공유

Chapter 3

last update 최신 업데이트: 2020-08-01 17:05:19

ALMIRA

First day of school! Yes! nakaka-excite naman.

"Remember my darling. Be a good girl." Pahabol ni Mommy sa'kin nang paglabas ko sa bahay.

Ibig sabihin lang ni mommy, huwag akong magsasalita ng kung ano-ano tungkol sa background ng pamilya namin. I mean, na daddy ko ang dean ng Eislerville Academy.

Ok! lets keep a secret a secret.

"Pwede bang sumabay sayo?" tanong ng lalaki sa likod ko, habang binubuksan ko na ang pintuan ng kotse na nakapark sa parking lot namin.

Napalingon ako sa nagsalita. Teka... sino 'to?? Tiningnan ko siya from head to toe.

Nakauniform siya. Panglalaki na uniform ng Eislerville Academy.

Tiningnan ko siya sa mukha. Hmm... ang cute ng hairstyle niya ah? Pang anime!

Pero nang ngumiti siya. Biglang napaawang ang bibig ko. My eyes grew wider!

Napasinghap ako. OMG! Kilala ko na siya!

"Jessy?!"

Akala niyo siguro kung sino na noh? Pero at first di ko talaga siya nakilala sa ayos niya.

"Yeah! Right girl! Ayos ba ang fashion ko?" sabi niya na bahagyang ngumiwi habang tinitingnan ang sarili.

"T-Teka?? Why are you wearing that kind of uniform?" maang na tanong ko sabay turo sa suot niya na hindi parin talaga makapaniwala.

"Tss.." Tinulak niya na ako sa loob ng kotse at pumasok na din siya. Pinaandar na ni Manong Driver ang kotse.

"Gusto ko mag-aral sa Eislerville Academy. Kaya pinilit ko si Kuya, in return na kailangan ko daw maging lalaki talaga."

"Woah! At pumayag ka naman na maging lalaki?" halos hindi makapaniwalang tanong ko.

"Mahirap, pero for the sake na gusto kong makapag-aral sa Eisllerville Academy, kailangan ko talaga maging lalaki." sabi niya habang nakangiwi. "Take note magaling akong magpretend."

Ako naman ang napangiwi. "Sus! Ang sabihin mo gusto mo lang makakita ng mga gwapo sa school na iyon."

"Mismo!" sabi niya saka tumawa. "Pero ayos ba? Halata ba na... ahm... beki?" tanong niya kapagkuwan.

Nagthumbs-up ako.

"Ayos na! For sure marami ang maghahabol sayo sa itsura mong 'yan."

Napahawak siya sa magkabilang pisnhiTumili siya. "Talaga? Lahat ba ng mga boys sa Eislerville Academy?"

"Nope! All girls. Ang gwapo mo kaya sa itsura mong 'yan " I said as I chuckled.

"Sabi ko na nga ba eh..." sabi ni Jessy na para bang nanamlay.

Natawa na lang ako sa sinabi niya. And yeah! To tell you honestly, gwapo naman talaga si Jessy. Kung hindi nga lang siya beki, naku! ang dami sigurong naghahabol sa kanya.

Nakarating na kami sa Eislerville Academy.

"Remember! Hindi ka bakla kaya ayus-ayusin mo ang kilos mong 'yan." paalala ko kay Jessy bago kami lumabas ng kotse.

"Yeah! right, lalaki 'to! " sabi ni Jessy using a husky voice at sinusuntok-suntok pa ang dibdib niya. Pero agad din napangiwi. "Ouch ang sakit!"

Natawa ako sa ginawa niya. "Lets see kung kelan tatagal ang masculine voice mong 'yan..."

Baka kasi makakita lang siya ng gwapo. Titili na siya, edi wala din. 

Sabay kaming naglakad papasok sa Eislerville  Academy. Hindi ko mapigilan tumawa sa paglalakad ni Jessy.

"Parang pinag-aralan mo ang paglakad mo ng ganyan ah? " natatawang tanong ko. Parang lalaki na rin kasi siya kung maglakad. Eh dati halos daigin niya ako sa paglakad dahil sa pag kembot niya.

Inirapan niya ako. "Che! Ang hirap nga eh."

"Ginusto mo 'yan, so magtiis ka!"

Tiningnan na muna namin 'yong bulletin board, doon kasi nakapaskil kung saan ang section na papasukan namin.

"Yes! Magkaklase tayo. "masayang sabi ni Jessy.

"Talaga?" Tiningnan ko ang board. "OMG! Buti na lang, atleast hindi na ako mao-Op pa."

Ilang sandali ay isang nakakabinging tilian ang kumuha sa atensyon namin.

