LOGINGinawa ni Naya ang lahat para maging perpektong asawa kay Kael Madrigal. Tahimik niyang tiniis ang malamig nitong pagtrato, ang pagiging absent nito bilang asawa, at maging ang hirap ng pagbubuntis habang buong puso niyang tinutulungan ang kompanya nito bilang isang mahusay na architect. Kahit mag-isa siyang umiiyak sa ospital habang ipinaglalaban ang buhay ng premature nilang anak na si Luna, patuloy pa rin niyang inintindi ang lalaking mahal niya. Hanggang sa lihim na dumalo siya sa araw ng first month celebration ng anak ni Ivy. Doon niya natuklasan na habang siya ay naghihirap sa ospital, si Kael naman ay buong pusong nag-aalaga sa ibang babae at anak nito. At sa unang pagkakataon, tuluyang napagod si Naya. “Maghiwalay na tayo.” Ngunit para kay Kael, isa lamang iyong emosyonal na drama ng asawang sanay namang magpatawad at manatili sa tabi niya. Hanggang sa isang araw, tuluyan siyang iniwan ni Naya. Makalipas ang tatlong taon, muling nagkita ang dalawa sa isang international architectural summit. Ngunit wala na ang dating mahinang babaeng iniwan niya. Si Naya ngayon ay isa nang sikat at respitadong architect na hinahangaan ng lahat. At habang desperadong nagmamakaawa si Kael na bigyan siya ng isa pang pagkakataon sa harap ng maraming tao, isang malamig na ngiti lamang ang isinagot ni Naya bago hinawakan ang kamay ng bago nitong boyfriend at tuluyang lumayo. Nang makatanggap si Kael ng wedding invitation ni Naya, saka niya tuluyang naunawaan na hindi na ito babalik pa sa kanya. Galit siyang sumugod sa kasal, ngunit pagharap ni Naya sa kanya, mahina lamang itong ngumiti. “So now you want me back, my ex-husband? I’m sorry, but you're too late.”
View MoreMahigpit na karga ni Naya ang kanyang anak habang nakatayo sa labas ng ospital. Nakabalot si baby Luna at mahimbing na natutulog sa kanyang dibdib, tila walang kamalay-malay sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan nilang mag-ina.
Isang buong buwan silang nanatili sa ospital.
Premature na ipinanganak si Luna dahil sa biglaang komplikasyon sa pagbubuntis ni Naya. Kinailangan itong ilagay agad sa NICU dahil sa respiratory distress at mababang oxygen levels. Ilang araw ding nakakabit ang maliit nitong katawan sa iba’t ibang tubo at monitor habang araw-araw na nagdarasal si Naya na sana ay kayanin ng anak niya.
Pero hindi lang si Luna ang muntik mawalan ng buhay.
Dahil pagkatapos manganak si Naya, nagkaroon naman siya ng postpartum infection at severe uterine inflammation na halos mauwi sa impeksyon sa dugo. Mataas ang lagnat niya sa loob ng ilang araw, hirap siyang makatayo, at paulit-ulit siyang tinuturukan ng antibiotics at pain medications habang mag-isa sa malamig na hospital room.
At sa loob ng isang buwang iyon, ni isang beses, hindi siya binisita ni Kael—ang asawa niya.
Noong una, sinabi nitong kailangan nitong magpunta abroad para sa isang urgent business trip. Dalawang linggo raw itong mawawala. Kahit masakit para kay Naya, inintindi niya iyon. Pilit niyang kinumbinsi ang sarili na baka talagang importante lang ang trabaho nito.
Pero nang makabalik na si Kael sa Manila, hindi pa rin ito bumisita. May bigla raw kailangang asikasuhin. May emergency raw sa opisina at importanteng meeting.
Hanggang sa lumipas ang mga araw, linggo at tuluyan nang umabot sa isang buwan ang pananatili niya sa ospital, hindi man lang niya nakita ang mukha ng asawa niya.
Mag-isa siyang umiiyak tuwing madaling-araw habang nakahiga sa hospital bed. Mag-isa rin siyang bumabangon kahit nanginginig ang katawan niya sa sakit.
