Mag-update po ako uli mamaya mga after lunch siguro tapos mamayang gabi. Sori po at masyado lang talagang busy dahil bukod sa paperworks na galing sa school, medyo mabigat pa rin pakiramdam ko pero hindi naman na masakit ang ulo ko. Hopefully, di na sumakit ang ulo ko. Ayun lang. Sana magustuhan ninyo ang chapter na 'to. Salamat! —Twinkle ×
HIRAP NA HIRAP na dinala ni Cinder sa maliit na kwarto na nasa loob din ng opisina na iyon. Wala pa ring malay si Kevin. Inihiga ito ni Cinder sa pang-isahang kama at napansin niya na bakas pa rin ang natuyong luha sa pisngi ni Kevin. Napabuga siya ng hangin at naghanap ng tissue. Mabuti na lang at mayroon sa office ni Kevin ng tissue box. Lumapit siya kay Kevin, umupo sa gilid ng kama at maingat na pinunasan ang mukha nito. Mabigat pa rin ang loob niya nang maisip na umiyak ito. Hindi niya inaasahan na iiyak si Kevin noong i-deny niya rito na hindi siya si Serena. Malamang ay apektado pa rin ito sa pagkawala ng asawa. Sa narinig niya ay namatáy ito sa aksidente at coping mechanism siguro ni Kevin na maniwala na hindi pa pátay ang babae. At noong makita siya nito, naisip nito si Serena. Pero kahit na. She's Cinder now. Hindi siya si Serena. Dapat maintindihan iyon ni Kevin. Nakailang buntong-hininga na siguro si Serena habang minamasdan si Kevin. Inayos niya ito at hindi maiwasan
NAGLAKAD si Helia patungo sa kotse at kumatok sa bintana noon. Hindi nito alam na si Cinder na ang nasa driver's seat kaya napangisi si Cinder. She rolled down the window and showed her face to this woman. Nakangiting nakasalubong ang mukha ni Helia habang hinihintay na makita si Kevin ngunit mabilis na nabura iyon at napalitan ng pagkaputla noong makita kung sino ang kaharap. “W-Who are you? Where's Xavier?”Xavier? Hah? Lumingon si Cinder kay Kevin. “Ikaw ba ang tinatawag nitong Xavier?”Hindi nagsalita si Kevin at matalim na tinapunan ng tingin ang direksyon ni Helia. Mukhang ito nga ang tinutukoy ng babae dahil second name iyon ni Kevin. “I said, where's Xavier? Who are you?! Why are you inside his car?”Hindi sinagot ni Cinder ang tanong ni Helia. Nirolyo niya pataas ang bintana ng kotse at naghahanda na sanang i-U Turn ang sasakyan noong may humarang pa muli na isang sasakyan sa likuran nila. Trapped sila at muntik ni Cinder hampasin ang manibela sa inis. She's not vigilant
KEVIN watched Cinder's expression. Kita niya ang kaseryosohan noon at nabahala siya dahil baka nasaktan ito kanina. Watching her beating those guys made him see Cinder in a new light. Hindi niya akalain na sa tatlong taong hindi sila nagkita, kayang-kaya na nitong protektahan ang sarili at ito pa mismo ang nagprotekta sa kanya. May lungkot siyang nadarama dahil naisip niya, noong mga panahon na wala siya sa tabi nito, ano kaya ang pinagdaanan ni Cinder para itulak nito ang sarili para mag-aral ng self defense technique? But he also felt proud. Mas panatag ang loob niya ngayon na kahit pala wala siya sa tabi nito, magagawa nitong protektahan ang sarili. Bakit nga ba siya nagugulat kung nasa CV dito ay expert si Cinder sa mga self defense sports. Nahugot si Kevin mula sa malalim na pag-iisip noong may kamay na naglahad sa harap niya. Noong tingnan, kamay ni Cinder iyon na may hawak na band-aid. “Dikit mo muna sa sugat mo sa labi. Mamaya, lilinisan ko 'yan pagdating sa bahay.”Napan
