5/5 ayaaaan konti na lang para bukas. patapos na 'ko huhu so proud of myself grabe sunod na siguro ako kila Hanni pero been thinking of writing a few snippets para kila Chiles, Lav, and Yvette. pili kayo sa kanila sino want nyo mabasa ang kwento. anyway, malayo pa naman iyon. excerpt lang muna papakita ko. that's all, folks! goooood night! salamat sa pagbabasa ~ please leave a review para ma-inspire pa akong mag-post. —Twinkle ×
HELIOS pulled the trigger. Bumaon ang bala sa ulo ng ama niyang si Henrik at tumagos ito sa kabila. Mabilis na naputol ang buhay ng lalaki dahil doon at nang bitiwan ito ni Helios, bumulagta na lang ito sa sahig. Tulala si Helios pagkatapos noon. Hindi pa pumapasok sa isip niyang tapos na ang lahat. Hindi niya maisip na sa kamay niya talaga magtatapos ang buhay ng ama. After realizing that he really ended his father's life, a wave of pain hit him. Naalala niya na minsan din namang naging ama sa kanya ito. Helios was his father's pride. Henrik loved him, though in a twisted way. Ramdam iyon ni Helios ngunit hindi niya maatim na masama itong tao. Hindi niya matanggap na marami itong sinira at sinagasaang buhay na kahit kailan ay hindi na niya maibabalik. Kaya kahit masakit sa kanya, ito ang pinili niyang daan. Akala niya ay madali lang ang lahat. Akala niya matigas na ang puso niya dahil sa mga nangyari. Pero ang makita na patay na talaga ang ama at siya pa mismo ang tumapos sa buhay
BUMALIK si Serena at Kevin sa Fuentes' Ancestral House dahil sa pakiusap ni Don Constantine. After what happened to their family, the noisy and lively house turned silent. Dahil umalis ang pamilya ni Chlyrus at lumipad patungo sa ibang bansa at ang iba naman na anak ni Don Constantine ay may kanya-kanya nang ganap sa buhay, mag-isa na lang ang matanda sa malaking bahay. Si Laurin at Zacarias ay wala rin doon dahil si Zephyr naman ang iniitindi ng dalawa pagkatapos ng mga nangyari. Zephyr needs their support and Don Constantine didn't find fault with that. Pero hindi man ito magsalita, alam nila na malungkot ito. Serena decided to accompany him in this big house. But not before she consulted Kevin. Pumayag si Kevin at doon muna sila kasama si Chiles. Chiles is slowly healing from his traumas. Nakatulong ang mga anak ni Dahu na iniwan ni Chlyrus kay Chiles. Before Chlyrus went to save Lavender and Hanni together with them, he trusted someone to bring the cubs to Chiles. May kasama
“A-ANONG nangyari kay Kevin? H-Hindi ba siya pupunta? O-O kaya may aksidente bang nangyari kaya wala siya ngayon? Sabihin mo sa akin ang nangyari!”Kabadong-kabado si Serena. Maayos pa silang nag-usap ni Kevin kahapon. Dahil bawal magkita, nag-FaceTime lang sila pero maayos naman si Kevin! May nangyari ba? Maiiyak na yata siya! “Mama? What happened?” Lumapit si Chiles kay Serena at nagtanong noong makita na parang problemado ang ina. Sininop ni Serena ang mahabang white gown na suot para makayuko siya at magpantay ang tingin nila ni Chiles. “Si Dada mo raw…” aniya at sinulyapan si Gideon. Hindi niya masabi ang nangyari kay Kevin dahil hindi pa sumasagot si Gideon. Si Chiles ay bumaling na rin kay Gideon at kita sa mga inosente nitong mga mata ang pag-aalala. “W-What happened to Dada? Tito Gideon, please say something.”Nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Gideon. Sa huli, huminga ito nang malalim at napakamot sa ulo. “You're overreacting, people. Sasabihin ko lang sana na on t
