NAKASANDAL lang ako ng upo sa loob ng kotse habang nakatitig sa binili kong pregnancy test.Gusto kong ma-confirm kung talaga bang buntis ako dahil parang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang tanong ni Drex noong nakaraang araw kung totoo ba ‘yong sinasabi niua. Hindi ako mapakali—na baka totoong buntis nga ako, kaya ngayon ay naisipan kong bumili ng pregnancy test para malaman kung ano nga ba talaga ang dahilan ng palagi kong pagsusuka tuwing pagkagising sa umaga. Minsan ay nakakaramdam din ako ng pagkahilo at parang gusto ko palaging maasim ang kinakain ko. Lahat ng senyales ng isang buntis ay naranasan ko. Hindi ko tuloy mapigilang kabahan.Mabilis kong pinatakbo ang kotse pauwi sa suite ni Drex. Pagkauwi ko ay agad akong pumasok ng banyo dala ang PT. Kailangan ko nang malaman ngayon habang nasa trabaho pa si Drexton.Halos hindi na ako huminga sa kaba habang hawak ang PT paglabas ng banyo. Ikinalma ko muna ang sarili ko bago ko tiningnan kung ano ang resulta.Napakurap-kurap ak
HINDI ako mapakali ng higa sa kama at panay ang tingin sa orasan. Malapit nang maghatinggabi pero hindi pa rin umuuwi si Drex. Dapat bago mag-7 p.m. ay nakauwi na ‘yon, pero ngayon ay maghahatinggabi na ay wala pa rin siya.Galit pa rin kaya siya dahil sa mga sinabi ko kanina? Siguro ay dinibdib niya lahat ng mga masasakit na sinabi ko.This is all my fault.Inabot ko ang cellphone at tinatawagan ang number ni Tita Mesha, nagbabaka sakali na baka umuwi si Drex sa kanila. Pero nakailang tawag na ako ay hindi naman niya sinasagot and tawag ko at mukhang tulog na.Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko at muling nahiga sa kama. Hindi ko alam kung sino ba ang dapat kong tawagan para malaman kung nasa hotel pa ba si Drex o nakalis na. Shit! Hindi ako mapakali sa kakaisip sa kanya. Napapitlag pa ako sa gulat nang biglang tumunog ang doorbell.Dali-dali akong bumangon at patakbong lumabas ng kuwarto para makita kung sinong nag-doorbell. Pagbukas ko ng pinto ay agad na bumungad
PAGDATING namin sa Glamorous Beach Resort kung saan gaganapin ang photoshoot ay agad akong lumapit kay Gorgen na agad na lumaki ang ngiti sa labi ng makita ako."Buti naman at dumating ka! Dumiretso ka na doon sa restroom para magbihis," maarte nitong sabi."Hoy ikaw, bakla! Bakit sa dinami-rami ng pwede mong papuntahin ay sa akin ay 'yong pervert na photographer pa 'yon, ha?" sermon ko na agad na namaywang sa harap niya. "What? Paano mo naman basabi na pervert si Garry?""Dahil ang bastos niya tumingin sa katawan ko! Pakiramdam ko ay hinuhubaran niya na ako sa klase ng tinging binibigay niya!" mariin kong sagot sa mahinang boses. Malakas na napahalakhak si Gorgen. "Oh my god! Malamang nagandahan lang si Garry sa katawan mo dahil sexy ka! Naiinggit lang 'yon sa ‘yo, dahil impossible naman na pagnasaan ka ng isang bading! My God! Nakakaloka ka, Elize Mica!"Agad na nagsalubong ang kilay ko. "What do you mean? Sinasabi mo bang bading ang lalaking 'oun?"Gorgen nodded while laughing. "
TULALA akong lumabas ng hospital at pumasok sa loob ng aking kotse. Halos manginig ang kamay ko habang hawak ang ultrasound result.I can't believe this. Talagang buntis ako.Makikita sa ultrasound ang imahe ng isang maliit na fetus.The doctor said that I'm 3 weeks pregnant, at minsan daw talaga ay hindi gumagana ang PT kapag mga weeks pa lang, kaya siguro nag-negative ang PT na ginamit ko noong isang araw.Napapitlag ako sa gulat nang biglang tumunog ang cellphone ko. Gorgen is calling."G-Gorgen, napatawag ka?" hindi ko mapigilan ang mautal."My gosh! Elize! I have a good good news for you! Ikaw ang napili nilang model para sa fashion show next week! I can't believe this, Elize! Sabi ko na nga ba't ikaw ang makukuha!" Napatili si Gorgen sa kabilang linya Napahigpit naman ang hawak ko sa cellphone."I'm happy. And after that I'll quit," tanging lumabas sa bibig ko bago diretsong pinatay ang cellphone at hindi na hinintay pang makasagot si Gorgen.I think heto na 'yon. Ito na ang k
