Share

Una Vez en Diciembre
Una Vez en Diciembre
Penulis: LightStarBlue

Prologo

Penulis: LightStarBlue
last update Terakhir Diperbarui: 2022-04-22 18:58:22

Prologo

"MASAYA ako dahil maayos na ang iyong lagay ngayon, Victoria."

Nginitian ko si Keira bago ihiga sa kuna ang aking unica hija katabi ang anak niyang lalaki. Tatlong buwan na ang nakalipas nang ako'y magising sa pagka-coma. Maayos na ang lahat. Wala ng nagbabanta sa buhay ko dahil matagal nang pumanaw si Mira. Nitong mga nakaraang buwan, sa San Pablo ako nagpagaling at nakabalik na ako kahapon dito sa Palacio ng Malacañang. Tahimik na ang buhay namin. Walang gulo sa ngayon at nasisiguro kong hindi na ako malalayo sa pamilya ko. Umupo ako sa tabi ni Keira. "Buti't ika'y nakapunta rito, Keira. Ang sabi kasi ng iyong sekretarya ay may mahalaga ka raw na pupunta ngayon kaya baka hindi ka makapunta rito."

"Siyempre malakas ka sa akin kaya mas pipiliin kong puntahan ka kaysa sa seminar na 'yon. May importante ka raw na sasabihin sa akin. What is it?"

Hinubad ko ang suot kong kuwintas at binigay ko kay Keira. Pagtataka ang gumuhit sa mukha niya. "Nais kong itabi na ang aking kuwintas. Ilagay sa iisang lugar na tiyak na maayos ang lagay nito."

"Bakit? Hindi ka ba nangangamba na baka makabalik ka sa pinaggalingan mong panahon?"

Umiling ako. Kahit kailan ay hindi na ako makakabalik pa sa panahon kung saan ako lumaki at nagkaisip. May isa tao mang nalulungkot ngayon dahil sa pagkawala ko roon, natitiyak kong naiintindihan niya kung bakit ako narito. "Alam kong hindi na ako makakabalik pa roon. Habang-buhay na akong nasa tabi ng pamilya ko." Sandali kong tiningnan ang aking unica hija.

"Are you sure in your decision?"

"Oo. Maayos na ang buhay natin, Keira. Kasama mo na ang lalaking mahal mo, ganoon din ako. Pareho na rin tayong masaya. Hindi na tayo malalayo pa sa kanila. Hindi rin hahayaan ni Glenda na mangyari iyon. Pareho nating hindi na magagamit pang muli ang ating mga kuwintas, ganoon din ang kay Celestine. Pawang mga sira na."

Binigay sa akin ni Keira ang kuwintas ko. "Pero ang sa iyo ay hindi."

Pinagmasdan ko ang pendant ng kuwintas ko. "Hindi na para sa akin ang kuwintas na ito." Iyon ang nararamdaman ko. Simula nang bumalik ako rito, alam kong hindi na ako ang nagmamay-ari ng kuwintas na ito. Umangat ang tingin ko. "Napag-usapan namin ni Alejandro na gawing isang family museum ang ancestral house sa San Pablo. Kasama ang kuwintas na ito sa mga idi-display roon. Binigay sa akin ni Tita Lannie ang kuwintas ni Celestine. Nais niyang isama iyon doon. Sa tingin ko'y may kutob siya na may alam ako sa kung anong misteryo ang kuwintas ni Celestine at sigurado raw siyang iingatan ko iyon." Umayos ako ng upo at inabot ko ang kamay ni Keira. "Kaya kita pinapunta rito, gusto kong manghingi ng tulong sa iyo tungkol sa plano naming family museum. Marami kang alam sa mga ganitong bagay at mas palagay ang loob ko kung ikaw ang kasama ko sa pag-aasikaso nito. Pareho nating alam kung ano ang kwentong mayroon sa Pamilya Saenz."

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. Mayamaya'y tinapik niya ang aking kamay. Tila may bumabagabag sa kaniyang isipan. Pagkaraan ay huminga siya ng malalim.

"Matutulungan mo ba-" Naputol ang sasabihin ko nang hinubad ni Keira ang suot niyang kuwintas at binigay niya ito sa akin. "Keira..."

