Share

Kabanata 2

Nang maging maayos ang kalagayan ni Monique ay iniuwi na siya sa kanila. Hindi pa rin siya umiimik dahil masakit pa rin sa kaniya ang nangyari. Nalaman niya na ring dinadala niya ang anak nila ni Aidan but he don’t deserve to know about this.

Nagmahal siya pero hindi siya tanga para gamitin ang baby niya para lang balikan siya ni Aidan. Ayaw niyang babalikan lang siya ni Aidan para sa baby at hindi rin ipapaalam ni Monique ang tungkol sa pagbubuntis niya.

Nalaman niya rin na binugbog ni Anthony at ng mga pinsan niya si Aidan. Sapat na yun na paghihiganti sa pananakit niya.

“What is your plan now? Monique, nag-iisip ka ba?” galit ding saad ni Warren, pinsan nila. Pinoproblema nila ang pagbubuntis ni Monique dahil nahaluan na ng dugo ng mga De Chavez ang mga Sandejas.

“Alam mo naman na mortal na kaaway ng pamilya natin ang pamilya nila. Sinabihan ka na una pa lang na layuan na ang Aidan na yan pero bakit naman nagpabuntis ka pa?!” sabat din ni Nigel. Kaharap ni Monique ang mga pinsan niyang lalaki. Si Monique ang kaisa-isang babae sa pamilya ng mga Sandejas at ito pa ang pinakabata sa kanila.

“That’s enough, wala naman tayong magagawa dahil nandyan na yan eh. Hindi naman natin pwedeng ipalaglag ang bata dahil kahit na nagmula siya sa dugo ng mga De Chavez, dumadaloy pa rin sa kaniya ang dugo nating mga Sandejas.” Pagpapatigil ni Anthony sa mga pinsan nila.

Tahimik lang naman ang iba pang pinsan ni Monique dahil pare-pareho lang naman sila ng sasabihin.

“So, what’s your plan now? Are you going to stay here until you give birth?” singit na rin ni Ariana, ang kanilang ina. Blangko lang naman ang mukha ni Monique, ilang araw niya ng pinag-iisipan ang gagawin niya.

“No, I want to go abroad and give birth there for my child.” Diretso niyang sagot.

“Ang tagal na naming sinasabi sayo na manatili ka na lang sa England pero hinintay mo pang mangyari sayo ‘to? Kung nabubuhay lang ang Lolo mo, paniguradong magagalit yun sayo.” saad ng kaniyang ina. Alam ni Monique ang nangyayaring away sa pamilya niya at sa pamilya ni Aidan pero inisip niyang wala naman silang kinalaman ni Aidan sa kung ano mang away ng mga pamilya nila kaya pinagpatuloy niya ang pagmamahal niya para kay Aidan.

“Ikaw ang paboritong apo ni Lolo noong nabubuhay pa siya dahil nag-iisa kang babae sa pamilya natin. Sa tingin mo, anong mararamdaman niya kapag nalaman niyang nakipagrelasyon ka sa anak ng mortal niyang kaaway?” anas pa ni Arjel sa kaniya, kambal ni Nigel.

“Maiintindihan niyo rin ako kapag kayo na ang nagmahal ng totoo. Sana lang hindi kayo dumating sa araw na mababaliw kayo sa isang babae.” Wika ni Monique sa mga pinsan niyang mga lalaki. Ang hirap talaga kapag nag-iisa kang babae sa pamilya niyo, wala ka man lang makausap na babae na kasing edad mo mula sa pamilya mo.

Nag-iisa namang anak ang Mommy niya kaya wala siyang pinsan sa mother side.

“Ako na ang mag-aayos ng pag-alis mo. Sabihin mo lang sa’kin kung kailan mo gustong umalis.” saad ni Anthony sa kapatid niya.

“Gusto ko bukas, kaya ba Kuya?” natawa na lang ang mga pinsan niya sa kaniya at napapailing.

“Hirap na hirap kami noon na papuntahan ka sa England. Nakiusap na rin sayo si Lolo noon para in case na magkaroon ng gulo ang pamilya natin sa mga De Chavez maiiwas ka niya sa gulo tapos ngayon madaling madali kang makaalis ng bansa. Ano ba talagang ginawa sayo ng Aidan na yun?” tanong ni Warren. Ayaw naman ni Monique na sabihin kung ano ba talagang totoong nangyari. Kilala niya ang Kuya at mga pinsan niya baka mapatay nila si Aidan at baka may mabitawan silang masasakit na salita kay Isabella.

