Capitulo Dos
“NASA loob na ako ng bahay, Tony.” Dahan-dahan kong sinara ang pintuan sa backdoor ng bahay. Isang ancestral house ang nanakawan namin ngayong gabi. Walang tao rito ngayon according kay Tony. Inilawan ko paligid ko gamit ang flashlight ng made in China kong cellphone na anytime nasa-shutdown. Kasalanan ni Tony kung bakit nagloloko ito. Naglalaro kasi siya ng Mobile Legends sa cellphone ko tapos bigla niya itong nabagsak sa sobrang inis dahil natalo siya. Alam na nga’ng pipitsugi ang cellphone, hindi pa iningatan ng mabuti. Kainis lang!
Nilibot ko ang paningin ko. In fairness, kahit luma na ang bahay mukha pa ring bago. Umakyat ako para makapunta na ako sa sala. May nakita akong tatlong glass box sa gitna ng sala. Bawat glass box may laman na isang kuwintas.
“Tony, may mga antique na necklace dito. Hindi ba natin ito kukunin? Malaki ang kikitain natin kapag binenta natin ito sa mga collector or sa mga auction.”
“Anong antique na necklace? Wala naman akong nakitang ganyan kanina noong pumunta ako d’yan.”
Inayos ko ang suot kong itim na bonnet para makahinga ako ng maayos. “Okay. Saan ako pupunta?”
“May parang hallway d’yan, punta ka roon.”
“Okay.” Pinuntahan ko kaagad ang hallway na sinasabi ni Tony. “May apat na pintuan dito, alin ang papasukan kong kwarto?”
“Unahin mong pasukin ‘yong kwarto na ang pintuan ay may design na flowers. Sure akong maraming jewelries d’yan dahil room ‘yan ng isang babae.”
“Copy.” Lumapit ako sa pintuang sinasabi ni Tony. Pinihit ko ang doorknob. Naka-lock. Kinuha ko ang paper pin at inayos iyon ng kaunti bago isinuksok sa keyhole ng doorknob.
Click
Napangisi ako. The best talaga ang paper pin para pambukas ng doorknob! Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan para hindi ako makagawa ng ingay. Aware kasi ako na kapag lumang pintuan, maingay kapag binubukas. “Wow!” Parang pumasok ako sa kwarto ni Maria Clara. Bed na may four post at curtains na hindi ko maalala kung anong tawag sa ganitong klaseng kama. Sa bintana, may coffee table at nakapatong dito ang isang glass box. Siguro may important na ilalagay doon. Vanity mirror table at upuan na ang design ay carved flowers. Study table na may nakapatong na lampara at old books. Cabinet na may full length mirror. “Sosyal! Bongga ang ganda ng kwarto!”
“Sabi sa iyo eh. Ang ganda talaga d’yan.”
Lumapit ako sa vanity mirror at tinutok ko ang flash ng cellphone ko. Hinubad ko ang suot kong bonnet para makita ko ang mukha ko. “Shucks! Ang ganda ko talaga!”
“Kapal ah! Bakla, umayos ka nga d’yan. Kaloka ‘to. Hinubad pa ang bonnet. Suotin mo na ulit ‘yan.”
Hindi ko sinunod ang sinabi ni Tony. Isa-isa kong binuksan ang drawer ng vanity mirror table. May mga laman itong karayom, sinulid, ribbons, ipit sa buhok at hairbrush. May mga lumang notebook. Hindi na ako nagtangkang hawakan ito dahil baka mapunit o maabo pa ito. Sayang naman ang memories na nakasulat at effort ng nagsulat. “Wala namang jewelries o jewelry box dito, Tony.”
“Mayroon ‘yan. Tingnan mong mabuti.”
Tinanggal ko ang laman ng drawer hanggang sa may nakita akong isang golden necklace. Kumunot ang noo ko. Kinuha ko ang necklace. “Nakita ko na ito kanina. Paano ito napunta rito?”
