Share

Capitulo Diez

Capitulo Diez

NGAYON lamang nangyari sa akin na hindi ako mapalagay dahil sa isang kwento ng buhay ng tao . Hindi ko magawang magkatulog dahil patuloy na tumatakbo sa aking isipan ang tungkol sa naging buhay ni Seraphim sa kanyang panahon. Sa murang edad, naranasan na niya ang kalupitan ng mundo. Hindi naramdaman ang pagmamahal ng mga magulang at pisikal na sinasaktan ng mga nag-aalaga sa kanila sa ampunan. Hindi ko napigilan ang aking sarili na humigpit ang hawak ko sa kopita.

“Ang bata pa niya noong mga panahong iyon. Hindi niya dapat naranasan iyon.”

Noon, iniisip kong napakalupit na ng dinanas ko sa buhay dahil sa sunod-sunod na trahedyang dumating. Pero hindi ko inaasahan na mas naging malupit ang buhay para kay Seraphim. Ang taong akala ko’y masayahing tao ay tinatago lamang pala sa mga ngiti ang lungkot at sakit na dinanas. Na inakala kong taong sunod sa layaw ay kahit kailanman ay hindi naranasan makuha ang ninanais sa buhay. Masyado kong minaliit ang pagkatao ni Seraphim na t
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status