KEVIN didn't go to the company for a while. Iyon din naman ang gusto ni Cinder dahil baka maharang na naman sila ng Helia na iyon. She investigated that girl and she was a crazy childhood friend of Kevin. Noong tinanong niya mismo kay Kevin kung naging ex-girlfriend ba ito, matigas na hindi ang sagot nito. She jokingly said that it didn't look like it but Kevin vehemently denied it. Para pa nga itong nandidiri sa isipin na may koneksyon ito sa babae. Akala kasi ni Cinder, ito ang may tangka sa buhay ni Kevin ngunit mukhang iba ang pakay nito. Mukhang balak i-kidnap at gawing detained husband si Kevin. Pero tinanong ba siya ng Helia na iyon kung papayag siya sa plano nito? Syempre, hindi! Kung kinakailangan na itali niya si Kevin sa tabi niya para hindi ito makuha ng iba, iyon ang gagawin niya. Bukod sa misyon niya si Kevin, mahalaga si Kevin para kay Cinder. Kaya itataya niya ang lahat para mapanitili itong ligtas. Pero syempre, dapat ligtas silang pareho. Hindi naman pwede na papa
“B-BAKIT iba ang kulay ng mata mo, Cinder? I-I thought it's color blue?” Hindi mawari ni Cinder kung ano ba ang nahihimigan niya sa boses ni Kevin. Parang nanghihina iyon pero bakit parang natutuwa rin iyon? Hindi niya maipaliwanag ngunit ganoon ang pagkakarinig niya sa tono nito. Also, she didn't know why she was hesitating to say that she's just fond of wearing contact lenses. Bukod sa lumilinaw ang paningin niya, minsan gamit ang contact lens, nakakakita siya kahit sobrang dilim na ng paligid. That's how her contact lenses work! Nagbaba ng tingin si Cinder ngunit inangat muli ni Kevin ang ulo niya. Pinagkatitigan siya nito na parang nagsusumamo; parang may gusto itong ipunto habang nagpapalitan sila ng tingin. “Ito ba ang totoong kulay ng mata mo?”“H-Hindi ako iyong sinasabi mo,” aniya at sinubukan pang muli na itanggi na siya si Cinder. Bihis lalaki siya, hindi ba? Bakit kasi nakilala pa rin siya nito?“Cinder, please? Tell me, hmm?” Huminga siya nang malalim. Imbes na sag
NAKAUWI na si Cinder mula sa banquet at dahil alam naman na ni Kevin ang itsura niya, she didn't bother to hide from him. Bihis lalaki siya nang umuwi at nakasakay pa nga sa motor. Before she got home, nag-warn pa si Gideon sa kanya na huwag na huwag mapapalapit kay Kevin. Hindi niya sinabi sa pinsan na sa sobrang paglapit nga ni Kevin sa kanya, ayun, naghálikan na sila. If she did that, ibibitin siya ni Gideon patiwarik. Bumukas ang automatic gate dahil kilala na ng system ang sasakyan niyang motor dahil sa electronic sticker sa gilid. She parked the motor in front of the house and got out of the motorcycle. Sinubukan niyang buksan ang pinto at hindi iyon naka-lock, noong makapasok, bukas ang ilaw at nabungaran niya agad si Kevin na naka-cross arms at mukhang naghihintay nga sa kanya. Pero bakit nauna pa ito sa kanya? Pareho silang nasa party, 'di ba? Ang bilis naman nito makauwi? Napalunok si Cinder at parang may ginawang kasalanan kahit wala naman. “Ah, hi, Kevin.”“It's good th
LITONG-LITO ang ekspresyon ni Cinder at hindi nito alam ang sasabihin kaya ang ginawa ni Kevin ay humarang sa gitna ni Yves at Cinder. Tinago niya sa likod si Cinder at saka nakipagtitigan kay Yves. “Don't bombard her with questions, please,” mariin na ani Kevin. “B-But, what about Hanni—”Lumapit si Nathan kay Yves at inakbayan ang lalaki para ayain na umupong muli. Si Raysen naman, nakatitig pa rin kay Cinder kahit na nasa likod ito ni Kevin. Ang ginawa ni Kevin ay para hindi magulat si Cinder, inakay niya ang babae patungo sa private room niya na nasa loob ng opisina. Nang makapasok sila roon, hinarap ni Cinder si Kevin. “Sino sila? Bakit ganoon sila sa akin? Kilala rin ba sila ng asawa mo at napagkamalan nilang ako siya? I told you, I'm not her, Kevin.”Instead of proving his point to her, Kevin just caressed Cinder's hair. Tumingin naman sa kanya ang babae at nagbigay si Kevin dito ng maliit na ngiti. “I'll talk to them. Just stay here for a while, hmm?”Tumango naman si Cin
