Share

Kabanata 11

Makailang ulit pa nilang narinig ang mga putok ng baril na nagmumula sa mahahabang baril ng dalawang guardia civil bago ito tuluyang mawala.

Tahimik lamang ang dalawa habang pinakikiramdaman ang mga guardia. Mabilis ang tibok ng puso ni Mina dahil sa matinding kaba dahil akala niya ay tuluyan na siyang mahuhuli ng dalawang iyon.

Dahan-dahan nadako ang paningin niya sa ginoong nag ligtas sa kaniya upang hindi siya makita ng mga ito. Ilang minuto niyang tinitigan ang lalaki dahil patuloy pa rin ito sa pagmamasid.

"Halika sumama ka sa akin upang malunasan natin ang ‘yong nagdurugong sugat." Agad na napaiwas ng tingin ang dalaga nang magtama ang kanilang mga paningin at binalingan niya na lamang ang kaniyang suot na saya. Marumi na iyon dahil sa kaniyang pagkadapa.

"H-Hindi ako maaaring sumama ssa’yo, hindi kita kilala at isa akong tagal silbi sa mansyon ng Gobernador-Heneral, " tugon niya.

"Batid ko. Ikaw ang anak nina Marcelo at Flordelisa Cortez. Ikaw ang matagal na naming hinahanap, " turan pa ng lala kid at saka nito tinanggal ang tela sa kaniyang mukha.

"Ako si Teofilo at mapagkakatiwalaan mo ako,” Kunot noong Sabi nito sabay angat ng kamay upang alukin muling sumama sa kaniya ang dalaga.

"Kaya pakiusap, mas makabubuti sa iyo kung ika'y aking dadalhin sa aming kuta." Dagdag pa nito habang pinagmamasdan ang dalaga.

Paika-ika ang ginagawang paghakbang ng dalaga at akay rin siya ni Teofilo. Magbubukang liwayway na nang marating nila ang isang tagong barrio kung saan namamalagi ang mga kaanib sa samahang rebelde. Ito ang samahang rebelde sa dasmariñas, ito ay pinamumunuan pa rin ni Teofilo ngunit mayroon siyang kanang kamay upang maging pansamantalang pinuno.

Pinasok nila ang isang kubo, madilim sa loob no’n at walang nakasinding gasera. Naglakad sandali si Teofilo patungo sa isang maliit na mesa kung saan naroon ang gasera at unti-unti nang nagliwanag sa loob ng kubo.

"Maupo ka, kukuha lamang  ako ng mga halamang gamot upang maipang-lunas sa iyong sugat." Mahinang sambit nito at hindi na nilingon pa ang dalaga at agad na rin itong lumabas ng kubo.

Pinagmasdan ng dalaga ang mga kagamitan na naroon sa kubong. Mga armas ang naroon tulad ng mga itak, palaso at mayroon pang mga kawayan na matulis ang dulo. Natigilan siya nang maalala niya ang mansyon sa hacienda Arcillas. Hindi niya batid kung ano ang maaring kahinatnan nang kaniyang pagkawala sa mansyon lalo na dahil batid niya rin na nag-aalala sa kaniya ang kaniyang itinuturing na ina.

"Nagsasabi po ako ng totoo mayor doma, hindi ko po nilagyan ng kahit na anong lason ang alak na inihandog kay heneral Edilberto!" tumatangis na saad ng isang serbidora habang nakaluhod at magkadikit ang dalawang palad habang nakayukong nakaharap sa mayor doma.

"Kung hindi ikaw ang naglagay ng lason  at nagdala ng alak na ‘yon, kung gayon sino?!" sigaw ni Emilada habang isa-isang pinagmasdan ang mga nakahelerang tagal silbi sa kaniyang harap. Ngunit napakunot ang kaniyang noo nang mapansing wala si Mina sa hanay.

"Si Mina. Nasaan si Mina?!" pasigaw niyang tanong dahilan upang mapalingon sa isa't-isa ang mga taga silbi.

"Mayor Doma, kagabi ay aking nakita si Mina na siyang naghandog ng inuming alak sa heneral, kung kaya't nakasisiguro akong siya rin ang nagtangkang lumason sa heneral at ang makapagpapatunay ay ang kaniyang pagtakas dahil kanina ay nagtungo ako sa kaniyang silid at hindi ko siya nadatnan ro’n." napalingon si  Emilda kay Rowena na nakayukong sinambit iyon.

Bigla na lamang siyang nakaramdam ng pangamba  para sa dalagang kaniyang nais na protektahan at batid niyang hindi iyon magagawangi Mina ngunit bakit ito umalis ng hacienda, sa anong kadahilanan?

"Makakaya mo bang maglakbay gayong mayroon kang sugat?" tanong ni Teofilo habang hinahasa ang kaniyang itak sa isang maliit na bato. Nabigyan na nang panglunas ang sugat niya at siya na rin mismo ang gumamot ng kaniyang sugat dahil mahigpit na ipinagbawal na makita ng mga kalalakihan ang talampakan ng mga babae.

