NATHAN was still skeptical seeing his cousin at the company since he knew that Xavier stepped back from the CEO's position when their Ate Maeve returned. Tama ba talaga ang nasa isip niya na baka binabantayan siya nito as general manager dahil ito ang naglinis ng gulong iniwan niya noong isa pa siya sa executives? Ini'isip ba nito na baka pumalpak na naman siya? Dàmn. He couldn't mess up again or Xavier will really beat the shít out of him! Dahil sa iniisip, pinindot niya ang avaya at tinawag ang secretary. Noong pumasok ito, sinabihan niya na tawagin si Miss Madrigal at Miss Garcia. Ang dalawang employee ang gumawa ng plan na nagustuhan niya dahil precise at kita naman na pinag-isipan nang mabuti ang proposal na ginawa ng dalawa. Noong makapasok ang dalawa, he informed them to handle the plan immediately and put it into reality. Gusto niyang makita na hindi puro palpak ang mga bagay na hinahawakan niya. “Sir? Kami po ang kakausap at magko-close ng deal?”Nathan tapped the solid
“ANG LATE na natin natapos! Hay, ang hirap talaga kapag ganito. Halo ang feelings ko. Masaya kasi napansin ang proposal natin pero badtrip din kasi napansin kaya inaayos pa natin uli bago ipasa kay Manager Nathan.”Iyon ang sinabi ni Hanni habang inaayos ang shoulder bag. Nilalagay nito ngayon ang netbook sa bag dahil natapos na nila ang proposal. Pina-modify kasi ng General Manager nila iyon na si Nathan para daw mas maayos at makasundo nila ang representative na aalukin nila ng proposal.“Medyo late na ngayon, bebs. Sa apartment ka na lang kaya matulog? Sabay naman tayo sa taxi o grab kaya safe naman. Malayo pa ang uuwian mo, diba? Sabi mo 45 minute drive ang bahay mo ngayon mula rito sa SGC.”Umiling si Serena na kanina pa naka-ready ang bag. “Hindi pwede, e. Sasabihin ko muna kay Kevin. Hindi naman pwede na ako lang magdesisyon kasi kailangan alam niya rin ang ginagawa ko.”Napailing si Hanni. “Ay oo nga pala. 'Yan lang downside kapag may asawa ka na. Kaya ayoko mag-asawa, sakit s
MAAGANG dumating si Serena sa office at ganoon din si Hanni. Dahil na-finalize na ang proposal, pumunta sila sa office ni Manager Nathan. “Good morning, Manager,” ani Hanni pagkapasok. “Good morning. The Galvez Technology already responded about the proposal you sent them via email and they were satisfied. I received an email that they arranged a meeting which I also sent to your emails. Please check it. You can't mess with this project, okay? This department relies on both of you to succeed.”Walang paligoy-ligoy na sinabi iyon ni Nathan noong pumasok ang dalawa sa office nito. Nagtinginan si Serena at Hanni bago hinarap si Nathan at tumango. “Yes, Manager.”“That's all. Please prepare yourselves for the meeting.”Nag-ayos ang dalawa at pumunta agad sa five-star coffee shop kung saan mangyayari ang business meeting. Nag-book si Hanni ng private room para maging maayos ang takbo ng usapan. Pagpunta ng dalawa, naroon na agad ang isang lalaki na tingin ni Serena ay nasa mid-30s na an