“Ang alin?”
Hindi ko sinagot ang tanong ni Tony. Pinatong ko sa vanity mirror table ang cellphone ko para makita kong mabuti ang design ng necklace. May pendant ito na star. Nagsa-shine kapag tinatamaan ng liwanag dahil sa diamond nito. “Ang ganda.”
“Ang ano?”
Para talaga siyang star. Sinuot ko ang necklace. Bumagay ito sa suot kong black turtleneck shirt. “Wow!” Ang ganda talaga ng kuwintas. Feeling ko meant to be kami nito. Charot!
“Seraphim!”
“Bakit?” Patuloy lang ako sa pagtingin sa sarili ko sa salamin. Parang na-hook ako sa kuwintas na ito. Hinaplos ko ang pendant.
“Bakla! Sa maling bahay ka pumasok!”
Bigla akong kumurap dahil sa sinabi ni Tony. Kinuha ko ang cellphone ko. “Ano?”
“Hindi ‘yan ang bahay na nanakawan natin. Ancestral house ‘yan ng family ni President Navarroza!”
“Gaga ka talaga, Tony!” Nagmadali akong sinuot ang bonnet ko. Kahit kailan talaga palpak si Tony! Hindi matatapos ang trabaho na hindi papalpak ang babaitang ito! “Bakit kasi hindi mo ch-in-eck ng mabuti kung kaninong bahay ito? Kaloka ka!”
“Tumalon ka sa bintana. Papunta na d’yan ang nagbabantay sa bahay.”
“Lagot ka sa akin kapag nakulong ako!” Tumakbo ako papunta sa bintana. Muntik ko pang masagi ang glass box. “Tony, may railings ang bintana.”
“Anong sabi mo? Choppy ka!”
“Ang sabi ko may railings ang bintana. Paano ako tatalon n’yan?” Nagpa-panic na ako dahil ilang beses ng pinipihit ang doorknob. “Tony! Ano ba?”
“Walang… rai… Tumalon ka—”
“Tony, choppy ka!” Mariin akong napapikit nang dahan-dahang binubuksan ang pintuan. “Sana makaalis na ako rito. Ilayo na Ninyo po ako Lord sa paghihirap na ito. Ayoko na pong mamuhay ng ganito. Promise, hindi na po ako magnanakaw.” Dahan-dahan akong dumilat nang hindi ko na maramdaman ang presence ng tao roon sa pintuan. “Hello, Tony?” Walang sumagot kaya tiningnan ko ang cellphone ko. Alas doce na at first day of December na. Kumunot ang noo ko. Walang signal. “Bakit nawalan ng signal, eh, 4G pa ito kanina?” Nanlaki ang mata ko dahil wala na sa harapan ko ang coffee table at glass box. Wala na rin ang railings ng bintana. “A-Anong nangyari?” Napahakbang ako patalikod sabay ng pag-headlock sa akin mula sa likuran ko.
“Sino kang lanpastangan na pumasok sa silid na ito?”
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may nakatutok na dagger sa leeg ko. Langya! Plano pa yata akong patayin nito! “H-Hoy! Ibaba mo ‘yang hawak mo. Kapag nasugatan ako, malalagot ka sa akin.”
“Hindi ako madadala sa iyong pagbabanta.” Mas dumiin pa ang pagkaka-headlock sa akin ng lalaki. “Ngayon sabihin mo kung sino ka?”
Pinalo-palo ko ang braso niya. Nagalusan na ang kamay ko dahil sa dagger niya. “Langya ka! Nasugatan na ako!” Malakas ko siyang siniko at buong lakas na binalibag siya. Malakas na napadaing ang lalaki. Ako naman ay napahawak sa leeg at likod ko. “Buwisit ka! Ang sakit ng likod ko. Plano mo talaga akong pataying hudas ka!” Pumaibabaw ako sa kaniya at sunod-sunod na pinagpapalo. “Gusto mo bang kasuhan kitang lalaki ka? Attempted murder ‘yon ah!”
