SA GALIT ni Zephyr, marahas niyang sinapo ang mukha ni Tatiana at madilim ang mukha na tumitig dito. Hinigpitan niya pa ang kapit sa panga nito na nagpaigik kay Helia Tatiana. “I'm warning you, Tatiana. Go away. Huwag mong ipagmayabang ang mga magulang kong kampi sa'yo dahil kapag ako napuno sa'yo, tingin mo matutulungan ka pa nila? Pinalagpas kita dati dahil nakiusap sila sa akin pero hindi ako palaging mapagbigay, Helia. Umalis ka na rito kung mahal mo pa ang buhay mo.”Zephyr could see the hesitation on Helia's face but in the end, she nodded her head. Pabalya itong binitiwan ni Zephyr at napasadlak sa lupa si Helia. Nadumihan pa ang suot nitong dress ngunit walang awa itong tiningnan ni Zephyr. Bakit siya maaawa sa taong ito na ilang ulit nang nagtatangka sa buhay ni Serena? Kung hindi lang siya pinagbawalan, matagal nang nakabaon sa ilalim ng lupa ang babaeng ito. Zephyr grew up in a harst environment. Bata pa lang ay tinuruan na siyang maging walang awa. Kung iyon ang paiiral
SAMPAL ang sumalubong kay Helia Tatiana noong makapasok siya sa pinto ng kanyang kwarto. Bumagsik ang mukha ni Helia at balak parusahan ang taong nananakit sa kanya ngunit nawala ang ekspresyon na iyon noong mabungaran ang taong nasa harapan mismo. “M-Mamá? Y-You're here? Bakit narito ka?”Tinaas muli ng babae ang kamay para bigyan pa siya ng isa pang sampal kaya prinotektahan ni Helia ang mukha. Hindi rin naman tinuloy ng babae ang gagawin at imbes nagpakawala ito ng marahas na buntong-hininga at masamang tingin ang binato kay Helia. “You disappointed me, Helia Tatiana. Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo, hindi na sana kita hinayaan na bumalik pa rito. You need to get back to Spain with me. Tama na ang panahon na binigay ko sa'yo. That Xavier Sanchez doesn't deserve you.”Nang marinig ang sinabi ng ina, pagtutol ang puminta sa mukha ni Helia. “No, Mamá! I won't go back with you. Hindi ako sasama hangga't hindi rin kasama si Xavier. I need him! I want him!”Nabigla si Helia n
Chapter 173: Match made in HeavenMAAGANG nag-asikaso si Serena ng sarili dahil sinabi ni Kevin na bibisita sila sa ama nito at ipapasyal nila dahil pumayag na ang doktor nitong makalabas itoThey're still living at her grandpa's ancestral house because Kevin had a talk with him. Ayaw pumayag ng matanda na umalis sila roon at mas maganda raw na nakikita nito ang effort sa kanya ni Kevin. Bumibisita naman sila pamilya ni Kevin kapag may oras si Kevin dahil ngayon, sobrang busy ito para i-revive ang papalubog na SGC. Iyon din ang dahilan kung bakit ayaw rin sila paalisin doon ng lolo dahil anito, wala rin silang magiging kasama ni Chiles sa bahay ni Kevin dahil halos matulog na nga si Kevin sa opisina nito. Now, Kevin has a little free time to visit his father. Natuwa nga sila dahil nakakatayo na si Kalisto kahit halos kalahating taon pa lang ang ginagawang therapy dito. That made Kevin ecstatic that he filed for a one day leave. Buhat si Chiles, lumapit siya sa kotse at nilagay sa ca