Kunot noonaman siyang napalingon kay Teofilo. "Ngunit saan tayo patutungo, hindi ko rin batid kung sino ka at bakit mo ginagawa ito, ang pagtulong mo sa ‘kin kakahuyan”

Tumayo si Teofilo at saka niya sandaling pinagmasdan ang hawak niyang itak at mabilis niya itong isiniksik sa kaniyang tagiliran. "Malalaman mo rin sa oras na marating natin ang ating patutunguhan. Sa ngayon ay kailangan na natin simulan ang ating paglalakbay." Paliwanag ng binata at lumabas na ito ng kubo.

Dahan-dahan naman na napatayo si Mina at paikang naglakad palabas. Agad niyang nakita si Teofilo. Nakasakay ito sa kabayo at nakatakip na rin ang mukha nito gaya noong nakita niya ito sa kakahuyan. May kausap itong isang babae na medyo may katabaan at inaabutan niya si Teofilo ng isang kupas na baro't saya.

Muli nang ipinagpatuloyngi Mina ang kaniyang paglalakad hanggang marating  ang kinaroroonan ni Teofilo at nang babae.

Napatingin sa kaniya ang dalawa at napayuko naman ang babae at saka ito nag paalam at naglakad paalis. "Palitan mo ang iyong kasuotan dahil ang suot mo raw na ‘yan ay ang mga kasuotan ng mga taga silbi sa hacienda ng gobernador-heneral." usal ni Teofilo sabay abot kay Mina ng kasuotan.

Agad naman na sinunod ni Mina ang utos ng binata at nagtungo siya sa kubo at doon siya nagpalit. Makalipas lamang ang ilang sandali ay lumabas na siya at nakita niyang nakaupo si Teofilo sa ilalim ng malaking puno ngunit agad rin itong napatayo ng makita siya.

Naglakad na si Mina at nagsalubong sila sa kinaroroon ng kabayo. Iniangat ni Teofilo ang kaniyang kanang kamay na siyang ikinagulat ng dalaga. “B-Bakit?takang usal niya.

“Tutulungan kitang makasampa sa ka bayou. ”simple ng tugon ni Teofilo at kinuha na niya ang kamay nito at mabilis na binuhat at isinampa sa kabayo. Mabilis rin siyang sumampa at hinawakan ang tali ng kabayo.

Hindi naman maiwasan ni Mina na mailang sa kanilang pwesto dahil siya ngayon ang nasa unahan habang nasa kaniyang likuran naman si Teofilo. Nagulat siya ng maramdaman ang isang balabal na ipinatong sa kaniyang ulo.

“Isuot mo ‘yan at itago mo ang iyong mukha at kamay upang hindi makita ang iyong hhitsura”saad pang muli ng binata at saka nito mabilis na pinatakbo ang kabayo.

"Mabilis pong kumalat ang balita sa bayan na kayo po ang nag-utos sa taga sibling ’yon na lasunin ang Heneral. Sa ngayon po ay nagpapasalin-salin na ito sa mga mamamayan." saad ni tenyente Antonio habang nakatayo sa harap ni gobernador-heneral Vicente. Nakaupo naman sa gilid si Francisco habang tulala at malayo na ang nararating ng kaniyang pag-iisip.

Hindi naman tumugon ang gobernador-heneral at nanatili itong nakatingin sa umuusok niyang tobacco. Maya-maya  ay kinuha niya iyon sabay tingin ng diretso sa tenyente.

“Magtungo na kayo sa Laguna at aking aasahan na mapapalaya ninyo ang laguna laban sa mga banyaga.”Seryoso nitong saad dahilan upang mapa-angat ng tingin si Francisco.

“Ngunit gober—” hindi na nito natuloy ang sasabihin nang biglang umiling ang gobernador-heneral. “Mas kailangan ng sundalo upang mapalaya ang Laguna, ako na ang bahala sa problemang nangyayari rito. Aasahan kong makakabalik kayo ng ligtas at magagawa ninyong ipaglaban ang lalawigan ng Laguna."Dagdag pa nito at saka tumayo at naglakad patungo sa bintana.

Tumayo na lamang si Francisco dahil wala na rin naman siyang magagawa upang manatili sa Cavite at hanapin si Mina na siyang pinagbibintangang lumason kay heneral Edilberto. Kailangan niyang gawin ang ipinag-uutos ng gobernador-heneral sapagkat iyon ang kaniyang tungkulin.

Hindi na sila nagpaalam pa  at tuluyan na silang naglakad palabas ng silid. Nang marating nila ang kanilang mga kabayo sa labas ng mansyon ay agad na silang sumakay at naunang patakbuhin ng tenyente ang kabayo nito.

Hawak ni Francisco ang tali ng ka bayou at saka ito huling beses na nilingon ang mansyon. Nag-aalala siya sa dalaga dahil sigurado siyang sa oras na mahuli ito ng mga tauhan ng gobernador-heneral ay maparurusahan. Ngunit naniniwala siyang hindi ito magagawa ng dalaga. Sigurado siyang takot na takot na si Mina.

