When Her Eyes Blazed, He Held Her Close

When Her Eyes Blazed, He Held Her Close

last updateLast Updated : 2026-01-16
By:  kaekaewrUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
11views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Kapag ang isang tahimik at mahinhing babae ay hindi inaasahang mapadpad sa mundo ng isang propesor na reserbado at malamig sa damdamin, sisiklab ang apoy na hindi nila inakala. Mula sa mga ilang at alanganing pagtatagpo at mga lihim na unti-unting nabubunyag, mamumulat ang isang ugnayang puno ng lambing at tukso. Sa gitna ng mga hindi pagkakaunawaan, halakhak, at mga sulyapang palihim, matutunaw kaya ang kanilang mga puso at mahahanap ang pag-ibig na mas higit kaysa sa kanilang inaakala?

View More

Chapter 1

KABANATA 1: Isang Gabi, Isang Pagkakamali

“Hm.”

Marahang bumukas ang pinto ng silid. Dalawang pigura ang pasuray-suray na pumasok, tila hinahabol pa ng alak ang kanilang mga hakbang. Pareho silang may malabong tingin sa mga mata—lasing, mainit ang hininga, at sabik. Sa bungad pa lamang, nagtagpo na ang kanilang mga labi, walang pag-aalinlangan, walang tanong. Nagsalikop ang mga hininga, paulit-ulit, magulo, at ang hangin sa silid ay napuno ng tensiyon na hindi kailangang ipaliwanag.

“Ah…”

Napasigaw si Ysa nang bigla siyang buhatin ng lalaki. Parang naputol ang mundo sa isang iglap—ang sahig, ang ilaw, ang oras. Ang maliit niyang katawan ay napasubsob sa mga bisig nito, at ang hubog ng kanyang payat na pangangatawan ay tila nagiging mas malinaw sa bawat hakbang na papunta sa kama. Isang iglap lamang at bumagsak siya sa malambot na sapin, agad sinundan ng bigat ng matangkad na katawan ng lalaki.

Namumula ang mga mata nito. Ang dati’y mahinahong mga kilay at titig ay tila nilamon ng apoy. Mainit, mapanganib, at walang balak umatras.

Naglaho ang katinuan. Mahigpit na kumapit ang mga kamay ni Ysa sa kutson. Namuti ang kanyang mga kasukasuan, at sa kanyang mga mata ay may kumislap na puting liwanag parang babala, o marahil paalam. Kumurap ang mga ilaw. Isang mahinang ungol ang umalingawngaw sa buong silid, sapat upang tuluyang burahin ang natitirang linya sa pagitan ng tama at mali.

“Lumayo ka…”

“Lumayo ka…”

Biglang nagising si Ysa, hingal na hingal. Pawis na pawis ang kanyang noo, at ang dibdib niya’y mabilis ang pagtaas-baba, parang kakarating lang mula sa isang mahabang pagtakbo.

Panaginip na naman.

Muli na naman.

Isang buwan na ang lumipas, at halos gabi-gabi na lang siyang binabalikan ng parehong eksena—iba-iba ang detalye, ngunit pareho ang pakiramdam: magulo, mainit, at puno ng pagsisisi.

Araw iyon ng kaarawan ni Sebastian, kasabay ng bakasyon sa tag-init. Masaya sana ang araw na iyon. Masaya siyang dumalo sa handaan, nagbihis pa nga siya nang mas maayos kaysa karaniwan, umaasang kahit papaano ay mapapansin. Ngunit laking gulat niya nang matuklasang hindi lang pala siya ang inanyayahan ni Sebastian.

Nandoon ang iba pang kaklase sa parehong kurso. At nandoon si Bianca, kilala sa kanyang kagandahan. Magkatabi silang umupo. Magaan ang tawanan. Masyadong magaan.

Maraming mata ang palihim na tumitingin kay Ysa, wari’y hinihintay ang magiging reaksyon niya.

Pareho sila ni Sebastian ng kurso, bagama’t magkaiba ng klase. Alam ng lahat na dalawang taon na siyang may gusto rito. Alam din iyon ng lalaki. Ngunit ni minsan, hindi siya tahasang tinanggihan. Bagama’t hindi rin tinanggap.

Batay sa mga tingin ng mga kaklase, malinaw na alam ng lahat ang tungkol kina Sebastian at Bianca. Lahat, maliban sa kanya.

Habang naroon siya, lantaran naming naglalandian ang dalawa. Walang pagtatago. Walang paggalang.

