SUMANDAL ito sa railing sa kanyang tabi at tinitigan siya.
"Oh ba't ka nakatingin?" Hindi niya mapigilang umiwas ng tingin dahil sa ilang oras pa lang niya kasama ito ay hIndi na siya mapakali kapag tumititig ito sa kanya.
"Aren't you gonna remove you head mask? it's awkward." Nakangising tanong nito sa kanya.
Hinawakan niya ang sariling headmask at kumunot ang kanyang noo dahil sa pagngisi nito na tila natatawa sa kanya. "Tatanggalin ko lang 'to kapag dumiretso na ulit yang dila mo, English ka ng english." balik-asar niya dito.
Lalo lang itong tumawa at umiling sa kanyang harapan. "Okay, You can keep it that way, Im not even interested to see how you look," balik-asar nito.
(Aba!) Gusto niyang magtaray ngunit alam naman niyang nang-aasar lang ito. Humalikipkip na lang siya ng umalis ito at tumingin sa kawalan. "Bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?" Muli na namang tanong niya dito.
Hindi pa siya nakakaharap ng muli itong bumalik sa dati nitong pwesto sa tabi niya at inaabot ang isa pang glass na may lamang alak.
Kinuha niya naman ito ay tinititigan, (Whiskey ang tinitira naman nito kanina ay champagne tpos red wine hindi kaya sumakit ang tyan nito?) Diretso niyang ininom ito at inubos ng halos kalahati dahil masyado itong matapang kaya hindi niya kayang inumin ng isang diretsuhan.
"I don't play casinos, I didn't plan to be here anyway. They just kidnapped and surprise me in a very typical way." Kwento pa nito.
Marahan siyang umubo sa harap nito dahil sa tapang nang kanyang nalasahan. "Ehen ehem, Ang tapang naman nito," Komento niya habang pinapaikot-ikot sa dalawang kamay ang hawak na baso upang tumunog ang malaking bilog na yelo sa loob nito.
"Sabi nga nung Charles, hindi mo alam ito, Siya ang nag-book sa agancey namin," Proud na sabi pa niya kahit alam naman niyang hindi ito interesado malaman kung saan ang pinaggalingan niya.
"That Charles, He's trying to impress again. " Sabi nito habang sinunod muling inimun ang alak nito sa baso. "Trying to do anything to benefit, This won't help him to regain funds for their businesses."
(Huh?) At some point, ay wala siyang maintindhan ngunit na-gets niya ang ibig sabihin nito na ginawa lang ng kaibigan nito iyon upang may makuha sa kanya. "Benefit? ano ka ba? kaibigan mo yun. gusto lang siguro noon maging masaya ka bago mo lisanin ang mundo ng pagiging binata." Siniko niya pa ito na parang isa siya sa mga close friends nito.
Napaigdad naman ang binatang nasa tabi niya ng sikuhin niya ito na tila hindi ito sanay sa mga ganong gestures ng pakikipagbiruan.
"Yes we are friends, that's how we do. We have to be friends to maintain each other power, wealth or anything that can benefit one another." sabi pa nito.
"Gamitan? In-English mo pa" Tawang sabi niya. "Ikaw lang siguro ang nag-iisip non. Hindi naman po lahat dahil sa pera noh? Hindi lahat ng bagay sa mundo nabibili ng pera." Sabi pa niya.
Tumawa naman ito at tinitigan niya. "I like you." Direktang sabi nito sa kanya, Muli ay sumilay ang magandang ngiti nito na lalong nababagay sa mala-anghel na itsura nito. "I like how you see the world. It's pure innocence,"
Muli ay wala na naman siyang maintindihan sa pinagsasabi nito. Siguro ay malayo ang kanilang pagtanaw sa mga bagay-bagay dahil magkaiba sila. Mas malayong magkaiba talaga sila. Siguro ay simple nga lang siya mag-isip dahil siya ay nabubuhay lang upang kumita ng pera samantalang ito ay nasa bilyon-bilyon siguro ang hawak ng mga ito at mas malaki ang mga problema ng mga ito na kailangang harapin sa araw-araw.
Ano ba naman ang problema niya sa buhay kumpara sa mundong ginagalawan ng mga ito? wala talagang pagkakapareha.
"Baka sinasabi mo lang yan kasi hindi mo gusto ang ganitong klaseng parties, alam mo na," Tinaas niya pa ang kilay at ngumiti dito. "Ikakasal ka na kasi eh,"
Lalo itong umismid at napatawa sa kanyang aksyon. "Simple ka nga," Sabi nito habang umalis sa kanyang tabi at umupo sa ibabaw ng deck kung nasan ang isang tray ng mga finger foods at mga alak.