Kumirot na naman ang dibdib ni Monique ng maalala niya ang pagtatraydor sa kaniya ng bestfriend niya at ni Aidan sa kaniya. Si Isabella ang palagi niyang nilalapitan noon tungkol kay Aidan, kay Isabella din siya humihingi ng tulong kapag gusto niyang makipagkita kay Aidan kaya hindi niya lubos akalain na bestfriend niya ang aahas sa kaniya.

“Gusto ko ng magpahinga,” saad niya saka siya tumayo at umakyat na sa kwarto niya.

“Let her rest, it’s not her fault that she fall in love with that bastard.” Pagtatanggol ni Anthony sa kapatid niya.

“But she can avoid what happened now. Kung pinigilan niya ang nararamdaman niya noon hindi ito nangyari sa kaniya ngayon.” iiling-iling na wika ni Nigel.

Inilock ni Monique ang kwarto niya at nagtungo sa veranda ng kwarto niya. Hanggang ngayon napapatulala pa rin siya sa tuwing naaalala niya ang panloloko sa kaniya ni Aidan. Ang hirap tanggapin dahil sa dami ng babaeng pwedeng makita ni Monique na kasama ni Aidan sa kama niya ay ang bestfriend pa niya.

They are like sisters pero ito pa pala ang mananakit sa kaniya ngayon. Iniisip pa lang niyang dadaan ang mga araw na hindi niya na makakasama o makikita si Aidan nasasaktan na siya pero kailangan niyang maging matatag for her baby.

Simula ng araw na niloko siya ni Aidan, wala ng karapatan si Aidan sa baby nila. Kapag ba nalaman niya ng mas maaga na buntis siya at nasabi niya ito kay Aidan, pipiliin pa rin ba ni Aidan na lokohin at iwan siya? Ipaglalaban ba siya ni Aidan sa mga pamilya nila?

Ang daming katanungan sa isip niya pero siguro nga nakatadhana na talaga na hindi sila ang para sa isa’t isa. Bakit ba naniwala siya sa mga mabubulaklak na sinabi ni Aidan sa kaniya noon? Yun tuloy ang pinanghawakan niya kaya kahit ilang sampal ang matanggap niya sa kaniyang ina sa tuwing tumatakas siya, tinatanggap niya.

Hinawakan ni Monique ang tiyan niya at mapait na ngumiti.

“I’m sorry baby kung hindi ka mabibigyan ni Mommy ng kompletong pamilya. I’m sorry dahil hindi na natin makakasama ang Daddy mo. Alam kong magiging mabuting ama sayo ang mga Tito mo.” wika niya, nagagalit man sa kaniya ang mga pinsan niya, hindi pa rin nila matiis si Monique.

Nanatili siya sa veranda niya. Narinig niya ang pagbukas ng sliding door niya pero hindi niya nilingon kung sino ang pumasok.

Naupo si Anthony sa harap ni Monique. Ibinaba niya ang isang folder at inilabas ang isang papel.

“Inasikaso ko na ang ticket mo at mga dokumentong kailangan mo paalis bukas.” Wika niya. Napaayos ng upo si Monique dahil hindi niya akalain na aasikasuhin nga talaga ng Kuya niya kaagad ang mga papeles na kailangan niya.

Nahihiya tuloy si Monique sa Kuya niya, ilang beses siyang nakipag-away dito para kay Aidan tapos ito rin pala ang magiging takbuhan niya ngayong sinaktan siya ng lalaking pinaglaban niya.

“I’m sorry for disappointing you, Kuya.” Mahina niyang saad. Ngumiti naman si Anthony, kahinaan niya na lang palagi ang sorry ng kapatid niya.

“It’s okay, ang importante ay nalayo ka na sa gagong yun. Ipapagayak ko na kay Yaya ang mga gamit mo para wala ka ng gagawin. Ihahatid din kita bukas papuntang England para masiguro ako na makakarating ka ng ligtas sa bahay natin dun.” Tumango na lang si Monique.

“Magpahinga ka na, may aasikasuhin pa ako sa kompanya.”

