LOGIN"Itulak mo iyang mga sofa at center table para mawalis ang ilalim." Turo ni Babilyn sa malalakimg upuan."What? Hindi ko na trabaho iyan at itong kalat lang ni mommy ang dapat kong linisin!" Kulang na lang ay bugahan na ni Shane ng apoy ang katulong at nanamantala na."Nagkapiraso ang pigurin pat tumalsik sa kung saan kaya sure na mayroon din sa ila-ilim." Namaywang pa si Babilyn sa harapan ni Shane."Then do it!" Inihampas na ni Shane ang hawak na walis sa katulong dahil sa inis. Napangisi siya nang matamaan ito at nasaktan. Pero ilang sandali lang at natigilan siya nang agawin nito sa kaniya ang hawak na walis. Hindi niya binitiwan iyon at nakipah agawan kay Babilyn.Gumamit na ng puwersa si Babilyn upang maagaw ang walis kay Shane. Hindi siya makakapayag sa pagkakataon na ito na hindi siya makaganti. Nang tuluyan maagaw ang walis ay napangisi siya habang tina tap tap ng katawan ng walis."Don't you dare! Huwag mong kalimutang muchacha ka lang dito at–ouch! How dare you!"Muling hi
Sa halip na matuwa ay lalong nainis si Tanya pagkarinig sa tinig ng anak. "Saan ka galing at bakit ngayon ka lang?" Angil niya dito. Kanina pa siya roon pero hindi agad sinunNapabuntong hininga si Shane, nakalimutan niya palang mula sa labas ay mas malakas ang boses o mas naririnig ng taong nasa loob ang ingay mula sa labas6⁶⁶⁶⁶, kabaliktaran ng ingay mula sa loob patungong labas. "Mom, tama na ang pagwawala dahil ako ang mahihirapang maglinis.""Estupida! Bakit mo naman lilinisin ang kalat na gagawin ko? Hindi ka ba nag iisip, Shane?" Bulyaw ni Tanya mula sa loob. Kailangan niyang lakasan ang boses upang marinig siya ng anak. Ngayon siya nagsisi kung bakit ganito ang ginawa niya sa silid na ito. Ayaw niyang tumagal sa silid na ito at para siyang nasasakal sa liit ng silid."Mom, gugutumin ka nila ang turukan ng gamot kapag hindi ko niligpit ang kalat mo!" Naiinis nang ani Shane. Hindi niya magawang lakasan nang husto ang boses niya at baka marinig nila Kiana.Naikuyom ni Tanya ang m
Natuwa si Shane nang malaman na makasama si Xavier kahit alam niyang dahil iyon kay Kiana. Seryusohin na niya ngayon ang pang aakit sa binata kahit pa kaharap ang kapatid. "Hindi ka pa naglilinis?" tanong ni Babilyn kay Shane Pagkababa sa hagdan."Anong klaseng tanong iyan? Kunin mo ang walis at linisin iyang kalat!" Pabulyaw na utos ni Shane sa katulong."Excuse me, pero ang utos sa akin ay bantayan ang trabaho mo kung magawa ba nang maayos." Mataray na ani Babily."Bitch, anak ako ng nagpapasahod sa iyo sa pamamahay na ito at ikaw ay katulong kaya ilugar mo iyang attitude mo!" Pinanlilisikan niya ng mga mata ang katulong.Taas noo na sinalubong ni Babilyn ang tingin ng babae. "Hindi na mahalaga kung sino ka at ang nagpapasahod sa akin ay si Ma'am Kiana. Kung ayaw mong magutom ang ina mo ay gawin mo ang iyong trabaho!"Nanlaki ang mga mata ni Shane at sinigawan siya ng katulong at inuutusan? Pakiramdam niya ay kumulo ang dugo niya at umakyat iyon sa ulo. Pero bigla rin siya natigila
"Oh my, God, mom no!" Tangkang aagawin ni Shane ang hawak ng ina na pigurin ngunit nabitiwan na ito at basag nang bumagsak sa sahig. Lihim na napangiti si Tanya nang makita ang pagkapira piraso ng pigurin. Alam niyang mahalaga iyon kina Kiana dahil paborito iyon ng ina nito at maging si Troy ay pinahahalagahan din kaya nanatili sa bahay ang ganoong gamit. Ito ang naisip niyang ganti sa asawa at anak nito. Gusto niyang pagsisihan ng mga ito na ibinalik siya sa bahay na ito. Ngunit natigilan siya nang pag angat ng tingin ay mukhang kalmado lang si Kiana. Pagtingin niya kay Troy at mukhang baliwala lang din dito ang ginawa niyang pag basag sa mamahaling pigurin at may sentimental value. Lalong kinabahan si Shane sa nakikitang kalmadong aura nila Kiana at ng ama. Hindi iyon ang inaasahan niyang reaction ng mga ito. Lalong nainis si Tanya at hindi manlang niya kakitaan ng galit si Kiana. Muling naglikot ang mga mata niya at naghanap ng mahqlagang bagay upang basagin. Nang makita ang flo
"Kunin niyo na siya at iuwi." Utos ni Troy sa dalawang lalaki."No, ayaw ko sa inyo!" Pinaghahampas at kalmot ni Tanya ang dalawang lalaki upang hindi siya mahawakan."Illegal itong ginagawa ninyong pagkuha kay mommy, dad!" Tinulak na rin ni Shane ang dalawang lalaki upang tulungan ang ina niya."Baliw ang ina mo kaya normal lang na magwala siya." Mukhang naaaliw na paliwanag ni Kiana. "Eh ikaw? Ano ang dahilan at ayaw mong sa bahay siya titira upang maalagaan ni daddy?"Natigilan si Shane at hindi alam ang isagot sa kapatid. Nasukol na naman siya nito at nagawa nang ilayo sa kaniya ang ina. Si Sergio ay wala ring magawa kundi panoorin ang pag buhat ng dalawang lalaki sa ina niya at iniupo sa wheelchair. "Kapag hindi pa rin tumigil sa pagwawala ay paturukan na ng gamot na pampakalma." Utos ni Kiana sa doctor.Naudlot ang pagtayo ni Tanya at natakot sa ituturok sa kaniya kaya bigla siyang tumigil sa pagwawala. Mas mabuti na ang gising siya at may lakas kaysa ang tulog, baka kung ano
"Ayusin mo na ang gamit ng iyong ina at uuwi na tayo." Utos ni Troy kay Shane."Dad, hayaan niyo na po kami ni mommy na humiwalay ng tirahan sa inyo. May dondo unit po si Kuya Sergio at doon muna kami titira ni mommy habang nagpapagaling siya." Pakiusap na ni Shane sa ama.Umangat ang isang sulok ng labi ni Troy at nang uuyam ang tinging ipinukol sa asawa. Alam niyang hindi ito nasisiraan na ng ulo at ito ang nag utos kay Shane na iyon ang gustong mangyari. "Kasal kami ng mommy mo at may sinumpaang magsasama sa hirap at ginhawa." "Ayaw kong sumama sa iyo at inutil ka!" Tumawa si Tanya Pagkasabi niyon para inisin ang asawa at isiping nababaliw talaga siya."Inutil ka na rin naman kaya bagay tayong magsama na dalawa." Napangisi si Kiana habang pinapakinggan ang rebat ng ama kay Tanya. Hindi na ito galit at mukhang enjoy na laruin na lang ang emosyon ni Tanya. Natutuwa siya at nakuha na rin ng ama kung paano gawin upang si Tanya ang masira ang buhay at hindi ito."Dad—""Tumigil ka na
Tumango lang si Deborah saka nag iba ng daan. "Tama lang at may sumusunod sa atin."Napatingin si Kiana sa side mirror at mayroon ngang nakasunod sa kanila na itom na sasakyan. Ang akala niya ay walang bantay sa paligid nang umalis siya. "Ililigaw ko muna sila bago pumunta sa hideout." Ani Deborah
"Salamat, matulog ka habang hinihintay ang tawag ko." Pumalatak si Deborah at mukhang abutin ng umaga ang kaibigan at pinapatulog siya. Hindi niya rin napansin na nakapag palit na ito ng damit. Malaki ang sasakyan kaya komportable siyang nakakahiga doon. Parang ito na kasi ang tirahan niya mula na
"May problema ba?" tanong ni Deborah sa kaibigan. "Nasa alanganing sitwasyon si Ronald at kailangan niya ang tulong natin."Mabilis na rin kinuha ni Deborah ang Jacket at mas nauna kay Kiana lumabas ng silid. "Nay, aalis na po kami!" Nagmamadaling paalam ni Kiana sa ginang at hindi na hinintay a
"Ano ang nangyari?" tanong agad ni Kiana kay Deborah pagkapasok nito sa sasakyan."Hindi ko rin alam pero mukhang abswelto na si Ronald at pinakawalan na wala nang bangas." Sagot ni Deborah saka pinaandar na ang sasakyan.Nakahinga nang maluwag si Kiana. Ilang sandali pa ay nakatanggap siya ng taw







