Ilang beses akong napabuntong hininga habang sinulyapan sa huling pagkakataon ang kumpanya na pinagsilbihan ko ng ilang taon bago tuluyang tumalikod. Pumunta akong parking kung nasaan ang kotse ko’t dumiretso sa drivers seat matapos ilagay ang kahon sa compartment.
Ano nang gagawin ko ngayon? Pinaandar ko ang makina pero muli akong napamura sa ilang beses na pagkakataon. Ayaw nanaman gumana. Malàs talaga, kainis. Malakas akong napahampas sa manibela sa sobrang irita kaya nakagawa iyon ng malakas na tunog matapos kong matamaan ang busina. Lumabas akong muli ng sasakyang bagsak ang balikat. Natigilan ako nang matanaw sa hindi kalayuan ang lalaki na nagdala sa batang umiiyak kanina. Namangha ako sa ganda ng kotse nito dahil talaga namang mamahalin. Porsche. Lalo tuloy akong nakuryos kung sino ang lalaking ’to. Tumama ang tingin ko sa batang sasakay na sana sa kotse pero nakita ako. Dala niya pa rin ang panyo ko. Lumiwanag ang mukha nito at biglang tumakbo sa akin kaya natigagal ako. “Mama!” Ha? Hindi ako nakapagsalita nang bigla siyang yumakap sa baywang ko habang nakaangat ng tingin sa akin. “Mama...” masayang gayak niya kaya lalo akong naguluhan. “Nevi!” sigaw ng lalaki’t tumakbo rin papunta sa akin. “I’m not your mom, baby,” malambing kong saad sa bata habang nakangiti sa takot na bigla itong umiyak nang pantayan ko siya at hinawakan ang mga braso niya. “Why do you keep touching him?” kinuha ng lalaking malamig pa sa ex ko noon ang bata at tinignan ako nang masama. Itong taong to konti na lang bibingo na sa akin ’to. Napakasama ng ugali. “Ano bang problema mo? Mukha ba akong virús na hindi puwedeng hawakan?” hindi ko na napigilang magsalita dahil kanina pa niya ako sinusungitan. Mukha pang siya ang nirereglà sa aming dalawa, ah. “She’s mama,” muling gawad ng bata at tinuro ako. Muli itong yumakap sa akin na bakas ang saya kaya natigagal nanaman ako. Mahilig ako sa bata, pero hindi ko pa pinangarap na maging nanay, jusko po. Ramdam ko ring natigilan ang lalaki. “How–” hindi nito maituloy ang sasabihin kaya taka ko itong tinignan. Malamig itong sumulyap sa akin at tinignan akong diretso sa mga mata. “What did you do to him?” blankong aniya dahilan para umarko ang kilay ko. “He never speaks.” Lalo akong nagulumihanan. “He never talks to anyone.” What did he mean? Nakauwi na ako lahat-lahat pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina. Did something happen to that child causing him to barely speak to anyone? Ayaw niya ring ipahawak ang bata sa akin at ramdam ko ring pati siya ay maingat na hindi hawakan ng iba. It made me more curious about them. Inihiling ko ang ulo. It’s not my business to peek with someone’s hole anymore. Bukod doon ay baka hindi na kami magkita pa kaya mas mabuting kalimutan ko na lang ang nangyari. Ilang beses akong napatingin sa orasan at nakitang alas nuebe na. Bumuntong hininga ako dahil lumamig na lang ang pagkain ay wala pa si Hafiz. Maya-maya ay narinig ko ang tunog ng pinto kaya lumiwanag ang mukha ko. Mabilis akong pumunta roon para salubungin siya pero nang magtama ang mga mata namin ay bakas ang pagod sa kaniya. Ito ’yung tingin niyang nakasanayan ko ng makita kapag nakikita niya ako. Tingin na para bang wala na siyang pakialam pa sa akin. Hafiz has been my boyfriend for almost six years. Noong una normal lang kami gaya ng ginagawa ng mga magkasintahan. We often date before, yayayain niya akong kumain sa labas at manood ng movie sa bahay. Akala