NAPATAKIP ng bibig si Serena dahil ayaw niyang kumawala ang hikbi sa bibig niya. Nanlalabo ang mga mata dahil sa luha, hindi niya alam kung ano ba dapat ang sabihin. “W-Wife?” tanong ni Kevin sa kanya. “Mama? Yes or No?” sunod din na tanong ni Chiles. Dahil doon, nakarinig sila ng tawanan sa paligid. Nang ilibot ni Serena ng tingin ang buong lugar, doon niya lang napansin na naroon din pala ang pamilya niya. From Chlyrus to her grandfather, down to her cousins and other relatives. They were all there. “Chiles, huwag mong bigyan ng ideya ang mama mo na tumanggi. Baka mamaya biglang mag-no 'yan,” biro ni Raysen sa gilid. “She shouldn't say yes,” nakasimangot na ani Zephyr. Nakahalukipkip ang lalaki at ito lang yata ang bukod-tanging hindi masaya sa okasyon na iyon. Siniko ito ni Chlyrus para manahimik ito. Nalito ang ekspresyon ni Chiles dahil hindi nito naintindihan ang sinabi ni Raysen at Zephyr. “Yes, no?”Kevin glanced at Serena and his face was tense with emotions. Bumaling si
ISANG linggo nang hindi nakakausap ni Serena si Zephyr. Hindi niya rin ito ma-contact. Kahit si Chlyrus ay tinanong niya na at ang sagot ng pinsan, iniwan ni Zephyr ang tracking device na nakakabít sa phone nito. Even his dogtag necklace nito ay naiwan lang sa pad nito. Doon na kinabahan si Serena. Hindi ganito ang ugali ni Zephyr dahil lagi itong naka-message sa kanya kapag may ginagawa ito. Kung may pupuntahan man ito, alam niya. Zephyr is an inactive member of HQ but Serena knows that Zephyr knows how to protect himself. Pero hindi niya maiwasang mag-isip nang masama. Nagsimula kasi ito noong mapanaginipan niya si Zephyr na duguat at tinatawag ang pangalan niya. Para itong nasa isang tagong lugar at napapalibutan ng mga lalaking bumubugbog dito. Nang magising, umiiyak na tinawagan niya si Zephyr ngunit cannot be reached ang kapatid niya. It took a while for Kevin to calm Serena down. Pero dahil sa panaginip na iyon, halos lahat na yata ng kakilala ni Zephyr, tinawagan ni Serena
HINDI napaghandaan ni Helia ang pagsugod ni Serena kaya noong natapos itong magsalita, binigyan ni Serena ng straight jab sa mukha si Helia na kinatumba nito. Nang mapahiga ang babae, sinipa-sipa ni Serena si Helia habang tumitili ito sa sakit. Ngunit dahil naisip si Zephyr, tinigil din ni Serena ang ginagawa at lumapit kay Zephyr na bugbog sarado at wala nang malay-tao. “Z-Zephyr…? Zephyr, gumising ka, please. Zephyr—”“Kíll her now! Kíll her! Did you people see what she did to me?! She attacked me and yet you just stand there! Mga walang kwenta! Para saan pa't nandito kayo?! Patáyin ninyo ang babaeng iyan!” galit na galit na sigaw ni Helia noong makatayo ito. Nagkatinginan ang mga tauhan na naroon dahil naalala pa nila ang istriktong bilin ni Helia na manood lang sila dahil ito raw anv magpaparusa sa darating na tao na si Serena pala. Hindi pa rin nakakalimot si Helia sa ilang beses na pananakit ni Serena rito. Gustung-gusto na nitong gumanti kaya tamang-tama ang oras na pumunta
HINANAP ni Serena ang cellphone at doon niya lang naalala na tawagan si Chlyrus. Hindi niya alam kung maliligtas niya ba si Zephyr pero gagawin niya ang lahat para maging maayos ang kapatid. Wala nang natirang tao roon at talagang sila na lamang ang naroon. Chlyrus answered the phone. [“Cinder? Did you find Zephyr?”]“C-Chly, locate my location, please. We need to save Zephyr. He's dying, Chlyrus! Hindi ko na alam ang gagawin ko!”Narinig niya ang sunod-sunod na pagmumura nito sa kabilang line at hindi na nagsalita pa si Chlyrus pero alam niyang nilo-locate siya ng pinsan. [“Try to wake Zephyr, Cinder. I'm on my way. Don't be nervous, okay? Just stay calm.”]Hindi pinutol ni Chlyrus ang tawag ngunit alam niyang mabilis na itong kumikilos para puntahan sila ni Zephyr. Binalikan niyang muli si Zephyr at gamit ang kamay, pinunasan niya ang duguan at madungis nitong mukha. Pumapatak na ang luha mula sa mga mata ni Serena dahil awang-awa siya sa itsura nito. Nanginginig ang kamay dahil