MATAGAL bago nakabalik si Kevin sa harap ng altar. Nagkaroon pa ng komosyon dahil sa ginawa nitong pagtakbo na sila Nathan, Gideon, at iba pang mga lalaki ay sinundan si Kevin. At doon nakita nila na panay ang pagtatawag ni Kevin ng uwak sa gilid. Naghanap pa ito ng trash bin para lang sumuka. “I thought you're going to run away, Xavier!” ani Nathan. Masamang tingin ang binato ni Kevin sa pinsan at saka pinunasan ang bibig. Inabutan ito ng tubig ni Nathan at kinuha iyon ni Kevin pero hindi uminom si Kevin. “L-Let's go back. Serena might think of something bad,” utos sa kanila ni Kevin. Hindi muna sumunod sila Gideon. Ang ginawa nito ay tinapat ang kamay sa noo at leeg ni Kevin na nagpagulat kay Kevin. “Hindi ka naman mainit? Then why are you throwing up like there's no tomorrow? You're also pale,” sabi ni Gideon.Tinabig ni Kevin ang kamay ni Gideon at naglakad pabalik sa altar. Lakad-takbo ang ginawa ni Kevin dahil ang nasa isip niya ay baka isipin ni Serena na tumakbo siya sa k
HALOS isiksik ni Kevin ang ulo sa gilid ng leeg ni Serena. Nahihiya pa rin ito sa pagkawala ng malay nito sa reception ng kasal nila. Hindi sila natuloy sa honeymoon dahil masama ang pakiramdam ni Kevin. Sinuri ito ng mga doktor pero bukod daw sa kulang lang ito sa pahinga, wala na ibang sinabi ang doktor. When Hanni heard that from Serena, she almost laughed out loud. Sinugod kasi nila sa ospital si Kevin sa pag-aalala na baka kung ano ang nangyari dito. Dahil doon ay halos ang buong angkan ni Serena at Kevin ay nasa ospital na inakala pa ng iba na kilala at bigating tao ang kailangan ng medical attention. Si Chiles, nakakakapit sa white dress ni Serena at tinatanaw ang ama na chine-check ng mga doktor. Mabuti na lang pala at nagbihis na si Serena ng damit at hindi na iyong traje do boda ang suot niya kundi ay mas lalong magiging pansinin siya. The doctor told them he's fine but Kevin's grandpa insisted that he needs to get admitted. Kaya ayon at nasa isang private room si Kevin.
“READY na ba ang baon ng mga bata? Iyong baon ni Chiles, maayos na ba?” iyon ang naging tanong ni Serena sa katulong noong pumunta siya sa kitchen. Kagabi niya pa inayos ang mga dapat babaunin ng triplets at ni Chiles dahil iba-iba ang gusto nilang baon. Habang lumalaki ang mga bata, si Kevin na ang nagsabi na kumuha sila ng househelp. Mahirap naman kasi talagang mag-alaga ng bata lalo na kung tatlo pa ito. Kung si Chiles ay tahimik lang, iba ang triplets. Madalas sabihin ni Kevin na maagang puputi ang buhok nito dahil sa kakulitan ng tatlo. Dahil bumitiw na si Serena at Kevin sa pagiging secret agent, namuhay na sila ng tahimik at malayo sa gulo. Iniwas na rin nila ang mga sarili na makibalita tungkol sa HQ. Kevin focused on SGC and his other businesses while Serena chose to be a housewife. Pwede siyang bumalik sa trabaho pero mas pinili niyang mag-alaga ng mga bata dahil ayaw niyang mawalan ng atensyon ang mga bata. Suportado naman ni Kevin ang desisyon niya. Ayon dito, kung pwe
SPECIAL CHAPTER #1 (CHILES KANNON SANCHEZ)*Scenes from “Begging My Ex-Husband for Remarriage”*“DOC CHILES, may bagong rescued animal na naman na dumating sa shelter. Nasagasaan daw ng sasakyan kaso tinakbuhan. May good samaritan na kumuha sa aso at dinala rito,” anang isa sa clinic staff ni Chiles. Nang marinig iyon, agad na dumiretso si Chiles sa operating room dahil doon dinala ang nasagasaang aso. He immediately checked on the animal and he breathed a sigh of relief when he found that the the dog's only have broken bone of his back leg. Isesemento nila iyon hanggang hindi naghihilom ang bali sa buto. Mabuti at walang internal injuries ang aso. When he was done with the minor operation, pinagmasdan niya ang aso at hinaplos ang ulo nito. The dog groaned even though it's fast asleep. Siguro ay ramdam ng aso na nasa ligtas na lugar ito. Inutusan ni Chiles ang isa sa staff niya dalhin ang aso sa resting area at siya naman ay nag-disinfect ng katawan. Magra-rounds siya sa clinic pa