"Nandiyan na ang 3G!" tili ng mga babae saka nag-unahan magkumpulan sa gate.

A-ano daw? 3G? 3 gigabyte?

Pumasok ang tatlong matatangkad na lalaki. Para silang artista na binigyan ng daan as if they were walking on the red carpet.

Lalong naghiyawan ang mga kababaihan. Lahat ay parang nabaliw sa pagpasok ng tatlong lalaki sa Eislerville Academy.

"Girl malalaglag na panty ko!" bulong ni Jessy sa akin.

Napairap ako sa kanya. "Pigilan mo 'yan."

Napatingin ulit ako sa tatlong lalaki. Habang patuloy parin ang tilian ng mga babaeng nandito.

Napaawang ang bibig ko and my eyes grew wider nang mamukhaan ko 'yong lalaking nasa gitna.

"Thats him! 'y-yong Evan. 'Yong nanghalik sa'kin!" bigla kong sabi sabay turo ko kay Jessy.

Tiningnan ni Jessy ang lalaking nasa gitna. Pero hindi ko inaasahan ang pagtili niya mabuti na lang at tinakpan ko agad bibig niya. Tss. Hindi niya pa nga natatapos ang isang araw ng pagpapanggap niya maging isang lalaki, tumili na agad siya.

"Dito pa nga lang, hindi mo na kayang kontrolin ang sarili mo." sabi ko.

"Sorry naman..."sabi ni Jessy saka tumawa ng mahina. 

Tumingin ulit ako kay Evan at saka naniningkit na humakbang para lapitan siya. Humanda ka sa akin lalaki ka. Pero bigla ay napabalik ako nang pigilan ako ni Jessy.

"Oy-oy Almira, saan ka pupunta?" pigil ni Jessy sabay hawak sa braso ko.

"Tuturuan ng lection 'yang Evan na 'yan! Hindi parin nawawala ang pagkulo ng dugo ko sa ginawa niya!" gigil na sabi ko.

"Seryoso ka? Remember, first day of school ngayon, kaw din baka kapag ginawa mo ang binabalak mo. Baka buong taon mo dito sa Eislerville Academy eh, maging magulo ang buhay mo." 

Napaisip ako, sabagay may point si Jessy. First day ngayon, kaya naman sige, palalampasin kita ngayong araw na 'to Evan Fernandez.

Napabuntong-hininga na lang ako at kinalma ang sarili. 

"Tara na nga!" sabi ko.

"Wait! Curious ako sa sinasabi nilang 3G. Ano naman kaya 'yon?" tanong ni Jessy.

Kumibit-balikat ako. Iginala ko ang paningin ko sa paghahanap ng meaning ng 3G.

"Right! try nating magtanong sa babaeng ito, baka alam niya." suggest ko saka tinuro 'yong katabi ko na sobrang nakakabasag ng eardrum kung tumili.

"Girl..." tawag ko sa babae as I poke her. Nang lumingon siya ay agad siyang napatulala kay Jason as if parang nagdadaydream, nakanganga at tulo laway. Kulang na lang eh magha-heart-heart pa ang mga mata.

"Girl!" pukaw ko sa pagdadaydream niya at saka napatingin kay Jessy na kasalukuyan nakangiwi.

"Y-Yes?" sabi niya saka lumipad at tingin sa akin. 

"Ahm... we heard that they called those guys as  3G. What does it mean?" tanong ko

"Marami! Tatlong gwapo, 3 Gods Pero ang pinakacommon talaga is 3 Gorgeous." sabi niya na nagpapalipat ang tingin sa amin ni Jessy.

"Ahhh..." napatango ako "Baka naman tatlong Gago. " bulong ko kay Jessy. Siniko naman ako ng mokong.

Napairap na lang ako sa ginawa ni Jessy.

"Ang gwapo naman ng kasama mo." suddenly the girl said.

Pareho kaming napatigil ni Jessy.Teka, ano daw?

Pigil ang pagtawa na nilingon ko si Jessy para malaman ang reaksyon niya. Napakamot naman si Jessy sa batok. Alam kong pinipigilan niya ang sarili niyang maasar dahil baka matarayan niya ang babae sa sinabi nito. 

"Hi, I'm Almira nga pala, and she este! He is my friend, Jes-ah Jason." pakilala ko since natuwa talaga ako sa babaeng ito. 

"I-Im Victoria, Tori for short." Malumanay na sabi nito sabay lahad ng kamay kay Jessy.

Nag-aalangan naman si Jessy kung tatanggapin ba niya ang pakikipagkamay nito, kaya tiningnan ko siya ng 'Sige na!' look.