RAMDAM ko ang pagkirot ng ulo ko sa sakit na unti-unti kong kinamulat ng mata. Pagmulat ko ay nagulat pa ako nang makitang nasa loob ako ng hindi pamilyar na silid. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa hospital ako. Nang mapatingin ako sa tabi ko ay ang mukha agad ni Gorgen ang bumungad sa akin na nakaupo habang nakayuko at nakapikit ang mga mata na para bang antok na antok."Gorgen... Gorgen..." mahina kong tawag—na kinabalikwas nito at parang natauhan mula sa malalim na pagkakatulog."Elize, oh my gosh! Anong masakit sa 'yo?""What happened? Nasa hospital ba ako?" ngiwing tanong ko dahil sa pagkirot ng ulo ko."Oo nasa hospital ka dahil sa pagkaaksidente mo kagabi. Bumangga ang kotse mo sa isang poste, Elize! Buti na lang ay kilala ako ng isang nurse na nag asikaso sa 'yo at tinawagan ako na narito ka raw sa hospital."Agad akong dinambol ng kaba nang maalala ang nangyari."H-How about the baby?" Hindi ko mapigilan ang mapalunok. Napairap naman si Gorgen sa akin at inis nitong pinalo
Two years later...NAPAHAPLOS ako sa salaming bintana ng eroplano kung saan tanaw ko ang magandang kalangitan na kulay kahel. It's beautiful. Hindi ko mapigilan ang mapangiti at napahinga nang malalim bago sumandal sa aking kinauupuan at pumikit. Dinig na dinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Kinakabahan ako. Natatakot ako sa kung anong mangyayari kapag lumapag na ang eroplanong sinasakyan ko ngayon sa Pilipinas.Dalawang taon na ang lumipas at ngayon ko lang naisipang umuwi. I want to surprise my parents. Bukas na ang kanilang ika-29 years wedding anniversary, kaya naman naisipan kong umuwi pansamantala at surpresahin sila sa pagdating ko.Dahil sa pagpikit ko ay hindi ko na namalayan ang paglapag ng eroplano. Naalimpungatan lang ako sa pagtapik sa balikat ko. "Hoy gaga, we are here na, wake up," bulong ni Gorgen sa maarteng boses na kinabalikwas ko.Agad akong nagpalinga-linga sa loob ng eroplano. "Where's Shannel and Aeron?" tanong ko ng mapansing kami n
PARANG hindi makapaniwala ang parents ko nang aminin kong nagkaanak ako. At ngayon ay halos mangiyak-ngiyak si mommy habang nakatingin sa kambal.Buhat ni daddy si Shannel at buhat naman ni Loraine si Aeron na tawa nang tawa habang pinupugpog ng kapatid ko ng halik sa mukha.Nakaupo lang ako sa sofa habang sa kabila naman si mommy. Si daddy at si Loraine ay parehong nakatayo at tuwang-tuwa sa kambal. "Anak naman, paano mo nagawa sa amin 'to? Bakit ka naglihim? Ganoon na ba kami ka walang-kwenta ng daddy mo para sa ‘yo? Ni hindi mo man lang sinabi sa amin na may dalawang apo na pala kami," mangiyak-ngiyak na sabi ni Mommy sa nagtatampong boses. "Hindi naman po sa gano'n, Mom. Masyado lang kasi magulo ang isip ko no’ng mga panahong 'yon. I'm sorry.""Huwag mo nang pagalitan pa ang anak mo, ang mahalaga ay nakita natin ang mga apo natin. Ikaw talaga masyado kang dramatic!" natatawang sabat ni dad at naupo na sa tabi ni mommy habang buhat pa rin si Shannel.Inis na pinalo ni mommy ang b
Hindi ko na namalayan ang sarili ko at unti-unti na pala akong napatayo mula sa aking kinauupuan habang nakatingin sa lalaking nakatayo ng mga tatlong dipa lang ang layo mula sa akin.Nagkatitigan kaming dalawa na para bang walang ibang tao sa paligid namin kundi kami lang. Halo-halong emosyon ang nakita ko sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.Siguro ay may mga dalawang minuto kaming nagkatitigan, hanggang sa unti-unti siyang naglakad palapit sa akin. At nang sandaling nakalapit na siya ay hindi ko inaasahan ang paghila niya sa braso ko, kasabay no'n ay ang mahigpit niyang pagyakap sa akin na para bang ayaw na akong pakawalan.Nagulat ako sa kanyang ginawa. Walang salita na lumabas sa bibig ko. I don't know what to say or do. Nanatili lang akong nakatayo habang yakap niya ng mahigpit, ni hindi ako gumanti ng yakap sa kanya.Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dahil sa magkadikit ang dibdib namin dalawa ay ramdam ko rin ang pagtibok ng puso niya na kasing bilis ng aki