“Gusto kong malaman Kuya kung ano ba talagang pinagmulan ng away ng mga Sandejas at De Chavez.” Kuryosong tanong ni Monique. Akma na sanang tatayo si Anthony nang bumalik na naman siya sa pagkakaupo niya.

Bumuntong hininga pa siya, walang halos alam si Monique sa nangyayaring gulo dahil palagi siyang inilalayo ng pamilya niya sa gulo para magkaroon siya ng tahimik na buhay.

“They had a business back then, si Lolo and the old man Chavez is a business partner. Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa kanila nang mawalan ng malaking halaga ang kompanya nila. Inangkin ni Lolo ang kompanya kahit na alam niyang palubog na yun pero hindi pumayag ang matandang De Chavez which is ang Lolo ni Aidan. Hindi siya pumayag na aangkinin ni Lolo ang buong kompanya, inakyat nila sa korte ang problema nila para mapagdesisyunan kung kanino mapupunta ang kompanya. Lolo won in that case lalo na at napatunayan ng korte na ang matandang De Chavez ang dahilan kung bakit nawala ang milyon-milyong pera ng kompanya. Pinalago uli ni Lolo ang kompanya at yun ang kompanyang hinahawakan ng pamilya natin. Lumipas ang nangyari sa kanila hanggang sa mabalitaan naming pareho silang lalaban bilang gobernador. Alam mo naman kung anong nangyari noong araw na nangangampanya si Lolo, he died in that day because someone ambush him. Pinagdududahan ng pamilya natin ang pamilya ng mga De Chavez pero nanahimik na lang tayo dahil ayaw natin ng gulo pero nang mamatay ang matandang De Chavez, pamilya natin ang sinisisi at itinuturong salarin sa pagkamatay niya. Inatake ng mga De Chavez ang pamilya natin, tinamaan ng bala noon si Daddy kaya nagalit ang mga kapatid ni Daddy sa mga De Chavez hanggang ngayon. Ayaw naming ipaalam sayo dahil gusto naming maenjoy lang ang buhay mo.” kwento ni Anthony sa kapatid niya.

Natahimik si Monique, ganun na ba siya walang kaalam sa pamilya niya? Binalewala niya lahat ng mga sinasabi sa kaniya ng pamilya niya noong pinaghihiwalay sila ni Aidan dahil ang akala niya simpleng away lang.

Alam niya ang tungkol sa paghihinala ng pamilya niya sa pamilya ng mga De Chavez sa pagkamatay ng Lolo niya pero hindi niya yun sineryoso dahil wala namang sinasabi sa kaniya ang pamilya niya.

“Are you okay, baby?” tanong ni Anthony. Tipid namang ngumiti si Monique at bumuntong hininga.

“Inaantok na ako Kuya,” saad niya saka niya ipinikit ang mga mata niya.

“Sige, magpahinga ka na. Ipapagayak ko na lang ang mga gamit mo kay Yaya.” Tanging tango na lang ang isinagot ni Monique. Rinig niya ang pag-alis ng Kuya niya pero hindi niya na iminulat ang mga mata niya.

Pakiramdam niya pagod na pagod na siya kahit na wala naman siyang ibang ginawa kundi ang maupo lang.

Kinabukasan, nakagayak na lahat ng mga gamit ni Monique. Kompleto rin ang mga pinsan niyang lalaki. Gusto nilang ihatid si Monique sa airport.

“Are you ready?” tanong ni Anthony. Tumango naman si Monique sa kaniya.

“Pag-isipan mong mabuti baka magbago pa ang isip mo. Sigurado ka ba sa plano mong ‘to? Baka naman wala ka pang isang linggo dun nandito ka na uli.” Nang-aasar na tanong ni Warren.

“Don’t worry Kuya Warren dahil hindi mo ako makikita rito dahil baka kayo pa ang pumunta ng England.” Sagot naman ni Monique. Nagiging magaan ang pakiramdam ni Monique dahil sa mga pinsan niya dahil sa pang-aasar ng mga ito sa kaniya.

“If you’re ready then let’s go.” Saad ni Arjel. Hinarap naman ni Monique ang mga magulang niya.

“Dad, Mom,” aniya saka nilapitan ang mga ito at niyakap.

“Mag-iingat ka dun anak, tumawag ka sa amin if you need anything. Hindi na kami sasama sa paghatid sayo sa airport dahil marami ka naman ng mga bodyguard.” Natawa na lang si Monique dahil naging bodyguard pa niya ang mga pinsan niya.

