Share

Kabanata 156: Cheater

Penulis: EnigmaticBelle
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-16 19:39:25

Nasa loob ng banyo si Camila at naliligo nang pumasok si Juancho sa kuwarto. Kumuha siya ng isang libro sa shelf at nagpasyang i-distract na lang muna ang sarili sa pagbabasa. Kakaupo pa lamang niya sa sofa nang bigla namang tumunog ang kaniyang cellphone dahil sa isang tawag.

Gamit ang isang kamay ay kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng suit at tiningnan ang screen. Isang unregistered number ang tumatawag ngunit pamilyar ito sa kanya kaya mabilis niyang sinagot.

“Hello, why are you calling me?“

Hindi kagaya ng dati, ang tono niya ngayon ay hindi gaanong malamig.

“Alam mo bang naaksidente si Dominique sa set? At ano? Dahil kay Camila, iniwan at pinabayaan mo na lang siya doon? Inapi-api siya ng mga kasamahan niya sa crew at hinayaan lang nila siya na mahulog mula sa isang mataas na puno! Wala man lang tumulong kaagad sa kanya!“

Galit na galit ang taong nasa kabilang linya.

Inilapag muna ni Juancho ang libro sa sofa bago siya tumayo at naglakad palabas, palayo mula sa kuwarto. An
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (10)
goodnovel comment avatar
palapuzrea
Haay tmtgal nga ang kwento pmpangit nmn puro away mga wlang kwenta at ndi p svhn kng anong rason
goodnovel comment avatar
Joy Bragado
𝐥𝐚𝐩𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐮𝐥𝐢𝐭 𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐧𝐢𝐭𝐨 𝐩𝐚𝐮𝐥𝐢𝐭 𝐮𝐥𝐢𝐭 𝐥𝐚𝐧𝐠, 𝐀𝐲𝐚𝐰 𝐦𝐠𝐤𝐚𝐫𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐚𝐤 𝐧𝐢 𝐉𝐮𝐚𝐧𝐜𝐡𝐨 𝐤𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐦𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐮𝐦𝐩𝐢𝐬𝐚 𝐩𝐮𝐫𝐨 𝐝𝐢𝐯𝐨𝐫𝐜𝐞 𝐝𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝟐𝐫𝐢?𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐝𝐞𝐚 𝐭𝐨? ...
goodnovel comment avatar
Taher Baby Aman Jr.
Ang labo hnd kona maintindihan
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 184: Who?

    Habang nakaupo sa loob ng store si Camila, pinanood niya ang lalaki na lumitaw mula sa lilim ng puno hanggang sa ito ay dahan-dahan nang naglakad palayo roon.Mayroon siyang balak na tumawag ng pulis, kaya naman nagmasid masid pa siya sa buong paligid ng store, pinakiramdaman ang bawat sulok sa isang mahabang sandali upang masiguro kung nakaalis na ba talaga iyong lalaki. At saka lamang siya nakahinga nang maluwag kahit papaano noong sa tingin niya'y wala na nga ito sa paligid.Subalit, kahit ganoon man ay hindi pa rin siya nangahas na mag-isang bumalik sa hotel kung saan siya tutuloy.Kasi paano kung doon pala nag-aabang iyong lalaki sa kanya?Wala siyang ideya kung ano ang mga intensyon nito.Magsasarado na ang embroidery studio, at hindi siya maaaring manatili rito habambuhay.Nilabas niya ang kaniyang cellphone para tumawag na sa pulis. Ni-report niya ang kasalukuyan niyang sitwasyon at pagkatapos ay naghintay siya sa may bandang bukana ng store para sa kanilang pagdating.“Dapat

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 183: Fear

    "I will give her the biggest compensation for this matter," sagot ni Juancho.“Juancho, ganito ka ba talagi palagi? Hindi mo nauunawaan 'yong pakiramdam na mapalitan ng ibang bagay na hindi mo naman gusto ang isang bagay na pinakamamahal at iniingatan mo. Sarili mo lang iniisip mo at wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba,” saad ng lalaki, ang boses nito ay nababahiran ng pang-uuyam.“Kung ganoon ibabalik ko rin sa'yo ang parehong tanong, ganito rin ba talaga palagi si Dominique?“ buwelta ni Juancho.“Anong ibig mong sabihin?“ Ang tono ng lalaki ay biglang napuno ng iritasyon.“You know exactly what I mean.“ Kasing lamig na ngayon ng yelo ang boses ni Juancho. “Bakit hanggang ngayon ayaw niya pa ring humingi ng paumanhin para sa gulong idinulot niya sa show noon?““Kasalanan niya ba 'yon?“ tutol ng lalaki. "You knew very well that my sister liked you, yet you still deliberately created hype as a loveteam with another woman in that show. You didn’t ignore her post on hersocial media

