almost there.” saad niya habang inaalalayan ako. “Hawak ka sa may handle,” utos niya na ginawa ko naman. Nang tanggalin niya ay blindfold ko ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng view. “Oh my god! We're on a big yacht Joaquin! This is a big yacht and the sea!” saad ko sa kanya na hindi makapaniwala sa ganda ng view habang siya naman ay nakangiti lang sa akin. “You should have seen your face, you’re full of joy right now.” “Thank you, Mahal! I really need a vacation grabe, ngayon nalang u
JOAQUIN'S POV: Nang magising ako ay si daddy agad ang una kong nakita. “P-pa.” saad ko ngunit tuyot ang lalamunan ko. “Joaquin, gising ka na.” napalingon naman ako sa kaliwa at nakita ko si Rosaline. Alalang-alala ang mukha niya at may hawak siyang isang baso ng tubig. Dahan-dahan akong umupo sa hospital bed. Itinapat naman ni Rosaline sa bibig ko yung baso upang makainom ako. “Kamusta na pakiramdam mo? okay ka na ba? sabi ng doktor, stress at over fatigue daw.” “Okay na ako, sa tingin ko. Dad, ikaw ba? okay ka na?” “Sorry, I lied. I’m not really sick, gusto ko lang na puntahan mo ako, Anak.” saad ni lolo. “Uhm, doon lang po muna ako sa labas. Nandoon po kasi si mommy at daddy.” pagpapaalam naman sa amin ni Rosaline kung kaya't hinayaan ko siya. Ngayon ay kami nalang dalawa ni daddy ang nasa kwarto. Walang hiya, na-confine pala ako dahil sa pesteng lagnat. “Noong kabataan ko Anak, ganyan din naman ako sa mommy mo. Die hard na die hard halos ayaw kong pakawalan dahil ako ang
ROSALINE'S POV: Pagdating namin sa Ospital ay kaagad kaming nagtungo sa private room ni lolo. “Nandoon sila lahat pati sila ate Noreen at Neri. This is bad.” saad sa akin ni Joaquin habang papasok kami ng kwarto. “Joaquin, anak.” nanghihina na sambit ni lolo. Lumapit naman kaagad si Joaquin at hinawakan ang kamay ni lolo. “Pa, ano bang nangyari sayo?” tanong niya ngunit napakunot ang noo ni lolo. “Teka, mainit ka.” “Oo Dad, nilalagnat ako eh pero mas importante ka.” “Mabuti pa magpatingin ka para magamot ‘yang lagnat mo.” “Hindi na, Dad, okay lang ako.” saad ni Joaquin na nagmamatigas pa rin. Lumabas nalang ako at bumili ng paracetamol at mineral water. Pagbalik ko ay nasa labas na sila lahat at nag-uusap-usap kung kaya't sumilip ako sa loob ng kwarto ni lolo at nakita ko si Joaquin na nakahiga na sa sofa na nasa gilid ng kama.Kaagad akong lumapit kay Joaquin. “Mahal oh, bumili akong gamot, inumin mo na ‘to.” “Kanina pa masakit ulo ko, akala ko kung saan ka nagpunta, hind
ROSALINE'S POV: “Hello?! bakit ngayon niyo pa sasabihin sa akin kung kailan nakauwi na ako ng bahay?! hindi ba pwedeng ipagpabukas yan?! talagang bibigyan niyo pa ako ng stress sa gabi?! mga putang ina niyo!” singhal ni Joaquin habang may kausap sa cellphone galit na galit na siya kung kaya't hinawakan ko ang braso niya ngunit hinawi niya lang ako. “Hindi ba nag quality check ‘yang mga yan bago ipadeliver dyan sa fabrication?! hindi niyo chineck ng maigi?! tapos sasabihin niyo sa akin ngayon hindi tama yung sukat mali-mali yung mechanisms na pinadala at mali ako ng bili?!” Pilit kong pinapakalma si Joaquin ngunit ayaw niyang kumalma. Sinisigawan niya talaga yung kausap niya. “Gusto kong makita yan ng personal bukas ah!” iyon lang at pinatay niya na ang tawag. “Mahal… tama na yan, hayaan mo na.” “Hayaan eh ginagago na ako ng mga ‘to eh!” singhal niya at nag dial na naman ng isa pang number. “Hello?! Hello?! ano yung nirereklamo ng foreman ko?! mali daw yung pinadala niyong mecha
ROSALINE'S POV: Simula ng mangyari ang pagbisita na iyon sa amin ni lolo at daddy ay mas inigihan ni Joaquin ang pagtatrabaho niya. May mga kumukuha sa kanyang clients kaya sinasamantala niya basta maganda ang bayad ngunit kapalit ng pagiging abala niya ay ang kawalan namin ng oras sa isa’t-isa. Palagi akong naiiwan sa Penthouse. Naglalaba, naglilinis at nagluluto nang sa gayon ay pag-uwi ni Joaquin ay may pagkain na. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap maging housewife and what more having kids pero hindi ako pwedeng sumuko. I know what we want. I know what I want for my babies at ito na iyon. Ang binubuo naming pamilya ni Joaquin. Isang gabi ay malakas ang ulan at nag-aalala na ako kay Joaquin dahil wala pa rin siya. 10:00 pm na ng gabi kung kaya't tinawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nasa kama lang ako at nakaupo lang ngunit hindi na ako mapalagay kung kaya't pilit kong tinatawagan ang cellphone niya ngunit nagri-ring lang ito. Damn it, Joaquin. As