SERENA was grounded. Nang makita ni Kevin ang sugat sa balikat niya at nalaman nitong tama iyon ng baril, sobrang dilim ng ekspresyon nito na ilang beses napalunok ng laway si Serena. Parang isang maling salita niya lang, malalaman niya ang kalalagyan niya. Hindi pa nakatulong na dahil nasa ancestral house pa rin sila ng lolo, nagkampihan si Kevin at ang pamilya ni Serena na pagalitan siya. Siya ang mali pero sumama rin ang loob niya dahil sa tuloy-tuloy nilang sermon sa kanya. Kahit na alam niyang kasalanan niya, mabigat pa rin ang loob niya. But Kevin is also upset with her. Hindi pa rin nito alam ang totoong pagkatao niya bilang isang secret agent pero alam nitong may security agency sila at siguro sa isip ni Kevin, kumuha siya ng misyon at doon nga nasangkot sa isang enkwentro. He really didn't have an idea that Helia kidnapped Zephyr and almost killed the two of them. And she won't tell him that. Hindi niya rin naman sinisisi si Kevin dahil sadyang baliw lang talaga si Helia at
BUMALING si Daemon at tiningnan siya, tapos pagkatapos ng ilang sandali ay nagtanong. "You are...?"Medyo napatigil ng konti ang ngiti ni Hennessy, pero dahil sanay na siya sa ganitong sitwasyon, hindi siya basta-basta masasaktan. Kaya muling ngumiti siya, hawak ang baso ng alak at lumapit kay Daemon, nakatungo nang bahagya at puno ng alindog ang mga mata. "Mr. Alejandro, talagang madali kang makalimot, ano? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo kung anong nangyari sa atin?"Nasuklam si Patricia nang makita ang pagiging malandi ni Hennessy, at nagpasalamat siya sa sarili na hindi na niya ito assistant.Binalik ni Daemon ang tingin, ininom ang red wine na inabot ng waiter, at walang ekspresyong sinabi. "Hindi ko naaalala ang mga taong hindi importante."Huminga nang malalim si Hennessy. Sinabihan siyang hindi importante? Hindi lang siya ngayon ang pinakasikat na aktres, kahit noong hindi pa siya sumikat, ang daming lalaking nagkakandarapa para sa kanya!Ang ganda-ganda niya, samantalang si P
Chapter 95BAGO pa man makasagot si Patricia, binaba na agad ng kausap ang tawag. Umupo siya sa bench sa rest area ng matagal at ang laman lang ng isip niya ay ang mga sinabi ni Carmina... Alam niyang maihahambing ang sitwasyon niya ngayon na parang may natapakan na naman siyang bomba, pero saan ito sasabog? Ano bang ibig sabihin ni Carmina?Sa mga sandaling iyon, bumaba na sa kabayo si Daemon at lumapit sa kanya. Pagkakita niya kay Patricia na hawak ang cellphone at mukhang litong-lito, agad na kumunot ang noo niya at inagaw ang cellphone mula sa kamay nito. Tiningnan niya ang call record. Hindi pamilyar sa kanya ang numero, pero tinawagan niya ito pabalik.Nang napagtanto ni Patricia ang nangyayari, gusto niyang sunggaban ang cellphone pero madali siyang pinigilan ni Daemon. Isang kamay lang nito ang ginamit para hawakan ang ulo niya, kaya hindi siya makalapit. Ang kabilang kamay naman ay hawak pa rin ang cellphone habang nakakunot-noo siyang naghihintay ng sagot mula sa kabilang li
