Chapter 45NAKAUWI na si Leila pero hanggang ngayon, ang gumugulo sa isipan niya ay ang naging usapan nila ng kanyang ina. Hindi niya alam ang gagawin. She doesn't want to give up Zephyr. But her father is in danger. Hindi man niya matanggap ang mga ginawa nito na labag sa batas, ama niya pa rin ito. Mas matimbang ang pagiging ama nito kaysa sa kasalanan nito. Hindi niya tuloy alam ang gagawin ngayon. Gusto niyang iligtas ang ama. God knows she really wants to save her father. Pero hindi siya sang-ayon sa gusto ng ina niya na ipagkakasundo siya sa kakilala nitong maaaring tumulong sa ama niya. Bukod sa pakiramdam niya ay pinagbibili siya ng ina, hindi niya kayang iwan si Zephyr dahil mahal na mahal niya ito.Napakagat labi si Leila at hindi mapigilang umiyak. Pinilit niyang huwag humagulgol pero may iilang hikbi na umalpas sa bibig niya. ‘God, I don't know what to do. I wanna save my father but I don't want to divorce Zephyr. Pareho silang importante sa akin at pareho ko rin silang
Chapter 46UMALIS si Leila ng tahimik sa condo. Habang lulan ng sasakyang inarkila, nagpaulit-ulit sa utak niya ang mga katagang binitiwan ni Zephyr. Kahit na gusto niyang kalimutan iyon kahit sandali, hindi niya magawa dahil pakiramdam niya, bumaon at tumimo iyon sa kasulok-sulukan ng puso't isip niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon pero ang alam niya lang sa sarili, gusto muna niyang lumayo at mag-isip isip muna.Habang nasa daan, biglang nag-ring ang cellphone niya. Wala siyang balak na sagutin iyon dahil ang nasa isip niya ay si Zephyr ang tumatawag sa kanya. Pero nang tingnan, ang ama niya pala ang tumatawag sa kanya! Pinalis ni Leila ang luha sa mga mata at nagmamadaling pinindot ang answer icon para makausap ang ama. “Daddy...”Hindi pa man ito nakakapagsalita, agad na siyang tumawag dito. Narinig niya ang marahas na hinga ng ama sa kabilang linya at saka ito nagtanong sa kanya. “Princess, what happened? Are you crying? Who made you cry?”“Daddy, a-are you saf
Chapter 47HINDI PA rin makapaniwala si Leila sa mga nalaman sa kambal. Pinadala sila ng ama niya para protektahan siya. Inutusan sila na bantayan siya dahil sa tingin nito ay hindi magtatagal at magugulo ang buhay nila at ayaw ng ama niya na madamay siya sa gulo. At hindi nga ito nagkamali. Ngayon ay hindi alam ni Leila kung nasaan ang ama, ang ina niya ay naghahanap ng paraan para mailigtas ang daddy niya at siya naman, narito, hindi alam ang gagawin sa buhay. Gulong-gulo si Leila sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Galit siya kay Zephyr dahil pakiramdam niya at niloko siya nito. He told her, he's falling for her - that he's trying and learning to love her. Pero ang marinig mula mismo sa bibig nito na hirap itong mahalin siya pagkatapos ng lahat, iyon ang masakit kay Leila. Sa isang pagsasama, hindi lang pag-ibig ang mahalaga, hindi ba? Mas mahalaga ang tiwala para kay Leila. Kaya ang patuloy na panloloko ni Zephyr sa kanya, masakit iyon. Masakit na masakit sa kanya. Kasi bini