“D-DAD? WHAT ARE YOU DOING HERE?”Iyon ang naging bungad ni Joaquin sa ama nitong si Mr. Jacobo Galvez. Namutla ang mukha nito at hindi alam kung ano ang gagawin dahil huli ito sa akto. Mas lalo nitong hinigpitan ang belt ng suot na bathrobe. Ang ginawa ng ama nito ay sinuntok ang anak at sinipa na kinasadsad ni Joaquin sa sahig ng kwarto. Napatakip ng bibig si Serena at si Hanni naman, napaurong dahil sa nakita. Humarap si Jacobo kay Yves at agad na humingi ng tawad. “Mr. Magalona, ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ng anak ko. Ako ang nag-utos sa kanya na pumunta rito pero hindi ko alam na ganito ang gagawin niya. I'm still interested in the proposal, don't worry.”Pagkasabi ni Jacobo n'on ay may tinawagan ito sa cellphone. Sa narinig nila Serena, panibagong representative ang kakausap sila para sa deal. Saka ng lalaki binalikan ang anak na hawak ang panga na nasaktan. “Hindi mo pa rin ba aayusin ang sarili mo? Come home with me!”Mabilis na umalis ang mag-ama at napailin
MALAKAS na humalakhak si Serena at doon nabasag ang ilang segundong katahimikan. Sandaling nagkatinginan si Yves at Kevin at kapwa nakahinga nang maluwag ang dalawa. “Ano ka ba, Hanni? Paano mo naman nasabi 'yan? Magkapareho lang siguro ng pangalan o kaya naman, hawig. Alam ko rin na gwapo 'tong si Kevin pero tingin mo nakikihalubilo ang CEO sa ganitong lugar?”Tumango si Hanni. “Sabagay. Saka kung 'tong si bayaw ang CEO na sinasabi ko, edi una pang nalaman ni Sir Yves 'yon, 'diba, Sir?” baling nito kay Yves. Para matahimik si Hanni, kumuha ng squidballs si Yves at walang salita na pinakain iyon kay Hanni.Si Kevin naman ay hindi malaman kung maiinsulto ba o ano sa narinig. Ngunit naisip nito na tama sila. Hindi naman talaga ugali ni Kevin na pumunta sa ganitong lugar. “Tsaka mas maganda na hindi si Kevin iyong CEO kasi alam kong magulo ang buhay na meron sila,” tuloy ni Serena. Nalipat dito ang atensyon ng tatlo. Nagsalita si Kevin. “But maybe, a powerful man like him could prot
“IAHON N'YO SI SERENA! TULONG! TULONG!” Hanni frantically called for help but people around her didn't give a dámn. They just looked at her but didn't bother to budge from their position. Dahil private resort iyon at halos iilan lang ang naroon ng mga oras na iyon at walang gustong tumulong kay Serena at Hanni. “T-Tu... Tulong!” sigaw ni Serena, kinukumpas pa rin ang kamay sa hangin. Hindi lumalapat ang paa niya sa sahig ng pool. 8 feet deep ang pool na kinahulugan ni Serena at dahil naunahan ng kaba, marunong mang lumangoy, nakainom siya ng tubig at ngayon ay pakiramdam niya ay nanghihina siya; kinakapos ng hininga. Ngunit ang utak naman ni Serena ay panay hingi ng tulong. “Walanghiya kayo! Bitiwan n'yo ako! Serena, lumangoy ka! Don't get drowned! You know how to swim, remember that!”Kumalma si Serena at sinubukang lumangoy. Noong iaangat na niya ang sarili paalis ng pool at si Hanni naman ay nakahandang kunin ang kamay niya, muling tinulak si Serena patungo sa pool at si Hanni na
PAGPUTOK ng liwanag, umuwi kaagad si Serena. Nadatnan niya si Butler Gregory na minamanduhan ang gardener para sa style na gusto nito sa bushes. “Good morning, Madamé. It's good to see you early in the morning.”“Good morning, Butler Gregory. Si Kevin po?”“Master didn't go home last night, Madamé.”Kaya siguro pumayag sa huli si Kevin dahil hindi rin ito makakauwi.“Do you want to have some breakfast?”Umiling siya. “Matutulog muna po ako. Pagkagising ko na lang ako magpapahanda kay Marie.”Umakyat siya ng kwarto at hindi niya alam kung dahil ba pamilyar ang kama o dahil may naiwang amoy si Kevin doon kaya nakatulog nang mahimbing si Serena na hindi niya nagawa kagabi sa apartment. Nagising na lang si Serena noong kumakalam ang sikmura niya ngunit nanghihina pa rin ang katawan niya. Umupo siya sa kama at doon niya lang napansin na may dagdag na tao sa loob ng kwarto. Nang tingnan, si Kevin iyon na nakaupo sa sofa sa gilid. Nagbabasa ito ng business magazine at binaba lang noong ma
