PINASADAHAN ni Rafael ng tingin ang papeles na hawak at masinsinan na binasa. Meron siya hindi maintindihan, pero hindi naman siya ganoong kabobo para hindi malaman kung ano ang hawak niya ngayon. Alam niya na isa itong prenuptial agreement.
Napataas ang isa niyang kilay nang mabasa doon na wala siyang magiging habol sa alin mang mga ari-arian at pera ni Nicolo, maliban sa halagang ibibigay nito sa kanya at tulong kay Riley bilang kabayaran sa pagpayag niyang pagpapakasal dito.
Inis na tiningnan niya si Nicolo. "Hindi ako maghahabol sa pera mo, at lalong hindi ko kailangan ng pera na ibabayad mo sa'kin."
Nilaro ng kamay nito ang ballpen na hawak. "I know, tulong ko na rin 'yun sa'yo kung kailanganin mo ng pera. Kung ayaw mo naman pwede mo naman ibigay na lang sa mga mahihirap."
Nailing siya. Mayabang din talaga ang lalaking ito. Kung hindi niya lang talaga kailangan ng tulong nito ay never niya itong pakakasalan.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa papeles na hawak. Nabasa din niya na hindi niya pwedeng pakialaman o panghimasukan ang buhay nito.
Muling tumaas ang kilay niya. "Wala naman akong planong pakialaman ang buhay mo. Wala nga akong pakialam sayo." Pabulong niyang sabi, pero tiyak narinig nito iyon.
"Wala din naman akong pakialam sa'yo, alam mo 'yan. Magpapakasal lang tayo dahil kailangan natin ng tulong ng isa't isa." sagot naman nito.
Inismiran niya ito at pinagpatuloy ang pagbabasa. Nakalagay din sa papeles na hindi niya pwedeng ipagkalat o ipagsabi ang tungkol sa kanila o na mag-asawa sila.
"Hindi na kailangang malaman ng iba ang pagpapakasal nating dalawa, maliban sa pamilya ko. Of course they need to know kahit hindi sila sangayon, paano natin sila mapapaniwala kung ililihim natin ang tungkol sa kasal?" anito.
Muli niya itong nilingon. "Noon pa man hindi na kami gusto ng pamilya mo, kaya hindi na ako magtataka kung maliitin ako ng magulang mo kapag nalaman nila na ako ang pakakasalan mo, na magpapakasal ka na nga lang bakit sa isang lalaki pa?"
Lumamig ng mga mata nitong nakatitig sa kanya. "You're being judgemental. Hindi ka pa rin nagbabago, Raphael."
"Pamilya mo ang judgmental, hindi ako!" He hissed.
Tila pagod itong nagbuga ng hangin. "Look, I'm trying to solve our problems, kung hindi mo kayang ituloy ito it's not my problem. Hintayin na lang natin na manalo si Mario sa custody ni Riley. Nahihimigan niya ang pagkairita sa boses nito.
Hindi na siya nagsalita pa baka biglang magbago ang isip nito na tulungan siya. Muli niyang binasa ang papeles. Napasinghap siya sa pangatlong nabasa. No sexual involve. Sangayon siya 'dun.
"Hindi mo kailangan intindihin ang sex life ko, I have my ways." muling sabi nito mula sa pananahimik.
"Same to me as well." aniya na ang mga mata ay nasa papel lang.
"But if you want, you can ask me to have sex with yo—"
"That's not gonna happen!" He snapped.
Hindi porket silahis siya ay wala na siyang delikadesa. Pakiramdam niya ang pula-pula ng mukha niya sa hiya. Hindi ba ito nahihiyang sabihin iuon gayong kaharap nila ang abogado nito?
Tumawa ito ng pagak. "Baka lang naman."
Sinamaan niya ito ng tingin. "Sinabi nang hindi! Huwag mo akong itulad sa mga babae mo!"
"Natural, lalaki ka." Natatawa pa ring sabi nito. Pero para sa kanya insulto 'yun. Iniinis talaga siya nito.
Inis na binasa niya ang ikaapat. 'Don't fall in love with me.' Hindi niya inaasahan iyon kaya muli siyang napa angat ng tingin sa binata.
