LOGINSa paniniwala ni Purisima Cruzado, ang anak ang pinakamalakas na angkla ng isang ina. Kaya nang dumating ang panahong kinailangan niyang mag-ipon para sa operasyon ng kanyang ina, kinain niya ang takot at hiya para makapasok sa Moonlit—isang madilim na mundong pinapasukan lamang ng mga desperado at mayayaman. Isang gabi. Isang kliyente. Isang kasunduan kapalit ng malaking pera. Hindi niya inakalang ang lalaking iyon ang estrangherong tanging pinaglingkuran niya—ang magiging ama ng batang isinilang niya. Pagkalipas ng ilang taon, muling nagtagpo ang kanilang landas. Dirus Van Arkel—ang kliyenteng hindi niya malilimutan, ngunit siya, hindi man lang naalala nito. At sa hindi inaasahang pagkakataon, inalok siya ni Dirus ng trabaho: magpanggap bilang kanyang kasintahan… at ang anak niya ay ipakitang anak nilang dalawa upang pagselosin ang dating fiancée nito. Ngunit paano kung ang “pagpapanggap” na ito ang maglalantad ng katotohanang matagal niyang inilihim? At paano kung ang lalaking minsan niyang binayaran para mabuhay ang ina niya… ay siya ring lalaking nakatadhanang wasakin ang pader na itinayo niya sa puso niya?
View More“SIMA, pagsubok lang ‘to sa inyo. Malalampasan at malalampasan din ninyo ni Mader Prima ‘to. Magpakatatag ka lang. Alam mo namang ikaw lang ang mapaghuhugutan ng lakas ng Nanay mo.”
Bahagyang naibsan ang bigat na gumugupo sa lakas ni Purisima nang dumating sa ospital ang nag-iisa niyang kaibigan– si Magenta. Isang binabae.
Nasa trabaho siya kanina nang may emergency call siyang natanggap. Isinugod ng ilang concern nilang kapitbahay sa ospital ang Nanay Prima niya.
Madalas nilang pagtalunan ng Nanay niya ang bisyo nitong alak. Hindi kasi ito maawat kahit ano pang pakiusap ang gawin niya. Wala itong pinipiling oras sa pag–inom. Nag-umpisang malulong sa alak ang Nanay niya no’ng nangaliwa ang kinakasama nito na kanyang step–father. Sumama kasi sa mas bata at walang sabit.
“Kaya kong magpakatatag dahil alam kong iyon lang ang higit na mas magagawa ko ngayon, Magenta. Kapit na kapit na rin ako sa itaas. Nagmakaawa na ako sa lahat ng santong kilala ko na huwag muna nilang kunin iyong nag–iisang pamilya na mayro’n ako. Pero paano naman iyong bayarin dito sa ospital? Paano ko mapapa-operahan si Nanay gayung minimum wager lang ako. Wala kaming ipon, Magenta.”
Hilam ang mga mata ni Purisima. Halatang galing sa matinding pag–iyak. Patang-pata na ang katawan niya hindi lang sa pisikal na aspeto, emotionally din.
Ayon sa doktor na sumuri sa Nanay niya ay may komplikasyon na raw ang atay nito. Seven months ago noong napatignan niya sa specialist ang kalagayan ng kanyang ina at noon nga niya napag-alaman na may stage four liver cancer ito dahil sa labis nitong pang-aabuso sa sariling katawan. Mula noon ay kahit anong pilit niya sa Nanay niya ay nagmatigas talaga itong huwag sumailalim sa ano mang treatment o tumor removal. Kaya bumagsak sila sa ganito kasaklap na suliranin.
Ganito pala ang pakiramdam kapag binabantaan ni kamatayan ang isa sa mga taong pinakaayaw mong mawala saiyo. Napakabigat sa dibdib. Walang katumbas ang sakit. Iyong tipong mas nanaisin mong isanla sa demonyo ang kaluluwa mo, huwag lang tangkain na kunin saiyo ang nag–iisang taong karamay mo sa buhay.
“Si Mader Prima kasi e. Daig pa ang musmos sa sobrang katigasan ng ulo tapos idagdag pa ang kunsintidor na unica hija sa pagiging tomador ng ina. Kaya ngayon, heto. Napakalaking dagok ang dumating.”
“Magenta, ano’ng gagawin ko? Saan ako mangangalkal ng pera para sa operasyon ni Nanay? Malabong may mahita ako sa amo kong Intsik. Ni cash advance, hindi ako mapagbigyan.”