PROVIDED ng hot spring ang Japanese style yukata na suot ni Serena ngayon. Maging si Kevin ay nagpalit ng ganoong uri ng damit dahil iyon daw ang custom doon. Ang kwarto rin na mayroon sila ay Japanese style sliding door. Lumabas sila mula roon at iginiya si Serena ni Kevin sa private hot spring na malapit sa kanila. Hindi niya alam kung paano nagawa ni Kevin na wala silang kasabay sa hot spring na iyon ngunit sila lang talagang dalawa ang naroon. Nilibot niya ng tingin ang buong lugar ngunit paghawak sa braso niya ang nagpatigil sa kanya. “We should soak now,” ani Kevin. Marahan siya nitong hinila sa mismong hot spring. Hindi niya alam kung paano ang gagawin, kung huhubarin niya ba ang suot na yukata o hindi. Hindi na dapat siya nahihiya kay Kevin dahil ilang beses na nitong nakita ang katawan niya, hindi ba? Pero hindi pa rin niya maiwasang hindi mahiya. “You can soak with your clothes on.”“Talaga? Hindi ba, hinuhubad nila 'to kapag maliligo? Pwede na palang maligo kahit suot
Tahimik lang ang buhay niya nitong mga nakaraang araw. Matagal na rin mula nang huli siyang makasalamuha sa mundo nila. Sina Daemon, Chastain, Zaldy, malayo na sa kanya. Tahimik na uli ang mundo niya.Pero maliit talaga ang mundo. May mga tao talagang hindi mo maiiwasang makita. Umasa na lang siyang dadaan lang si Sylvia at ipagpapatuloy ang pagrereklamo sa essential oil niya.Pero halatang mas interesado si Sylvia kay Patricia kaysa sa essential oil. Lumapit siya diretso at ngumiti na may halong pagmamataas. “Hindi ko alam na ang galing mo pala nung huling pagkikita natin. Ikaw pala yung dinala ni Daemon para ipakilala sa mga kamag-anak niya…” Saglit siyang tumigil, tapos tinuloy, “Pero anong silbi nun? Hindi ba’t para ka ring basang sisiw ngayon? Ako, legal na fiancée. Ikaw? Anong karapatan mo?”“Oo nga pala, wala ka ngang kwenta.”Napakunot ang noo ni Patricia... pero wala siyang sinabi. Kinuha lang niya ang card mula sa front desk at tumalikod papasok sa loob ng spa.Parang hindi
Chapter 88NAPAKATIGAS ng ulo ni Patricia para maglumuhod. Kanina lang, pinilit pa niyang tumayo at ipaglaban ang sarili. Pero kung hindi siya luluhod ngayon, siguradong hindi siya tatantanan ni Leo at ng barkada niya. Pero kung luluhod siya, mawawala naman talaga ang dignidad niya.Si Amarillo, nakangiting parang nanonood lang ng palabas, may halong yabang pa ang ngiti. Sa isip niya, si Patricia ay isang baguhang babae na hindi pa alam gaano kataas ang langit at kalalim ang lupa. Ang tapang-tapang na lumabas at nagsalita sa ganitong sitwasyon. Ngayon, nasabit na siya, tingnan lang natin paano siya lalabas dito.Pero sa harap ng lahat, kalmadong tumango si Patricia. “Okay lang sakin na magluhod, pero ibabalik sa 'yo ang ginawa mong pagsuntok kay Andrei.”Mas lalo pang naging mapanghamak ang tawa ni Leo. “Ibalik? Ikaw o siya? Sa payat ninyong katawan, kahit sampung suntok pa siguro ang gawin niyo, wala pa ring epekto. At ikaw, babae ka, umuwi ka na lang at maghanap ng lalaking papakasa