SPECIAL CHAPTER #2 (EMERIE LAVENDER FUENTES)*Scenes from “Please Love Me Again, Ex-Wife”*“I'M SORRY to inform you, Mrs. Zobel, but you had a miscarriage.”Lavender blinked her eyes when she heard what the doctor had said. Halos hindi na siya makahinga pero tuyo ang mga mata niya - wala na siyang mailuha.But not her mother-in-law. Noong marinig nito na nakunan siya at wala na ang apong pinakahihintay nito, agad itong humagulhol at niyakap siya. “Oh my, Emmy, we lost the baby… I'm so sorry. Your mom is sorry for you.” Tulala lang si Lavender, gusto niyang magalit sa nangyari pero parang pagod na pagod na siya sa lahat. She already lost the life of her child so what's the use of grieving? She tried hard to give her child a complete family. Hindi man siya mahal ni Blaine, iniisip ni Lavender na katulad ng dati ay matututunan siya nitong mahalin. Kahit na paulit-ulit nitong pinamumukha na iba ang mahal nito, para siyang asong ulól na sunod nang sunod sa lalaki dahil ang dahilan niya,
May dalawang babae pa sa tabi ni Patricia na nagpapahinga rin. Bawat isa sa kanila ay may hawak na puting kabayo. Habang umiinom ng tubig, pinapanood nila si Daemon habang nakasakay. Nang mapansin ni Daemon si Patricia na nakasakay sa isang maliit na kabayo, parang naduwal si Daemon sa itsura niya.Tahimik na sinubukan ni Patricia na igalaw ang kabayo palayo... pero ayaw gumalaw ng kabayo! Kahit coach man lang sana, pero nung tumingin-tingin siya sa paligid, wala siyang nakitang coach... Biglang pumalo ng buntot ang kabayo at inalog ang katawan nito. Kung hindi mabigat si Patricia, siguradong nahulog na siya.Yung dalawang babae na umiinom ng tubig, nagtawanan nang may pangmamaliit. “Grabe, kung hindi ka naman pala marunong sumakay, bakit ka pa nagpunta dito? Ang laki-laki mo na, tapos ‘yan ang kabayong sinakyan mo? Nakakahiya ka naman.”“Sayang ang magandang kabayo.”Gusto na lang sanang maghukay ni Patricia at magtago sa ilalim ng lupa.Nang makalibot na si Daemon, bumaba siya sa ka
Chapter 94NANG magising si Patricia, hindi siya nasa ospital kundi sa isang attic na ang disenyo ay mukhang luma at vintage. Gawa sa kahoy ang mga pader at may maliit na bintanang may mga baging. Presko rin ang hangin at mukhang sobrang komportable ng lugar.Paglingon niya, nakita niyang katabi niya si Daemon na natutulog, kaya napakunot ang noo niya.Nakahiga si Daemon sa labas ng kumot, hindi nagbihis at kalmado lang ang mukha, parang hindi pagod at bahagyang nakangiti ang labi.Medyo tulala si Patricia habang nakatitig, pero sakto namang dumilat si Daemon at nagtama ang mga mata nila.Nabigla si Patricia at dali-daling umiwas ng tingin, tapos bumangon at bumaba ng kama.Napangiti si Daemon, nagniningning ang mga mata, saka sumandal gamit ang kamay at sinulyapan si Patricia. “Ang tapang mo ha, horror movie ang pinasukan mo, eh ang duwag-duwag mo.”Hindi sumagot si Patricia, kinuha na lang ang coat sa silya at sinuot, tapos tiningnan siya ng masama. “Dedikado ako sa trabaho ko!”Umi