“Aray! Hoy—ano ba!” Sa isang iglap ay siya na ang nasa ibabaw ko at hinawakan ang mga kamay ko para pigilan ako. Walang sabi-sabing hinubad niya ang bonnet ko. Langya! Nalintikan na. Nakita na ang mukha ko. “Babae ka?”
“Ang bigat mo!” Malakas ko siyang tinulak kaya natumba siya sa tabi ko. “Anong tingin mo sa akin, lalaki? Sampalin kaya kita d’yan ng birth certificate ko para i-prove sa iyo na babae ako.” Nang kukunin ko na ang bonnet at cellphone ko bigla akong inunahan ng lalaki. Langya! Ipapakulong talaga ako ng hudas na ito. “Akin na ang cellphone ko!” Hindi ako pinansin ng lalaki at parang sinusuri niya ang cellphone ko sa way ng pagtingin niya rito. “K-Kung type mo ang cellphone ko, bili ka na lang ng sa iyo. Hindi ako rich kid para ipamigay lang ang pipitsugi kong made in China phone.”
“Anong klaseng bagay ito?” Sumigaw siya nang biglang umilaw ang cellphone ko dahil napindot niya ang on button. Nabato tuloy niya ang phone ko. Buti na lang nasalo ko.
“Gago ka ba? Sinabing pipitsuging made in China ang cellphone ko talagang binato mo pa! Okay ka lang CP? May masakit ba sa iyo?” Hinaplos-haplos ko pa ang cellphone. Pinindot ko ang dot password nito. Buhay pa siya! “Hallelujah!”
“S-Sino kang tao ka? Sino ang nagpasugo sa iyo rito upang magpanggap na lalaki?”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Sa katawan kong ito, mukha ba talaga akong lalaki sa paningin mo? Porke’t may pagka-flat chested ako, lalaki na kaagad? Nakaka-offend ka, alam mo ba ‘yon?”
Kumunot-noo siya. “Hindi kita maintindihan. Ano bang pinagsasabi mo?”
Pinagmasdan ko ang paligid ko. Wala na talaga ang florescent light sa kisame, ang coffee table na may glass box at railings sa bintana. “P’re, paano nawala ang ilaw, coffee table at railings ng bintana rito? Anong technology mayroon kayo? Beke nemen pwedeng i-share mo because sharing is caring.”
Lalong kumunot ang noo niya na parang na-elyen sa sinabi ko. Abnormal yata ang taong ito. Lumapit ako sa kaniya at inakbayan siya. Base sa ekspresyon ng mukha niya, napakalaking kasalanan na akbayan siya. “B-Binibini—”
Nagtangka siya na tanggalin ang braso kaya mas lumapit ako sa kaniya at humigpit ang pagkakaakbay ko. “Ganito kasi ‘yan, bro. Hindi ko naman sinasadya na pumunta sa bahay na ‘to. Akala ko kasi bahay ito ng friend ko and I’m planning to surprise her. Kaso maling bahay pala ang napasukan ko. Niligaw ako ni Waze kaya ‘yon, napunta ako rine.”
“Binibini sanda—”
“Beke nemen, bro, pag-usapan natin ito. Huwag mo naman akong ipakulong. Aware naman tayo na uso ngayon ang mang-prank. Kaya ganito ang suot ko dahil ipa-prank ko siya. Magpapanggap akong magnanakaw tapos ayon—”
“Nais mong nakawan ang bahay na ito?” Halos pasigaw niyang sabi.