Chapter 48“ZEPHYR! ZEPHYR, buksan mo 'tong pintong 'to!”Kanina pa sinusubukan ni Leila na buksan ang pinto pero nanatili iyong nakapinid. Ang tao naman sa labas noon ay parang hindi siya naririnig. Pagkatapos niyang sabihin kay Zephyr na may namamagitan sa kanila ni Mark, dumilim ang mukha nito at bigla, natakot si Leila para sa sarili niya. Ngunit hindi na niya mababawi ang sinabi rito kaya hindi na siya umimik. Para iwan talaga siya ni Zephyr, kung kailangan na siya ang magmukhang masama at cheater, gagawin niya, maghiwalay lang silang dalawa. Pero wala sa hinagap ni Leila na imbes na i-confront siya ni Zephyr, ang gagawin nito ay kakaladkarin siya patungo sa kwarto at kinulong siya roon. Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin siya nito pinalalabas. Halos mamaos na rin ang boses niya kakasigaw at nananakit ang mga kamay sa pagsuntok sa pinto pero walang galaw sa kabilang pinto. Leila bit her lips. Anong gagawin niya ngayon? Kailangan na niyang umalis dito. She paced back
Chapter 49KANINA pa nakatitig si Leila sa ilaw ng clinic kung saan siya naroroon ngayon. Hindi pa rin buo ang loob niya na gawin ang pinayo ng doktor sa kanya. She was advised to terminate her pregnancy. Noong araw na malaman niyang buntis siya, doon niya rin nalaman na may heart problem siya. Maaaring malagay sa alanganin ang buhay niya kung itutuloy ang pagbubuntis niya.Doctors found out that there's a hole in her heart. Delicate iyon at kailangan ng masusing gamutan para maging maayos siya. Kung ipagpapatuloy niya ang pagbubuntis, it will affect her body negatively. Iyong excitement na mayroon siya dahil magkakaanak siya, nawala. Her mother also found out about it and she wanted to get rid of the baby. First, to secure Leila's life. And the second one, ikakasal na si Leila sa lalaking sinasabi ng ina. Hindi siya pwedeng magkaroon ng anak kay Zephyr. Kaya ito si Leila ngayon, nasa private clinic ng isang OB-GYNE. Mabuti na lang at nakapasa na ang batas na legal ang medical abort
Chapter 50“ZEPHYR, aren't you a little harsh on your wife? Taena, hindi nga little iyon, e. You're too harsh on her. Kapapanganak pa lang niya sa anak ninyo pero kinuha mo ang bata. I know you're mad at her but you don't have to do this kind of thing. Kung hindi mo na mahal, ipasa mo na ang divorce papers na pirmado niya. Hindi iyong kinuha mo ang anak niya sa kanya.”Cash ranted on. Mahigpit ang pagkakayakap ni Zephyr sa anak na buhat niya ngayon. This is the first time he got to hold his baby. Sa tant'ya niya ay wala pang month old ang bata dahil mukha talaga itong bagong panganak pa lang. Parang inusig siya ng konsensya lalo pa't naalala niya kung paano nakiusap si Leila sa kanya. Pero galit siya hanggang ngayon. Pagkatapos nitong sabihin sa kanya na nagtaksil ito kasama ang Mark na iyon, halos mamatay siya sa galit. Pero hindi niya sinaktan si Leila. Kinulong niya lang ito habang iniisip kung paano papatayin ang Mark na iyon. Kung talagang mahal nga ni Leila ang lalaking iyon
Chapter 51NANGINGINIG na tinaas ni Zephyr ang kamay at balak hawakan si Leila ngunit noong malapit nang dumampi ang kamay niya sa makinis nitong pisngi, naikuyom niya ang mga kamay at sa huli, nilagay na lang niya iyon sa magkabilang gilid niya. He couldn't hold her. He's not deserving. After what he did to her? He didn't even deserve to see her - to lay his eyes on her. Pero selfish si Zephyr gusto niyang nasa tabi pa rin ni Leila kahit malaki ang pagkakasala niya rito. He will make amends. He will make things right. Babawi siya. Napapikit siya at may luhang tumulo sa mula sa mata niya na mabilis niyang pinunasan. But Zephyr was taken aback when he saw Leila open her eyes. Nagkakatitigan silang dalawa at nabigla si Zephyr nang ngumiti si Leila sa kanya. “L-Lei?”Marahang bumangon sa kama si Leila at pinagkatitigan siya. Binalik din ni Zephyr ang tingin kay Leila at hinihintay ito sa sasabihin. Pero hindi niya inaasahan na itagilid nito ang ulo at tumingin sa kanya na parang hin