BUSY si Chlyrus na nagbabasa-basa ng mga nabinbin na papeles mula pa noong nakaraang linggo. Kabilang doon ang proposal ng expansion ng HQ at iba pang importeng bagay na siya talaga ang kailangang tumingin.Isa pang sakit ng ulo niya ay ang pagbe-babysit niya sa mga pamangkin. Not that he didn't like them. Ang pagrereklamo niya ay para sa mga trabaho na hindi niya matapos-tapos. Wala namang ibang sasalo ng gawain niya dahil ang mga kapatid niya at pinsan, agent naturingan ay walang pakialam sa pagma-manage ng HQ. Siya tuloy ang sumasalo sa trabahong pinamana ng ama.Nagbabasa-basa si Chlyrus nang makatanggap ng tawag mula sa ina. May special notification ito kaya alam niya kaagad kung dadamputin ang cellphone o hindi. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at nag-swipe pasagot sa tawag. “Hello, Mom?”[“Chlyrus Nolan, Chiles is crying nonstop. Could you please get home fast? I don't know what to do anymore. Kahit si Cyrus na tatay mo ay hindi mapatahan ang apo.”]Hinilot uli ni Chlyrus
May dalawang babae pa sa tabi ni Patricia na nagpapahinga rin. Bawat isa sa kanila ay may hawak na puting kabayo. Habang umiinom ng tubig, pinapanood nila si Daemon habang nakasakay. Nang mapansin ni Daemon si Patricia na nakasakay sa isang maliit na kabayo, parang naduwal si Daemon sa itsura niya.Tahimik na sinubukan ni Patricia na igalaw ang kabayo palayo... pero ayaw gumalaw ng kabayo! Kahit coach man lang sana, pero nung tumingin-tingin siya sa paligid, wala siyang nakitang coach... Biglang pumalo ng buntot ang kabayo at inalog ang katawan nito. Kung hindi mabigat si Patricia, siguradong nahulog na siya.Yung dalawang babae na umiinom ng tubig, nagtawanan nang may pangmamaliit. “Grabe, kung hindi ka naman pala marunong sumakay, bakit ka pa nagpunta dito? Ang laki-laki mo na, tapos ‘yan ang kabayong sinakyan mo? Nakakahiya ka naman.”“Sayang ang magandang kabayo.”Gusto na lang sanang maghukay ni Patricia at magtago sa ilalim ng lupa.Nang makalibot na si Daemon, bumaba siya sa ka
Chapter 94NANG magising si Patricia, hindi siya nasa ospital kundi sa isang attic na ang disenyo ay mukhang luma at vintage. Gawa sa kahoy ang mga pader at may maliit na bintanang may mga baging. Presko rin ang hangin at mukhang sobrang komportable ng lugar.Paglingon niya, nakita niyang katabi niya si Daemon na natutulog, kaya napakunot ang noo niya.Nakahiga si Daemon sa labas ng kumot, hindi nagbihis at kalmado lang ang mukha, parang hindi pagod at bahagyang nakangiti ang labi.Medyo tulala si Patricia habang nakatitig, pero sakto namang dumilat si Daemon at nagtama ang mga mata nila.Nabigla si Patricia at dali-daling umiwas ng tingin, tapos bumangon at bumaba ng kama.Napangiti si Daemon, nagniningning ang mga mata, saka sumandal gamit ang kamay at sinulyapan si Patricia. “Ang tapang mo ha, horror movie ang pinasukan mo, eh ang duwag-duwag mo.”Hindi sumagot si Patricia, kinuha na lang ang coat sa silya at sinuot, tapos tiningnan siya ng masama. “Dedikado ako sa trabaho ko!”Umi