Nilingon niya ang daan kung saan pinatakbo ni Antonio ang kabayo at mabilis niyang pinatakbo ang kaniyang kabayo at hinabol ang tenyente.

Magtatakip silim na nang marating nila ang kuta ng mga rebelde sa Silang Cavite. Walang makikitang ilaw sa buong paligid  kaya't bumaba si Teofilo at ang tali na lamang ng kabayo ang kaniyang hinawakan. Nanatili namang nakasakay si Mina sa kabayo habang inaaninag ang paligid.

“Telong?”usal ng isang lalaking nakaupo sa ilalaim nang puno at saka nito sinindihan ang gaserang nasa tabi nito at naglakad palapit sa kinaroroonan nila.

Tinanggal ni Mina ang nakapatong na balabal sa kaniyang balikat at saka siya napalingon sa lalaking papalapit. "Nakabalik kana! " ngiti nitong saad at saka nabaling ang paningin sa dalaga at bakas sa mukha nito ang pagkabigla.

“S-Sino ang binibining iyong kasama?”napaiwas ng tingin si Mina.

 Hindi naman na tinugon ni Teofilo ang tanong na iyon at naglakad na ito habang hila ang tali ng kabayo na sinasakyan ni Mina.

Pinasok nila ang mahalaman na bahagi at doon ay may isang kawayan na pasukan. Kunot ang noo ni Mina dahil wala siyang ideya kung ano nga ba ang kanilang ginagawa sa kakahuyan. Tuluyan na nilang nalagpasan ang kawayan na iyon at doon bumungad sa dalaga ang mga bahay kubo at ilang tao.

Napalingon sa kanila ang ilan sa mga ‘yon at kasabay noon ay ang palapit nito at pagbati kay Teofilo.

"Ikaw ang sinasabing anak nina Flordelisa at ng aking kapatid na si Marcelo, " turan ni tatay Arturo habang pinagmamasdan ang dalaga, naguluhan naman si Mina sa tinuran nito.

"Kapatid niyo ang aking ama?" tanong ni Mina habang diretsong nakatingin sa matanda na aagad ‘ring tumango. "Namatay ang aking kapatid dahil sa hindi patas na pamamalakad ni heneral Edilberto. Namatay siya kasama ang iyong ina sa pangbibintang na kasapi sila sa aming mgarebelde," dagdag pa ni tatay Arturo dahilan upang mapakunot ng noo ang dalaga.

"K-Kayo ay mga rebelde?" napatayo si Mina dahil sa gulat.  "Galit ako sa mga rebelde sapagkat dahil sa kanila ay namatay ang aking mga magulang, maging kayo man ay hindi patas sapagkat ni hindi ninyo nagawang iligtas ang mga nabihag noong araw na iyon!" madiin na saad niya kasabay ng pagbukas ng pinto at iniluwa noon si Teofilo.

"Huminahon ka binibini sapagkat hindi lamang ikaw ang nawalan dahil maging kami, nawala ang aming pinuno at nawala rin ang aking ama." seryosong saad ng binata habang diretsong nakatingin kay Mina.

"Hindi kami ang dapat mong kapootan kun’ndi dapat sa mga tunay na kalaban. Ipinaglalaban lamang namin ang aming mga karapatan kung kaya't hindi kami ang totoong masama. " Dagdag pa nito dahilan upang kumalma ang kalooban ng dalaga at unti-unti itong napalingon kay tatay Arturo na noo'y nakatingin kay Teofilo.

Malalim na ang gabi at nanatili lamang na nakatingin si  Emilda sa bintana sa silid ni Mina. Mas pinili niyang mantilla ro’n dahil sa matindi niyang pag-aalala sa dalaga. Nagpakalat na rin ng patalastas ukol sa nangyari at nais ng heneral na madakip ito at pagbayarin.

"Mas nanaisin ko na lamang na manatili ka kung nasaan ka naroroon, Mina. Nawa'y nasa mabuti kang kalagayan at hindi ka matunton ng mga sundalo at guardia civil na naghahanap sa iyo.

Tumayo na siya at hinila ang manipis na kahoy na siyang nagsisilbing haligi upang bumukas ang bintana. Tinanggal na niya iyon upang isara. Kinuha niya ang gasera na nagsisilbing ilaw sa madilim na silid at inumpisahan na niyang maglakad. Ngunit natigilan siya nang mahagip ng kaniyang paningin ang puting tela sa ibabaw ng mesa, nilapitan niya iyon at saka niya hinawakan at pinagmasdan.

"Ito ang balabal na madalas niyang suot, " usal niya habang bahagyang napapangiti. Pinagmasdan ang bawat gilid ng tela kung gaano kaganda ang pagkakagawa noon.

Nawala ang ngiti sa kaniyang labi ng makita niya ang nakaburdang bulaklak sa dulo ng balabal. Isang maliit at puting bulaklak na sa unang tingin niya pa lamang ay nakasisiguro na siyang isa lamang ang nagmamay-ari ng balabal na iyon. Si Lorente na kaniyang naging señorita noon

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status