Chapter 52“BABY is cute. I wanna kiss him!” Leila exclaimed in happiness. Zephyr smiled as he gazed at Leila who was playing with Baby Eydi. Eydi is soon turning one year old. Hindi akalain ni Zephyr na mabilis ang paglipas ng panahon. Ang dating sanggol na alaga niya lang ay malapit nang mag-isang taon. Nagawi rin ang tingin niya kay Leila na buhat si Eydi. May ngiti sa labi ni Leila habang nakikipagkulitan sa anak nila. Leila still has a child's mind right now. Madalas itong umaktong bata at mabilis ding makalimot ng mga tinuturo dito. Naka-therapy si Leila pero hindi ni Zephyr alam kung nakakatulong ba ito sa asawa. But he also didn't mind if Leila stayed this way. Minsan nga ay nasa isip niyang sana hindi na lang maalala ni Leila ang katotohanan. Hindi dahil natatakot siya na iwan siya nito o layuan siya nito sa oras na bumalik ang dating si Leila. But Zephyr is afraid of Leila's hurting. Alam niyang sa oras na dumating ang panahon makakaalala ito, babalik din dito ang saki
May dalawang babae pa sa tabi ni Patricia na nagpapahinga rin. Bawat isa sa kanila ay may hawak na puting kabayo. Habang umiinom ng tubig, pinapanood nila si Daemon habang nakasakay. Nang mapansin ni Daemon si Patricia na nakasakay sa isang maliit na kabayo, parang naduwal si Daemon sa itsura niya.Tahimik na sinubukan ni Patricia na igalaw ang kabayo palayo... pero ayaw gumalaw ng kabayo! Kahit coach man lang sana, pero nung tumingin-tingin siya sa paligid, wala siyang nakitang coach... Biglang pumalo ng buntot ang kabayo at inalog ang katawan nito. Kung hindi mabigat si Patricia, siguradong nahulog na siya.Yung dalawang babae na umiinom ng tubig, nagtawanan nang may pangmamaliit. “Grabe, kung hindi ka naman pala marunong sumakay, bakit ka pa nagpunta dito? Ang laki-laki mo na, tapos ‘yan ang kabayong sinakyan mo? Nakakahiya ka naman.”“Sayang ang magandang kabayo.”Gusto na lang sanang maghukay ni Patricia at magtago sa ilalim ng lupa.Nang makalibot na si Daemon, bumaba siya sa k
Chapter 94NANG magising si Patricia, hindi siya nasa ospital kundi sa isang attic na ang disenyo ay mukhang luma at vintage. Gawa sa kahoy ang mga pader at may maliit na bintanang may mga baging. Presko rin ang hangin at mukhang sobrang komportable ng lugar.Paglingon niya, nakita niyang katabi niya si Daemon na natutulog, kaya napakunot ang noo niya.Nakahiga si Daemon sa labas ng kumot, hindi nagbihis at kalmado lang ang mukha, parang hindi pagod at bahagyang nakangiti ang labi.Medyo tulala si Patricia habang nakatitig, pero sakto namang dumilat si Daemon at nagtama ang mga mata nila.Nabigla si Patricia at dali-daling umiwas ng tingin, tapos bumangon at bumaba ng kama.Napangiti si Daemon, nagniningning ang mga mata, saka sumandal gamit ang kamay at sinulyapan si Patricia. “Ang tapang mo ha, horror movie ang pinasukan mo, eh ang duwag-duwag mo.”Hindi sumagot si Patricia, kinuha na lang ang coat sa silya at sinuot, tapos tiningnan siya ng masama. “Dedikado ako sa trabaho ko!”Umi