“Sabi ko ipa-prank ko ang friend ko, hindi nanakawan. Kunwari lang na magnanakaw ako tapos sisigaw ako ng, ‘Surprise! Beshie, I’m here!’” Ngumiti ako ng pagkalaki-laki na kulang na lang talunin ko ang mga multo grabe ngumiti kapag nananakot. Shemay ka, Tony! Kapag nakaalis na ako rito, ililibing kita ng buhay. Ayoko sa lahat ay ang mag-alibi kapag malapit na akong mabuking. “Gets mo ba, p’re?” Parang sa sinabi ko, lalo siyang nalito. Hinawakan ko ang mukha niya. “P’re, okay ka lang?” Hindi sumagot ang lalaki at nakatingin lang siya sa akin. Base sa facial expression niya, isang moral sin ang paghawak at paglapit ko sa mukha niya. “Hala naalog ba utak mo noong binalibag kita?” Walang sabi-sabi na inalog ko siya. “Hoy, umayos ka! Ayusin mo ang life decision mo, oy!”
“Ano ba?” Kumawala siya sa akin.
“Teka baka hindi pa align ang utak mo. Aalugin pa kita.” Nagmadaling lumayo sa akin ang lalaki at parang takot na takot siya sa akin. “Arte mo. Umayos ka nga. Parang kakainin kita sa inaakto mo.”
“I-Ikaw ang umayos! Umakto kang isang binibini hindi ‘yong parang taklesa ka kung kumilos.”
“Hala siya. Taklesa kaagad? Hindi ba pwedeng normal lang sa babae na ganito kumilos? Ikaw judgemental ka ah. Huwag ganoon. Sabi nga ni Bossing Vic Sotto, bawal ang judgemental. Echosera ‘to.” Inirapan ko siya bago tumayo. Naglakad ako papunta sa pintuan. Kumunot ang noo ko dahil wala akong makita na doorknob. Nilingon ko ang new found pare ko na kakatayo lang. “Astig naman ng technology na mayroon ang ancestral house ni President Navarroza. Paano nawala ang doorknob dine?”
“Dornab?” Naguguluhang tanong niya.
“Doorknob, seradura. ‘Yong lock ng pintuan.” Naguguluhan pa rin ang mukha niya. “Hay! Ewan ko sa iyo. Ang ganda mo kausap. Makaalis na nga.” Binuksan ko ang pintuan. Bigla akong hinila ng lalaki bago pa ako tuluyang makalabas ng kwarto. “Kuya! ‘Wag po!” Niyakap ko ang sarili ko. “I’m innocent. Please spare me. I don’t want to go to jail.”
“Ano bang pinagsasabi mo? Sumasakit na ang aking ulo sa kakaintindi ng iyong mga sinambit na hindi ko mawari kung saan mo nakuha.”
Napakamot naman ako sa ulo. “Pare, imposibleng hindi mo maintindihan ang sinabi ko. Grade 1 nga naiintindihan ‘yon. Ikaw pa kayang mukhang nakapag-Masteral Degree.”
Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa at agad ding umiwas sa akin. “Saan ka ba galing at sobrang hapit ng iyong kasuotan? Balot man ng tela ang iyong katawan ngunit hapit na hapit naman ito sa iyo.”
“Sa outer space. Bandang planetang Mars kung saan nakatira si E.T at Kokey.” Bigla akong napaisip. Taga Mars ba talaga sila? Ma-search na nga lang mamaya sa internet.
Kumunot ang noo niya. “Ano?”
“Sa Mars. Hindi mo kilala si E.T at Kokey?”
“Hindi?”
“Hala! Taga-Earth ka ba? Mamaya ikaw si E.T o Kokey. Alam mo na. Elyen ka tapos plano mo na sakupin ang mundo para sa mga kalahi mong elyen.” Hinawakan ko ang mukha niya. “Iyan naman ang totoong mukha mo, ‘di ba? Kasi kung hindi ‘yan ang totoo mong mukha, ay lumayas ka na. Sa kalahi lang ni Matteo Do ng My Love From Star lang ako magpapasakop.”