Huli na para pagsisihan iyon ni Purisima. Sa ngayon, ipapako muna niya ang kanyang buong atensyon kung paano siya makakadiskarte para sa pagpapa–opera sa Nanay niya.
Malaki–laking halaga kasi ang estimated cost para sa operasyon dahil nga ay may mga komplikasyon na ang lagay ng kanyang Nanay Prima. Kung sana ay naagapan ito kaagad at natanggal ang tumor sa atay nito ay mas napalayo pa sana ang buhay ng Nanay niya sa posibling peligro.
“Ganitong gipit na gipit ka, may alam naman akong paraan para maisalba si Mader Prima sa bingit ng peligro. Alam kong hindi marangal itong trabahong ito, Purisima at kinakabahan ako para saiyo.”
“Magenta, sa sitwasyon ko ngayon, sa tingin mo uunahin ko pa kung marangal o hindi iyong paraan para mailigtas ko si Nanay? Magenta, utang na loob naman oh! Kahit ano o saan pa iyan basta para sa Nanay ko, kakapit ako.”
Naroon ang pagkabagabag sa hilatsa ng mukha ni Magenta. Pero kailangan niyang mapatunayan na disidido siyang pasukin ano mang klaseng trabaho iyon.
“S–sa Moonlit, Sima. Tiyak nandoon ang sagot sa problema mo.”
MOONLIT, isang ekslusibo at confidential na muog na nagsisilbing takbuhan ng mga lalaking nangangailangan ng panandaliang aliw. Ang mismong fortress ay nakatayo sa pusod ng isang liblib at masukal na kagubatan. Kasing-laki niyon ang Spis Castle ng Slovakia ayon sa nagpapalaganap ng kuwento tungkol sa misteryo ng Moonlit.
Luna– ang babaeng de maskara. Ito ang Suprema ng Moonlit at tanging nagpapatakbo ng ekslusibong muog. Sa labas ng Moonlit ay mistulang character ng mga kuwentong–bayan lamang si Luna.
Lunaria– iyon ang tawag sa mga babaeng buong–loob na isinusuko ang kanilang mga sarili sa Moonlit. Iba–iba ang kuwento ng mga Lunaria kung paano sila pumasok sa madilim na mundo ng Moonlit. Ngunit isa lang doon ang totoo, lahat sila ay may kanya–kanyang pagsubok sa buhay na nais nilang malampasan at sa tulong ng Moonlit ni Luna ay hindi sila mabibigo. Para sa kaalaman ng iba, walang karanasan o virgin lamang ang nararapat na maging Lunaria. Rookie sa madaling sabi. May ibang Lunaria na mas piniling manatili sa ilalim ng Moonlit. Sarili nila iyong desisyon na pinahintulutan naman ng Suprema na si Luna.
Lunar Divas– mga Lunaria na natatangi sa lahat. They are exclusive to serve their affluent Aristocrats for a single night only, alinsunod sa Golden Rules ng Moonlit. These Lunaria should wear a mask until they are done with their work. Their identity must be keep hidden from their Aristocrats dahil nagiging gulo ng Moonlit ang ibang Aristocrats na naghahabol sa Lunar Divas nila at iyon ang iniiwasan ni Luna. May mga signature color ang bawat antipas na ipapasuot sa kanila ni Luna. Triple kaysa sa ordinaryong Lunaria ang kikitain ng isang Lunar Diva, nga lang ay triple rin ang serbisyong dapat nilang ibigay sa kanilang Aristocrats.
Aristocrats– ang mga patron o parokyano ng Moonlit na hindi lang native na Pilipino. Mas madalas pa nga ay mga banyaga. Mostly sa mga Aristocrats dito ay may mga asawa. Isa lang ang sinisigurado ng Moonlit, walang napapasang Aristocrat na isang kahig isang tuka. Lahat ng kanilang parokyano ay de premiera sa alta–sosyedad at mga Big Shot. Mainly local and international male celebrities and models, politicians, business magnates and even those aristocrats from uppermost class, upper–middle and middle class of the society.
At sa mundo ng Moonlit dinala si Purisima ng kanyang kapalaran. And then that one forbidden night happened. One steamy night with her aggressive, wild and furious Aristocrat who happens to be the heir to a multi–billion shipping lines company in the world, a rebel son, a ruthless heartbreaker, a notorious playboy, he's no other than Dirus Van Arkel.