Siya rin ang kumakausap sa mga doktor, at nagbabantay sa NICU habang iniisip kung mabubuhay ba ang anak niya.
Ni minsan, walang kamay na humawak sa kanya para sabihing magiging maayos din ang lahat.
Kaya kahit kalmado ang boses niya habang kausap si Kael sa telepono, hindi niya maitago ang halong pananabik at sakit. Umaasa pa rin siyang baka kahit ngayong araw man lang… piliin sila nito ng anak niya.
Sa kabilang linya ng tawag, malamig at walang emosyon ang boses ni Kael.
[May mga kailangan pa akong asikasuhin sa opisina, Naya. Magpapadala na lang ako ng driver para sunduin kayo.]
Napapikit si Naya habang pilit na pinipigilan ang biglang pagsikip ng dibdib niya. As usual, ganito na naman. Palaging trabaho. Palaging may mas mahalagang bagay kaysa sa kanila ng anak niya.
“Okay… naiintindihan ko,” mahinang sagot ni Naya kahit ramdam niyang unti-unting nadudurog ang puso niya.
[Naya, matagal ka nang independent. Naniniwala akong kaya mong harapin ang lahat nang mag-isa. Kaya mo ’yan.]
“Pero Kael, hindi ba natin ice-celebrate ang first month ng baby natin?”Matagal bago magsalita si Kael.[Pag-usapan natin ‘yan mamaya. Sige na, alis na ako. May gagawin pa ako.]
Pagkatapos sabihin iyon, agad nang ibinaba ni Kael ang tawag.
Napatingin si Naya sa cellphone niya habang nanlalamig ang mga kamay niya. Ang paraan ng pagsasalita ni Kael ay hindi tulad ng isang mapagmahal na asawa. Para itong boss na inuutusan ang isang empleyadong overworked na. Walang lambing. Walang pag-aalala. At walang pagmamahal.
Parang may karayom na isa-isang tumutusok sa puso niya.
Maya-maya, biglang tumawag ang kaibigan ni Kael na si Alyra. Napakunot ang noo ni Naya dahil bihira naman siyang tawagan nito, pero agad pa rin niyang sinagot ang tawag.
[Kael, pasensya na, hindi ako makakapunta sa one-month celebration ni Zach sa Hotel de Fides mamaya. Congrats sa baby ninyo!]
Biglang natigilan si Naya.
“A-Ano? One-month celebration? At teka, sino si Zach?”
Agad siyang kinabahan nang hindi niya maintindihan ang narinig. Ngunit bago pa siya makapagtanong, mabilis nang pinatay ni Alyra ang tawag.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Naya.
Ilang segundo lang ang lumipas nang may notification na dumating sa cellphone niya. Nagpadala pala si Alyra ng dalawang daang libong piso bilang regalo. Ngunit wala pang isang minuto, agad din itong binawi.
Kasunod noon ang sunod-sunod na mensahe.
“Sorry, Naya. Nagkamali ako. Hindi pala ikaw ang nanganak.”
“Puwede bang pakibalik na lang sa akin ang naipadala ko?”
May voice message pa itong kasunod at sandamakmak na sorry emojis, pero habang paulit-ulit iyong binabasa ni Naya, lalo lang siyang kinakabahan.
May kakaiba siyang naramdaman. Parang may tinatago si Alyra.
Parang may bagay na hindi niya alam ngunit alam ng lahat ng tao sa paligid niya.
Unti-unting nanlamig ang buong katawan ni Naya habang nakatitig sa screen ng cellphone niya. Pakiramdam niya, may mabigat na bagay na dahan-dahang dumadagok sa dibdib niya.
Gayunpaman, binalik din niya ang dalawang daang libong piso kay Alyra.***
Eksaktong alas-onse ng umaga nang makarating si Naya sa Hotel de Fides.
Nakasuot siya ng itim na oversized jacket, may suot na cap at face mask na halos tumakip sa kalahati ng mukha niya. Kahit siya mismo ay hindi maintindihan kung bakit kailangan niyang magtago nang ganoon. Para siyang magnanakaw na palihim na pumapasok sa lugar na hindi naman dapat.
