MasukTatlong taon nang asawa ni Sabina ang kilalang CEO na si Sebastian Malfory—isang lalaking inakalang katuparan ng lahat ng kanyang panalangin. Pero isang gabi, natuklasan niya ang masakit na katotohanan: ginagamit lang siya nito para saktan ang tunay nitong minamahal, ang kapatid niyang si Waynona. Buntis sa kambal, durog ang puso, at walang masandigan, piniling tumakas ni Sabina dala ang isang lihim na magpapabago sa lahat. Pagkalipas ng ilang taon, bumalik siya bilang isang matagumpay at misteryosang babae—kasama ang dalawang batang may mata ng lalaking minsan niyang minahal. At nang muling magkrus ang mga landas nila ni Sebastian, isa lang ang tanong: handa ba siyang ipaghiganti ang sarili, o muling magpatalo sa lalaking dati’y dahilan ng kanyang pagkawasak?
Lihat lebih banyakPagpasok pa lang ni Sabina sa loob ng ultrasound room, ramdam na niya ang mabilis na tibok ng puso niya. Malamig ang hangin sa silid, pero ang palad niya ay nanlalamig hindi dahil sa aircon, kundi sa halo ng kaba at pananabik.
"Please, Misis, you may lie down here," magiliw na sabi ng doktora habang inaayos ang makina sa tabi. Tumango si Sabina at dahan-dahang umupo sa examination chair bago inihiga ang sarili.
Narinig niya ang tunog ng guwantes na sinuot ng doktora at ang mahinang kaluskos ng mga instrumentong inaayos nito. Pagkatapos, kinuha ng doktora ang maliit na bote ng malamig na gel at ipinahid iyon sa tiyan niya. Napaigik siya nang maramdaman ang lamig na dumampi sa balat.
“Pasensya na, medyo malamig ito,” mahinang tawa ng doktora.
Ngumiti lang si Sabina, bahagyang kinakabahan. Pinagmasdan niya ang paggalaw ng transducer sa ibabaw ng tiyan niya, at sa loob ng ilang segundo, tumunog ang pamilyar na beep ng makina. May lumitaw na imahe sa screen—malabo sa una, hanggang sa unti-unting luminaw ang dalawang munting anino.
Ngumiti ang doktora, sabay lingon sa kanya.
“You’re three weeks pregnant with twins, Misis. Tingnan mo, mukhang masisigla at malulusog ang mga bata sa sinapupunan mo.”
Parang huminto ang mundo ni Sabina.
Pregnant with twins.
Buntis siya. Hindi lang isang bata, kundi dalawang bata ang nasa tiyan niya ngayon.
Halos mangiyak-ngiyak si Sabina sa sinabi ng doktora. Hindi dahil sa takot na mabuntis, kundi dahil sa wakas, mabibigyan na niya ng anak ang asawa niyang si Sebastian Malfory—ang lalaking minahal niya ng buong buo sa loob ng tatlong taon.
Paglabas niya ng clinic, mahigpit niyang niyakap ang ultrasound result, saka mabilis na nagmaneho pauwi. Tahimik ang buong mansyon pagdating niya, at alam niyang nasa study room si Sebastian. Excited siyang ibalita ang magandang balita, ngunit bago pa siya makapasok, napatigil siya nang marinig ang mga boses sa loob.
“Sebastian, hindi mo ba isasama ang asawa mo sa welcome party ni Waynona bukas?” tanong ni Liam habang nagbubukas ng bote ng alak.
“Why would I?” sagot ni Sebastian, malamig ang tono. “Ayokong magkagulo. Alam mo naman ‘pag silang dalawa magkasama, laging may drama.”
“Drama? Bro, come on,” sabat ni Jonathan, nakataas ang kilay. “You literally married your ex’s sister. What did you expect?”
Sebastian let out a soft laugh, sabay inom ng alak. “Honestly? Gusto ko lang ipakita kay Waynona na I moved on faster than she did. That’s it.”