Nagkagulo sa shooting site. Nakakainis na ngang may naaksidente, tapos bigla pang nahimatay ang manager sa gulat. Hindi napigilan ng director na pagalitan ang babaeng gumanap na multo na bigla na lang lumitaw. "Di ba sinabi ko na tapos na ang eksena mo at pwede mo nang tanggalin ang makeup mo? Bakit ka naglalakad-lakad pa diyan na naka-costume? Ikaw tuloy ang naging sanhi ng gulo!"Walang pakialam ang aktres at tinignan lang si Patricia na nakahandusay sa lupa, sabay malamig na buntong-hininga. "Kung matatakutin siya, wag siyang sumunod-sunod dito! Para siyang bubble gum na hindi matanggal kay Andrei, takot yatang hindi malaman ng iba na si Andrei ang boyfriend niya!"Ramdam ng lahat ang selos sa tono niya... Mukhang isa na namang tagahanga ni Andrei. Alam naman ng mga natitirang assistant kung anong meron, pero dahil magkakasama sila sa trabaho, wala silang magawa kundi magpakumbaba at huwag palakihin ang issue.Sabi ng onsite doctor, nawalan lang ng malay si Patricia pero wala naman
Chapter 93NAGNGITNGIT si Patricia at sinabing, "Wag na, bye!" Sabay talikod at matigas ang lakad papasok ng kumpanya. Pero ang mga mata at boses ni Daemon ay parang naka-ukit na sa utak niya at hindi mawala-wala! Nakakainis talaga!Natapos na rin ang romantic idol drama ni Andrei at pinilit na ni Patricia na mag-umpisa na siya ng bagong thriller na pelikula. Kaya naman siya na ang nag-asikaso ng ibang trabaho sa kumpanya at iniwan muna ito sa assistant niya. Dumiretso na siya sa set para bisitahin ang shooting.Dati, wala lang sa kanya ang pagbisita sa set. Parang libangan lang. Pero iba na ngayon, thriller ang ginagawa, at ang location ay isang kilalang haunted village sa bundok sa labas ng Saffron City. Sa paligid ng baryo, puro libingan ang makikita. Karamihan sa mga bahay ay luma at halos magiba na. Ang mga kabataan ay nagpunta na sa siyudad para magtrabaho, at ang naiwan ay ilang matatanda. Marami ring bahay na bakante.Pagdating pa lang nila sa lugar, ramdam na agad ang lamig a
Paglabas ni Daemon mula sa banyo habang pinupunasan ang buhok, napangiti siya nang makita si Patricia na magulo ang buhok. May makahulugang ngiti sa gilid ng labi niya, “Anong problema? Nakalimutan mo na agad kung anong ginawa mo kagabi?”Nanlaki ang mga mata ni Patricia sa gulat habang nakatitig sa kanya, nakatopless, nakangiti ng malandi, at may mapang-akit na tingin. May kutob siyang may mali, kaya lalo pa niyang tinakpan ang sarili gamit ang kumot. “Anong kalokohan 'to?! Anong ginawa mo?!”Bahagyang ngumiti si Daemon. “Kahapon, ikaw ang naunang humalik at kumagat—”“Imposible!” mabilis na putol ni Patricia sa sasabihin pa nito. Nagulo ang isip niya at hindi niya alam ang gagawin.Pero wala nang balak si Daemon na makipagtalo pa. Lumapit siya sa sofa, kumuha ng dalawang paper bag at inihagis sa kama. “Dinala na sa laundry ang damit mo. Ito muna ang isuot mo.”Nakatitig pa rin si Patricia sa kanya, tulala.“Ay, oo nga pala, simula ngayon, kalimutan mo na ang pagtakas. Hindi ka na ma
Chapter 92"DON'T..." Gustong pigilan ni Daemon si Patricia na parang sumasakit ang ulo, pero may isang taong biglang binuksan ang mga butones ng kanyang coat. Manipis ang shirt sa loob at nang mahatak ang coat, napunit din ang bahagi ng shirt kaya nakita ang maputi at malambot na balat sa ilalim.Ang pinakamalaking epekto ng pagpapapayat ni Patricia ay siguro mas naging pino ang bewang at mga hita, pero hindi gaanong lumiliit ang dibdib niya. Madalas siyang magsuot ng coat para takpan ang sarili, kaya hindi halata ang figure niya, at walang parteng masyadong nangingibabaw...Pero ngayon, nabuksan ang coat at ang bahagyang cleavage sa gitna ng bilugan niyang dibdib ay nakakabaliw...Si Patricia ay patuloy na naghahabol ng lamig... Sobrang init ang nararamdaman niya, taliwas sa lamig sa labas kanina, kaya nalilito siya at wala na siyang ibang alam kundi ang init, at patuloy na hinuhubad ang damit niya.Sa malabong isipan, parang nakikita niya ang anino ni Daemon sa harap niya. Iniabot