Nagkagulo sa shooting site. Nakakainis na ngang may naaksidente, tapos bigla pang nahimatay ang manager sa gulat. Hindi napigilan ng director na pagalitan ang babaeng gumanap na multo na bigla na lang lumitaw. "Di ba sinabi ko na tapos na ang eksena mo at pwede mo nang tanggalin ang makeup mo? Bakit ka naglalakad-lakad pa diyan na naka-costume? Ikaw tuloy ang naging sanhi ng gulo!"Walang pakialam ang aktres at tinignan lang si Patricia na nakahandusay sa lupa, sabay malamig na buntong-hininga. "Kung matatakutin siya, wag siyang sumunod-sunod dito! Para siyang bubble gum na hindi matanggal kay Andrei, takot yatang hindi malaman ng iba na si Andrei ang boyfriend niya!"Ramdam ng lahat ang selos sa tono niya... Mukhang isa na namang tagahanga ni Andrei. Alam naman ng mga natitirang assistant kung anong meron, pero dahil magkakasama sila sa trabaho, wala silang magawa kundi magpakumbaba at huwag palakihin ang issue.Sabi ng onsite doctor, nawalan lang ng malay si Patricia pero wala naman
Chapter 93NAGNGITNGIT si Patricia at sinabing, "Wag na, bye!" Sabay talikod at matigas ang lakad papasok ng kumpanya. Pero ang mga mata at boses ni Daemon ay parang naka-ukit na sa utak niya at hindi mawala-wala! Nakakainis talaga!Natapos na rin ang romantic idol drama ni Andrei at pinilit na ni Patricia na mag-umpisa na siya ng bagong thriller na pelikula. Kaya naman siya na ang nag-asikaso ng ibang trabaho sa kumpanya at iniwan muna ito sa assistant niya. Dumiretso na siya sa set para bisitahin ang shooting.Dati, wala lang sa kanya ang pagbisita sa set. Parang libangan lang. Pero iba na ngayon, thriller ang ginagawa, at ang location ay isang kilalang haunted village sa bundok sa labas ng Saffron City. Sa paligid ng baryo, puro libingan ang makikita. Karamihan sa mga bahay ay luma at halos magiba na. Ang mga kabataan ay nagpunta na sa siyudad para magtrabaho, at ang naiwan ay ilang matatanda. Marami ring bahay na bakante.Pagdating pa lang nila sa lugar, ramdam na agad ang lamig a
Paglabas ni Daemon mula sa banyo habang pinupunasan ang buhok, napangiti siya nang makita si Patricia na magulo ang buhok. May makahulugang ngiti sa gilid ng labi niya, “Anong problema? Nakalimutan mo na agad kung anong ginawa mo kagabi?”Nanlaki ang mga mata ni Patricia sa gulat habang nakatitig sa kanya, nakatopless, nakangiti ng malandi, at may mapang-akit na tingin. May kutob siyang may mali, kaya lalo pa niyang tinakpan ang sarili gamit ang kumot. “Anong kalokohan 'to?! Anong ginawa mo?!”Bahagyang ngumiti si Daemon. “Kahapon, ikaw ang naunang humalik at kumagat—”“Imposible!” mabilis na putol ni Patricia sa sasabihin pa nito. Nagulo ang isip niya at hindi niya alam ang gagawin.Pero wala nang balak si Daemon na makipagtalo pa. Lumapit siya sa sofa, kumuha ng dalawang paper bag at inihagis sa kama. “Dinala na sa laundry ang damit mo. Ito muna ang isuot mo.”Nakatitig pa rin si Patricia sa kanya, tulala.“Ay, oo nga pala, simula ngayon, kalimutan mo na ang pagtakas. Hindi ka na mak
Chapter 92"DON'T..." Gustong pigilan ni Daemon si Patricia na parang sumasakit ang ulo, pero may isang taong biglang binuksan ang mga butones ng kanyang coat. Manipis ang shirt sa loob at nang mahatak ang coat, napunit din ang bahagi ng shirt kaya nakita ang maputi at malambot na balat sa ilalim.Ang pinakamalaking epekto ng pagpapapayat ni Patricia ay siguro mas naging pino ang bewang at mga hita, pero hindi gaanong lumiliit ang dibdib niya. Madalas siyang magsuot ng coat para takpan ang sarili, kaya hindi halata ang figure niya, at walang parteng masyadong nangingibabaw...Pero ngayon, nabuksan ang coat at ang bahagyang cleavage sa gitna ng bilugan niyang dibdib ay nakakabaliw...Si Patricia ay patuloy na naghahabol ng lamig... Sobrang init ang nararamdaman niya, taliwas sa lamig sa labas kanina, kaya nalilito siya at wala na siyang ibang alam kundi ang init, at patuloy na hinuhubad ang damit niya.Sa malabong isipan, parang nakikita niya ang anino ni Daemon sa harap niya. Iniabot