Maya-maya ay dumating naman si Joaquin na halos mataranta at muntik pang madapa papasok ng Penthouse. “Uncle, Daddy! hayaan niyo na nga sabi kami bakit ba kayo nandito?!” singhal niya sa dalawa na inis na inis. “Matigas ka pa rin?! Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yang ugali mo na yan Junior!” saad naman ni lolo. “Eh kasi naman, bakit niyo ba kami pinapakialaman?! Dad, we’re old enough, we can handle ourselves.” “Yeah, sure, you can handle yourself but what about Rosaline? she's young, she can't do this alone Joaquin, don't be so selfish!” “I'm not selfish, I’m doing this for her, bakit Dad?! akala mo hindi ko kakayanin ng wala ang pera mo?!” “Look Joaquin, this is not about the money. First, you ruined her life and now you're taking her away from me. My only daughter.” saad naman ni daddy. “Ano bang gusto niyong mangyari?! parang hindi tayo nagkakaintindihan dito eh, ikaw Dad, tinakwil mo ako dahil galit ka sa bawal na relasyon namin, tapos ngayon hindi mo naman mapanindi
ROSALINE'S POV: Abala ako habang naglilinis ng bahay nang may biglang kumatok. Si Joaquin siguro iyon, baka may naiwan siya. Nagmadali akong lumapit sa pinto at binuksan iyon ngunit nagulat ako nang tumambad sa harapan ko si daddy at si lolo Joaquin. “Da-daddy? lolo?” saad ko na uutal-utal at halos hindi makapaniwala.Sumilip-silip si lolo Joaquin sa Penthouse. Kaagad ko namang kinuha ang kamay niya at nagmano. “It's a nice place you two have here, Hija.” saad ni lolo. Nakangiti siya at good mood lang habang si daddy naman ay mukhang dismayado pa rin at masama ang loob sa ginawa namin ni Joaquin. “Would you want to invite us inside? Rosaline?” tanong ni daddy. “Sure.” saad ko na niluwagan ang bukas ng pinto para makapasok sila.Luminga-linga na naman si lolo Joaquin sa paligid at maging si daddy. “Not bad for a prodigal son of yours, kuya.” saad ni Daddy habang parehas nilang tinitignan ang Penthouse. “How did you find us here?” tanong ko sa kanilang dalawa. “Connections, Da
ROSALINE'S POV: Kakatapos lang ng check-up ko sa clinic ngunit nagulat ako nang makita ko na nasa labas si Joaquin at hinihintay ako. Bakit? ano kayang nangyari? bakit siya nandito? hindi ba’t may trabaho siya? Nang makalabas ako ay tumayo siya ng maayos at sinalubong ako. Kanina kasi ay nakasandal siya sa kotse niya at nakasimangot. “Mahal, bakit nandito ka? akala ko ba may project kang inaasikaso?” tanong ko kaagad sa kanya. “Get in.” malamig ang mga utos na it n at mababakas sa mga mata niya ang kanina pa’y pagkagalit. Sumunod nalang ako at pumasok na sa kotse. Tahimik siya buong byahe namin ngunit nang makapasok na kami sa elevator ay hindi ko na nakayanan pa kung kaya't tinanong ko na siya. “What happened? Is there something wrong?” “Nothing.” iyon lang ang sinabi niya. “Fine, if there's nothing to worry about then get yourself together!” nainis na ako kung kaya't iyon ang nasabi ko. Hindi ako punching bag na pagbubuntungan niya ng sama ng loob niya kapag badtrip siya.
JOAQUIN'S POV: “Nag enjoy ka ba sa out of town natin?” tanong ko sa kanya nang makauwi na kami sa Penthouse. Nakaupo kami sa couch at magkayakap lang. “Yes, sobrang nag enjoy ako, Mahal, alam mo ba first time ko nag-dagat ulit kasi wala naman akong time mamasyal noon sa States. Na-miss ko mag-beach!” “Sige, uulitin natin ‘to promise ko sayo, mamamasyal tayo ulit pag pwede na. Just focus on your pregnancy right now.” “Promise yan huh.” “Yes, I promise.” saad ko na ngumiti sa kanya, hinaplos niya naman ang pisngi ko. “Ay, Mahal, bukas pala may check-up ako sa OB, doon na rin malalaman yung gender ng babies natin.” “Sige, sasamahan kita, anong oras bukas?” “Uhm, maybe 10 a.m. pero wag na, okay lang, kahit ako nalang mag-isa,” “Huh? Bakit?” “Eh diba bukas yung ocular para doon sa malaking project na sinasabi mo?” “Bukas ba iyon? damn it, nakalimutan ko.” “It's alright. Ako nalang.” “Ihahatid nalang kita doon sa Clinic.” “Sige.” “Balik trabaho na bukas, magiging busy na nam