"Bakit kahit anong gawin ko, parang wala ring kwenta?" Paunti-unti nang humina ang boses ni Patricia, at tinangay na ng malamig na hangin sa gabi ang natitira pa niyang salita.Lumambot ulit ang matigas na expression ni Daemon, bahagyang nawala ang kunot sa noo niya at may bahagyang liwanag sa mga mata niya.Parang bumalik sila sa simula. Si Patricia na mukhang laging pinapabayaan, nakaupo sa sulok kung saan walang pumapansin, tinatapakan at minamaliit ng mga tao, at tahimik lang na umiiyak habang umuulan. Pinapanood lang siya ni Daemon mula sa malayo at kahit noong una pa lang, napansin na niya ito, pero masyado siyang matigas ang ulo at ayaw umamin.Ang dami nang nangyari. Habang unti-unti silang nagkakalapit, bigla siyang lumayo, walang pasabi, at walang awa.Akala niya dati, kahit lumuhod pa sa harap niya si Patricia at magmakaawang bumalik sa kanya, hindi na niya ito papansinin.Pero nang makita niyang lasing si Patricia at nagsasalita ng walang kwenta, bigla niyang narealize...
Chapter 91HINDI na nagpaliwanag pa ang lalaki, pero iniabot nito ang isang business card. “Hindi ko pa kayang ipaliwanag ngayon, pero kapag may pagkakataon, pag-usapan natin nang mas detalyado.”Tiningnan ng lalaki si Andrei na nakahandusay pa rin sa lupa habang hinihingal, “Wala kang dapat ipag-alala. Simple lang ang relasyon niya sa babaeng ’yon. Andrei is mine.”Bigla na lang napalitan ng pagkabigla ang galit na ekspresyon ni Daemon… May kakaiba bang aura si Patricia na puro mga... bakla ang napapalapit sa kanya? Bigla ni Daemon naalala ang huling beses na “napagsamantalahan” siya at agad sumama ang pakiramdam niya. Napaatras siya nang hindi sinasadya, ayaw na niyang makasama pa ang dalawang taong nasa harapan niya.Pero hindi na siya hinintay magsalita ng lalaki. Yumuko ito, hinawakan si Andrei sa braso, saka binuhat sa balikat at naglakad papunta sa isang Mercedes-Benz na nakaparada sa gilid ng kalsada.Kumunot ang noo ni Daemon, halatang hindi natuwa, at ang buong ekspresyon n
Ano kaya ang itsura ni Daemon nang makita nito ang balita? Galit na galit? Gusto siyang patayin para maibsan ang galit? O baka naman wala siyang pakialam, parang nakakita lang ng taong di niya kilala?Kung nasa Pilipinas si Rowie, kaya niya bang ipaliwanag sa boss ang buong nangyari?Pero sa pag-iisip nito, napangiti lang ng mapait si Patricia. Siya lang talaga ang nakakaalam ng buong kwento.Pagkatapos ng huling presscon ni Andrei, nagyaya itong kumain sa labas.Ayaw sana ni Patricia, pero naisip niya na hindi pa tapos ang palabas at kailangan pang ituloy. Kaya sumama na siya sa isang mamahaling western restaurant.Nag-order si Patricia ng fruit salad para sa sarili niya, si Andrei naman ay steak. May baso na may kandila sa mesa, at ang liwanag nito ay maaliwalas at medyo romantic.Pero wala sa sarili si Patricia. Tahimik lang siya, nakatitig sa kandila, at parang malayo ang iniisip. Sa totoo lang, basta wala siya sa harap ng camera ng media, ganito na lagi ang itsura niya nitong mga