ko habang buhay kaming ganoon pero pansin kong habang tumatagal ay pabago siya nang pabago. Malamig siyang makitungo sa akin ilang buwan ang nakalilipas pero pinanghawakan ko pa rin ang pangako niyang pakakasalan niya ako. Masakit, oo. Kasi sa aming dalawa pakiramdam ko ako na lang ’yung gumagawa ng paraan para kumapit sa relasyon namin, pero anong magagawa ko? I love him. Siya ’yung nariyan noong panahong kailangan ko ng taong mapagsasandalan. “Have you already eaten? I cooked your favorite–” “I’m tired. Can you please let me rest?” Nilampasan niya ako pero sinundan ko siya. “Pero hindi ka pa kumakain. Hinintay kita para sabay na tayong kumain–” “For f*cks sake, Vien! Puwede ba tigilan mo muna ako? Pagod na pagod na ako sa’yo.” Napahawak ako sa dibdib nang maramdaman ang biglang pangingirot nito. Muli niya akong nilampasan at malakas na isinara ang pinto ng kuwarto niya at hindi manlang ako nilingon. Pilit akong ngumiti at pumunta sa kusina para kumaing mag-isa. It’s alright, Seph. Pagod lang siya kaya siya ganoon. The reason why I’m afraid to lose my job is because I can only rely on myself. Hafiz and I have a relationship but it’s nothing to do with our lives. Isa rin sa mga rason kung bakit ayaw kong makipaghiwalay sa kaniya ay wala akong mapupuntahan. It’s his condo. Kapag umalis ako rito ay baka sa lansangan na ako mapulot pa dahil wala naman na akong pamilyang matutuluyan. I don’t have friends. At ang tanging mayroon lang ako ay ang kotse ko na pinamana pa sa akin ni mama bago siya mamatày na ngayon ay marami na ring sira. Pareha kaming may trabaho, pero ang sahod na iyon sa sa sarili lang din namin napupunta. Para tuloy kaming mga estranghero lang na tumira sa isang bubong. Ang kaniya ay kaniya lang, at ang sa akin ay akin. Kapag nakita niya akong walang makain ay wala rin iyong pakialam. Ngayong wala na akong trabaho ay baka hindi nanaman ako makakain ng ilang linggo nito kung hindi ko pa pipiliting maghanap agad. Napintig ang tainga ko nang marinig ang doorbell mula sa labas ng condo kaya kumunot ang noo ko. May bisita bang inaasahan si Hafiz? Ilang beses pa iyong tumunog kaya tumayo na ako’t tinignan ang peephole pero hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki dahil masiyado itong matangkad. Sinong pupunta rito ngayong alas onse ng gabi? Kahit nagtataka ay binuksan ko ang pinto. Bungad no’n ay isang lalaking suot ang isang itim na tuxedo na mayroong earpiece sa kanang tainga. May hitsura siya, kaga mukha naman itong disente at hindi kayang gumawa ng masama. Tinignan muna ako nito mula ulo hanggang paa bago pekeng umubo. “Is this Ms. Varsouvienne Sephy Adleah's house?” Umarko ang kilay ko. “I am. Who are you?” “Mr. Navier wants to see you.” Navier? It sounds familiar. Is it the Navier I know? Ang lalaking isa sa mga mayayaman na business man? “Are you throwing jokes at this hour?” inis kong saad dahil walang matinong taong kakatok ng ganitong oras para lang sabihing gusto akong makita ng lalaking hinahangaan at gustong makilala ng lahat. Paanong gusto niya akong makita e hindi naman kami magkakilala? Pinagtitripan ba ako ng taong ’to? Tumikhim ang lalaki’t umiling. “Sorry for informality,” yumuko siyang bahagya, “I’m Satiro, his butler. Mr. Navier Louvile is asking to see you regarding what happened earlier due to an emergency. He wants to speak with you.” Kuryos din ako sa hitsura niya pero, paano niya nalaman kung sino ako’t saan ako nakatira kung totoo kang hinahanap niya ako? Anong kailangan niya? At para saan ang pag-uusap naming dalawa? Pero paano nga kung siya iyon? Ano kayang hitsura ng taong iyon? “If you’re doubting we can call hi–” “No need.” Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko bago lumabas. Alam kong maling magtiwala agad, pero hindi naman siguro nagsisinungaling ang taong ito. Inuna ko nanaman ang kuryosidad ko. Mukha naman siyang disente. Bukod pa roon, wala silang makukuha sa akin kung sakali mang kídnáp ito. Nakasunod lang ako sa kaniya nang makababa kami sa parking lot. Namangha ako sa sasakyang pinaghintuan namin dahil walang-wala ang sasakyan ko kumpara rito. Ferrari. Ngayon pa lang ay namamangha na ako sa kung anong maaaring maging hitsura ng bahay na pupuntahan namin dahil pakiramdam ko ay totoo nga ang sinasabi ng lalaking nasa harap ko. Hinanap ko ang kotse ko pero sinabi nitong doon ako sasakay sa kotse niyang dala kaya hindi na ako umalma dahil minsan lang ako makasakay sa mamahaling sasakyan. Habang tinatahak ang daan ay hindi ko mapigilang mapa-isip sa kung ano ang pag-uusapan namin. Isa lang akong ’di hamak na simpleng empleyadong nawalan ng trabaho. Ilang oras din ang tinahak namin kaya alas dos na nang makarating. Bumungad agad ang napakalaking gate na kulay ginto kaya hindi ko mapigilang mapa-awang ang bibig sa sobrang mangha. Ilang carat kaya ito? Tiyak akong milyon ang halaga ng tarangkahan pa lang na ito. Maaari ko nang mabili ang lahat ng gusto ko kung sakali.Years passed, and everything came back to normal. Maayos na ang lahat. Anim na taon na si Nevi ngayon at magpipito sa susunod na buwan kaya masiyado akong abala sa pagpaplano dahil gusto ng mga lola niya na magarbo ang pitong kaarawan ng anak ko. Magaling na si Navi, maging si Nevi, dahil nakagawang muli ng gamot si Ma’am Viska. May bago na siyang organisyon na binuo ngayon at isa na rin siya sa mga sikat na siyentipiko sa buong Pilipinas. I’m really proud and thankful to her because she treats me as her own child. At si Navi? Iyon, lalong naging busy dahil sa dami at sunud-sunod na proyekto nila sa kumpanya. Everyone already knows him, even me, because he already introduced me to everyone kaya hindi na namin kailangang magtago sa midya. Nakapagtapos na rin si Sean ng kolehiyo at mayroon nang magandang trabaho. Ang mas ikina-pproud ko pa lalo ay isa na siyang magaling na Lawyer ngayon. He pursued his dreams despite of the problems we faced. I am really proud of him. N
Her POV (End of Flashback) 2 Months After. I don’t know what to feel and react after realizing how much Eirin suffered more than me. I couldn't imagine she did all of that to save me but all I did was nothing. I was f*cking dúmb for not remembering the only best friend I had all those f*cking years. Akala ko mag-isa ako. Pinaniwalaan kong tanging sarili ko lang kakampi ko pero hindi ko inisip na may mga tao palang handang gawin ang lahat ng bagay na iyon para sa akin. She diéd... because of me. Sarili ko ang sinisisi ko sa lahat. Kung hindi siguro ako naaksidenté noong araw na iyon ay mapipigilan ko pa siya sa bagay na ginawa niya. Ang sakit isiping mas pinili niyang mamatày para sa amin. Gusto kong balikan ang lahat. Kung may kakayahan lang akong balikan ang araw na iyon ay gagawin ko para bumawi sa kaniya. Gusto kong humingi ng tawad, gusto ko siyang yakapin at sabihing kung gaano siya kahalaga sa akin. Mas pipiliin kong ako ang mawala kaysa nagdudusa ako nang ganito.
