Mag-log inSi Celeste Reyes ay ang perpektong asawa—tahimik, masunurin, at tinitiis ang kawalan ng pakialam ng kanyang asawang si Iñigo Samonte. Sa loob ng tatlong taon, naniwala siyang sapat na ang pagmamahal niya para baguhin ang matigas na puso ng bilyonaryo at makuha ang atensyon nito. Ngunit sa gabi ng kanilang ikatlong anibersaryo, napatunayan niyang siya ay isang "proxy" lamang. Walang pasabing iniwan siya ni Iñigo sa gitna ng selebrasyon—hindi dahil sa trabaho, kundi para sunduin ang nagbabalik na ex-girlfriend nito. Doon napagtanto ni Celeste na kahit anong pagsilbi niya, hindi kailanman magiging kanya ang pusong nakalaan na sa iba. Wasak at pagod na, ibinigay ni Celeste ang divorce papers. Ngunit sa halip na pirmahan, ginamit ni Iñigo ang impluwensiya nito para ikulong siya sa isang "90-day separation rule." Sa loob ng tatlong buwan, kailangan nilang magpanggap na masaya sa ilalim ng iisang bubong. Ngayong desidido na si Celeste na bumitaw, biglang nakaramdam ng selos si Iñigo nang lumitaw ang kanyang karibal na pinsan upang kunin ang atensyon ng kanyang asawa. Sa gitna ng pagnanasang makuha muli ang loob ni Celeste at ang pait ng kanilang nakaraan, matututunan kaya ni Iñigo na totoong mahalin ang asawa bago maubos ang natitirang mga araw? O huli na ang lahat para sa isang lalaking natututo lang magpahalaga kung kailan mawawala na sa kanya ang lahat?
view moreIñigo Samonte POVAlas-singko ng hapon, nakaupo ako sa tapat ng opisina ko sa farm—na dati ay isang lumang bodega lang pero ngayon ay may maayos na glass windows at wooden desk. Nakatitig ako sa financial report ng Reyes-Samonte Agricultural Cooperative. Sa darating na buwan, opisyal na kaming mag-e-export ng aming mga organic na produkto sa tatlong bansa sa Asya. Ang dating maliit at naghihingalong farm, ngayon ay isa na sa pinakamalaking supplier at nagbibigay ng trabaho sa mahigit tatlong daang pamilya rito sa Isla Moretti.Napangiti ako nang bahagya habang isinasara ang laptop. Kung makikita ako ng mga dati kong business partners sa Makati na naka-linen shirt na nakatupi ang manggas, khaki shorts, at leather sandals habang seryosong nagpapatakbo ng isang farm, baka isipin nilang nabaliw na ako. Dati, bawat desisyon ko ay nakabase sa kung magkano ang kikitain ng Samonte Group sa bawat quarter. Ngayon, bawat pirma ko sa kontrata, ang iniisip ko ay kung sapat ba ang magiging pondo pa
Celeste Reyes POVLinggo ng hapon. Isang araw matapos ang binyag ni Lucas, at sa wakas, bumalik na ang natural na katahimikan sa Reyes Farm. Maagang-maaga pa lang kanina ay umalis na sina Lola Isadora, Tita Helen, at ang mga kaibigan ni Iñigo pabalik ng Maynila dahil kailangan pa nilang humabol sa unang biyahe ng RoRo sa port. Ang buong malawak na garden na punong-puno ng ingay at dekorasyon kahapon ay malinis na ngayon, salamat sa tulong nina Kaelan at ng mga tauhan sa farm.Nakatayo ako sa may pinto ng veranda, hawak ang isang mainit na tasa ng kape habang pinapanood ang dahan-dahang paglubog ng araw. Kulay rosas at kahel ang langit, at ang malamig na hangin mula sa kabundukan ay nagsisimula nang umihip.Tiningnan ko ang kabuuan ng aming bakuran. Kung may magsasabi sa akin noong nakaraang taon na ganito ang magiging kahihinatnan ng magulo at masalimuot naming simula ni Iñigo, malamang ay tinawanan ko lang sila. Noong mga unang buwan na pilit naming inaayos ang mga gusot sa pagitan n
Celeste Reyes POV Alas-singko na ng hapon nang magsimulang mag-paalam ang karamihan sa mga bisita mula sa bayan. Unti-unti na ring nagliligpit ang mga catering staff ng mga ginamit nilang kagamitan sa garden, habang si Kaelan at ang ilang mga kalalakihan mula sa farm ay tumutulong sa pagbubuhat ng mga mabibigat na silya pabalik sa bodega. Umakay ako sa itaas para tingnan si Lucas na kasalukuyang natutulog sa aming kwarto, pagkatapos ay bumaba ako uli para magpahangin sa may porch. Nakita ko sina Tonton at Jace na nakaupo sa may hagdanan ng veranda, parehong nakatanggal na ang sapatos at hawak ang tig-isang malamig na botelya ng softdrinks. Halatang pagod sila sa maghapon pero ang mga mukha nila ay nakangiti pa rin. "Grabe, Celeste. Sobrang solid ng handaan ngayon ah," bati sa akin ni Tonton nang mapansin niya akong pababa ng hagdan. "Hindi ko akalain na makakakain ako ng ganoon kasarap na litson. Iba talaga 'yung timpla nung matanda, si Lolo Mateo ba 'yun?" "Oo, si Mateo talaga an
Celeste Reyes POVPagpasok pa lang ng sasakyan namin sa gate ng farm, dinig na dinig ko na ang tugtog ng acoustic guitar mula sa soundsystem na ipinahiram ni Kaelan. Ang garden na kaninang umaga lang ay puro bakal at tela, ngayon ay mukhang isang napaka-eleganteng reception. May mga mahahabang lamesang nakalatag na may puting tablecloth, puno ng mga sariwang bulaklak mula sa bayan, at sa isang tabi naman ay nakapila ang mga catering staff na abalang-abala sa pag-aayos ng mga chafing dishes.Ipinark ni Iñigo ang sasakyan sa tabi ng truck ni Kaelan. Pagkababa namin, agad na sumalubong sa amin ang amoy ng bagong hurnong litson na ginagawa ni Mateo sa may likod ng kusina. Amoy sunog na balat ng baboy, tanglad, at uling—'yung tipong amoy pa lang, alam mo nang piyesta talaga ang pupuntahan mo."Celeste, dumeretso ka muna sa loob para maibaba mo si Lucas sa crib niya. Mukhang mahimbing pa ang tulog, baka magising kapag dinala mo agad sa gitna ng ingay," sabi ni Iñigo habang kinukuha ang diap
Celeste Reyes POV Maaga pa lang ay nasa labas na ako ng rest house, tinutulungan si Mateo na mag-ayos ng mga pananim. Masakit pa rin ang likod ko mula kahapon, pero mas gusto ko na ito kaysa nakaupo lang sa loob at naghihintay kung kailan uli magpaparamdam si Iñigo. "Huwag mong masyadong baon '
Celeste Reyes POVTahimik sa loob ng sasakyan ni Kaelan. Tanging ang mahinang ugong lang ng aircon at ang bawat buntong-hininga ko ang naririnig. Nakatingin ako sa labas, pero ang nakikita ko ay ang mukha ni Cassandra habang kausap ang tatay niya sa telepono.“Everything is going according to plan
Celeste Reyes POV Tahimik ang loob ng sasakyan ni Kaelan habang binabaybay namin ang daan pabalik ng Maynila. Nakasandal lang ako sa bintana, pinapanood ang paglubog ng araw sa mga palayan ng Batangas. Pakiramdam ko, iniwan ko ang kalahati ng pagkatao ko sa rest house na 'yun. "Gusto mo bang du
Celeste Reyes POV Maaga pa lang ay nakabihis na ako. Isang puting blazer at slacks ang pinili ko—suot na nagpaparamdam sa akin na ako pa rin si Celeste na may pangarap, hindi lang si Mrs. Samonte na nakakulong sa mansyon. "Maaga ka yata?" Napatalon ako nang makita si Iñigo sa dulo ng hagdan.












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
RebyuMore