“Dadalawin ka namin dun minsan. Ipapasama namin sayo si Yaya Marie para may mag-alaga sayo habang nagbubuntis ka at habang nasa England ka.” saad naman ng kaniyang ina.

“I’m sorry Mom and Dad, I know I disappointed both of you but thank you for the understanding.” Aniya na ikinatango na lang ng mga magulang niya.

Nagpaalam na si Monique sa mga magulang niya at umalis na rin sila. Nasa iisang van silang lahat. Nagkwekwentuhan ang mga pinsan niyang lalaki pero tahimik lang siya. Nakamasid lang sa labas ng bintana.

Hindi niya akalain na lilisanin din niya ang bansang kinalakihan niya. Mas makakabuti na rin ito para sa kaniya at baby niya. Mas magiging mabilis ang paglimot niya kay Aidan kapag hindi niya ito nakikita at kung nasa malayong bansa siya.

Nang pumasok sila sa airport ay naging agaw pansin sila dahil nakapalibot kay Monique ang mga pinsan niyang lalaki. Hindi naman nila binigyan ng pansin ang mga taong napapatingin sa kanila. Inihatid nila si Monique hanggang sa makapagcheck in siya.

“Mag-iingat ka dun Monique,” wika ng mga pinsan niya. Ngumiti naman sa kanila si Monique.

“Salamat sa inyong lahat. See you soon,” pagpapaalam niya. Nang makapasok na sila ay kinawayan niya na lang ang mga pinsan niya. Kasama niya naman ang Kuya at ang Yaya niya.

Masakit man ang nangyari sa kanila ni Aidan pero kailangan niya ng tanggapin na hindi nga sila ang para sa isa’t isa. Hindi magkakasundo ang mga pamilya nila kahit na ano pang mangyari.

Natulog lang buong byahe si Monique at nagising na lang nang maglanding na ang eroplano.

“Let’s go honey,” wika ni Anthony sa kapatid niya. Kinuha naman na ni Yaya Marie ang lahat ng mga gamit nila at nauna nang bumaba. Inalalayan pa ni Anthony si Monique. Nagpahuli na silang dalawa sa pagbaba para hindi na sila makipagsiksikan pa sa mga pasahero.

Nang maging maluwag na ang daraanan ay saka naman sila bumaba. Si Anthony na ang nag-asikaso ng lahat ng mga gamit nila saka sila sumakay ng taxi papunta sa bahay nila rito sa England. Inalis ni Anthony ang jacket niya saka niya isinuot kay Monique dahil malamig ang panahon sa England ngayon.

Nang makarating sila sa bahay ay sinalubong sila ng mga katulong na siyang nagbabantay sa bahay.

“Welcome back, Ma’am Monique. Do you want to coffee or anything snacks?” tanong ng katulong na taga England din.

“Just coffee please,” sagot niya saka naupo na sa sofa. Inon naman na ng ibang katulong ang heater ng buong bahay.

“Yaya si Monique lang ang makakausap mo rito dahil mga taga rito ang mga nagbabantay ng bahay. Kung kaya mo namang kausapin ang mga katulong na makakasama mo rito then that’s good. Pakiakyat na ng mga gamit ni Monique sa kwarto niya.” saad ni Anthony kay Yaya Marie.

“Coffee Sir?” tanong ng isang katulong.

“Yes please,” aniya naman saka niya nilapitan si Monique na yakap yakap na ang unan.

“Malamig dito, magpapabili na lang ako ng mga makakapal mong damit sa isang katulong para hindi ka magkasakit. Maybe you can use your clothes na iniwan mo rito.” tanging tango lang ang sagot ni Monique. Bakas na pagod pa sa byahe.

“This is your coffee Ma’am, Sir,” ibinaba ng katulong ang isang tray na may lamang dalawang kape. Kinuha ni Anthony ang isa at ibinigay kay Monique.

“If you want to relax don’t come outside if you’re alone, okay? Hindi mo pa alam ang lugar na ‘to. Nagpupunta tayo rito pero bakasyon lang at ilang taon na rin nung huli tayong pumunta rito. Palagi mo ring isama si Yaya Marie para may makausap ka at may makausap siya.”

