LOGINDo you believe in mermaids and other mythological creatures? What if I tell you they really exist? There are seven seas in the world. One of them is the Primal Sea― the widest one among them and it is said to be guarded by half human and half fishes also known as the merpeople. One of them is Merliyah, she’s thirsty to know what’s the view above the surface of the water. When she received the wishing seashell on her 18th birthday, she already knew what would be her first wish. To have a pair of feet instead of a tail. As her journey continues, she met Margarette Sandoval― a woman full of dreams and determination. She will guide Merliyah on the right path. They said that “Be careful what you wish for,” but can you always be careful even though you know someone else is in danger? Can Merliyah give justice to her wishes? Or she will feel regret about it?
View MoreChapter 6: Surfing WavesMaggy’s POV “Sukatin mo muna ‘yong tubig gamit ang daliri mo,” turo ko kay Liyah at nilagay ang hintuturo ko sa bigas na may tubig. Mataman niya naman iyong tiningnan habang tumatango-tango. Tinuturuan ko siya ngayon magsaing para kahit wala ako, makakakain sila ni Tatay. Kahit siguro sardinas na lang ‘yong ulamin nila okay lang. Tungkol sa mga nagpadala ng groceries sa ‘min no’ng nakaraang araw, inimbak ko iyon sa bodega para hindi magalaw. Wala kaming ideya kung saan at kanino galing ‘yong mga ‘yon. “Nauunawaan ko na,” tila manghang aniya at nilubog ang kaniyang hintuturo sa bigas kaya tinanggal ko ang akin. “Ilagay mo na sa kalan,” nguso ko sa kalan. Tumango-tango ito at dahan-dahang binuhat ang kaldero papunta roon ngunit halos mabitawan niya ito nang tumunog ang phone ko sa mesa mabuti na lang at nasalo niya ito. “Pasensya,” pabulong na aniya at tuluyang nilagay na ang kaldero sa kala
Chapter 5: Are Mermaids True? Maggy’s POV Naalimpungatan ako dahil may kung anong sumusundot sa ‘kin. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa ‘kin ang natatarantang mukha ni Merliyah. “Bakit?” tanong ko at kaagad naman niyang nilahad sa ‘kin ang phone ko. Bumangon ako at aabutin na sana nang bigla iyong nag-ring dahilan para mabitawan ito ni Merliyah. S’werte na lang at nasalo ko ‘yon. “A-Ano ang bagay na iyan?! Bakit ito tumutunog?” nanlalaking mga matang tanong niya habang nanginginig na nakaturo sa phone ko. Pinunas ko ang screen nito sa ‘king damit at hinipan at saka iyong binuksan. Bumungad sa ‘kin ang mga mensahe na nagmula kay Mama. Napabuntonghininga na lang ako at nilagay iyon sa ‘king bedside table. Napatingin ako kay Merliyah at nanatiling nakatingin ito sa phone ko. “Wala bang ganiyan sa inyo?” tanong ko na siyang inosenteng inilingan niya. Saang lupalop ng mundo ba ‘to galing?
Chapter 4: Friends are Family too Maggy’s POV Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa pinapasukan naming school. May isa’t kalahating b’wan pa bago ang pasukan kaya’t sinusulit na talaga naming ‘tong magkakasama kasi mawawalan na naman kami ng time sa isa’t isa kapag nag-start na ang classes. “Kamusta si Merliyah?” tanong ni Yummi habang s********p sa iced coffee niya. Bumuntonghininga ako at hinalo ang in-order kong espresso. “Ang weird niya talaga, promise,” sagot ko nang hindi sila tinitingnan, nanatili ang tingin ko sa usok ng kape. “Paanong weird?” tanong naman ni Dave. Ilang minuto akonng tahimik habang iniisip ang mga ka-weirdohan na mga pinaggagagawa ni Merliyah sa loob ng isang linggong pananatili niya sa bahay. “Una, hindi siya kumakain ng sea foods,” tugon ko. ‘Yan talaga ang una kong napansin sa kaniya, unang ulam na binigay ko ay piniritong isda ngunit hindi man lang niya ito hinimay.
Chapter 3: Friends Third Person’s POV Hindi makagalaw si Maggy sa kaniyang kinatatayuan. Tila naging yelo ang kaniyang mga paa. Pinipigilan niya ang kaniyang paghinga dahil natatakot itong baka bumaon sa kaniyang leeg ang nakatutok sa kaniyang stick na hawak ng babaeng nakita niya. “Maggy!” “Marga!” Nag-aalalang tawag sa kaniya ng dalawa nitong kaibigan nang makita ang ginawa ng babae sa kanilang kaibigan. Mas binilisan nila ang kanilang pagtakbo upang iligtas si Maggy. “Ang ngalan ko’y Marliyah at nagmula ako sa ilalim ng dagat ng Primal,” sambit ng babae na walang iba kung ‘di si Marliyah, ang dating munting sirena na nangarap na mapunta sa mundo ng mga tao. “Baliw ka ba?!” salubong na kilay na sambit ni Yummi at mabilis na hinila paalis ang gulat na si Maggy sa nakatutok na stick. Nawalan ng reaksyon ang mukha ni Merliyah at itinapon ang stick na saktong tumusok sa buhangin. Hindi niya batid kung bakit may kumausap sa kaniyang tao. “By the way, narinig kong sinabi mo kanin