Pero sa loob-loob niya, alam niyang may mali. Kailangan niyang malaman kung ano ang totoo.Nakatayo si Naya sa tapat ng engrandeng entrance ng hotel. Napakaganda ng lugar—punong-puno ito ng mga mamahaling bulaklak, may crystal chandeliers, at eleganteng dekorasyon na halatang pinaglaanan ng malaking halaga. Abala ang mga staff sa pagsalubong sa mga bisita habang sunod-sunod namang dumarating ang mga mamahaling sasakyan sa harap ng venue.
At sa gitna ng lahat ng iyon, agad bumungad sa mga mata ni Naya ang napakalaking poster sa entrance.
“Happy One Month Celebration of Baby Zach.”
Nanghina ang mga tuhod niya.
Hindi niya kilala ang kahit isa sa mga bisitang naroon. Walang pamilyar na mukha. Walang koneksyon sa kanila ni Kael. Kaya pilit niyang kinumbinsi ang sarili na baka nagkakamali lang siya. Baka coincidence lang ang lahat, at sadyang paranoid lang siya dahil sa mga narinig niya kay Alyra.
Oo, baka namamalikmata lang siya. Dala lang ito siguro sa puyat at pagod sa pag-aalaga niya kay Luna.
Huminga siya nang malalim at pilit na itinulak pababa ang kaba sa dibdib niya. Dahan-dahan siyang umatras. Handa na sana siyang umalis at kalimutan ang lahat. Pero eksakto noong tatalikod na siya, isang pamilyar na boses ang biglang umabot sa pandinig niya.“Kailangan mo nang magpahinga, Ivy. Hayaan mo na akong magkarga kay Zach. You need energy for his one-month celebration today. At saka may inihanda akong sorpresa sa’yo mamaya.”
Parang biglang tumigil ang mundo ni Naya. Nanigas ang buong katawan niya pagkarinig iyon.
Unti-unti siyang lumingon, at sa sandaling makita niya ang lalaking nagsalita, para bang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong pagkatao niya.
Hindi siya puwedeng magkamali. Dahil ang lalaking iyon ay ang asawa niyang si Kael Madrigal. Ang lalaking isang buwan nang walang paramdam sa kanila ng anak niyang si Luna.
At ngayon, nakita niya na maingat na kinakarga ang isang mataba at maputing sanggol mula sa bisig ng isang babae.
Napakalambing ng mga kilos nito. Para bang ang pinakamahalagang bagay sa mundo ni Kael ay ang batang nasa mga bisig niya.
Parang biglang may pumipigang kamay sa puso ni Naya. Sa sobrang sikip, halos hindi siya makahinga. Dahil hindi niya kailanman nakita si Kael na ganito kaalaga sa kanya.
Kahit noong bagong panganak siya at nanginginig sa sakit habang hawak ang anak nila, hindi siya nito tinulungan. Hindi siya nito inalalayan. Hindi siya nito tiningnan nang may ganoong klaseng pag-aalala.
Pero ngayon, sa ibang babae at sa ibang bata ay nagawa niya nito.
Nakita ni Naya kung paano bahagyang yumuko si Kael para ayusin ang kumot ni Zach. Kung paano nito inalalayan ang babae sa bewang habang naglalakad ito papasok ng hotel.