"Sa tingin ko oras na para magpahinga na rin ang kuwintas ko." Matipid siyang ngumiti sa akin. "Kasama ko na si Gabriel at tiyak na hindi niya kami iiwanan. Time na rin siguro na magsama-sama na ang tatlong kuwintas, 'di ba?"

Napangiti ako sabay tango. "Masaya na tayo at siguro'y sa langit ay masaya na rin si Celestine dahil kasama na niya ang binatang iniibig niya."

"Tama ka. Lahat tayo ay masaya na." Napatingin si Keira sa dalawang sanggol na mahimbing na natutulog. "We're okay now and everything is fine. Tanging si Tita Glenda na lang ang nakakaalam sa susunod na mangyayari."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Una Vez en Diciembre   Capitulo Veinte-Tres

    Capitulo Veinte-Tres"SERAPHIM?"Tulala lang ako sa kawalan. Hindi ako nagsasalita kahit pa ilang beses na akong niyugyog ni Manuel."Seraphim, anong nangyayari sa iyo?" bakas sa boses ni Manuel ang labis na pag-aalala.Dahan-dahan kong hinawakan ang labi ko at nilingon ko siya. Hinayaan kong nakawin ng lalaking ito ang first kiss ko! Tumili ako. Kaagad na tinakpan ni Manuel ang bibig ko na naging dahilan kung bakit nawalan ako ng balance kaya pareho kaming natumba. Naitungkod niya ang kanyang braso kaya hindi siya nasubsob sa akin. Pero hindi nakatulong iyon dahil ang lapit pa rin ng mukha niya sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong titigan ang mukha niya. Bakit ba kasi ang gwapo ng lalaking ito?Iba’t ibang emosyon ang nakikita kong dumadaan sa mga mata ni Manuel. Nahihirapan akong alamin kung ano bang nasa isipan niya ngayon. "Binibini, ako'y humihingi ng paumanhin sa aking ginawa at gagawin." Sa ikalawang pagkakataon, muli niya akong hinalikan sa labi. Heto naman ako, h

  • Una Vez en Diciembre   Capitulo Veinte-Dos

    Capitulo Veinte-DosNAKATUON ang atensyon ko sa San Pablo lake habang si Manuel ay abala sa pagbabasa ng libro. Nakaupo kaming dalawa sa inilatag ni Manuel na kumot. Wala akong naririnig na ingay bukod sa nature sounds at talaga namang nakakakalma ng isipan. Hindi ko inaakala na may mas tatahimik pa bukod sa Saenz Mansion. Kaninang umaga ay niyaya ako ni Manuel na pumunta rito para raw makita ko ang ibang part ng San Pablo at makapasyal na rin. Sobrang saya ko dahil sa wakas naigala na rin ako ng matandang ito. Fifteen minutes away sa Hacienda Saenz ang San Pablo lake. Nilakad lang naming dalawa ang pagpunta rito. Huminga ako ng malalim bago umayos ng upo. "Alam mo? Dito lang ako muling nakaranas ng peace of mind."“Pis op maynd?”“Peace of mind ay napayapa ang isipan ng isang tao. Isa iyon sa mga magagandang bagay na gustong-gusto maranasan ng isang tao.”Marahang tumango si Manuel. "Bakit mo naman nasabi na rito ka lang nakaranas ng sinasabi mong pis op maynd? Hindi ka ba nakaranas

  • Una Vez en Diciembre   Capitulo Veinte-Uno

    Capitulo Veinte-UnoNAKATUON ang atensyon ko kay Seraphim na abalang kumakain ng bibingka na binili ko kanina sa pamilihan. Mukhang nagustuhan niya ang pagkain dahil tila ba’y may sarili na siyang mundo ngayon.“Da best itong bibingkang binili mo, Manuel. Ang sarap!” Sumubo ulit si Seraphim. Hindi ko napigilan ang aking sarili na sumalumbaba dahil labis akong natutuwa sa aking nakikita. “Malasang-malasa at halatang hindi tinipid sa rekados. Worth it ang pagbili mo. Hindi tulad kay Aling Lumeng. Nakow! Tinipid na nga ang sangkap, ang liit pa ng bawat hiwang binebenta. Itong ganito kalaking bibingka.” Tinuro niya ang isang subong hiwa ng bibingka. “Sampung piso na ito sa kanya. Partida, ang tabang pa. Ang mahal ng benta pero hindi naman masarap.” Lumingon siya sa akin at nawala ang ngiti sa mga labi. “Alam mo bang tinataboy mo ang biyaya ni Lord dahil sa pagsalumbaba mo. Umayos ka nga ng upo.”Kaagad kong sinunod ang utos ni Seraphim. Kahit papaano ay naiintindihan ko na ang ibang salit