Dumiretso na sila sa hotel kung saan sila magpapalipas ng magdamag. Habang nasa elevator sila ay pumiglas si Purisima sa higpit ng pagkakahawak ni Dirus sa kamay niya.Hinarap niya ito at doon lang niya napagtantong lasing ito. Pero hindi iyon ang kinaiinis niya sa puntong iyon."Napipikon na 'ko saiyo, alam mo ba iyon? Iniwan-iwan mo ako doon sa suite na parang tanga tapos nandoon ka lang pala at nakikipag-mano-mano sa ibang babae! Pambihira ka!"Dirus didn't say a word. Pagod na nagpapahinga ang likod nito sa metal wall ng elevator. Nakaangat ang ulo at nakapikit na animo'y nasa kailaliman pa rin ang pag-iisip."Iyan, ignore me! Diyan ka talaga magaling. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naghanap ka pa ng malalantakan sa bar na iyon. Bakit hindi na lang ak—"Naputol ang pagbubunganga ni Purisima nang walang pasabing kinabig siya ng binata papunta sa katawan nito at siniil ng marubdob na halik. His arm snaked around her waist into a tight grip while the other one placed on her
Inimbatahan ni Dirus ang kaibigan niyang si Francoise na uminom at maglasing sa open bar ng resort nang gabing iyon.Napakiusapan niya si Purisima na doon na sila magpalipas ng gabi sa nasabing resort. Naka-check in na si Purisima sa isang suite sa hotel at nagpaalam lamang si Dirus na may aasikasuhin siya saglit—ngunit ang totoo’y ibig niyang magpakalasing ngayong gabi.Hinang-hina na ang kalooban niya at ubos na rin ang huling hibla ng lakas niya dahil sa resulta ng DNA test.“How many times did you handle such case like this?” tanong ni Dirus matapos lagukin ang laman ng baso.“Twice—and those were the hardest cases I’ve handled so far. Worst part? They’re still unsolved,” sagot ni Francoise.“Twice… and what happened to the two Lunaria?” May kaba sa dibdib ni Dirus habang hinihintay ang sagot.Ayaw na sana niyang maghukay pa ng mga bagay na lalo lamang gugulo sa isip niya, ngunit patuloy pa rin siyang nakikipagbuno sa kapalaran. Hindi sapat sa kanya ang resulta ng DNA test. May ku
“PARE, been a long fucking time.” Pagdating nila sa loob ng hotel ng resort ay dalawang binata ang kaagad na sumalubong sa kanila.Hindi maitago ni Purisima na hindi siya komportable sa mga nakakasalamuha nila sa gabing iyon. Halos lahat kasi ng ipinapakilala sa kanya ni Dirus ay pawang mayayaman o hindi kaya’y bigating personalidad.“Jimson, Francoise, hey!” Kaswal na nakipag-shoulder bump si Dirus sa dalawang lalaki.“Come on! I don't wanna slip the chance to meet this fine and gorgeous lady here. Do you mind, Dirus?”Pilit na ngumiti si Purisima sa dalawang kaibigan ni Dirus.Letse! Nakakasakal ang makipag-plastikan. She groaned.“Sure thing. This is Ms. Purisima Cruzado. Sima, this is Francoise and this Chinese punk here is Jimson.” Kaswal siyang ipinakilala ni Dirus sa mga kaibigan nito. Hindi rin nito inaalis ang kamay sa bewang niya.Lantad na lantad ang paghanga ng dalawang lalaki kay Purisima, bagay na nagdudulot ng kakatwang inis sa kalooban ni Dirus.“After twenty-six years
HINDI maayos-ayos ang hilatsa ng mukha ni Purisima Cruzado habang papalapit sila sa kanilang destinasyon.Paano nga ba siya napapayag ni Dirus Van Arkel na sumama rito at dumalo sa kasal ng dati nitong kasintahan? Kung paano, ay hindi niya rin lubos na alam. Para bang nadala na lamang siya ng mga salitang binitiwan nito—mga salitang may halong lambing, pangungumbinsi, at kakaibang katiyakang hindi niya maipaliwanag.“Puwede bang ten minutes lang tayo do’n tapos iuwi mo na agad ako?” Hindi lihim ang iritasyon sa tono ni Purisima.Hindi talaga siya pabor na makilala ang ex ni Dirus. Kung pangalan pa lang nito ay naiirita na siya, paano pa kaya kung kaharap na niya ito?Hindi na rin siya magugulat kung masampal man niya ang naturang babae kapag nagtagpo ang kanilang mga mata.Naikuwento na kasi sa kanya ni Dirus ang tungkol sa naging relasyon noon nito sa dating nobya. He trusted her that much—enough to tell her every ugly detail of his past with Vionette.Kaya ganoon na lamang ang pagka






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.