Marahas niyang tinanggal ang kamay ko sa mukha niya. “Pinagloloko mo ba ako, binibini?”
“Sungit mo naman.” Pikon naman si Pare. Naglakad na ako palabas ng kwarto. Dama kong nakasunod sa akin ang masungit kong new kaibigan. Napahinto ako sa paglalakad nang maalala ko ang suot kong kuwintas. Humarap ako sa kaniya. “Ay oo nga pala. Ibabalik ko na ang necklace ng—” Sinalat ko kaagad ang leeg ko. Wala akong makapang kuwintas. Lagot!
Capitulo Veinte-Tres"SERAPHIM?"Tulala lang ako sa kawalan. Hindi ako nagsasalita kahit pa ilang beses na akong niyugyog ni Manuel."Seraphim, anong nangyayari sa iyo?" bakas sa boses ni Manuel ang labis na pag-aalala.Dahan-dahan kong hinawakan ang labi ko at nilingon ko siya. Hinayaan kong nakawin ng lalaking ito ang first kiss ko! Tumili ako. Kaagad na tinakpan ni Manuel ang bibig ko na naging dahilan kung bakit nawalan ako ng balance kaya pareho kaming natumba. Naitungkod niya ang kanyang braso kaya hindi siya nasubsob sa akin. Pero hindi nakatulong iyon dahil ang lapit pa rin ng mukha niya sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong titigan ang mukha niya. Bakit ba kasi ang gwapo ng lalaking ito?Iba’t ibang emosyon ang nakikita kong dumadaan sa mga mata ni Manuel. Nahihirapan akong alamin kung ano bang nasa isipan niya ngayon. "Binibini, ako'y humihingi ng paumanhin sa aking ginawa at gagawin." Sa ikalawang pagkakataon, muli niya akong hinalikan sa labi. Heto naman ako, h
Capitulo Veinte-DosNAKATUON ang atensyon ko sa San Pablo lake habang si Manuel ay abala sa pagbabasa ng libro. Nakaupo kaming dalawa sa inilatag ni Manuel na kumot. Wala akong naririnig na ingay bukod sa nature sounds at talaga namang nakakakalma ng isipan. Hindi ko inaakala na may mas tatahimik pa bukod sa Saenz Mansion. Kaninang umaga ay niyaya ako ni Manuel na pumunta rito para raw makita ko ang ibang part ng San Pablo at makapasyal na rin. Sobrang saya ko dahil sa wakas naigala na rin ako ng matandang ito. Fifteen minutes away sa Hacienda Saenz ang San Pablo lake. Nilakad lang naming dalawa ang pagpunta rito. Huminga ako ng malalim bago umayos ng upo. "Alam mo? Dito lang ako muling nakaranas ng peace of mind."“Pis op maynd?”“Peace of mind ay napayapa ang isipan ng isang tao. Isa iyon sa mga magagandang bagay na gustong-gusto maranasan ng isang tao.”Marahang tumango si Manuel. "Bakit mo naman nasabi na rito ka lang nakaranas ng sinasabi mong pis op maynd? Hindi ka ba nakaranas
Capitulo Veinte-UnoNAKATUON ang atensyon ko kay Seraphim na abalang kumakain ng bibingka na binili ko kanina sa pamilihan. Mukhang nagustuhan niya ang pagkain dahil tila ba’y may sarili na siyang mundo ngayon.“Da best itong bibingkang binili mo, Manuel. Ang sarap!” Sumubo ulit si Seraphim. Hindi ko napigilan ang aking sarili na sumalumbaba dahil labis akong natutuwa sa aking nakikita. “Malasang-malasa at halatang hindi tinipid sa rekados. Worth it ang pagbili mo. Hindi tulad kay Aling Lumeng. Nakow! Tinipid na nga ang sangkap, ang liit pa ng bawat hiwang binebenta. Itong ganito kalaking bibingka.” Tinuro niya ang isang subong hiwa ng bibingka. “Sampung piso na ito sa kanya. Partida, ang tabang pa. Ang mahal ng benta pero hindi naman masarap.” Lumingon siya sa akin at nawala ang ngiti sa mga labi. “Alam mo bang tinataboy mo ang biyaya ni Lord dahil sa pagsalumbaba mo. Umayos ka nga ng upo.”Kaagad kong sinunod ang utos ni Seraphim. Kahit papaano ay naiintindihan ko na ang ibang salit
