MasukSa ilalim ng katahimikan ng Hacienda Cortez ay nag-aalab ang apoy ng kasalanan at paghihiganti. Matapos ang limang taon ng paglalakbay sa dilim, bumalik si Don Rafael Cortez, ang pinakabatang pinuno ng sindikatong Cortez, upang ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang kapatid. Ngunit sa kanyang pagbabalik, nakatadhana siyang makaharap ang anak ng kanyang kalaban—Selena Villafranca, ang babaeng may dugo ng kaaway at apoy ng pag-ibig sa kanyang mga mata. Ginawang bihag ni Rafael si Selena bilang kabayaran ng dugo. Ngunit sa bawat gabi ng katahimikan, unti-unting nagbabago ang hangin sa pagitan nila, mula sa galit tungo sa pagnanasa, at mula sa kasalanan tungo sa pagtubos. Sa gitna ng abo ng Hacienda Cortez, kailangan nilang pumili: pag-ibig na magpapalaya o sumpang magtatapos sa kanila.
Lihat lebih banyakSa bawat patak ng ulan kulog at kidlat, naroon si Selena sa may sulok ng kwarto. Hating gabi pero di parin sya makatulog sa tindi ng kanyang hinanakit at pagkalungkot dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman.Nakapulupot ang kanyang mga kamay sa kanyang binti. Mahinang humahagulgol sa pag-iyak, sinabayan pa ng malakas na pagbuhos ng ulan sa labas.Nang mahimasmasan na sya, naisipan nya ang mga posibleng sitwasyon nangyari sa Don kung bakit nga ba sya nagkakaganito. Napag-aralan nya kasi dati noon sa subject nilang psychology na ang behavior ng isang tao sa kasalukuyan ay posibleng impluwensya ito ng trauma sa nakaraan.Ano ba talaga ang nangyari sa kanyang kapatid? Naguguluhang isip ni Selena.“Kailangan kong makatakas dito. Hindi pwedeng manatili ako sa lugar na ito.” Sa pagkakataong ito, nabuhayan ang loob ni Selena sa planong gusto nyang makatakas sa puder ni Don Rafael.Tumayo sya, pinunasan ang namamasa nyang luha sa pisngi. Wala na syang panangga ngayon o pang prote
“Yan ang inaakala mo. Hindi mo pa lubos na kilala ang tinuturing mong ama, Selena.”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon ni Don Rafael. Para silang matatalas na patalim na unti-unting hinihiwa ang loob ko, iniwan akong sugatan sa gitna ng katahimikan ng kwartong iyon. Bakit ganun ang tono niya? Bakit parang mas kilala pa niya si Dad kaysa sa akin, sariling anak? At… bakit parang may galit siyang pilit ikinukubli kapag binabanggit ang pangalan ng ama ko?Humigpit ang hawak ko sa bedsheet. Hindi mawala sa isip ko ang imahe ng mukha ni Daddy—ang tawa, ang mga pangaral niya, ang pag-aalaga niya sa akin na kahit papaano ay nagpatatag sa akin pagkatapos mamatay si Mom noong bata pa ako.“Daddy… may dapat ba akong malaman tungkol sa’yo?”Parang nanunukso ang katahimikan, tinatanong ako kung handa ba akong harapin ang posibilidad na ang taong kinapitan ko noon pa man ay may tinatago palang lihim na hindi ko kakayaning tanggapin.Humigop ako ng hangin, pero parang mas
“Sa t’wing umaakto ka ng ganito, Selena… mas tumitindi ang pagnanasa ko sa’yo,” bulong ko, mababa ang tono, halos punit sa pagpipigil. Ramdam ko ang panginginig ng boses ko—hindi sa kaba, kundi sa apoy na kanina ko pa sinusubukang kontrolin.Nanatili siyang nakatingin sa akin, hindi gumagalaw, parang isang hayop na naipit sa sulok. Nagbukas ang kanyang labi, tila may gustong sabihin, ngunit agad niya itong binawi—parang natakot sa sariling sasabihin.“Bakit hindi ka makapagsalita?” ngumiti akong matalim, mabagal, parang sinasadyang iparamdam sa kanya ang panganib. “Natatakot ka ba, hm?”“Hindi ako natatakot sa demonyong katulad mo!” singhal niya, kahit nanginginig ang kanyang mga kamay. Kitang-kita ko ang paglalaban ng takot at tapang sa kanyang mga mata.“M-may masama ka bang binabalak sa akin, ha?” dagdag niya, nanginginig ang boses kahit pinipilit niyang maging matapang.“Ako dapat ang magtanong n’yan sa’yo, Selena,” sagot ko, nanlalam
Hindi maiwasan ni Selena’ na kabahan sa masamang balita na nanggaling sa tauhan ng Don. Batid nyang may nangyayaring hindi maganda sa loob ng hacienda, pero hindi panaman kompermado kung anong sanhi ng pagkasunog sa mga palay at kubo, marahil aksente lang ang mga ito.“Bakit po ba nasunog ang mga palayan ‘tatay Berto?” tanong ni Dina sa isa sa mga tauhan sa mansyon. “Ewan ko nga rin Dina, bigla nalang umusok ang palayan kaninang tanghali, may isang magsasakang kunaripas ng takbo papunta sa tauhan ni ng Don at nagsumbong.” pagpapaliwanag ni ‘tatay Berto kay Dina.“Tay may sasabihin ako pero wag ninyong ikalat ha!” Halos pabulong na sabi ni Dina.“Oo naman no! Mapagkakatiwalaan mo naman ako Dina.” Paniniguro ng ma'ma.“Eh kasi naman Tay, sabi ng ibang mga kasambahay dito, mayroon daw silang nakitang mesteryusong tao sa hacienda noong nakaraang araw ngunit binaliwala lang raw nila ito dahil baka bisita ng Don.” Ani'ya ni Dina.“Oh tapos?” nacu-curious na sabi ni Tay Berto. “Baka raw k












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.