Nagulat si Patricia. Kasi karaniwan, pagkatapos ng shoot, kakain lang ito at matutulog agad. Wala na siyang pake sa ibang tao. Kaya nagulat si Patricia na nag-abala pa siyang lumapit.“Ano ‘yon?”Ngumiti si Andrei at nagkibit-balikat. “Wala lang…”Parang duda pa rin ang tingin ni Patricia.“Gusto ko lang magpasalamat sa ‘yo.” Ngumiti pa rin si Andrei. “Tama pala ang naging desisyon ko.”Isang simpleng salita lang ‘yon, pero nanginginig ang kamay ni Patricia habang hawak ang tinidor. Matagal na rin siyang nakakulong sa sarili niyang mundo. Laging nagtatrabaho, pero pakiramdam niya, walang laman ang puso niya. Pero sa sinabi ni Andrei, parang muling nagkaroon ng apoy sa dibdib niya.Tapos ngumiti si Andrei nang mahina. “Punta ka sa bar mamaya. Sasabihin ko na sa 'yo ang sikreto ko.”Hindi pa nakakareact si Patricia, tumayo na siya at umalis. Pero yung ngiting iyon, hindi niya malaman kung anong ibig sabihin.Sikreto?Matagal na siyang curious simula pa nung una niyang hinawakan ang kas
Chapter 87NAGKIBIT BALIKAT si Chastain at kalmado niyang tiningnan si Patricia. “Nagbibiro? Hindi ako nagbibiro.” Pagkatapos ay ngumiti siya ng palihim kay Patrick na nasa likod ni Patricia, “Hello po, Uncle.”Hindi alam ni Patrick kung sino si Chastain o kung dapat ba niya itong katakutan, kaya ngumiti na lang siya at tumango.Dahil sa sobrang kalmado ni Chastain, hindi na alam ni Patricia kung ano ang sasabihin. Sa huli, inilapag na lang niya ang maleta sa sahig at naupo doon. “Sige, gusto kong lumipat at maghanap ng matitirhan. Nasaan ang bahay? Magkano ang renta? Magkano ang bayad sa ahente?”Handang-handa si Chastain. Kinuha niya ang isang makapal na booklet mula sa likuran niya na may iba't ibang impormasyon tungkol sa mga bahay. Tinuro niya ang kotse sa likod niya at sinabi, “Kaunti lang naman gamit niyo, kasya na ‘to sa paglipat. Gusto mo bang ang singil ko ay parang pamasahe lang sa taxi?”Hindi inakala ni Patricia na talagang naghanda siya ng mga listahan ng bahay. Kinuha n
Kung may konting pagpapakumbaba lang siya, matagal na sanang alam niya na hindi na siya dapat sumali sa larong ito.Sa huli, umarangkada si Daemon at mabilis na umalis.Matagal na nakatitig si Patricia sa direksyong tinahak niya, hanggang sa maglaho ang pulang kotse sa dilim ng gabi.Nanlambot ang tuhod niya, sumikip ang dibdib, sobrang dilim ng gabi, at pakiramdam niya parang mababaliw na siya.Sa wakas, napaupo siya sa kalsada, ibinaon ang mukha sa tuhod at tahimik na umiyak.Akala niya noon, kaya niyang hawakan ang isang bagay… pero ang totoo, bumitaw pa rin siya.Isa pa rin siyang duwag, at sa totoo lang, parang nandidiri na siya sa sarili niya.Habang tulala pa siya, biglang may pumalakpak sa likod niya, malakas at mabilis. “Ayos, natuto ka rin sa wakas!”Hindi na niya kailangang lumingon para malaman na si Carmina ‘yon...Palagi ba siyang binabantayan nito dahil takot itong magbago ang isip niya at bumalik kay Daemon? Sa totoo lang, hindi naman kailangan...Naiinis siya sa pakir
Chapter 86UMALIS si Patricia pagkatapos ng huling eksena ng gabi. Minsan, maganda rin na abala ka. Kapag punong-puno ang isip mo ng mga bagay, wala ka nang oras para magreklamo.Pagkatapos niyang ihatid si Andrei pabalik sa hotel na tinutuluyan nito, balak niyang pumunta sa tinatawag na “bagong bahay” base sa address na binigay ng ama niya.Habang nakatayo siya sa gilid ng kalsada at naghihintay ng masasakyan, biglang may dumating na pulang sports car at huminto ng maayos mga limang metro lang ang layo mula sa kanya.Pagkatapos, bumaba si Jenny mula sa sasakyan, nagpaalam kay Daemon, at hinalikan ito sa may pinto ng kotse. Malambing ang boses niya habang sinasabi, “Honey, sunduin mo ako bukas ha!”Tumango lang si Daemon, hawak pa rin ang manibela, pero nakatitig lang siya sa unahan. Hindi man lang niya napansin kung kailan pumasok si Jenny sa hotel.Ramdam ni Patricia na sa kanya nakatutok ang matalim na tingin na parang kayang balatan ang balat niya. Galit si Daemon. Kapag galit si