Nanigas si Sabina sa labas. Parang may sumabog sa loob ng dibdib niya. Pero hindi siya umalis. Pinilit niyang makinig, kahit bawat salita ni Sebastian ay parang kutsilyong inuukit sa puso niya.
“So she’s just a rebound?” tawa ni Liam, sabay hampas sa braso ni Sebastian. “Damn, man. Ang sama mo rin.”
“Don’t be so dramatic,” sagot ni Sebastian, nakangisi. “Alam naman ni Sabina kung ano ‘yung pinasok niya. She wanted this. Desperada siyang mahalin. I didn’t force her, she begged for my attention. She’s that kind of woman.”
Napasinghap si Sabina. Mabilis na pumatak ang luha niya, at tinakpan niya ang bibig para hindi siya mapahikbi.
“Come on, you know her story,” patuloy ni Sebastian. “Adopted lang ang turing sa kanya ng mga de Miguel. No one really cared for her. Kaya ayun, she clings to me like I’m her savior. Pero kahit anong pilit ko… I can’t love her. Si Waynona pa rin talaga, bro.”
Ang bawat salitang iyon ay parang latay sa kaluluwa ni Sabina.
“So what’s the plan?” tanong ni Jonathan. “Kung ‘di mo siya mahal, iwan mo na. Kawawa naman ‘yung babae.”
Sebastian smirked. “Soon. Pero naaawa rin ako sa kanya, eh.”
“Naaawa?” natawa si Liam, sabay iling. “Three years mo siyang pinaasa, pinaniwala sa pantasya niya tapos ‘yan lang sasabihin mo? Bro, that’s not pity, that’s torture.”
“Hayaan niyo nga ako,” singhal ni Sebastian, halatang naiinis. “Problem ko ‘to, okay? Until I get Waynona back, Sabina stays. Magagamit ko pa siya.”
At doon, nahulog mula sa kamay ni Sabina ang hawak na bag na naglalaman ng ultrasound. Tumama ito sa marmol na sahig nang malakas.
“Ano ‘yon?” tanong ni Jonathan.
Sabay-sabay silang napalingon sa pinto.
Mabilis namang pinulot ni Sabina ang bag at tumakbo paakyat, halos hindi makahinga. Pagpasok sa kwarto, napasandal siya sa pinto, pinipigilang bumigay.
Niyakap niya ang tiyan niya nang mahigpit, parang iyon na lang ang natitirang dahilan para mabuhay.
“Hindi pala totoo ang lahat ng ‘to?” bulong niya, halos walang boses.
Habang umuulan sa labas, lalong lumamig ang hangin. Parang sinasabayan ng langit ang sakit sa dibdib niya.
Kung ganito rin lang ang buhay na naghihintay sa mga anak ko mas mabuti pang hindi ko sila iluwal…
Mabilis siyang tumakbo palabas ng bahay, walang dalang payong, walang direksyon. Ang tanging dala ay ang ultrasound. Nakarating siya sa isang bangin kung saan tanaw ang karagatan. Tumutulo ang ulan sa mukha niya, humahalo sa kanyang luha.
“Kung hindi lang ako tanga… hindi sana magiging ganito ang buhay ko,” hikbi niya, bawat hakbang palapit sa gilid ng bangin ay puno ng takot at poot.
Ngunit biglang kumulog nang malakas. Napaatras siya, natigilan, at doon tuluyang bumigay ang mga luha niya. Napahagulhol siya, paulit-ulit na humihingi ng tawad sa mga batang nasa sinapupunan.
Nang makauwi siya, basang-basa, nakita niya si Sebastian sa veranda. May hawak itong sigarilyo, malamig ang tingin, ngunit ngumiti pa rin nang makita siya.
“Sabina, what the hell happened to you? Basang-basa ka,” sabi niya, medyo inis, pero may bahid ng pag-aalala.