(5 MONTHS AFTER)“I’m sorry...” kinuha ni Navi ang larawan ni Seraphina tabi ng abo nito’t hindi napigilang mapaluha dahil sa pagsisisi.Nagsisisi siyang wala siyang alam sa nangyari’t nagsisisi siyang may babaeng nagsakripisyo para mailigtas ang buhay niya. Nasasaktan ito dahil hindi manlang siya nakapagpasalamat, hindi manlang niya napigilan si Seraphina sa gusto nito. Namatày ang babae dahil sa kaniya... para mabuhay siyang muli.“I’m sorry for everything... I’m sorry.”Wala siyang ibang gustong sabihin kundi humingi ng tawad dahil nasasaktan ito. “W-why didn’t you tell me?” pinunasan ni Navi ang mga luha. “Why didn’t you tell me you’re suffering? Bakit? Ako dapat ang nasa kalagayan mo... b-bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?” Tila nakikiramay sa kaniya ang alon mula sa dagat sa lakas ng hampas nito sa tubig. Alas singko na ng hapon kaya palubog na rin ang araw. Narito siya para tuluyang mamaalam sa babaeng minsan na ring naging parte ng buhay niya. Kay Seraphina. “I ho
THIRD PERSON'S POVDinig ang malakas na tunog mula sa pulis at bumbero habang tinatahak nang mabilis ang daan papunta sa hospital. Sakay ng mga ito ang isang babaeng puno ng dugó sa katawan at halos maligo na sa pulang likido dahil sa malakas na pagtama ng isang kotse’t truck sa sinasakyan nito.Hinang-hina at halos hindi na makahinga nang maayos si Viene– mali, si Seraphina, bago pa man siya maisalba ng mga ambulansya. Nang makarating sa hospital kung saan din isinugod si Navi ay mabilis na itinakbo ng mga nurse si Seraphina sa emergency room pero nakasalubong ng mga ito si Dr. Lim, ang doktor ni Navi.“A-anong nangyari?!” gulat nitong tanong nang makilala si Seraphina na asawa ni Navi. “She got into an accidént, doc...”Kahit nanghihina ay pinilit na minulat ng babae ang mga mata’t tinignan ang doktor habang patuloy sa pag-agos ang mga luha. “P-please... s-save Navi...” Umiling ang doktor at iginayak ang mga ito papunta ang mga ito sa emergency room kung nasaan din si Navi.“Jus
“Sino ba kasing nagsabing sumama ka pa?” inis kong panenermon kay Navi matapos nitong magreklamo dahil masiyado raw masikip ang suot niyang t-shirt polo. Ilang beses ko na itong sinasabihang manatili nalang sa opisina niya’t magpakalulong sa trabaho nang matuwa ako. Nagpresinta kasi akong ako nalang ang magdilig ng mga halaman sa hardin ngayon kasama si Nevi dahil wala naman kaming gagawin buong maghapon pero itong tatay niya ay namimilit pang tumulong. Ewan ko sa taong ’to. Simula noong nagising sa hospital ay hindi na pumapasok at sa bahay nalang nagtatrabaho kaya sa akin nangungulit. “Mas maraming gagawa mas madali,” suhestiyon niya na ikinairap ko. “Hindi ka naman marunong magdilig, papa,” bulol na ani Nevi kaya natawa ako. Naglalakad kami papunta sa hardin ngayon suot ang damit na sinusuot ng mga hardinero’t hardinera. Hawak ni Nevi ang kamay ko sa kanan habang kay Navi ang sa kaliwa. Naiilang tuloy ako dahil sa tinginan ng mga katulong na parang inaasar pa kami dahil sa