Ito na naman sa huling pagkakataon ay wala talaga siyang naiintindhan sa mga sinasabi nito na napakasimple lang naman ngunit hindi kayang i-pick up ng mababaw niyang pag-iisip.
Sumunod naman siya dito at umupo rin sa tabi nito. "Bakit mali ba ako? Hindi ka ba ikakasal?" Excited na tanong niya, Na halos gusto niya na sanang sabihin nito na oo, hindi ito ikakasal.
"I am getting married in 4 days," Sabi nito na walang ka-abog abog. Ni hindi man lang nagdeny sa harap niya. Tumango-tango naman siya sa sagot nito habang kumuha ng isang biscuit sa plato na nakapatong sa may tray sa kanilang pagitan. Gusto niya sana manghinayang ng diretso itong sumagot ngunit wala naming time para i-process iyon sa utak niya.
"So kaya pala feeling mo hindi mo gusto yung sayaw ko e," sabi niya habang nakatulala at inaalala ang mga eksenang nangyari sa kanila.
"The union is just a regular thing to do especially for us, in our world. It strengthen the bonds between one another. Just like I said it. If it can benefit you and the others, you'll do it."
"Arranged marriage?" Nanlaki ang mata niya dahil hindi siya makapaniwalang may ganoon pala talaga sa totong buhay! Ang akala niya any sa teleserye lang ito.
"No, not really," Umiling ito na tila nag-eenjoy ito na makipagkwentuhan sa kanya. bumuntong-hiniga siya kasama na naman ng pagikot ng kanyang mga mata.
"Ang gulo mo naman kuya!" sita niya dito dahil wala talaga siya nage-gets sa mga sinasabi nito.
"Kuya? You don't even know my age, "He softly grinned again and there he suddenly captured her eyes again dahil sa pagtawa-tawa nito.
"Impression yon ng mga katulad ko," Turo niya pa dito. "Anyway kung hindi arrange marriage eh anong tawag dyan ? and bakit ka magpapakasal kung hindi mo mahal?" direktang sabi niya.
"I never told you na hindi ko mahal ang fiancé ko," Pag-correct nito. "But love is not a strong reason, We only mis-interpret the perception of love, Hindi ka dapat nagpapakasal dahil mahal mo lang, kaya marami ang naghihiwalay at walang nararating dahil inuna mo ito," Tinuro pa nito ang sariling dibdib.
"There's so many reason to wed. Hindi lang tayo open sa mga ibang bagay. For us, young generaton we thought love conquers everything when in fact money conquers everything."
"Wow ang lalim," Sabi pa niya dahil grabe ang mindset ng isang ito, At some point ay tama ang mga sinasabi nito dahil sa mga katulad nila kaya may mga resulta na katulad niya na broken family at hindi niya maramdaman ang pagmamahal ng isang ina. Tama talaga ito pero parang hindi pa siya masyadong convince. "Pero alam mas okay kung nangingibabaw ang love dahil makakaya mo ang lahat kapag syempre mahal mo yung nasa tabi mo," Turo niya pa dito.
Nakakatuwa lang isipin na nakakapagpalitan sila ng opinion kahit na hindi sila magkakilala ng lubos. Meron siyang natutunan dito at ganun din ito sa kanya. It was like a glimpse of their everyday routines.
"Really?" Nakita niyang tumaas ang isang kilay nito habang nakangisi na naman at tinungga muli ang hawak na baso. Siya naman ay tinungga rin ang laman ng baso. Nang parehas maubos ay muli itong kumuha ng bote ng alak at nag-salin sa kani-kanilang mga baso. "How come that you're in a job like this? You need money don't you?" sabi pa nito.
"Oo pero-"
"See? that's what I'm telling you, Money is everything" Sabi pa nito.
(Well may point nga naman ito. kailangan ko talaga ng pera.) Hindi na niya makuhang makipagtalo dahil totoo naman talaga ang sinasabi nito. Muli niyang kinuha ang basong nilagyan nito ng alak at tinungga iyon. Halos mamula na siya sa sobrang pait noon at nararamdaman na din niya na tumatama na ito sa kanyang utak.
"Oo nga, Pera nga ang kailangan ko," Naramdaman niya ang tama ng alak ng mahalata ang sarili na nabubulol na siya. "Pero syempre I do this dahil mahal ko sila, Oh d'ba love yon!" Pagmamalaki pa niya habang napapapikit.
"Who?"