“Na-stuck lang ako sa traffic,” mahinang sagot ni Sabina.
Tumango si Sebastian. “Anyway, Waynona’s back tomorrow. She invited you to her welcome party. Try to behave this time, okay?”
Tahimik lang si Sabina.
“Sabina,” seryoso ang tono ni Sebastian, “you need to stop being selfish. Si Waynona, she’s trying to fix your relationship as sisters, pero ikaw pa rin ‘tong matigas. She’s not the problem kundi ikaw.”
Napatingin siya sa asawa. Wala na siyang nakitang lambing o kahit piraso ng pagmamahal sa mga mata nito.
“Oo,” mahinang sagot niya. “Sasama ako.”
Ngumiti si Sebastian, parang kontento. “Good girl.”
Lumapit siya para halikan si Sabina, ngunit iniwas nito ang mukha kaya sa pisngi lang tumama ang labi ng lalaki.
“Pagod ako,” mahinang sabi niya.
Napatigil si Sebastian. “Fine. Get some rest.”
Humiga si Sabina, at naramdaman ang bigat ng braso ni Sebastian nang marahan siyang yakapin mula sa likod.
“Kailangan mo lang matutong makisama, Sabina,” bulong ni Sebastian. “Everyone’s trying to help you, but you’re making it hard for them.”
Pumikit si Sabina, walang tugon. Sa likod ng kanyang katahimikan, naroon ang galit, ang kirot, at ang paninindigang unti-unting nabubuo.
Ito na ang huling gabi na magpapagamit ako sa’yo, Sebastian, isip niya habang pinipigilang muling maiyak.
“Hon, bukas na bukas hihingi ka ng tawad kay Waynona, okay?” pilit ni Sebastian habang nakangiti.“Okay, hihingi ako ng tawad sa kapatid ko kung yan ang gusto mo,” sagot ni Sabina. Pinilit niyang ngumiti kahit mabigat ang dibdib. Lalong lumiwanag ang mukha ni Sebastian sa tuwa.“Perfect. Bukas, iimbitahan ko sina Waynona at mga kaibigan ko para sa dinner. Ikaw na ang magluluto para sa kanila. Sarapan mo, dapat magustuhan nila ang mga pagkain. Sigurado akong patatawarin ka ng kapatid mo,” wika ni Sebastian habang patuloy sa pagkain.Natapos ang tanghalian na halos hindi makakain si Sabina. Paulit-ulit pa rin sa isip niya ang larawan ni Sebastian at Waynona. Sa bawat nguya, tila sumasakit ang sikmura niya sa sobrang sakit. Parang bawat subo ay paalala ng pagkakanulo, ng pag-ibig na unti-unting namamatay habang siya mismo ang pinagsisilbihan ng taong sumira rito.“Hindi ko naibigay ang regalo ni Waynona kahapon, kaya pakibigay na lang,” sabi ni Sabina, pinilit ngumiti habang iniaabot ang
Nakataas pa ang kamay ni Sebastian nang magtama ang mga mata nila ni Sabina—mga matang puno ng gulat at sakit. Isang hikbing halos hindi na mapigil ang lumabas sa labi nito, kasabay ng pagtulo ng dugo sa gilid ng kanyang bibig.“A-ayos ka lang ba, Sabina?”Inabot ni Sebastian ang mukha ng asawa, pero umatras si Sabina, nanginginig, halos matumba habang tinataboy ang sarili palayo. Takot siyang baka saktan pa ni Sebastian ang mga batang dinadala niya. Maging ang pagdampi ng kanyang asawa ay parang apoy na sumusunog sa balat niya.“Patawarin mo ako, Sabina… kasalanan ko ang lahat. Sebastian, humingi ka ng tawad sa kanya.” Mahina ang boses ni Waynona, halos pabulong, pero walang reaksyon si Sebastian. Nakatitig lang siya kay Sabina, sa mga matang parang hindi na siya kilala.“Sabina, makinig ka,” malamig na sabi ni Sebastian. “Kung hihingi ka ng tawad kay Waynona, kakalimutan ko na lahat. We’ll start over.”Napuno ng kirot ang dibdib ni Sabina. Ang lalaking minahal niya, ang ama ng mga b
