Capitulo Doce"SERAPHIM,"Huminto ako sa pagtatahi. Napag-isipan ko kanina na pagkialaman ang drawer dito sa sala. May nakita akong isang hindi tapos burdahin na tela at dahil sobra akong nababagot, tinuloy ko na lang. Tutal marunong naman ako magburda kaya nasunod ko ang embroidery style ng kung sino man ang nagtatahi nito. "Bakit?"Sandaling napatingin si Manuel sa ginagawa ko bago ibaling ulit sa akin ang tingin. Mukhang may pupuntahan siya base sa ayos ng damit niya. Kapag kasi ang ayos niya ay mala-Crisostomo Ibarra ang datingan, may mahalaga siyang pupuntahan. “Tayo’y pupunta ng Maynila. Naipaayos ko na sa kay Aling Martha ang iyong gagamiting mga damit kaya maaari na tayong umalis-”“Teka lang! Anong sabi mo? Pupunta tayo sa Maynila?”“Kakasabi ko lang, hindi ba?”“Bakit tayo pupunta roon? Sino si Aling Martha? Paano siya nakapasok dito ng hindi ko napapansin? Anong inayos niya?” Dalawang oras lang ang nakalipas noong pag-trip-an ako ni Manuel doon sa kusina dahil napagkamalan
Capitulo Trece NILIBOT ko ang paningin ko sa loob ng bahay na magsisilbing tirahan namin ni Manuel ng dalawang araw. Hinatid lang niya ako rito dahil may kailangan daw siyang asikasuhin kaagad. Walang katao-tao rito sa loob pero malinis ang mga gamit kaya sigurado akong may taong naglilinis dito once a week. Iniwan ko ang mga maleta namin para libutin ang bahay. Hindi ako sure kung ito ay nag-e-exist pa sa panahon ko. Pero ang astig lang kung sakaling nakatayo pa ito roon sa year 2020. Two-storery house, may limang kuwarto sa second floor at may dalawang kwarto rin sa main floor. Puwede na tirhan ito ng isang pamilya na may limang miyembro. “Bukod kaya sa bahay na ito at sa San Pablo, may iba pa kayang bahay si Manuel?” Bumalik na ako sa sala upang kunin ang maleta ni Manuel at ilalagay ko na ito sa Master’s bedroom. Nang maipasok ko na sa silid ang maleta ni Manuel, sa akin naman ang kinuha ko. Bahala na raw ako kung anong kuwarto ang gagamitin ko kaya ang pinili ko ang kuwartong k
Capitulo Catorce “IYAN naman ang Iglesia de San Pablo de Manila-” “Aaaah! ‘Yan ang San Agustin Church este Simbahan ng San Agustin Minus mo lang ‘yong tore sa gilid.” Tinuro ko ang tore na nakadikit sa gilid ng simbahan. “Bakit ganyan siya? May crack?” “Ang ibig mo bang sabihin ang bitak-bitak sa tore ng simbahan?” Kaagad akong tumango. “Nagkaroon ng ganyan sa tore dahil sa malakas na lindol, labing-apat na taon na ang nakakalipas.” “Hala, ‘di nga? Anong magnitude ng lindol?” Sinamaan ako ng tingin ni Manuel. “Okay, sorry na. Nawala sa isip ko na wala pang PHIVOLCS sa panahong ito.” “Ano? Piboks?” “Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Isa itong institusyon ng pamahalaan ng Pilipinas. Sila ang nakaatas na sumuri sa kilos at kalagayan ng mga bulkan, lindol, at tsunami rito sa Pilipinas. Ang PHIVOLCS ay nasa ilalim ng pamumuno ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya na ang tungkulin naman ay coordination about Science and technology. Alam mo ba na dati gusto kong makapag
Capitulo Quince“AALIS na talaga tayo?”“Oo dahil marami pa akong trabahong naiwan sa hacienda. May inasikaso lamang ako sa ibang negosyo namin dito kaya tayo pumunta rito.” Isa-isa kong sinuri kung dala-dala ba namin ang mga gamit namin pati na rin ang ilang damit na binili ko para kay Seraphim. Hindi naman sa lahat ng oras ay gamitin niya ang kasuotan ni Ate Victoria. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na binilhan ko siya ng damit. Saka na lamang kapag nakauwi na kami. Nasa estasyon kami ng tren papunta sa San Pablo. Hindi ganoon karami ang tao ngayon dahil na rin siguro sa oras ng siesta. Tulog ang karamihan ng tao sa mga oras na ito.“Ganoon?” bakas ang lungkot sa boses ni Seraphim. Marahil ay nabitin ito sa pamamalagi namin dito sa Intramuros. Maski ako ay nabitin din dahil labis akong nasiyahan na maglibot dito na kasama si Seraphim. Ngunit hindi maaaring tumagal kami rito dahil marami pa akong gagawin sa hacienda.“Ayos na ang lahat.” Humarap ako kay Seraphim. Wala sa akin ang aten