  • Una Vez en Diciembre   Capitulo Veinte

    Capitulo VeinteINAMOY ko ang bungkos ng bulaklak na hawak-hawak ko. Napag-isipan ko na pumitas ng mga bulaklak para ilagay sa flower vase na nasa opisina ni Manuel. Para sa akin makakatulong sa kanya na may fresh flowers sa office niya para hindi siya masyadong ma-stress sa trabaho. Sinabihan naman ako ni Manuel na pwede akong pumitas ng bulaklak sa garden ng ate niya kaya hindi ako nag-alinlangang pumitas doon.Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ko si Manuel na lumabas sa opisina niya. Pero kaagad ding nabura iyon nang lumabas din si señorita Realonzo. Masaya silang nag-uusap at ang sweet nilang tingnan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bungkos ng bulaklak na dahilan kung bakit may mga talulot na nahulog sa sahig. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon. Hindi ako natutuwang magkasama silang dalawa ngayon.Kaagad akong tumalikod sa kanila. Mamaya na lang siguro ako pupunta sa opisina ni Manuel kapag alam kong hindi ko sila makikita."Señorita Santiago!"Mariin ak

  • Una Vez en Diciembre   Capitulo Diecinueve

    Capitulo Diecinueve NAHINTO ako sa pagpupunas ng coffee table nang makita ko si Manuel na nagmamadaling bumaba ng hagadan. Ako naman dahil dakilang chikadora, sumunod ako sa kanya. Bigla pa namang sumulpot na parang nakakita ng multo. Dumeretso si Manuel sa kusina. Parang may hinahanap siya. Mayamaya ay niya ang pitsel na naglalaman ng tubig at nagsalin sa baso para uminom. Sunod-sunod ang pag-inom niya ng tubig. Lumapit ako sa kanya. "Ayos ka lang ba?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong sa kanya. Mukha kasing hindi siya okay. Lumingon si Manuel sa akin at walang sabi-sabing niyakap niya ako ng mahigpit na parang mawawala ako sa mundo. Heto na naman ulit ang eratikong pagtibok ng puso ko na palagi kong nararamdaman sa tuwing kasama ko siya. Marahan kong tinapik ang likod niya. Binalewala ko ang pagtambol ng puso ko dahil mukhang kailangan ni Manuel ngayon ng comfort mula sa akin. "Nakatulog ka ba tapos ang pangit ng panaginip mo?" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nagpa

  • Una Vez en Diciembre   Capitulo Dieciocho

    Capitulo Dieciocho “MANUEL, mi hijo! Anong ginagawa mo riyan? Tulungan mo ako rito dahil natitiyak kong paparating na ang iyong mga kapatid galing sa Maynila.” Huminto ako sa pagbabasa at nagmadali akong pumunta sa kusina. Abala si Mama sa pagluluto ng mga paboritong putahe nina Kuya Matias at Ate Victoria. Gusto kasi ni Mama na ito ang magluto dahil sabik na raw ang aking mga kapatid sa luto nito. “Ano pong maitutulong ko?” “Ayusin mo na ang mesa sa komedor. Lagyan mo na ng mga pinggan, baso, at kubyertos upang maayos na ang lahat.” Kaagad kong sinunod ang utos ni Mama dahil maski ako ay sabik na ring makita ang aking mga nakakatandang kapatid. Matagal na rin ang huling pagkikita namin. Pinili kong ilagay sa mesa ang mga mamahaling kubyertos, pinggan, at baso na kalimitang ginagamit sa tuwing may mahalagang bisitang dumarating sa amin. Iyon kasi ang nais ipagamit ni Mama kapag uuwi ang aking mga kapatid galing Maynila o sa ibang bansa. Lumabas ng kusina si Mama. “Victoriano, nasa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status