"Mga kapatid ko syempre" Sabi pa niya, "Sina Aries at Arrietta ang dahilan bakit ako nagsusumikap."
"Sa ganitong trabaho?"
"Hep!Hep!" Itinaas niya ang isang kamay at itinuro sa taas ng langit ang isang hintuturo niya. "Bago mo ituloy yan, Hindi ako prostitute okay? booking man ang tawag sa trabaho ko pero I'm not a prostitute no!" Sabi pa niya habang nabubulol. "Well kung yung iba nagpapauwi sa mga clients pwes ako hindi, I just extend our client's joy and wishes. Plain business!" Sabi niya ng tuloy-tuloy.
"I am not saying you're a prostitute okay? I'm just askin' and you are drunk missy." Sabi pa nito.
Umiling -iling siya "T-tipsy lang ano ka ba," Ini-offer niya ang hawak na baso upang ito na lang ang uminom ng kanyang tirang alak. Kinuha naman nito at ininom ang last drops ng kanyang inumin upang hindi na siya malasing.
"So tell me more about yourself?" Sabi pa nito habang nakatingin sa kanya.
"Ako? wala namang kaintere-interesado sa buhay ko," Tawa niya habang kumuha ulit ng kakainin.
"Try me" Sabi pa nito na tila napukaw na niyang ang atensyon nito sa kanyang buhay.
Nagkibit-balikat lang siya at nagisip na pwedeng ikwento pa sa binatang ito."Ayun, Kailangan ko ng pera syempre, para sa pag-aaral ng dalawa kong kapatid." Tuloy-tuloy na kwento naman niya sa binata habang nakikitang nakikinig talaga io sa kanyang mga ikukwento pa.
Halos matagal-tagal din ang paglitanya na kahit mismong sarili niya ay hindi niya na maalala kung ano man ang kinukwento niya pero nakikita naman niya na nakikinig ang binatang ito na ngayon lang niya nakilala sa tanang-buhay niya. Minsan ay masarap talaga magkwento ng iyong pinagdadaanan kapag hindi mo kakilala ang kaharap mo.
TWO YEARS AFTER…“Carbonara? Paella? BBQ? Ano pa ang kulang?” Tanong ni Xia sa sarili ng muli pasadahan ang mga inilapag sa lames ana pagkaing kanyang inihanda at maagang iniluto ng araw na iyon.Napabuntong hininga siya ng marahang pasadahan ang mga maramng putahe kanayng pinaghanda. Ito ang isa sa pinagarap niya noon. Ang masaganang buhay at palaging may handa sa tuwing okasyon. Ngayon ay Malaya niya ng nagagawa ng hindi iniintindi ang gastusin at hindi mabigat ang kanyang loob.“Dalawang taon na…” Hindi niya mapigilang magpakawala ng isang matamis na mapait na ngiti habang napadako ang tingin sa isang mahabang consol table na nakahinding sa isang pader malapit sa kanilang dining area. Makikita roon ang hilera ng mga picture frames na sa loob nang dalawang taong nangyari sa kanyang pamilya. Una sa hilera ang picture nila Liam na kuha sa kanilang simple at maliit na intimate wedding. She was wearing a simple cocktail gown at Liam was also wearing a simple coat and tie. Simple ngunit
[“I’m telling you right now, Luis. Stop ruining our name!” Luis could imagine the veins coming out from his dad, the respected and untouchable Governor of Davao! He smirked as he covered his one ear when the non-stop nagging from his father came through the lines.“Relax, Dad. I am doing you a favor right here? Hindi ka ba natutuwa?” Natatawang pang-aasar niya sa kanyang ama. “I am cleaning the dirty mess in Davao by doing this?”“Doing what? Ang pasakitin ang ulo ko? Just in case, you forgot, young man. Akalinis ko lang ng kalat mo! You were pregnant with a prostitute two months ago.”“Iba ito, Dad, “ Natatawang tanggi niya habang nakasandal sa kanyang swivel chair at isinasalin ang paboritong mamahaling alak sa isang mamahaling baso. Ipinatong niya ang dalawang paa sa kanyang office desk. “I am warning you, Luis. Kapag nalaman kong may ginagawa ka na naman na kalokohan dyan sa resthouse. Ako na angmagpapahuli sayo.” Luis heard how serious his father’s voice was, but instead of taki