Nagkagulo sa shooting site. Nakakainis na ngang may naaksidente, tapos bigla pang nahimatay ang manager sa gulat. Hindi napigilan ng director na pagalitan ang babaeng gumanap na multo na bigla na lang lumitaw. "Di ba sinabi ko na tapos na ang eksena mo at pwede mo nang tanggalin ang makeup mo? Bakit ka naglalakad-lakad pa diyan na naka-costume? Ikaw tuloy ang naging sanhi ng gulo!"Walang pakialam ang aktres at tinignan lang si Patricia na nakahandusay sa lupa, sabay malamig na buntong-hininga. "Kung matatakutin siya, wag siyang sumunod-sunod dito! Para siyang bubble gum na hindi matanggal kay Andrei, takot yatang hindi malaman ng iba na si Andrei ang boyfriend niya!"Ramdam ng lahat ang selos sa tono niya... Mukhang isa na namang tagahanga ni Andrei. Alam naman ng mga natitirang assistant kung anong meron, pero dahil magkakasama sila sa trabaho, wala silang magawa kundi magpakumbaba at huwag palakihin ang issue.Sabi ng onsite doctor, nawalan lang ng malay si Patricia pero wala naman
Chapter 93NAGNGITNGIT si Patricia at sinabing, "Wag na, bye!" Sabay talikod at matigas ang lakad papasok ng kumpanya. Pero ang mga mata at boses ni Daemon ay parang naka-ukit na sa utak niya at hindi mawala-wala! Nakakainis talaga!Natapos na rin ang romantic idol drama ni Andrei at pinilit na ni Patricia na mag-umpisa na siya ng bagong thriller na pelikula. Kaya naman siya na ang nag-asikaso ng ibang trabaho sa kumpanya at iniwan muna ito sa assistant niya. Dumiretso na siya sa set para bisitahin ang shooting.Dati, wala lang sa kanya ang pagbisita sa set. Parang libangan lang. Pero iba na ngayon, thriller ang ginagawa, at ang location ay isang kilalang haunted village sa bundok sa labas ng Saffron City. Sa paligid ng baryo, puro libingan ang makikita. Karamihan sa mga bahay ay luma at halos magiba na. Ang mga kabataan ay nagpunta na sa siyudad para magtrabaho, at ang naiwan ay ilang matatanda. Marami ring bahay na bakante.Pagdating pa lang nila sa lugar, ramdam na agad ang lamig a
Paglabas ni Daemon mula sa banyo habang pinupunasan ang buhok, napangiti siya nang makita si Patricia na magulo ang buhok. May makahulugang ngiti sa gilid ng labi niya, “Anong problema? Nakalimutan mo na agad kung anong ginawa mo kagabi?”Nanlaki ang mga mata ni Patricia sa gulat habang nakatitig sa kanya, nakatopless, nakangiti ng malandi, at may mapang-akit na tingin. May kutob siyang may mali, kaya lalo pa niyang tinakpan ang sarili gamit ang kumot. “Anong kalokohan 'to?! Anong ginawa mo?!”Bahagyang ngumiti si Daemon. “Kahapon, ikaw ang naunang humalik at kumagat—”“Imposible!” mabilis na putol ni Patricia sa sasabihin pa nito. Nagulo ang isip niya at hindi niya alam ang gagawin.Pero wala nang balak si Daemon na makipagtalo pa. Lumapit siya sa sofa, kumuha ng dalawang paper bag at inihagis sa kama. “Dinala na sa laundry ang damit mo. Ito muna ang isuot mo.”Nakatitig pa rin si Patricia sa kanya, tulala.“Ay, oo nga pala, simula ngayon, kalimutan mo na ang pagtakas. Hindi ka na mak
Chapter 92"DON'T..." Gustong pigilan ni Daemon si Patricia na parang sumasakit ang ulo, pero may isang taong biglang binuksan ang mga butones ng kanyang coat. Manipis ang shirt sa loob at nang mahatak ang coat, napunit din ang bahagi ng shirt kaya nakita ang maputi at malambot na balat sa ilalim.Ang pinakamalaking epekto ng pagpapapayat ni Patricia ay siguro mas naging pino ang bewang at mga hita, pero hindi gaanong lumiliit ang dibdib niya. Madalas siyang magsuot ng coat para takpan ang sarili, kaya hindi halata ang figure niya, at walang parteng masyadong nangingibabaw...Pero ngayon, nabuksan ang coat at ang bahagyang cleavage sa gitna ng bilugan niyang dibdib ay nakakabaliw...Si Patricia ay patuloy na naghahabol ng lamig... Sobrang init ang nararamdaman niya, taliwas sa lamig sa labas kanina, kaya nalilito siya at wala na siyang ibang alam kundi ang init, at patuloy na hinuhubad ang damit niya.Sa malabong isipan, parang nakikita niya ang anino ni Daemon sa harap niya. Iniabot