May dalawang babae pa sa tabi ni Patricia na nagpapahinga rin. Bawat isa sa kanila ay may hawak na puting kabayo. Habang umiinom ng tubig, pinapanood nila si Daemon habang nakasakay. Nang mapansin ni Daemon si Patricia na nakasakay sa isang maliit na kabayo, parang naduwal si Daemon sa itsura niya.Tahimik na sinubukan ni Patricia na igalaw ang kabayo palayo... pero ayaw gumalaw ng kabayo! Kahit coach man lang sana, pero nung tumingin-tingin siya sa paligid, wala siyang nakitang coach... Biglang pumalo ng buntot ang kabayo at inalog ang katawan nito. Kung hindi mabigat si Patricia, siguradong nahulog na siya.Yung dalawang babae na umiinom ng tubig, nagtawanan nang may pangmamaliit. “Grabe, kung hindi ka naman pala marunong sumakay, bakit ka pa nagpunta dito? Ang laki-laki mo na, tapos ‘yan ang kabayong sinakyan mo? Nakakahiya ka naman.”“Sayang ang magandang kabayo.”Gusto na lang sanang maghukay ni Patricia at magtago sa ilalim ng lupa.Nang makalibot na si Daemon, bumaba siya sa ka
Chapter 94NANG magising si Patricia, hindi siya nasa ospital kundi sa isang attic na ang disenyo ay mukhang luma at vintage. Gawa sa kahoy ang mga pader at may maliit na bintanang may mga baging. Presko rin ang hangin at mukhang sobrang komportable ng lugar.Paglingon niya, nakita niyang katabi niya si Daemon na natutulog, kaya napakunot ang noo niya.Nakahiga si Daemon sa labas ng kumot, hindi nagbihis at kalmado lang ang mukha, parang hindi pagod at bahagyang nakangiti ang labi.Medyo tulala si Patricia habang nakatitig, pero sakto namang dumilat si Daemon at nagtama ang mga mata nila.Nabigla si Patricia at dali-daling umiwas ng tingin, tapos bumangon at bumaba ng kama.Napangiti si Daemon, nagniningning ang mga mata, saka sumandal gamit ang kamay at sinulyapan si Patricia. “Ang tapang mo ha, horror movie ang pinasukan mo, eh ang duwag-duwag mo.”Hindi sumagot si Patricia, kinuha na lang ang coat sa silya at sinuot, tapos tiningnan siya ng masama. “Dedikado ako sa trabaho ko!”Umi
Nagkagulo sa shooting site. Nakakainis na ngang may naaksidente, tapos bigla pang nahimatay ang manager sa gulat. Hindi napigilan ng director na pagalitan ang babaeng gumanap na multo na bigla na lang lumitaw. "Di ba sinabi ko na tapos na ang eksena mo at pwede mo nang tanggalin ang makeup mo? Bakit ka naglalakad-lakad pa diyan na naka-costume? Ikaw tuloy ang naging sanhi ng gulo!"Walang pakialam ang aktres at tinignan lang si Patricia na nakahandusay sa lupa, sabay malamig na buntong-hininga. "Kung matatakutin siya, wag siyang sumunod-sunod dito! Para siyang bubble gum na hindi matanggal kay Andrei, takot yatang hindi malaman ng iba na si Andrei ang boyfriend niya!"Ramdam ng lahat ang selos sa tono niya... Mukhang isa na namang tagahanga ni Andrei. Alam naman ng mga natitirang assistant kung anong meron, pero dahil magkakasama sila sa trabaho, wala silang magawa kundi magpakumbaba at huwag palakihin ang issue.Sabi ng onsite doctor, nawalan lang ng malay si Patricia pero wala naman
Chapter 93NAGNGITNGIT si Patricia at sinabing, "Wag na, bye!" Sabay talikod at matigas ang lakad papasok ng kumpanya. Pero ang mga mata at boses ni Daemon ay parang naka-ukit na sa utak niya at hindi mawala-wala! Nakakainis talaga!Natapos na rin ang romantic idol drama ni Andrei at pinilit na ni Patricia na mag-umpisa na siya ng bagong thriller na pelikula. Kaya naman siya na ang nag-asikaso ng ibang trabaho sa kumpanya at iniwan muna ito sa assistant niya. Dumiretso na siya sa set para bisitahin ang shooting.Dati, wala lang sa kanya ang pagbisita sa set. Parang libangan lang. Pero iba na ngayon, thriller ang ginagawa, at ang location ay isang kilalang haunted village sa bundok sa labas ng Saffron City. Sa paligid ng baryo, puro libingan ang makikita. Karamihan sa mga bahay ay luma at halos magiba na. Ang mga kabataan ay nagpunta na sa siyudad para magtrabaho, at ang naiwan ay ilang matatanda. Marami ring bahay na bakante.Pagdating pa lang nila sa lugar, ramdam na agad ang lamig a