“Matagal ko nang nilalaro si Sebastian sa mga kamay ko, Sabina,” mapanuksong sabi ni Waynona, habang nakasandal sa dingding, ang tinig niya ay malamig at puno ng panunuya. “While you’re busy waiting for him every night, I’m the one he’s coming home to. Kung hindi lang siya maingat gumamit ng protection, matagal na sana akong buntis sa anak niya, unlike you, na halatang baog.”“Ano’ng… sinabi mo?” halos pabulong na tanong ni Sabina, nanginginig ang labi habang dumadaloy ang luha sa pisngi niya. Parang may kung anong sumabog sa dibdib niya, isang matinding kirot na parang unti-unting winawasak ang puso niya sa loob.“Come on, sis,” nakataas ang kilay ni Waynona habang naglalakad papalapit. “You really think kaya mong bigyan si Sebastian ng anak? He’s tired of your boring body. Sawa at pagod na siya sayo. Gumising ka. Isa kang probinsiyanang walang halaga. Samantalang siya, isang billionaire CEO, sanay sa babae’ng classy at marunong sa kama. Tell me, do you even know how to please your o
Kinabukasan, dumating si Sebastian at Sabina sa mansyon ng pamilya de Miguel para dumalo sa homecoming party ni Waynona de Miguel na pinaghandaan ng mga magulang nila. Mahigpit naman ang pagkakahawak ni Sebastian sa kanyang baywang na parang ayaw siyang bitawan. “Kailangan mong makisama sa lahat, Sabina. Huwag kang gagawa ng gulo,” malamig na paalala ni Sebastian bago niya halikan sa noo ang asawa, lalo na nang mapansin niyang papalapit si Waynona.“Sabina!” tawag ng kapatid.Nakatayo si Waynona sa tapat nila, suot ang pulang backless na silk dress na lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan—malayong-malayo sa simpleng ayos ni Sabina. Tinanggap niya ang kamay ng kapatid, ngunit agad napansin ni Sabina kung paano sinusundan ng mga mata ni Waynona ang bawat galaw ni Sebastian.“Galit ka pa rin ba sa’kin, Sabina?” tanong ni Waynona, kunwari’y malungkot. “Magkapatid tayo pero ni minsan, hindi mo ako tinawagan mula nang umalis ka ng bahay. Pasensya ka na kung ako ang nakakuha ng pagmamah
Pagpasok pa lang ni Sabina sa loob ng ultrasound room, ramdam na niya ang mabilis na tibok ng puso niya. Malamig ang hangin sa silid, pero ang palad niya ay nanlalamig hindi dahil sa aircon, kundi sa halo ng kaba at pananabik."Please, Misis, you may lie down here," magiliw na sabi ng doktora habang inaayos ang makina sa tabi. Tumango si Sabina at dahan-dahang umupo sa examination chair bago inihiga ang sarili.Narinig niya ang tunog ng guwantes na sinuot ng doktora at ang mahinang kaluskos ng mga instrumentong inaayos nito. Pagkatapos, kinuha ng doktora ang maliit na bote ng malamig na gel at ipinahid iyon sa tiyan niya. Napaigik siya nang maramdaman ang lamig na dumampi sa balat.“Pasensya na, medyo malamig ito,” mahinang tawa ng doktora.Ngumiti lang si Sabina, bahagyang kinakabahan. Pinagmasdan niya ang paggalaw ng transducer sa ibabaw ng tiyan niya, at sa loob ng ilang segundo, tumunog ang pamilyar na beep ng makina. May lumitaw na imahe sa screen—malabo sa una, hanggang sa unti-






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen