Share

Chapter 5: #lifesaver

HINDI  ko maiwasan ang titigan ito dahil animo hinihila ako ng mga titig niya. Nakipagsukatan na rin ako ng titig sa malamig ring paraan.

   Doon lang naalis ang pagkakatitig ko sa kan'ya at pagkakatitig niya sa akin ng marinig kong tumikhim si Mr. Lim.

"Tamang tama ang dating mo son. Come here." 

 Son? May anak siyang lalaki? I was thought, puro babae ang anak niya. Where this man came from? When I was a kid, nakilala ko ang mga anak niya na halos kaedaran ko lang. He has a 3 daughters, pero hindi ko alam na may anak pa siyang lalaki na sa tantiya ko ay nasa kan'yang med 30's na. Naglakad ito palapit sa ama.

 "By the way, Ms Lewis, I want you to meet my son Raden Lim." Pakilala nito. Kaya napatayo ako at nagbow rito. Nasanay na ako sa culture ng Japan. "And son, she is Miss Alexandra Lewis, ang sinasabi ko sayong malaking investor natin." 

   Nauna akong naglahad ng kamay ng makalapit ito na tinitigan lang nito. Napataas ako ng isang kilay dahil sa attitude nito. Ibababa ko na sana ang kamay ko ng bigla niyang hulihin ang palad ko at pinagdaop ang mga palad namin. Muling umarko ang isang kilay ko sa ginawa niya. Napatigil pa ako ng may maramdaman ako. What is this fucking current that flows through my veins. Imbis na bawiin ko agad ang kamay ko ay hindi ko iyon binawi kahit na halos feeling ko mapuputol ang ugat ko. I need to act normal.

"Call me Alex." I said with a sweet smile. He just stared at me using his cooled and expressionless brown eyes. Saka ngumiti ng pilit. 

 Tinaasan ko siya ng isang kilay saka binawi ang kamay ko. Napairap pa ako ng tumalikod ito saka umupo sa upuan na katabi ng ama nito. I don't like his gestures. I don't like the way he look at me. Nakakainis. Kaya hindi ko mapigilan ang suklian siya ng matalim na titig. Did he know my intentions for being here?

   Umupo na ako saka nag de-kwatro na rin ako. Nakita ko pa siyang nagsalin ng tea sa bakanteng teacup.

"I was thought, puro babae ang anak mo, Mr. Lim as my secretary's information about you?" Hindi ko mapigilang itanong. 

 Nakita kung natigilan si Mr. Lim. And then he chuckled. 

 "Oh, anak ko siya sa dati kong asawa, ayaw ng mommy niya dati na makasama ko ang anak ko, but 5 years ago his mom died because of illness and my son decided to leave with me since iniwan na rin ako ng pangalawa kong asawa at mga anak ko." Napataas ako ng isang kilay dahil sa sinabi nito. Hindi na bago sa akin ang kaalaman ko tungkol sa pamilya nito o sa ikalawang pamilya nito, but I pretend to be shock.

"Oh, I'm sorry to hear that Mr. Lim." Kunway guilty kong saad.

"Don't mind it, Miss Lewis, I already moved on." 

  Napa-smirk ako ng maalala ang ginawa ko dati six years ago. Nagpadala ako ng litrato ni Bernardo na may kasamang babae sa kama. Sampung litrato na may iba't ibang babaeng kasiping marahil 'yon ang dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa. Deserved. 

***

     KINABUKASAN ay inimbitahan ako ni Mr. Lim para pasyalin ang isa pa kunong kompanya nito ang S Empire o Smith Empire na pag-aari ng pamilya ko dati. Hindi pa rin pala  ito binago ang pangalan ng company.

  Hindi ko kasama si Enrique dahil bumalik ito sa Japan for business matters pero babalik rin naman ito bukas. Lulan kami ngayon ng kotse ni Mr. Lim kasama ang anak nito. Katabi ng driver sa driver seat nakaupo si Bernardo, samantalang katabi ko naman ang anak niya sa backseat na parang binagsakan ng langit at lupa dahil nakasimangot ito minsan at malamig pa rin ang mga tingin nito. Ano bang problema nito? Hindi ko mapigilan na mapalingon sa kan'ya. Nag-iisang linya ang kilay ko dahil diretso lang talaga ang tingin nito. 

    "Pagpasensyahan mo na 'yang binata ko Miss Lewis. Talagang strikto 'yan." Natatawang sabi ni Mr. Lim. 

Marahil napansin ako nitong panay lingon sa anak nito at panay rin ang irap ko. 

   Ngumiti lang ako at 'di na sumagot. Narinig ko namang bumuntonghininga ang katabi ko. Parang gusto ko na lang bumaba at mag taxi. Naiirita ako sa presensya ng lalaking ito. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan at baka alam nito ang mga plano ko. Umiling na lang ako saka iwinaksi ang mga isiping iyon. Humalukipkip lang ako saka bahagyang lumingon sa gawi ng bintana at tumingin lang sa labas. Pinanatili ko na lang ang pagiging kalmado ko.

        Muntik na akong masubsub sa likuran ng inuupan ng driver  ng biglang huminto ang sasakyan na sinasakyan namin. Buti na lang ay may isang kamay na humarang sa harap ko para saluhin ang ulo kong muntik ng mabagok. Plastic pa naman ang likuran ng upuan ng driver, dagdagan pa na hindi ako naka-seatbelt. Lumingon ako sa may-ari ng braso. It's Raden's. Na-alerto ako ng marinig ko ang sunod sunod na putok ng isang armalite. Bubunot sana ako ng baril na nakakabit sa hita ko ng may maalala. Hindi nila dapat malaman na magaling ako sa mga ganito. Dapat manatili akong enosente sa mga mata nila. Bumuntonghininga ako. Nakita ko kung paano nag panic si Bernardo. Habang ako at ang anak niya ay kalmado lang. 

Hindi na rin kasi bago sa akin ang mga ganitong eksena dahil sa klase ng racket ko. Pero pinagana ko ang six sense ko para sa susunod na maaring mangyari.

 "What happened?" Kunway tanong ko.

 Sa gilid ng mga mata ko kita ko na ang pagka-alerto ni Raden. Dahil may iba nang tauhan nila Bernardo na nakikipagbalikan ng putok.

Hindi pa rin tumitigil ang putukan sa labas. Patuloy pa rin ang pagpapalitan ng putok ang mga tauhan ni Bernardo sa mga taong nakasakay sa van at panay ang paulan ng bala.

 "Papa, dapa!" Sigaw ni Raden na ngayon ay kinakitaan ko na ng  ibang emosyon ang mukha. May pag-aalala ng gumuhit roon ng tamaan ng bala ang windshield ng sasakyan namin.

    Nagulat pa ako ng hawakan niya ang batok ko at pinadapa. Kaya dumapa na rin ako, dahil tumatagos na ang bala sa loob ng sasakyan. Nakita kong bumunot ng baril si Raden saka padapang binuksan ang pinto at ginawang shield ang pinto ng kotse. At nakipag palitan na rin ng putok. 

  Napasinghap ako ng biglang may humila sa braso ko ng puwersahan at pinalabas ako sa nakabukas na palang pinto sa gawi ko. Shit! Mapapasubo ako nito. Alangan namang hayaan kong saktan ako nito.

 "Alexandra!" Sigaw ni Bernardo ng makita akong kinaladkad palabas ng hindi kilalang lalaki. Tuluyan na nga akong nakalabas. Nakapaikot na ang braso nito sa leeg ko mula sa likuran ko at nakatutok ang baril sa leeg ko.

"Putang ina ka! Bakit mo ako dinadamay dito?!" Pagmumura ko sa h*******k na lalaking ito.

    Tumingin muna ako sa sasakyan kung nakatingin ba si Bernardo pero nangunot ang noo ko ng diretso lang ang tingin nito sa harapan ng sasakyan at hindi na nakadapa matuwid na itong nakaupo. Pero mabuti na ngang gano'n,  pero masama ang kutob ko.

    Wala na akong inaksaya pang oras buong lakas kong siniko ang tadyang ng lalaki dahilan para mabitiwan niya ako, saka mabilis kong tinuhod ang abdomen nito saka kinuha ang baril at tinutok sa kan'ya.

 "Hayop ka, pinasubo mo ako." Matigas na sabi ko sa lalaki. Na namimilipit sa sakit habang nakayuko. Sa lakas ng pagkakasiko at pagtuhod ko rito for sure nahihirapan na itong huminga. 

  Nagtaas ito ng mukha. "Tumakbo ka na kung ayaw mong  pasabugin ko 'yang utak mo." Banta ko rito sa malamig na boses.  Bumalatay ang takot nito sa mukha saka mabilis na tumalikod at tumakbo. Pero bago pa man ito nakalayo ay binato ko ng buong lakas ang baril sa gawi nito. Umiikot-ikot ang baril  papunta sa gawi nito hanggang sa dumapo iyon at sapol ang ibabang bahagi ng ulo nito na alam kung ikakahimatay nito at hindi nga ako nagkamali dahil bumulagta ang katawan nito. Napa-smirk ako. Sisiw!

  Mabilis akong bumalik sa loob ng kotse. Napalingon pa sa akin si Raden habang nagtatago sa pintuan ng kotse at pinapalitan ng magazine ang baril nito. May pagtataka sa mukha nito. Marahil ay nagtaka ito dahil nakita ako nitong kinaladkad ng kalaban at ngayon nakabalik sa loob ng wala man lang gasgas. Iniwas ko na ang tingin ko sa kan'ya at bumaling kay Bernardo na nanatili pa ring nasa harap ang mukha, at parang nanginginig. Napataas ako ng isang kilay I smell something wrong. Hanggang sa hindi nga ako nagkamali ng unti-unting itaas ng driver ang braso nitong may hawak na calibre 45 na baril at tinutok sa gilid ng ulo ni Bernardo. Mukhang may gulong kinasangkutan talaga itong si Bernardo at pati driver ay tina-traydor na siya, malakas ang loob ng mastermind nito. Tarantado kasi. Pero hindi ko hahayaang patayin siya ng traydor na driver na ito. Hindi ko pa siya nakikitang naghihirap. Kung mamamatay ang taong ito dapat sa kamay ko. Nakita ko ang paglipat ng daliri ng driver mula sa trigger guard hanggang sa mismong trigger. Akma na sanang kakalibitin niya ang gatilyo ng mabilis na umangat ang mahaba at nakatakong kong paa at sinipa ang kamay nitong may hawak ng baril. Buti na lang at malaki at maluwang ang kotse ni Bernardo kaya nakakakilos ako ng maluwang. Naiputok nga nito ang baril pero sa ibabaw naman. Mabilis na dumapo ang palad ko in slant position sa batok nito kung saan mabilis na nawawalan ng malay ang sino mang tatamaan doon. Pero nagulat ako ng medyo nanghina lang ang lalaki at hindi nawalan ng malay. Bagkos ay humarap ito sa akin at tinutok sa akin ang baril. Sa hula ko nakadrugs ang lalaking ito, nanlilisik ang mga mata nito at namumula. Kinalabit niya ang baril at pumutok iyon, buti na lang mabilis ang kilos ko kaya nakaiwas ako. Hinuli ko ang pulsuhan niyang may hawak na baril saka hinampas ko ang leeg niya sa pamamagitan ng palad in slant position.  Na kinaigik nito. Pero hayop matigas pa rin kaya ang ginawa ko ay tinusok ko ng dalawang daliri ang mata niya na kinasigaw nito. Kaya nabitiwan niya ang baril na nasalo ko at mabilis ko iyong itinutok sa kan'ya na kinatakot ng huli. Pero hindi ko iyon kinalabit hinayaan ko siyang makalabas ng kotse. 

    "Men Barilin niyo ang traydor na 'yan!" sigaw ni Bernardo mula sa nakabukas na bintana. Agad namang tumalima ang tauhan nito saka pinaulanan ng bala ang katawan ng driver. Napapailing na lang ako.

    

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status