"That's the important part, Rafael," dumukwang ito palapit sa kanya. "Don't fall in love with me if you don't want to get hurt. Believe me, I always say goodbye." Seryosong sabi nito.
Sa pagkakatitig niya rito ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Bakit kailangan nito iyong isama? Iniisip ba nito na iibig siya rito? No way!
Mabilis siyang umiwas dito ng tingin. "Ofcourse! I will never fall in love with you." mabilis at sigurado niyang tugon.
"Kung wala kang reklamo, pwede mo nang pirmahan." anito na iminuwestra ang kamay sa papeles. "If you also have a rules, you can tell to Atty. Santos, para maisama niya agad." He added.
"Okay na sa akin ito." aniya na pinirmahan na ang papeles.
"First we need to face my family and announce our wedding. After that, lilipad tayo papuntang paris, doon tayo magpapakasal."
"Paano kung tumutul sila?"
"That's why we need to make them believe that we are really in love with each other. Tsaka wala sila magagawa kung 'yun ang desisyon ko. What Nicolo wants, Nicolo gets."
"Eh, bakit sa Paris pa? Legal naman na ang kasal dito sa Pinas.?
"Hindi ka ba nag-iisip? Kung dito gaganapin ang kasal siguradong kakalat sa mga peryodiko, magazine at media ang pagpapakasal ko. Isa pa, mas madali ang proseso ng hiwalayan doon kaysa rito."
Tila siya nakaramdam ng lungkot pagkarinig sa hiwalayan. Hindi pa nga sila naikakasal, pero iyon agad ang kailangan nitong isa-alang-alang.
"W–wala pa akong passport."
"Don't worry, ako na ng bahala doon." kinuha nito sa kanya ang papeles at saglit na pinasadahan ng tingin bago iniabot sa abogado nito kuway tumayo na ito.
"Paki ayos na rin ang mga kailangan ni Rafael papunta sa paris, Attorney."
"Wala hong problema, Mr. De Lobo." sagot ng abogado na tumayo na rin.
"T-teka, paano si Riley?" maya'y tanong niya.
"Pwede natin siyang iwan kay Nana Adeng pansamantala. Ang tinutukoy nito ang matandang babaeng sumalubong sa kanila pagdating nila rito sa Hacienda. Hindi na siya umangal pa.
"And one more thing," humarap ito sa kanya. "don't mess with my surname, Raphael." Anito na tumalikod na. "Get ready. May aasikasuhin lang ako sandali bago tayo bumiyahe pabalik sa manila." pahabol nito.
"DON'T mess with my surname." ulit niya sa sinabi ni Nicolo kanina na nag make face. "Ako pa talaga ang dudungis sa pangalan niya?" tanong niya sa sarili.
Bumaba ang tingin niya kay Riley nang humagikhik ito habang nakatingin sa kanya. Nakahiga ito sa kama at siya naman ay nakahiga sa tabi nito.
Nilaro niya ang kamay nito. "Tinatawanan mo si papatito huh?!" kiniliti niya ito sa tiyan na lalo nitong kinahagikhik.
"Kasi naman 'yang uncle mo, akala mo kung sino! Ako pa talaga ang dudumi sa pangalan niya eh, matagal naman na siyang sira!" para namang hindi ito kilalang babaero. Wala nga laman ang peryodiko o magazine patungkol dito kundi ang pagiging babaero nito.
Muli itong humagikhik. "Boo boo gyah gyah!"
Bahagya niyang pinisil ng tungki ng ilong nito. "Kung hindi lang para sa'yo, hindi ko gugustohing ikasal sa kanya."
"Papapa!"
Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Raphael at naramdaman niya ang paggaan ng dibdib nang tawagin siya nitong papa. Hinalikan niya ito sa noo.
"Oo Riley, ako ang papa mo."
Humagikhik ito. "Pappa!"
Niyakap niya ito. "Gagawin ni papatito ang lahat para sa'yo anak, hindi ko hahayaang makuha ka ng taong iyon. Hindi ako papayag." Diterminado niyang sabi.
Doon tumunog ang call ring tone ng cellphone niya. Muli niya itong kinintalan ng halik sa noo bago inabot ang cellphone na nasa bedside table. Nang makita niya kung sino ang natawag ay agad niya iyong sinagot.
