Share

When I Reincarnated As The Billionaire's Wife
When I Reincarnated As The Billionaire's Wife
Author: SweetiestNightmare

Prologue

Tulala akong nakatingin sa isang family picture. Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubos na maisip na nabuhay ako muli bilang isang asawa ng isang mayamang lalaki.

Napasabunot nalamang ako sa buhok ko. Baka panaginip lang to?? O baka nababaliw na nga ako!!

Tinignan ko muli ang repleksyon ko sa salamin pagkatapos ay tinignan ko ulit yung malaking family picture na nakasabit sa pader. Kahit ilang beses kong ipokpok ang ulo ko at sabunutan ang buhok ko ay wala paring nangyayari at sigurado na akong totoo ngang nangyayari ito!

Napangiwi nalamang ako sabay yuko. Pano nangyari to? Ang huling naalala ko ay nasagasaan lang naman ako ng ten wheeler truck ! Pagkatapos non ay bigla nalang akong nagising sa katauhan ng babaeng to. Ibig sabihin ba non ay namatay na nga ba talaga ako doon sa dati kong katawan?? Eh malamang! Ten wheeler truck ang nakasagasa sakin! For sure nagkabali-bali nayung buto't balat ko.

Napasigaw nalamang ako out of frustration, mukhang sa mental yata ako babagsak nito.

"What are you doing here?" Napaharap ako bigla sa lalaking nagsalita. Nagulat pa ako at medyo natameme dahil sa tono ng boses niya na tila parang nangangain ng tao. Parang hindi niya nagustuhan na nakita niya ako dito.

Napalingon ako muli sa family picture. Siya yung lalaki na katabi ng babae na kasalukuyang kinalalagyan ng kaluluwa ko ngayon!

Akala ko ba kapag na re-reincarnated ang isang tao ay mabubuhay sila muli as baby at makakalimutan na lahat ng mga past life nila. Bakit saakin yata ay mukhang nagka aberya? Bat deritsong may asawa at anak na ako dito basi sa nakikita ko sa family picture.

Sa kasamaang palad ay wala rin akong alam sa mga alaala ng babaeng ito.

"I told you already that we don't need you anymore kaya wag kanang magpapakita pa dito at sa bata" giit at galit niyang sabi dahilan ng mapalingon ako muli sakanya.

Ha?

Hindi ba sila in good terms?

"A-ano kasi-" natigilan ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Bigla akong naubusan ng salita.

" What do you need this time ,huh?" Tila nanghahamon ang tono ng boses niya. Masyado itong malamig pakinggan at halatang tingin palang niya sakin ay anytime ay gusto na niya akong palayasin dito.

Teyka! Bat ba ako napunta sa katawan ng babae to? Bakit parang ako yata ang sumasalo sa mga pinanggagawa niya kung ano man yun at malakas ang instinct ko na hindi iyon basta mild na kasalanan lang.

"Gusto mo nanaman ba ng pera? Fine!--

"Uy! Teyka lang! A-ano bang pinagsasabi mo?" Sarkasto siyang napatawa at bahagyang lumapit sakin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Nakasilk dress na pantulog pa naman ang suot ng babaeng to which is ako na ngayon. T*ngina!

"Audrey, aside from being a useless mother, you are also a gold digger and a low-flying woman, so stop acting like you don't know what you're doing"

Natigilan ako sa sinabi niya. Alam kong hindi ako ang babaeng pinagsabihan niya pero bakit nasaktan parin ako?

Marangal akong babae at kahit kailan ay wala pa akong ginawang masama na nakakasakit ng damdamin ng iba dahil ako mismo ay isa ring biktima dati kung saan namumuhay pa ako bilang si Camelle sa dati kong buhay.

Ano bang ginawa ko at bakit napunta ako dito sa katawan ng babaeng kinasusuklaman ng lalaking to?

**********************

Votes and comments are highly appreciated. Thank you!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status