"Bakit kahit anong gawin ko, parang wala ring kwenta?" Paunti-unti nang humina ang boses ni Patricia, at tinangay na ng malamig na hangin sa gabi ang natitira pa niyang salita.Lumambot ulit ang matigas na expression ni Daemon, bahagyang nawala ang kunot sa noo niya at may bahagyang liwanag sa mga mata niya.Parang bumalik sila sa simula. Si Patricia na mukhang laging pinapabayaan, nakaupo sa sulok kung saan walang pumapansin, tinatapakan at minamaliit ng mga tao, at tahimik lang na umiiyak habang umuulan. Pinapanood lang siya ni Daemon mula sa malayo at kahit noong una pa lang, napansin na niya ito, pero masyado siyang matigas ang ulo at ayaw umamin.Ang dami nang nangyari. Habang unti-unti silang nagkakalapit, bigla siyang lumayo, walang pasabi, at walang awa.Akala niya dati, kahit lumuhod pa sa harap niya si Patricia at magmakaawang bumalik sa kanya, hindi na niya ito papansinin.Pero nang makita niyang lasing si Patricia at nagsasalita ng walang kwenta, bigla niyang narealize...
Chapter 91HINDI na nagpaliwanag pa ang lalaki, pero iniabot nito ang isang business card. “Hindi ko pa kayang ipaliwanag ngayon, pero kapag may pagkakataon, pag-usapan natin nang mas detalyado.”Tiningnan ng lalaki si Andrei na nakahandusay pa rin sa lupa habang hinihingal, “Wala kang dapat ipag-alala. Simple lang ang relasyon niya sa babaeng ’yon. Andrei is mine.”Bigla na lang napalitan ng pagkabigla ang galit na ekspresyon ni Daemon… May kakaiba bang aura si Patricia na puro mga... bakla ang napapalapit sa kanya? Bigla ni Daemon naalala ang huling beses na “napagsamantalahan” siya at agad sumama ang pakiramdam niya. Napaatras siya nang hindi sinasadya, ayaw na niyang makasama pa ang dalawang taong nasa harapan niya.Pero hindi na siya hinintay magsalita ng lalaki. Yumuko ito, hinawakan si Andrei sa braso, saka binuhat sa balikat at naglakad papunta sa isang Mercedes-Benz na nakaparada sa gilid ng kalsada.Kumunot ang noo ni Daemon, halatang hindi natuwa, at ang buong ekspresyon n
Ano kaya ang itsura ni Daemon nang makita nito ang balita? Galit na galit? Gusto siyang patayin para maibsan ang galit? O baka naman wala siyang pakialam, parang nakakita lang ng taong di niya kilala?Kung nasa Pilipinas si Rowie, kaya niya bang ipaliwanag sa boss ang buong nangyari?Pero sa pag-iisip nito, napangiti lang ng mapait si Patricia. Siya lang talaga ang nakakaalam ng buong kwento.Pagkatapos ng huling presscon ni Andrei, nagyaya itong kumain sa labas.Ayaw sana ni Patricia, pero naisip niya na hindi pa tapos ang palabas at kailangan pang ituloy. Kaya sumama na siya sa isang mamahaling western restaurant.Nag-order si Patricia ng fruit salad para sa sarili niya, si Andrei naman ay steak. May baso na may kandila sa mesa, at ang liwanag nito ay maaliwalas at medyo romantic.Pero wala sa sarili si Patricia. Tahimik lang siya, nakatitig sa kandila, at parang malayo ang iniisip. Sa totoo lang, basta wala siya sa harap ng camera ng media, ganito na lagi ang itsura niya nitong mga