At doon unti-unting gumuho ang mundo ni Naya.Nanigas si Kael habang dahan-dahan itong napalingon pabalik kay Naya. Halatang hindi nito inaasahang magagawa iyon ng asawa niya.Samantalang si Naya, namumula ang mga mata habang galit na galit itong nakatitig dito. Nanginginig pa rin ang dibdib niya dala ng emosyon.“You’re right,” nanginginig niyang sabi. “Magkaiba nga kami.” Humugot siya ng mabigat na paghinga ngunit kasabay no’n ang biglang pagbagsak ng mga luha niya.“Kasi hindi lahat ng asawa…” nanginginig niyang dugtong habang nakatitig nang diretso kay Kael, “…kayang pabayaan ang sariling asawa’t anak habang nasa ospital para lang mag-alaga ng ibang babae.”Biglang nagkaroon ng bulungan sa paligid.“Ano raw?”“May asawa pala si Mr. Kael?”“Tapos isang buwan na ang asawa sa ospital? Hindi siya inalagaan?”“Grabe pala…”Hindi na iyon pinansin ni Naya. Pakiramdam niya, matagal na niyang kinikimkim ang lahat ng sakit na iyon at ngayon lang tuluyang sumabog. “Habang halos mamatay ako matapos manganak…” tuloy-tuloy niyang sabi ha
Hindi na hinintay ni Kael ang sunod na magiging reaksyon ng mga tao. Agad itong bumaba ng stage at mabilis na hinawakan ang braso ni Naya bago pa siya muling makapagsalita. “Come with me.”Mariin ang pagkakahawak nito sa kanya habang halos kaladkarin siya palayo sa gitna ng ballroom. Ramdam ni Naya ang mga matang nakasunod sa kanila, ang mahihinang bulungan sa paligid, pero wala na siyang pakialam.“Ano bang iniisip mo?” madiing bulong nito habang pinipigilan ang galit. “Why would you do that here?”Dahan-dahang tinanggal ni Naya ang suot niyang mask. Namumula ang mga mata niya, at nanginginig ang labi habang pilit niyang pinipigilan ang emosyon.“Tatanungin mo ako kung bakit ako nandito?” natatawa niyang sabi, ngunit basag na ang tunog nito dahil halos maiyak na siya. “Ako pa talaga ang may mali?”Humugot nang malalim si Kael at mariing napapikit.“Naya, not tonight. Huwag kang gumawa ng eksena dito.”“Eksena?” Napailing si Naya habang napapatawa sa sobrang sakit. “Kael, regalo iyon
Sa loob ng engrandeng ballroom, hindi maalis ang tingin ni Naya kay Kael.Nakatayo ito sa gitna ng mga bisita, may hawak na wine glass habang nakangiti at maayos na inaakay si Ivy sa bawat mesa upang makipag-toast sa mga bisita. Napakagaan ng aura nito, malayo sa malamig at seryosong lalaking kilala niya sa loob ng limang taon nilang pagsasama.“Nasa abroad pa rin si Royce at matatagalan pa bago makauwi,” sabi ni Kael habang marahang hawak ang likod ni Ivy para alalayan ito. “Kaya habang wala siya, sisiguraduhin kong walang magiging problema kina Ivy at Zach.” Napatawa nang mahina ang ilang bisita habang itinaas ni Kael ang wine glass nito.“Ivy just gave birth recently, kaya hindi ko siya hahayaang uminom. I’ll take every toast for her tonight.” Tumikhim ang ilang bisita habang natatawa at humahanga sa pagiging maalaga ni Kael. May ilan pang nagsabing napakaswerte raw ni Ivy dahil may ganoong klaseng lalaking nag-aalaga rito.Pero si Naya…Pakiramdam niya, unti-unting nanlalamig an
Nanigas si Naya sa kinatatayuan niya habang nakatitig kay Kael. Para bang huminto ang oras sa mismong sandaling iyon. Unti-unting naglaho ang ingay ng paligid hanggang ang tanging naririnig na lang niya ay ang sariling paghinga niyang nanginginig sa kaba at galit. Ang tanging malinaw lang sa kanya ay ang eksenang nasa harapan niya. Mas lalong sumikip ang dibdib niya nang marinig niyang magsalita si Ivy.“Thank you talaga, Kael. Kung wala ka, hindi ko alam kung paano ko kakayanin lahat.” Mahina itong natawa bago muling nagsalita, habang ang mga mata nito ay punong-puno ng lambing na nakatuon kay Kael. “Mula noong manganak ako hanggang sa recovery ko sa ospital, hindi mo ako iniwan. Lagi kang nagbabantay sa akin, kahit madaling-araw. Pinagluluto mo pa ako araw-araw. Kapag bumalik si Royce galing abroad, siguradong sobrang magpapasalamat siya sa’yo sa pag-aalaga mo sa amin ni Zach,” dugtong pa nito.Parang may mabigat na bagay na tuluyang dumagan sa dibdib ni Naya.Buong buwan niyan


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.