Capitulo 16NAG-INAT ako ng katawan bago lumabas ng kwarto ko. Medyo tinanghali ako ng gising dahil alas dose na rin kaming nakauwi ni Manuel galing sa Manila. Hindi na nga kami nakapaghapunan dahil pareho kaming pagod. Hindi ko nga lang alam kung anong oras nakatulog si Manuel dahil bago ako pumasok ng kwarto ay abala pa siya sa pag-aayos ng mga pinamili niya. Baka nga tulog pa ‘yon ngayon.Dumeretso ako sa kusina para magluto ng almusal or brunch namin ni Manuel. Ipinusod ko ang aking buhok para naman hindi tumabing sa mukha ko habang nagluluto. Kumunot ang noo ko dahil sa nakita ko. Nagtataka ako kung bakit bukas ang backdoor sa kusina. Kumabog ang dibdib ko. Baka pinasukan na kami ng magnanakaw at hindi namin naramdaman na may ibang tao na pala rito dahil sa sobrang lalim ng tulog.Bumalik ako sa sala. Mukhang wala namang pinakialam doon. Sunod ko namang pinuntahan ang library at opisina ni Manuel. Wala ring bakas na pinasukan ito ng magnanakaw. Ang huli kong pinuntahan ay ang kwa
Capitulo DiecisieteHUMINTO ako sa pagbuburda dahil dama kong nakatingin sa akin ngayon si Manuel. Umangat ako ng tingin para masiguro kong tama ang aking hinala. Nahuli kong nakatitig nga si Manuel sa akin pero kaagad niyang binaling ang tingin sa diyaryong hawak. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinititigan na para namang may ginawa akong napakalaking kasalanan sa mundo.Wala ba itong trabaho ngayon kaya rito tumatambay ang lalaking ito?Binalik ko ang aking atensyon sa binuburda ko. Muli ko na namang naramdaman ang titig niya kaya kaagad akong tumingin sa kanya. Katulad ng ginawa ni Manuel kanina ay binaling niya ang tingin sa diyaryo. Huminga ako ng malalim. "May problema ba tayo, Manuel?""Wala naman. Ano naman ang magiging problema nating dalawa?" Nasa diyaryo pa rin ang tingin ni Manuel. Naisip ko lang. Naiintindihan pa ba niya ang binabasa niya?"Ewan ko. Napansin kong kanina mo pa ako tinititigan." Nagpatuloy na ako sa ginagawa ko. "Hindi ko alam kung bakit panay ang tingin
Capitulo Dieciocho “MANUEL, mi hijo! Anong ginagawa mo riyan? Tulungan mo ako rito dahil natitiyak kong paparating na ang iyong mga kapatid galing sa Maynila.” Huminto ako sa pagbabasa at nagmadali akong pumunta sa kusina. Abala si Mama sa pagluluto ng mga paboritong putahe nina Kuya Matias at Ate Victoria. Gusto kasi ni Mama na ito ang magluto dahil sabik na raw ang aking mga kapatid sa luto nito. “Ano pong maitutulong ko?” “Ayusin mo na ang mesa sa komedor. Lagyan mo na ng mga pinggan, baso, at kubyertos upang maayos na ang lahat.” Kaagad kong sinunod ang utos ni Mama dahil maski ako ay sabik na ring makita ang aking mga nakakatandang kapatid. Matagal na rin ang huling pagkikita namin. Pinili kong ilagay sa mesa ang mga mamahaling kubyertos, pinggan, at baso na kalimitang ginagamit sa tuwing may mahalagang bisitang dumarating sa amin. Iyon kasi ang nais ipagamit ni Mama kapag uuwi ang aking mga kapatid galing Maynila o sa ibang bansa. Lumabas ng kusina si Mama. “Victoriano, nasa
Capitulo Diecinueve NAHINTO ako sa pagpupunas ng coffee table nang makita ko si Manuel na nagmamadaling bumaba ng hagadan. Ako naman dahil dakilang chikadora, sumunod ako sa kanya. Bigla pa namang sumulpot na parang nakakita ng multo. Dumeretso si Manuel sa kusina. Parang may hinahanap siya. Mayamaya ay niya ang pitsel na naglalaman ng tubig at nagsalin sa baso para uminom. Sunod-sunod ang pag-inom niya ng tubig. Lumapit ako sa kanya. "Ayos ka lang ba?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong sa kanya. Mukha kasing hindi siya okay. Lumingon si Manuel sa akin at walang sabi-sabing niyakap niya ako ng mahigpit na parang mawawala ako sa mundo. Heto na naman ulit ang eratikong pagtibok ng puso ko na palagi kong nararamdaman sa tuwing kasama ko siya. Marahan kong tinapik ang likod niya. Binalewala ko ang pagtambol ng puso ko dahil mukhang kailangan ni Manuel ngayon ng comfort mula sa akin. "Nakatulog ka ba tapos ang pangit ng panaginip mo?" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nagpa