Mayroon siyang maikling buhok, mga mata na maliwanag at inosente, at ngiting sobrang lambot na parang bulak. Isa siya sa mga bihira sa showbiz na parang malinis na tubig.Tatlong taon na siyang artista, pero bukod sa ilang chismis, wala pa siyang kahit anong negative na issue. Maganda ang image niya sa industriya. Galing daw siya sa pamilyang edukado, may maayos na background, may magandang ugali, at simpleng tao lang.Tinapunan ni Patricia ng tingin ang mga karne sa basurahan na inalis niya sa lunchbox, tapos pilit siyang ngumiti. “Nagpapapayat kasi ako.”Nakatingin pa rin sa kanya si Lara, hawak ang sariling lunchbox. “Ako rin nagpapapayat,” sabay labas ng dila.Hindi na naka-imik si Patricia. Sa tangkad ni Lara na halos 1.7 meters at timbang na siguro ay wala pa sa 100 pounds, hindi talaga siya mataba. Meron lang siyang baby fats sa pisngi na nagpapacute pa nga.Pero naisip din ni Patricia, karamihan sa mga babae sa showbiz, kailangan talaga bantayan ang timbang at bawal kumain ng
Naiwan ulit si Chastain... Napangiti siya ng mapait...Ganito na niya binaba ang sarili pero si Patricia parang bato pa rin. Siguro iniisip nito na biro lang ang lahat. Oo nga, baka nagsimula sa biro, pero minsan nagiging totoo ‘yung biro...Kahit nalinis na niya ang daan sa pamilya nila, may mga puwang pa rin sa pagitan ng bagong henerasyon at lumang management at matagal pa bago ‘yon masarado. Pero kahit ganon, ginugol pa rin niya ang oras niya para kay Patricia. Ewan na lang kung hindi siya baliw.Dati, siya pa ang nagsasabing nabulag si Daemon. Ngayon, parang gusto na rin niyang sabihin na bulag din ang mata niya. Pero may mga bagay talaga na kahit anong paliwanag mo, hindi mo kayang i-justify.*Si Andrei, ang bagong proyekto niya sa wakas ay nagsimula na ang shooting. Dumiretso si Patricia doon pagkatapos ayusin ang mga kailangang trabahuhin sa opisina. Simple lang naman, may interview lang sa reporters, tapos may mga linyang kailangang sagutin. Kahit hindi gaanong mahusay si An
Chapter 85“HINDI ko iniisip 'yan.” Walang pakundangan si Patricia na tumanggi. Hindi niya alam kung ano bang iniisip ni Chastain, ginagawa lang ba niyang laro ito o gusto lang nitong inisin si Daemon?Sa totoo lang, pakiramdam ni Patricia kahit random na estranghero pa ang kunin niyang boyfriend, mas kapanipaniwala pa siguro kaysa kay Chastain.Napabuntong-hininga si Chastain at napailing… Kailangan niyang tanggapin na nilalait siya ng isang babaeng hindi naman maganda o espesyal...Ang hirap talaga...Sa huli, bigla si Chastain prumeno, tapos humarap kay Patricia at seryosong nagtanong. “Bakit hindi mo pwedeng isipin man lang? Sabi ko nga, aktingan lang ‘to! Aktingan! Hindi mo ba naisip na ako pa nga ang talo dito? Kahit pa nabulag si Young Mr. Alejandro kaya ka niya nagustuhan, malinaw pa rin ang mata ng mga tao. Hindi ka naman lugi kung ako ang makikita nilang kasama mo.”Hindi makapagsalita si Patricia sa narinig, “Ayoko nga eh. Kahit ano pa sabihin mo.”Nakita ni Chastain na wal