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 182: Compensate

    "Just say whatever you want to say."Nag-angat ng kilay si Juancho nang tinapunan niya ulit ng tingin si Alvin dahil hindi ito umiimik.Pinagsalikop ni Alvin ang dalawa niyang kamay sa harap ng kaniyang puson. “Uh, Sir... Hindi po ba't mas maganda nga ito ngayon kaysa noon? Ang ibig ko pong sabihin ay mas mukha na kayong tunay na mag-asawa ni Madame ngayon...“ maingat niyang tugon.Mabilis na naglaho ang galit na nararamdaman ni Juancho dahil sa sinabi ni Alvin. Pinigilan niyang umangat ang sulok ng kaniyang labi at nagtanong, “Why do you think that?““Kasi po nakikipagtalo na siya sa inyo ngayon, hindi po ba?“ maingat na tanong ni Alvin.Bago pa man mahulog si Juancho sa malalim na pag-iisip ay sinenyasan niya ang kaniyang assistant na magpatuloy sa mga sinasabi nito.“Kapag palagi po kasing nagtatalo ang isang magkasintahan o mag-asawa, ibig sabihin no'n ay mayroon silang malalim na relasyon. Uh, noon po kasi ay hindi nakikipagtalo sa inyo ang asawa niyo—marahil iyon ay dahil medyo.

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 181: Brother

    Mula sa set, nagmamadaling umuwi si Dominique sa bahay niya dahil sa frustration, nang nakarating sa kanya ang balita na binawi raw ni Juancho ang wedding dress na dinisenyo ng V&L.“M-ma'am, ang sinabi naman po ni Sir Juancho ay ibibilhan na lang niya kayo ng panibago, na nagkakahalaga ng sampung milyon,” natatarantang paliwanag ng kasambay nang nakita niya ang galit na galit na mukha ng babae.Dumilim ang ekspresyon ni Dominique, ang mga mata nito ay punong-puno ng nag-uumapaw na galit.“Hindi mo man lang ba tinanong kung bakit niya kinuha ang wedding dress?““M-ma'am... si Sir Juancho na po kasi iyon. S-sino lang po ba ako para question-in ang desisyon niya p-po...“Napayuko ang kasambahay sa takot. Maingat siyang umatras ng kaunti.“Boba!“Tinulak pagilid ni Dominique ang kasambahay at saka siya nanggigigil na nagmartsa patungo sa cloakroom.Nang makita niya na ang napakagandang wedding dress ay talagang wala na sa kinalalagyan nito, ay kaagad na namula ang kaniyang mga mata dahil

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 180: Dress

    “I never liked her, Camila,” Juancho emphasize.“Tinanong kita noon kung bakit 7.18 million ang binigay kong presyo sa wedding dress na iyon, pero hindi mo alam. Ni hindi man lang sumagi sa isipan mo ang tungkol sa mga numerong iyon.“ Diretso ang tingin ni Camila sa mga mata ni Juancho, ang ngiti sa kaniyang labi ay lalong pumapait. “Wedding anniversary natin iyon, Juancho. At 'yong wedding dress? That was the wedding dress I told you about. Pero dahil nagustuhan ni Dominique, sinabi mo sa shop na ibenta ito para sa kanya.“Marahas na nanginig ang mga mata ni Juancho.Iniwas ni Camila ang kaniyang tingin. “Sa sandaling nabenta ang wedding dress, isinuko ko na rin ang nakaraan at niyakap ang panibago kong buhay,” patuloy niya pa kahit naninikip na ang kaniyang lalamunan.“Bakit... bakit hindi mo sinabi sa akin?“ Matigas ang boses ni Juancho.Kumurba ang labi ni Camila para sa isang sarkastikong ngiti. "Do you think it would have made a difference? Marriage is a matter between a man and

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 179: Love

    Mabilis na nahulog sa pagkakatulog si Juancho dahil sa maaliwas na simoy ng sariwang hangin.Lumapit si Lola Celestina sa kinaroroonan niya para sana mangumusta ngunit naabutan niya itong tulog. Nilapitan niya pa ito lalo at maingat na inayos ang unan na medyo nahuhulog na. Malumanay siyang napanbuntonghininga nang pinagmasdan niya ang mukha nito at nakitang tila mayroong nakaukit na kalungkutan sa mga kilay niya.Hindi niya maiwasang mapaisip kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Camila.Pagkaraan ng ilan pang sandali ay bumalik siya sa kusina upang hanguin ang nilutong biko. Tapos na rin siyang nagluto ng adobo. Kaya naman nagpasya siyang i-video call ang apo.Kaagad namang komunekta ang tawag sa kabilang linya.“Lola...“Punong-puno ng pagmamahal ang mukha ni Lola Celestina nang tiningnan niya si Camila sa screen.“Kumusta ka na, apo? Kumusta ka sa trabaho mo?“Dahil hindi inaasahan ang tawag, pinaghinalaan ni Camila na ito ay mayroong kinalaman kay Juancho.“

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status