Halos hingalin at mawalan ng hininga sa paghagulgol ng maramdaman niya ang kusang pagtahan. Kahit pa umuwa at mamula ang kanyang mga mata ay wala maireresolba ang kanyang pag-iyak habang nakasalampak roon.Pinilit niyang tumayo sa malamig na tiles at nilakad ang direksyon ng pintuan. Kailangan niyang makalabas roon bago pa iyon ikandado. Wala na siyang pakialam kung may nagbabantay sa labas ng kanyang kwarto.Kailangan niyang makuha ang kanyang anak na si Ixa. Hindi ito maaring mapunta sa in ani Liam. Hindi ito pupwedeng lumaki sa isang malungkot at de-numerong pamamahay katulad ng nangyari sa ama nito. If Liam found this, she was sure that he would do anything to take her back.Ngunit nang aabutin niya ang handle ng pintuan na iyon ay kusa iyong bumukas ng marahas. Iniluwa ng malaking punto ang bult oni Luis. Napatigil siya sa paglakad at muling nakaramdam ng takot base sa madilim na ekspresyon ng mukha nito. Pawis na pawis ito at ang mga butones sa itim nitong polo ay nakabukas na ti
“G-gago ka.” Nakipagsukatan siya ng tingin sa lalaking hindi na natutuwa sa kanya. Mas ititnusok nito ang baril sa kanyang dibdib.“Gago ako? Eh anong tawag sa ginawa mo? Edi mas gago ka?” Luis chuckled and gave him an unassuming smile. “You stole my fucking woman!”“She is not yours!” Mas lalo niyang nilaksan ang kanyang boses ngunit mas lalo lang niya yatang pinikon si Luis ng makita ang paghigpit ng panga nito at pagsilay ng apoy sa mga kulay na itim ng mata nito.“Really? And she’s yours? You’ve already let go of your chance, Liam. “ Mariin nitong bulong habang matiim pa rin ang tingin sa kanya. “You knew already that I was courting that woman. Pumasok ka pa rin sa eksena? Inunahan mo pa talaga akong galawin si Xia?!”“Hindi isang produkto si Xia para pag-agawan natin, Luis. I know I’ve never been honest with you, but you don’t need to know everything about my personal life. Xia is the one I truly love—”“Love? Love your ass, Liam. You knew, we don’t have time for that.” Tumawa ito
“Hindi ko makontak ang ate ninyo…” Sambit ni Mildred sa dalawang anak niya na sina Arry at Aries habang panay ang dial sa phone upang kontakin ang nag-riring lamang na phone ng kanyang anak na si Xia. Kagabi pa ito hindi umuwi at hindi nito ugali ang gawaing iyon lalo na at walang bilin tungkol sa anak nitong si Ixa sa tuwing wala ito.“Eh, Ma, pumunta na kaya tayo sa presinto?” Nag-alalang swestyon ni Arry nang magtaka na rin ito dahil kahapon pa hindi makontak ang kanilang ate.“Ma, tawagan kaya natin si kuya Liam?” Swestyon naman ni Aries habang karga nito si Ix ana tila wala rin alam na hindi pa umuuwi ang ina nito.Sandaling napaisip si Mildred kung tatawagan ng aba niya si Liam o si Luis, Kung si Liam ang una niyang tatawagan ay may magagawa bai to gayong kasalukuyang nasa ibang bansa ito at mukhang hindi sila okay ng kanyang anak. Ngunit kailangan din malaman ni Liam na nawawala si Xia.[DING DONG!]“Hindi ko makontak ang ate ninyo…” Sambit ni Mildred sa dalawang anak niya na si
“Hmmm.” -EnzoIsang ngisi ang iginawad ni Enzo ng hindi niya sundin ang utos nito. Ang kanyang mga paa ay tila napako lamang sa pagtayo roon habang pinoproseso ang mga nasa paligid. Ang kaba a kanyang dibdib ang namutawi habang ramdam niya ang mga matang mapanuri na nasa kanya.Nakita niyang bumaling si Enzo upang bulungan ang katabing si Luis na taimtim lang na nakatitig sa kanya na tila hinahintay rin ang kanyang pag galaw. Masumid nitong inuubos ang laman na alak na hawak nitong baso.“Come on? Did you lose your spark Xiomara?” Muling mapangasar na tanong ni Enzo habang napakamot sa kilay nito. Ngumisi pa ito na tila nailing.“G-gusto ko nang umuwi.” Mariin niyang saway habang tinatakpan ang sarili. Hindi siya uto-uto upang sundin ang gusto ng mga lalaking nasa harap pero tila mas napikon niya asi Luis sa hindi pagsunod. Rinig niya ang malakas ng pagtikhim nito at napahawak ito sa kanyang baba. Nagsalubong ang makapal nitong mga kilay at tumukod pa ang siko nito sa tuhod nitong naka