“Ilang araw ka rito?” tanong ni Monique.

“I’ll stay here for three days. Babalik-balik ako rito to check on you lalo na at buntis ka.” bahagyang ngumiti si Monique. Kung sana katulad ng ibang lalaki ang Kuya niya, maalaga, mapagmahal, kaya kang ipaglaban at ipagtanggol siguro magiging masaya ang isang babae.

“You know what Kuya? The woman you will love in the future, she’s lucky to have you.” biglang saad ni Monique. Ramdam ni Anthony na nasasaktan na naman si Monique at maaaring iniisip niya na naman si Aidan.

“You will meet soon the man you deserve, hindi man ngayon, hindi man bukas pero sa tamang panahon.”

“Can I have a hug?” naiiyak na namang wika ni Monique. Nilapitan ni Anthony ang kapatid at niyakap ito. Hinalikan pa niya ang ibabaw ng ulo ng kapatid niya. Mababaw ang luha ni Monique pero alam na alam na ni Anthony kung paano niya pakakalmahin ang kapatid.

“Please don’t think too much, baby. Huwag kang masyadong magpapakastress, isipin mo rin ang magiging baby mo. Hindi makakabuti sa inyong dalawa kung palagi kang mag-iisip nang mag-iisip na pwedeng mahantong sa stress. That jerk doesn’t deserve you.”

“Paano kung ipinaglaban ako ni Aidan, Kuya? Are you going to happy for me?” pinag-isipan pa ni Anthony ang isasagot niya. Hindi siya sigurado lalo na at mortal na kaaway ng pamilya nila ang pinagmulan ni Aidan.

“Kung naging matinong lalaki lang sana siya at may paninindigan. Kung dun ka masaya bakit hindi?” mapait na ngumiti si Monique. Hanggang panaginip na lang ang iniisip niya para sa kanila ni Aidan. Biglang naglaho ang lahat ng mga pinangarap nila.

Akala niya, katulad niya ipaglalaban din siya ni Aidan pero isang malaking pagkakamali pala yun. Kasalanan niya rin kung bakit siya nasasaktan ng sobra ngayon dahil ibinigay niya ng buo ang lahat ng tiwala niya kay Aidan. Naniwala siya sa mga ipinangako niya sa kaniya na mawawala rin pala sa hangin.

“You will heal soon and please help yourself too para mapabilis ang paghilom ng sugat diyan sa puso mo.” tumango na lang si Monique sa sinabi ng Kuya niya. Talikuran man siya ng mundo, iwan man siya ng lahat nandiyan pa rin ang Kuya niya para samahan siya.

Samantala naman, blangko ang mukha ni Aidan nang pumasok siya sa kompanya ng pamilya nila. Lahat ng mga empleyado ay binabati at yinuyukuan siya. Nang makarating siya ng conference room ay nandun na ang Daddy niya at naghihintay sa kaniya kasama pa ng ibang mga board of directors.

“He’s here, I just want you to meet my only son and the only heir of this company. From now on, he will work here.” pagpapakilala ni Hudson sa anak niya.

“Nice to meet you all Sir, my name si Aidan De Chavez and I’m happy to be part of this company.” Pagpapakilala niya naman. Nagpalakpakan naman ang mga nasa board of directors.

“Mabuti naman at naisipan mo ng magtrabaho rito, iho. I know you will be a successful business man too like your family.” Anas ng isang board of directors.

“Thank you, Sir.” sagot niya. Nang matapos siyang ipakilala ay inihatid naman na siya ng kaniyang ama sa gagamitin niyang opisina.

“Ito ang magiging office mo, maiwan na kita dahil marami pa akong gagawin.” Pumasok naman na si Aidan sa office niya at ilang minuto lang ang lumipas ay pumasok ang kaniyang ina na masaya para sa anak niya.

“See? I told you. Ang babaeng yun ang humahadlang sa tagumpay mo. Look what happened in your life when you left her—“

“Mom, can you please stop? I already did what you want pero bakit pilit niyo pa ring isinisingit sa usapan si Monique? Do you really want me to forget about her o baka ipapaalala niyo na lang siya sa akin araw-araw?” napatikhim naman ang ina ni Aidan.

“Well, anyway, I’m happy for you, son. I have to go.” Wika niya saka lumabas ng office ng anak. Napapahilot na lang sa sintido si Aidan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status