"Ahem! J-Jason." nakipag-shake hands siya. Kahit pakiramdam ko ay nandidiri siya.  'Yan kasi ang pinasok mo, panindigan mo!

Ang tagal alisin ni Tori ang kamay ni Jessy sa kamay niya. Kaya naman pwenersa na ni Jessy alisin 'yon

Inamoy-amoy pa ng babae ang kamay niya. Na talagang ikinabigla ni Jessy. Ako naman eh halos sumasakit na ang tiyan para pigilan na huwag matawa sa nangyayari. 

"Tae! Tara na nga Almira. Nakakadiri ang babaeng 'yan!" bulong ni Jessy sa akin saka hinatak na ang braso ko papunta sa section namin.

Nang makalayo kami kay Tori ay wala akong nagawa kundi tumawa ng tumawa sa nakita kong eksena sa dalawa. Kahit papaano naging goodvibes ako sa akto nina Jessy at Tori.

Sabi ko naman kasi, gwapo si Jessy. 'Yon nga lang may pusong mamon.

***********

"Hell... nakakadiri ang babaeng 'yon, yucks!" habang nasa upuan na kami sa section namin at hinihintay na 'yong teacher namin

Tinawanan ko siya. "Dapat kasi alam mo din ang consequences sa pag-aaral mo dito lalo pa't may itsura ka naman talaga. " 

"Oo nga eh, di ko kasi 'yon naisip noong una. Iniisip ko kasi maganda ako parin ako kahit ganto ang itsura ko. "

Nagtilian na naman ang lahat! Tae, hanggang kailan ba matatapos ang tilian na 'to? Ang sakit na ng ulo ko oh!

Napatingin kami sa pintuan. Bahagya akong nabigla nang pumasok kasi sina Evan sa classroom namin at naupo sa last row. Which is nasa likod namin.

What the hell... Ibig sabihin classmate ko siya? Sila?

Muli akong na-highblood nang makita ko na naman ang pagmumukha ng lalaki.

"Pigilan mo ako Jessy. Baka makagawa ako ng eskandalo dito." gigil na sabi ko kay Jessy. Everytime kasi na nakikita ko ang pagmumukha niya. Hindi ko mapigilan maisip ang nangyari sa enrolment day. Siya ang dahilan kung bakit nawala ang first kiss ko! Gusto ko pa naman iyon ialay sa Mr. Right ko, in a most intimate way. Tapos ayon kinuha lang ni Evan in a snap! Nakakaasar talaga siya!

"Talagang pipigilan kita. First day ngayon 'yon so relax ka lang! breath in, breath out." pigil sa akin ni Jessy.

"OMG! Hi Jason!" sabi ng babae na nakaupo sa harapan namin. "What a coincidence, magka-classmate pala tayo? Gosh!"

Pareho kaming natigilan ni Jessy, siya kasi 'yong babae na tinanungan namin kanina. Si Tori, what the-classmate din namin siya?

"Almira..." bulong ni Jessy na hindi malaman kung tatayo ba o uupo or aalis na para bang natatae. "Pwede naman siguro tayo magpalipat ng section right?... ayoko makita ang nakakadiring babaeng 'to."

Humagalpak ako ng tawa. Wala ka ng kawala ngayon Jessy. 

********

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • When The Princess Meet The Gangster   Jason & Tori (Special Chapter) (Part1)

    Tori's POVPagkatapos naming mag hip-hop ni Jason. Unti-unti ko na naman naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko. Successful 'yong plano ni Evan na pasagutin si Almira dito mismo sa open field. Nakakaiyak na nakakakilig ang dalawa. How I wish ganoon din kasaya ang pagtatapos ng story namin ni Jason.Pero parang... hindi eh. Ilang araw akong nakakulong sa hospital. Yeah! Sa hospital. Nagsinungaling ako kay Jason na nasa ibang bansa ako para mag-attend ng reunion when all along is I just stayed at hospital for almost 1 week simula nung nabreak-down ako sa labas ng bahay namin.Tumakas lang ako sa hospital para lang makasama si Jason. Alam kong sobrang mali ng ginawa ko. Pero habang nabubuhay pa ako gusto kong makasama si Jason. Gusto kong maging masaya para sa kanya ng walang iniisip na hadlang, na problema."Ahh!" nasabi ko n

  • When The Princess Meet The Gangster   Chapter 44 (The END)