Capitulo VeinteINAMOY ko ang bungkos ng bulaklak na hawak-hawak ko. Napag-isipan ko na pumitas ng mga bulaklak para ilagay sa flower vase na nasa opisina ni Manuel. Para sa akin makakatulong sa kanya na may fresh flowers sa office niya para hindi siya masyadong ma-stress sa trabaho. Sinabihan naman ako ni Manuel na pwede akong pumitas ng bulaklak sa garden ng ate niya kaya hindi ako nag-alinlangang pumitas doon.Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ko si Manuel na lumabas sa opisina niya. Pero kaagad ding nabura iyon nang lumabas din si señorita Realonzo. Masaya silang nag-uusap at ang sweet nilang tingnan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bungkos ng bulaklak na dahilan kung bakit may mga talulot na nahulog sa sahig. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon. Hindi ako natutuwang magkasama silang dalawa ngayon.Kaagad akong tumalikod sa kanila. Mamaya na lang siguro ako pupunta sa opisina ni Manuel kapag alam kong hindi ko sila makikita."Señorita Santiago!"Mariin ak
Capitulo Diecinueve NAHINTO ako sa pagpupunas ng coffee table nang makita ko si Manuel na nagmamadaling bumaba ng hagadan. Ako naman dahil dakilang chikadora, sumunod ako sa kanya. Bigla pa namang sumulpot na parang nakakita ng multo. Dumeretso si Manuel sa kusina. Parang may hinahanap siya. Mayamaya ay niya ang pitsel na naglalaman ng tubig at nagsalin sa baso para uminom. Sunod-sunod ang pag-inom niya ng tubig. Lumapit ako sa kanya. "Ayos ka lang ba?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong sa kanya. Mukha kasing hindi siya okay. Lumingon si Manuel sa akin at walang sabi-sabing niyakap niya ako ng mahigpit na parang mawawala ako sa mundo. Heto na naman ulit ang eratikong pagtibok ng puso ko na palagi kong nararamdaman sa tuwing kasama ko siya. Marahan kong tinapik ang likod niya. Binalewala ko ang pagtambol ng puso ko dahil mukhang kailangan ni Manuel ngayon ng comfort mula sa akin. "Nakatulog ka ba tapos ang pangit ng panaginip mo?" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nagpa
Capitulo Dieciocho “MANUEL, mi hijo! Anong ginagawa mo riyan? Tulungan mo ako rito dahil natitiyak kong paparating na ang iyong mga kapatid galing sa Maynila.” Huminto ako sa pagbabasa at nagmadali akong pumunta sa kusina. Abala si Mama sa pagluluto ng mga paboritong putahe nina Kuya Matias at Ate Victoria. Gusto kasi ni Mama na ito ang magluto dahil sabik na raw ang aking mga kapatid sa luto nito. “Ano pong maitutulong ko?” “Ayusin mo na ang mesa sa komedor. Lagyan mo na ng mga pinggan, baso, at kubyertos upang maayos na ang lahat.” Kaagad kong sinunod ang utos ni Mama dahil maski ako ay sabik na ring makita ang aking mga nakakatandang kapatid. Matagal na rin ang huling pagkikita namin. Pinili kong ilagay sa mesa ang mga mamahaling kubyertos, pinggan, at baso na kalimitang ginagamit sa tuwing may mahalagang bisitang dumarating sa amin. Iyon kasi ang nais ipagamit ni Mama kapag uuwi ang aking mga kapatid galing Maynila o sa ibang bansa. Lumabas ng kusina si Mama. “Victoriano, nasa