"Ellias, napatawag ka—"
"Bruha ka! Totoo ba 'yung nabasa kong message mo na pumayag ka nang ikasal kay Nicolo De Lobo?!" bungad nito.
He rolled his eyes. Inaasahan na niya na magiging ganito ang reaksyon nito nang ipaalam niya ang pagpapakasal kay Nicolo.
"Oo."
"Omg!" Nai-imagine na niya ang reaksyon nito at ngayon pa lang ay gusto na niyang matawa.
"You hate him, right? Noong nasa kolehiyo pa tayo, kulang na lang tirisin mo siya sa sobrang inis mo sa kanya."
Totoo iyon. Dahil mayabang naman talaga si Nicolo noong nasa kolehiyo pa sila. Naiinis nga siya sa tuwing nakikita niya na iba't ibang babae ang girlfriend nito kada-araw. Minsan na rin silang nagkabanggaan noon sa hallway tapos tinarayan lang siya nito. Kasamaang palad nga lang hindi niya natapos ang pag-aaral noon dahil na rin sa kakulangan sa pera.
"Nakalimutan mo na ba kung paano kayo kutyain ng mga De Lobo? Tapos magpapakasal ka sa isang Nicolo pa?!" dagdag nito.
Nagbuga siya ng hangin. "Wala na akong pagpipilian pa Elli. Kahit sukdulan ang galit ko sa mga De Lobo, si Nicolo na lang ang alas ko. Gagawin ko ang lahat para manalo sa custody ni Riley."
Narinig niyang naghuntong-hininga ito. "Naiintindihan ko at sana nga tama iyang desisyon na gagawin mo at sana rin makatulong talaga siya sa'yo. Huwag mo sana pagsisihan sa huli 'yang pinasok mo."
Kung alam lang nito na ngayon pa lang ay gusto na niyang magsisi sa pagpapakasal kay Nicolo, pero ito lang ang paraan at tangi niyang makakapitan. Kahit ang pagkapit sa patalim ang huling alas niya ay walang pagdadalawang isip niyang gagawin alang-ala kay Riley, para sa pamangkin niya.
"SINO 'YANG kasama mo?" tanong ni Ellias pagkapasok nito sa shop niya, sabay nginusuan nito ang babaeng nakatayo lang sa labas ng shop."Bodyguard ko," sagot ko."Bodyguard?"Inis na nagpakawala si Raphael ng malalim na buntong hininga. "Ipinagpilitan ni Nicolo. Hindi ako makakalabas hanggat hindi ako pumapayag na may Bodyguard."Pilyo siyang nginitian ni Elli. "Okay na kayo?""Hindi. Masama pa rin ang loob ko sa kanya.""Masama raw ang loob pero halata namang kinikilig dahil over protective sa kanya ang asawa niya," pang-iinis pa nito."Hindi ako kinikilig! Sino kikiligin na merong nakabuntot sa akin kahit saan ako magpunta?""Sus! Ang sabihin mo, gusto ka lang ilayo ni Nicolo mula kay Kuya Hecthor.""Ewan ko ba sa isip ng lalaking 'yon.""Ano na nga pala ang balita kay Reyna?"Natigil siya sa pag-arrange ng mga bulaklak. Wala siya naging balita kay Reyna. Wala rin naman sinabi si Nicolo tungkol sa dalaga at hindi naman niya nagawang itanong dahil nawala sa isip niya."Naku ha! Baka n
"WHAT do you want to ask, Mr. De Lobo?" tanong sa kanya ni Dr. Malari, ang doktor na tumitingin ngayon kay Raphael.Sinadya talaga niyang puntahan ang doktor sa opisina nito para tanungin tungkol sa kundisyon ngayon ni Raphael."My husband has a selective amnesia, anong paraan ang dapat gawin para bumalik ang alaalang nawala sa kanya?""In most cases, Mr. De Lobo, amnesia resolves itself without treatment. However, if an underlying physical or mental disorder is present, treatment may be necessary. Psychotherapy can help some patients. Hypnosis can be an effective way of recalling memories that have been forgotten.If you don't mind if I ask you, what is the reason why your husband had this kind of condition?"Nagbuga siya ng hangin. "I don't know the reason,""Mas mainam kung malalaman natin ang naging dahilan ng pagkakaroon niya ng ganito para mas matulungan natin ang paggaling niya,"Tumango siya. "Kakausapin ko ho ang asawa ko tungkol dito," Tumayo na siya. "Maraming salamat ho, D