Paglabas ni Daemon mula sa banyo habang pinupunasan ang buhok, napangiti siya nang makita si Patricia na magulo ang buhok. May makahulugang ngiti sa gilid ng labi niya, “Anong problema? Nakalimutan mo na agad kung anong ginawa mo kagabi?”Nanlaki ang mga mata ni Patricia sa gulat habang nakatitig sa kanya, nakatopless, nakangiti ng malandi, at may mapang-akit na tingin. May kutob siyang may mali, kaya lalo pa niyang tinakpan ang sarili gamit ang kumot. “Anong kalokohan 'to?! Anong ginawa mo?!”Bahagyang ngumiti si Daemon. “Kahapon, ikaw ang naunang humalik at kumagat—”“Imposible!” mabilis na putol ni Patricia sa sasabihin pa nito. Nagulo ang isip niya at hindi niya alam ang gagawin.Pero wala nang balak si Daemon na makipagtalo pa. Lumapit siya sa sofa, kumuha ng dalawang paper bag at inihagis sa kama. “Dinala na sa laundry ang damit mo. Ito muna ang isuot mo.”Nakatitig pa rin si Patricia sa kanya, tulala.“Ay, oo nga pala, simula ngayon, kalimutan mo na ang pagtakas. Hindi ka na mak
Chapter 92"DON'T..." Gustong pigilan ni Daemon si Patricia na parang sumasakit ang ulo, pero may isang taong biglang binuksan ang mga butones ng kanyang coat. Manipis ang shirt sa loob at nang mahatak ang coat, napunit din ang bahagi ng shirt kaya nakita ang maputi at malambot na balat sa ilalim.Ang pinakamalaking epekto ng pagpapapayat ni Patricia ay siguro mas naging pino ang bewang at mga hita, pero hindi gaanong lumiliit ang dibdib niya. Madalas siyang magsuot ng coat para takpan ang sarili, kaya hindi halata ang figure niya, at walang parteng masyadong nangingibabaw...Pero ngayon, nabuksan ang coat at ang bahagyang cleavage sa gitna ng bilugan niyang dibdib ay nakakabaliw...Si Patricia ay patuloy na naghahabol ng lamig... Sobrang init ang nararamdaman niya, taliwas sa lamig sa labas kanina, kaya nalilito siya at wala na siyang ibang alam kundi ang init, at patuloy na hinuhubad ang damit niya.Sa malabong isipan, parang nakikita niya ang anino ni Daemon sa harap niya. Iniabot
"Bakit kahit anong gawin ko, parang wala ring kwenta?" Paunti-unti nang humina ang boses ni Patricia, at tinangay na ng malamig na hangin sa gabi ang natitira pa niyang salita.Lumambot ulit ang matigas na expression ni Daemon, bahagyang nawala ang kunot sa noo niya at may bahagyang liwanag sa mga mata niya.Parang bumalik sila sa simula. Si Patricia na mukhang laging pinapabayaan, nakaupo sa sulok kung saan walang pumapansin, tinatapakan at minamaliit ng mga tao, at tahimik lang na umiiyak habang umuulan. Pinapanood lang siya ni Daemon mula sa malayo at kahit noong una pa lang, napansin na niya ito, pero masyado siyang matigas ang ulo at ayaw umamin.Ang dami nang nangyari. Habang unti-unti silang nagkakalapit, bigla siyang lumayo, walang pasabi, at walang awa.Akala niya dati, kahit lumuhod pa sa harap niya si Patricia at magmakaawang bumalik sa kanya, hindi na niya ito papansinin.Pero nang makita niyang lasing si Patricia at nagsasalita ng walang kwenta, bigla niyang narealize...