Capitulo DiecisieteHUMINTO ako sa pagbuburda dahil dama kong nakatingin sa akin ngayon si Manuel. Umangat ako ng tingin para masiguro kong tama ang aking hinala. Nahuli kong nakatitig nga si Manuel sa akin pero kaagad niyang binaling ang tingin sa diyaryong hawak. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinititigan na para namang may ginawa akong napakalaking kasalanan sa mundo.Wala ba itong trabaho ngayon kaya rito tumatambay ang lalaking ito?Binalik ko ang aking atensyon sa binuburda ko. Muli ko na namang naramdaman ang titig niya kaya kaagad akong tumingin sa kanya. Katulad ng ginawa ni Manuel kanina ay binaling niya ang tingin sa diyaryo. Huminga ako ng malalim. "May problema ba tayo, Manuel?""Wala naman. Ano naman ang magiging problema nating dalawa?" Nasa diyaryo pa rin ang tingin ni Manuel. Naisip ko lang. Naiintindihan pa ba niya ang binabasa niya?"Ewan ko. Napansin kong kanina mo pa ako tinititigan." Nagpatuloy na ako sa ginagawa ko. "Hindi ko alam kung bakit panay ang tingin
Capitulo 16NAG-INAT ako ng katawan bago lumabas ng kwarto ko. Medyo tinanghali ako ng gising dahil alas dose na rin kaming nakauwi ni Manuel galing sa Manila. Hindi na nga kami nakapaghapunan dahil pareho kaming pagod. Hindi ko nga lang alam kung anong oras nakatulog si Manuel dahil bago ako pumasok ng kwarto ay abala pa siya sa pag-aayos ng mga pinamili niya. Baka nga tulog pa ‘yon ngayon.Dumeretso ako sa kusina para magluto ng almusal or brunch namin ni Manuel. Ipinusod ko ang aking buhok para naman hindi tumabing sa mukha ko habang nagluluto. Kumunot ang noo ko dahil sa nakita ko. Nagtataka ako kung bakit bukas ang backdoor sa kusina. Kumabog ang dibdib ko. Baka pinasukan na kami ng magnanakaw at hindi namin naramdaman na may ibang tao na pala rito dahil sa sobrang lalim ng tulog.Bumalik ako sa sala. Mukhang wala namang pinakialam doon. Sunod ko namang pinuntahan ang library at opisina ni Manuel. Wala ring bakas na pinasukan ito ng magnanakaw. Ang huli kong pinuntahan ay ang kwa
Capitulo Quince“AALIS na talaga tayo?”“Oo dahil marami pa akong trabahong naiwan sa hacienda. May inasikaso lamang ako sa ibang negosyo namin dito kaya tayo pumunta rito.” Isa-isa kong sinuri kung dala-dala ba namin ang mga gamit namin pati na rin ang ilang damit na binili ko para kay Seraphim. Hindi naman sa lahat ng oras ay gamitin niya ang kasuotan ni Ate Victoria. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na binilhan ko siya ng damit. Saka na lamang kapag nakauwi na kami. Nasa estasyon kami ng tren papunta sa San Pablo. Hindi ganoon karami ang tao ngayon dahil na rin siguro sa oras ng siesta. Tulog ang karamihan ng tao sa mga oras na ito.“Ganoon?” bakas ang lungkot sa boses ni Seraphim. Marahil ay nabitin ito sa pamamalagi namin dito sa Intramuros. Maski ako ay nabitin din dahil labis akong nasiyahan na maglibot dito na kasama si Seraphim. Ngunit hindi maaaring tumagal kami rito dahil marami pa akong gagawin sa hacienda.“Ayos na ang lahat.” Humarap ako kay Seraphim. Wala sa akin ang aten