NAGISING si Raphael na wala siyang kasama sa kwarto. Marahan siyang bumangon at naupo. Kinapa niya ang bandage na nasa ulo niya, bahagya siyang nangiwi nang bagha 'yung kumirot.Nabaling ang tingin niya sa pinto nang bumukas 'yun at iniluwa ni'yun si Mario. Napatingin siya sa dala nitong basket na puno ng prutas."Bakit ka nandito? Tinitingnan mo ba kung malubha ang kalagayan ko?" aniya.Nilapag nito ang basket sa lamesa at humakbang palapit sa kanya."Kumusta ka na?" tanong nito imbis na sagutin ang tanong niya.May pagtatakang tinitigan niya ito. Anong nakain nito at nagbago bigla ang pakikitungo nito? Pansin na niya 'yun mula nang makasama niya ito sa yate. Hindi kaya naengkanto ito?"Kinakamusta mo 'ko?" kunot ang noong tanong niya."Hindi ba pwede?" tila nagmamaang-maangan nitong tanong."Bagong strategy mo ba 'to, Mario? Pwes hindi mo ako madadala sa pagbabait-baitan mo," pagsusungit niya.Napatanga siya nang bigla itong tumawa. "Gusto kong mainis sa'yo pero hindi ko magawa," na
NAKA YUKO si Nicolo habang nakaupo sa waiting area na nasa labas ng kwarto ng hospital kung nasaan si Raphael.Naabutan niya ito sa cabin nila nang walang malay habang si Reyna ay may hawak na kutsilyo. He asked Reyna what had happened, but before she could answer she lost consciousness at nakita niya ang saksak nito sa tyan.Buti na lang malapit na sila sa manila nang mangyari ang trahedya. Nasa maayos naman na kalagayan si Raphael habang si Reyna ay kasalukuyan pang nasa operating room.Hindi pa niya alam ang totoong nangyari kung bakit humantong sa ganun ang dalawa, pero ang higit na bumabagabag sa kanya ay 'yung tinawag siyang superman ni Raphael.Why did Raphael suddenly call him that? Except Reyna no one else knows about it."How's your husband?" tanong ni Kalila nang dumating ito kasama si Hecthor.Hinilamos niya ang mukha at isinandal ang ulo sa dingding. "he's still unconscious."Naupo ito sa tabi niya. "How about Reyna?""She's still in the operating room and undergoing surg
KINABUKASAN, maaga silang lahat nagising para sulitin ang huling araw nila sa Puerto Galera.Nagkahayaan ang magpipinsan na mag snorkeling habang sila Nicolo at Reyna ay nagkaayaang mag jet ski.Kahit ayaw niyang tapunan ng tingin ang mga ito ay hindi niya maiwasang hindi tingnan ang dalawa lalo na kapag nagtatawanan ang mga ito."Hey!" tawag pansin sa kanya ni Hecthor nang makaahon na ito mula sa pag-snorkeling."Hey,""Bakit hindi ka sumama?" naupo ito sa tabi niya."I'm not in the mood,"Sinulyapan nito sila Nicolo at Reyna na masayang nag jejet ski. Paikot-ikot ang mga ito at rinig na rinig ang bawat pagsigaw ni Reyna.Nagbuntong-hininga ito. "Nakakahalata na si Kalila sa nangyayari ngayon sa inyo nila Nicolo at Reyna. Nakita niya kanina na lumabas si Nicolo mula sa cabin ni Reyna."Mapait siyang ngumiti. Kaya pala hindi sa kwarto nila natulag ito."Napagdesisyonan na namin na maghihiwalay na kami pagkabalik namin sa manila." aniya."At si Reley?""Problema ko na si Riley, Thor."T
BUMILIS ang tahip ng puso ni Raphael habang nakatitig sa lalaking mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya.Nasapo niya ang bibig. "Diyos ko! Ano ba itong nagawa ko?" mahinang tanong niya sa sarili.Panandaliang napawi ang pangamba kay Raphael nang malaya niyang napagmasdan ang gwapo nitong mukha. Para itong maamong tupa kapag tulog at leon naman kapag gising ito.Marahil sa sobrang kalasingan nilang pareho kaya nangyari ito. Isa pa hindi ito magagawa ni Nicolo sa kanya kung nasa tamang katinuan ito. Nakita na niya sa mga mata nito kung gaano nito pinagsisisihan ang paghalik sa kanya nito noon.Hindi niya gugustuhing magisingan siya ni Nicolo. Ayaw na niyang makarinig ng pagsisisi mula rito. Kaya maingat siyang umalis mula sa ibabaw ng kama, pero sa konting paggalaw ng kama ay gumalaw si Nicolo.Umungol na marahang nagmulat ng mga mata si Nicolo at awtomatikong nagtama ang kanilang mga mata.