Ang bawat tinging nakasaksi sa eksenang iyon ay parang karayom na tumutusok sa dibdib ni Ysa. Tahimik siyang nanumpa sa sarili, ititigil na niya ang katawa-tawang pag-ibig na ito. Napagtanto niyang sapat na ang dalawang taon na paghihintay na wala namang kasiguraduhan.

Marami siyang nainom noong gabing iyon. Hindi dahil masaya siya, kundi dahil gusto niyang patahimikin ang bigat sa kanyang dibdib.

Nang magpunta siya sa banyo, natapilok siya at nabunggo sa isang tao. Doon niya nakita ang malalalim na kilay at mga matang puno ng presensiya.

Mas gwapo siya… mas lalaki.

Hindi niya alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob. Marahil sa alak. Marahil sa sakit. Hinila niya ang kuwelyo ng lalaki at marahang ibinulong, ang boses ay tila bulaklak na naglalabas ng halimuyak,

“Do you want to sleep with me?”

Isang gabing tuluyang nawalan ng kontrol ang sumunod. Isang gabing hindi niya kayang ipaliwanag, ni sa sarili, ni sa iba.

Kinabukasan, nagising ang lasing at duwag na si Ysa. Hubad siya sa kama, katabi ang isang lalaking hindi niya kilala. Kinabahan siya, nagmamadaling nagbihis, at umalis ng silid na tila tumatakas.

Alam niyang may nagawa siyang mali.

At pinili niyang kimkimin iyon.

Ngunit kahit isang buwan na ang lumipas, nananatili pa rin iyon sa kanyang isipan. Ang magusot na katawan, ang mabigat na hingal, at ang mga matang tila tumatagos sa kaluluwa.

“Ysa, bilisan mo! Tulala ka na naman. Gusto mo bang mahuli sa unang araw ng klase?”

Ang boses ni Trish ang humila kay Ysa pabalik sa realidad. Mabilis niyang itinaboy ang magulong alaala at bumaba mula sa kama.

Matapos maghilamos, sabay silang pumasok sa silid-aralan, bitbit ang mga libro.

“Bakit ba sobrang nagmamadali ka?” hingal na tanong ni Ysa.

“Nakalimutan mo ba?” sagot ni Trish. “May anatomy class tayo ngayon. You’ve been so out of it lately, parang wala ka ng maalala.”

Doon niya naalala.

May tsismis tungkol sa bagong propesor sa anatomy—napakahusay, mayaman, nagtapos sa Johns Hopkins University, at agad na hinirang bilang propesor. Pinakabata raw sa kasaysayan ng medikal na paaralan.

“Ysa,” bulong ni Trish, puno ng pananabik, “May estudyante raw na nakita na siya kanina. Sabi nila, parang… unreal.”

Sumabog na raw ang group chat ng paaralan. Maraming nagsisisi na hindi pinili ang klase niya.

Nang marating nila ang pintuan ng silid-aralan, natigilan si Ysa.

Puno ang silid. Parang may ayudang ipinapamigay dahil sa dami ng tao, siksikan at agawan.

“See?” sabi ni Trish. “Gwapo raw kasi. Parang artista.”

Sa wakas ay nakahanap sila ng upuan. Ngunit pag-upo pa lamang nila, biglang nagbago ang ekspresyon ni Trish.

“Malas.”

Sa harapan, magkatabi sina Sebastian at Bianca. Malinaw ang lambingan.

“Normal lang na masaktan ka,” sabi ng kaibigan. “Two years, Ysa. That’s not nothing.”

Tahimik na sagot ni Ysa, “Parang… alam ko na.”

“Kung ganon,” tanong ni Trish, “sino ang dahilan ng pagkawala ng kaluluwa mo nitong mga nakaraan?”

Mula nang magsimula ang klase hanggang sa kasalukuyan, alam ni Trish ang kalagayan ng kaibigan niyang si Ysa.

“……”

Hindi naglakas-loob si Ysa na magsalita.

Tinapik siya ni Trish sa balikat. “It’s okay. You don’t have to explain.”

“……”

Alam ko lang.

Nagbiro si Trish, “Time to upgrade your taste, Ysa.”

At sa sandaling iyon...

“Dumating na ang propesor!”

Isang matangkad na pigura ang lumitaw sa pintuan.

Payat. Guwapo. Tahimik ang presensya, ngunit sapat upang patahimikin ang buong silid.

Napa-gasp si Trish.

“Ysaaa,” bulong niya, “I wasn’t lying.”

Samantala, si Ysa ay halos bumagsak na sa ibabaw ng kanyang mesa.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status