    Jerome POVNapatingin si Almira sa 'kin nang sinabi ko ang salita na 'yon. Parang nagulat siya sa sinabi ko.Huminga ako nang malalim at saka yumuko."I know... ako na lang ang natitira mong problema para maging ok kayo ni Evan." tumingin ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya."Almira, the first time I saw you. I feel some wierd things inside. I don't ever believe in love at first sight... but noong nakita kita, nasabi ko agad sa sarili ko that, I like you." tumigil ako ng ilang saglit habang nakatitig lang sa mga mata niya."J-Jerome...""Gusto kong ipagdamot ka. Gusto kong mapadali 'yong kasal natin. Para akin ka nalang. Gusto kitang ilayo kay Evan. Pero hindi ko naman 'yon kayang gawin. Dahil, para san pa? Kung mahal na mahal mo siya? Para san pa ? Kung wala ma

  • When The Princess Meet The Gangster   Chapter 43

    Almira's POVNaglalakad ako ngayon sa hallway ng school medyo puyat at lutang ang isip ko. napuyat kasi ako kagabi. May tinapos kasi akong project sa Filipino and almost 12:30 na ako nakatulog."Almira!"Napatigil ako sa paglakad nang may tatlong babaeng lumapit sa 'kin."Almira... narinig mo na ba ang balita?""H-huh? A-anong balita?" tanong ko sa kanila. At saka sino ba sila? Ni hindi ko sila kilala para chissmisan ako."Si Mildred, 'yong ex ni Evan, na nakaaway mo din dati, magta-transfer na daw sa ibang school?""Yeah and take note. Sa ibang bansa pa." pagsegunda ng isa.Kumunot bigla ang noo ko. Bakit naman siya magta-transfer. Ah-ahm, teka nga muna bakit nakikipag-usyoso din ako sa m

  • When The Princess Meet The Gangster   Chapter 42

    Evan's POV"Alam mo ba sa ginawa mong yan Mr. Fernandez pwede kang ma-expel sa school na 'to? Ilang beses mo ng ginawa 'yan. Akala namin this past few months tumino ka na. Naku! isa ka talagang sakit sa ulo." sermon ng isang teacher na nandito sa disciplinarian.Bakit ba kasi nandito ako? Ay! oo nga pala... may sinuntok akong isang estudyante. Akala ko kasi si Jerome, kamukha niya kasi eh... kaya ayon! binugbog ko. Ang sarap nga sa feeling kapag nangbugbog ng isang tao. Nakakawala ng galit.Nanatili lang akong nakayuko habang naguusap-usap ang mga teacher and yung pinaka head. I mean 'yong Dean ng school, si Mr. Chrisford na daddy ni Almira.Wala naman akong pake sa desisyon nila. I-expel nila ako? Ok lang, kasi sa wakas! hindi na ako mag-aaral. Whooh! Sarap ng buhay. 

  • When The Princess Meet The Gangster   Chapter 41

    Almira's POVTinitigan ko siya ng ilang saglit. At saka hinatak ko na si Jerome papunta sa cafeteria para mag-lunch.Nakakainis kasi parang gusto kong bawiin ang mga nasabi ko. Pero wala eh nasabi ko na. Alam kong sumusunod sa amin si Evan. Kaya naman dali-dali kong hinatak si Jerome."We don't need to be fast, Almira. May kausap na si Evan." Jerome said.Nang tiningnan ko mula sa likuran ko. Ayon nga, kausap niya si Kris. Haay! Buti naman, pero lilingon-lingon pa rin siya sa gawi namin. Haist kainis talaga siya.Tapos nang susundan na naman kami. Binilisan ko ulit ang paglakad namin.Habang naglalakad kami may naglightbulb sa utak ko, nagkaroon ako ng idea para hindi na kami sundan pa ni Evan at para mapatunayan ko sa kanya na hindi lang siya ang lalaki sa mundo.

  • When The Princess Meet The Gangster   Chapter 40

    Evan's POV"Aray ko naman, Ate Flor!" Sigaw ko ang namayani sa buong condo unit ko. Eh paano ba naman kasi, pagkadating na pagkadating ni Ate Flor ay bigla na lang ako niyang piningot ang tenga ko."Talagang masasaktan ka Evan. Sa mga pinaggagawa mo!" He said in the middle of my screamed."Eehh... ano ba ang ginawa ko sa 'yo? At saka, please bitawan mo na ang tenga ko ang, sakiiit!" sigaw ko sa kanya.Halos tumingkayad na ako sa sakit. Medyo mataas kasi sa 'kin si Ate. Kaya naman parang bata lang ako na pinipingot niya.Binitawan niya ako sa may sofa at agad akong napaupo 'don habang sapo ang kaliwang tenga ko na sobrang pula na."Kung hindi pa ako umuwi dito galing Canada, hindi ko pa malalaman ang nangyari sainyo ni Almira! You know what? Pati ako nilagay mo

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status