Alam ko ang sinasabi nilang chip na nasa katawan ko. Pero hindi nila sinabing nasa puso ko iyon. Hindi ko alam ang itutugon, hindi ako makapagsalita. Tila nawala sa wisyo ang isip ko sa dami ng pumapasok sa akin. Bakas ang lungkot sa doktor habang tahimik na nakatingin sa akin. Tears from my eyes wanted to flow down my cheeks again but I restrained myself because It won’t help the situation. Ilang minuto kaming naging tahimik, tila binibigyan ako ng doktor na makapag-isip nang mabuti kaya hindi ko alam ang gagawin. Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit ang sinabi niyang iyon sa akin. Seeing Navi in this state hurts me, so I don’t want him to suffer again. I was trying to catch my breath as it became heavy and heavy again, not because of my illnéss, but because of what I was feeling. I don’t want to dié... but I don’t want to leave him suffering either. Bumalik sa ala-ala ko ang sinabi ng doktor ko na mayroon din akong sakit gaya ng kay lolo kaya hindi ko na napigilan ang lu
“B-bakit hindi mo sinabi?” galit kong tanong kay Sean dahil nalaman kong malala na pala ang kalagayan ni lolo bago ako makarating dito. Marami na raw butas sa puso niya’t may ilang ugat nang pumutok pero ni isa ay wala akong nalaman. “S-sorry ate... ayaw ko l-lang na mag-alala ka..." Hindi matapos sa pagbuhos ang mga luha ko ngayon sa bigat ng nararamdaman. Pakiramdam ko pinaglalaruan nalang ako. Nakaburól siya ngayon dito sa hospital mismo’t mula noong mamatày siya, ni isa ay walang dumalaw para tignan ang kalagayan niya. Tanging kami lang tatlo ang nakikiramày sa kamatàyan ni lolo dahil wala naman kaming ibang kamag-anak dito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko nang magpahinga, gusto kong pumunta sa iisang lugar at sumigaw nang sumigaw para maibsan ang bigat sa dibdib ko. Gusto ko Siyang tanungin kung ano ba ang ginawa ko’t pinarurusahan niya ako nang ganito. Gusto kong umiyak nang umiyak sa iisang kuwarto. Wala na akong mapagsasabihan. Wala na ’yung nag-iisang taong
Camers didn’t stop from its flashing and people started to throw questions at him kaya pumirmi ako sa iisang upuan kahit na hindi pa rin ako mapakali. “Why did you hide yourself from everyone? Ayaw mo bang makilala ka ng mga tao o may iba ka pang tinatago?” Hindi nakapagsalita agad si Navi nang tumayo ang isang reporter para tanungin siya na sinang-ayunan ng iba. “Showing myself won’t change anything. The only important thing is that I’m living my life, so does it matter?” Si Navi ’yung tipong ayaw sa puri ng iba, pagkaguluhan, at sabihan ng magagandang salita dahil ayaw niya ng atensyon ng mga tao. “Is it true that you have a son?” “Yes.” People gasps. Nabanggit niya sa aking ayaw niyang ipakita si Nevi sa lahat dahil delikado rin ang sitwasyon ng anak niya. Hangga’t maaari ay ayaw niyang i-expose ang anak sa social media. “Totoo ba ang kumakalat na balitang kasal ka na? Sino ang babae?” “Is it also a celebrity?” “Paano kayo nagkakilala?” “Who’s the mother of your child?
“Huwag mong sabihin sa aking lasing ka na sa dalawang tagay ng lambanog?” dinig kong tanong ni Tito sa sala kaya napatingin ako kay Navi.Napahilot ako sa sentido nang makitang namumula na ito at mapupungay na ang mga mata dahil sa kalasingan. Hindi siya umiinom at ngayon ko lang siyang nakitang ganito dahil hindi naman siya makatanggi kay tito.Matapos kasi nilang gumawa ng lambanog ay diretsong uminom ang mga ito kasama ang ilang kapitbahay para raw sa selebrasyon ng pagdating ko at ni Navi. Mga matatanda talaga ang daming alam sa buhay.Pero tignan mo, ilang minuto pa lang silang nagsimulang uminom lasing na agad siya. Hindi puwedeng uminom mag-isa ang taong ’to kung mababa ang tolerance niya sa alcohol.“Hindi pa ho ako lasing,” dispensa niya’t pasuray-suray na kung umupo bago laklakin ang isang baso ng alàk. Napatampal ako sa noo’t lumapit.“Halika na, matulog ka na.” sinubukan kong hilahin patayo si Navi pero sa bigat nito ay wala akong nagawa.“I’m not drunk yet.”“Hayaan mo m