"Bakit kahit anong gawin ko, parang wala ring kwenta?" Paunti-unti nang humina ang boses ni Patricia, at tinangay na ng malamig na hangin sa gabi ang natitira pa niyang salita.Lumambot ulit ang matigas na expression ni Daemon, bahagyang nawala ang kunot sa noo niya at may bahagyang liwanag sa mga mata niya.Parang bumalik sila sa simula. Si Patricia na mukhang laging pinapabayaan, nakaupo sa sulok kung saan walang pumapansin, tinatapakan at minamaliit ng mga tao, at tahimik lang na umiiyak habang umuulan. Pinapanood lang siya ni Daemon mula sa malayo at kahit noong una pa lang, napansin na niya ito, pero masyado siyang matigas ang ulo at ayaw umamin.Ang dami nang nangyari. Habang unti-unti silang nagkakalapit, bigla siyang lumayo, walang pasabi, at walang awa.Akala niya dati, kahit lumuhod pa sa harap niya si Patricia at magmakaawang bumalik sa kanya, hindi na niya ito papansinin.Pero nang makita niyang lasing si Patricia at nagsasalita ng walang kwenta, bigla niyang narealize...
Chapter 91HINDI na nagpaliwanag pa ang lalaki, pero iniabot nito ang isang business card. “Hindi ko pa kayang ipaliwanag ngayon, pero kapag may pagkakataon, pag-usapan natin nang mas detalyado.”Tiningnan ng lalaki si Andrei na nakahandusay pa rin sa lupa habang hinihingal, “Wala kang dapat ipag-alala. Simple lang ang relasyon niya sa babaeng ’yon. Andrei is mine.”Bigla na lang napalitan ng pagkabigla ang galit na ekspresyon ni Daemon… May kakaiba bang aura si Patricia na puro mga... bakla ang napapalapit sa kanya? Bigla ni Daemon naalala ang huling beses na “napagsamantalahan” siya at agad sumama ang pakiramdam niya. Napaatras siya nang hindi sinasadya, ayaw na niyang makasama pa ang dalawang taong nasa harapan niya.Pero hindi na siya hinintay magsalita ng lalaki. Yumuko ito, hinawakan si Andrei sa braso, saka binuhat sa balikat at naglakad papunta sa isang Mercedes-Benz na nakaparada sa gilid ng kalsada.Kumunot ang noo ni Daemon, halatang hindi natuwa, at ang buong ekspresyon n
Ano kaya ang itsura ni Daemon nang makita nito ang balita? Galit na galit? Gusto siyang patayin para maibsan ang galit? O baka naman wala siyang pakialam, parang nakakita lang ng taong di niya kilala?Kung nasa Pilipinas si Rowie, kaya niya bang ipaliwanag sa boss ang buong nangyari?Pero sa pag-iisip nito, napangiti lang ng mapait si Patricia. Siya lang talaga ang nakakaalam ng buong kwento.Pagkatapos ng huling presscon ni Andrei, nagyaya itong kumain sa labas.Ayaw sana ni Patricia, pero naisip niya na hindi pa tapos ang palabas at kailangan pang ituloy. Kaya sumama na siya sa isang mamahaling western restaurant.Nag-order si Patricia ng fruit salad para sa sarili niya, si Andrei naman ay steak. May baso na may kandila sa mesa, at ang liwanag nito ay maaliwalas at medyo romantic.Pero wala sa sarili si Patricia. Tahimik lang siya, nakatitig sa kandila, at parang malayo ang iniisip. Sa totoo lang, basta wala siya sa harap ng camera ng media, ganito na lagi ang itsura niya nitong mga