EKSAKTONG ala-sais nang muling maglayag ang yate papunta sa Puerto Galera kung saan doon mag-istay ng dalawang araw.Pasado Ala-siyete ang mag-umpisa ang dinner. Lahat sila ay nasa isang malaking pabilig na lamesa. Nasa kaliwa niya si Nicolo habang katabi nito si Reyna at nasa kanan naman niya si Hecthor habang katabi nito si Kalila.Tahimik lang siya habang nag-uusap ang magpipinsan tungkol sa negosyo na gustong itayo ng bawat isa. Wala naman siyang masasabi kaya nananahimik na lang siya."By the way," si Kalila. "so unfair naman Kuya Nicolo na ikinasal kayo ni Raphael pero hindi man lang namin nasaksihan ang kasal ninyo."Tumikhim si Nicolo. "Well, biglaan din kasi ang lahat. And we both know na tututol si mom kapag ipinaalam ko sa inyong lahat." nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya."I love Raphael, ayokong merong makahadlang sa pagpapakasal ko sa kanya."Sus! Gustong hi
"NAG-IISA ka ata rito?" naupo si Hecthor sa bakanteng upuan sa tabi niya.Humihop siya ng kape habang ang mga mata ay nakatanaw sa payapang karagatan. Alas-ocho na ng umaga. Mula kanina hanggang ngayon ay wala pa siyang tulog."Are you okay?" muling tanong ni Hecthor sa kanya. Tiningnan niya ito at nginitian."Yes I'm okay."Tumaas ang kamay nito at hinaplos ang kanang mata niya gamit ang hinlalaki nito."You cried. Pinaiyak ka ba ni Nicolo?"Yumuko siya at tinitigan ang laman ng tasa niya. Sakatunayan hindi niya alam ang emosyong naglalaro sa kanya ngayon."I shouldn't be in love with Nicolo. I shouldn't love him right?""Mahal mo na siya?" nahimigan niya ang lungkot sa boses nito.Raphael sighed heavily. "I don’t know if it’s love I feel for him. Meron bahagi sa isip ko na nagsasabing... I have known him for a long time and I have
PIPIHITIN na sana ni Raphael pabukas ang seradura ng pinto nang bumukas iyon. Ang walang emosyong mukha ni Nicolo ang sumalubong sa kanya."Where did you think your going?" tanong nito."Maglilibot ako sa labas. Bawal ba?"Tiningnan nito ang suot na orasan. "It's already midnight para maglibot ka pa." isinara nito ang pinto."Anong pakialam mo? Bakit mo pa ako sinama rito kung ikukulong mo lang pala ako sa kwarto?" naiinis niyang sagot.Kanina pa siya naiirita rito nang basta siya nito iniwan. Dahil sa inis din niya nagpalit na siya ng costume nang wala sa oras."Go back to sleep. Kung gusto mo sasamahan pa kitang maglibot bukas." anito. Hinawakan siya nito sa palapulsuhan niya at hinila pabalik sa kama.Inis na inagaw niya ang kamay mula rito. "Sino ka para magdesisyon sa dapat kong gawin?" Dinuro niya ito. "Kanina ka pa. Naiinis na ako sayo Nicolo!"