Share

Art of Destiny V

ILANG araw na lang ay matatakda na ang kasal nina Rose Mary Gaile Villadencio at Kent Jino Zeke Domingo. Eksayted at walang pagsisidlang tuwa ang nararamdaman niya dahil sa nalalapit nilang kasal ni Jino. Magkahalong kaba din at takot ang kakambal ng kaniyang kasiyahang iyon. Hindi niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya ng takot.

Kahapon lang ay tumawag si Jino at ikinuwento sa akin na nagkita na nga sila ng totoong biological father nito pati na din ang Lola at Auntie nitong napakamaldita ang looks.

They already met na, noong nasa restaurant sila ni Jino at kakatapos lang magproposed ng binata sa kaniya.

Ang babae palang iyon ay kapatid ng totoong Dad niya. Medyo nahiya siya nang makumpirmang inaway biya at pinagselosan ang Tita ni Jino.

Sa tingin nga niya ay wala siyang mukhang ihaharap sa babae oras na magkita silang muli.

Paano ba naman kasi? Kulang na lang ay sugurin niya ang babae kung hindi lang siya napigil ng nobyo. Baka kung ngakataon ay nagkasabunutan pa sila nito at mas lalong wala na siyang mukhang ihaharap pa rito.

Idagdag pa na isang sikat na bilyunaryo at leading businessmen ang pamilya ng Del Fuego. Sa katunayan ay pagmamay-ari ng mga ito ang ang sikat na Hotel Uno sa buong Cebu.

Ang Hotel na ito ay mayroon nang 20th floor na kung dati lang ay 10th floor lang. Marami ang nais dumayo para makita at maexperience lang ang panandaliang pananatili sa Hotel na tinutukoy.

Iyong iba naman daw ay ayaw nang umuwi at umalis kaya minsan nage-extend ng spending hours sa paglalagi roon. Iyon ay ayon na din sa kaniyang pananaliksik.

Nawala saglit ang isipan niya nang makarinig ng doorbell sa tinitirhang condo unit. Simula nang tumuntong siya ng legal age ay nagpasya na siyang bumukod.

At heto na nga, unti- unti siyang nagpupundar ng sarili niyang mga assets habang nagtatrabaho sa Hope Corporation bilang Marketing Manager.

Ang kanyang Papa ang kasalukuyang CEO nang nasabing kompanya na pagmamay-ari ng Dad ni Jino na si Jake Domingo.

Jino gave her a possible ranked position in Hope Marketing Corporation. It was a huge establishment which had babies company in the entire Cebu and its neighboring cities .

When my Dad is CEO of its Branch here in Cebu, still i know for sure that Jino is someone in the business who still acquired the highest position in general.

Isang hamak na branch Manager lang ang nobyo niya pero alam niyang may mataas itong position na hindi lang trasparent sa lahat.

Imagine, ang anak ng Hope ay isang Branch Manager lang? Sinong tanga ang maniniwala doon?

Gagraduate ba si Jino sa kursong Commerse pagkatapos ng limang buwan pa.Ako nmana ay ganoon din sa kursong Business Ad major in Marketing. Impossible namang isang hamak na branch Manager lang ang ibibigay rito na posisyon sa kabila ng isa ito sa mga tagapagmana ng Hope?

'Silly!' Tanggi ng isip niya.

Kilala niya ang nobyo. He was the smartest man i've ever known. Hindi siya makapaniwalang ganoon kababang posisyon ang ibibigay sa lalaki.

Bumangon na siya ng kama after maginat. Pasado alas nuebe na pero wala pa din siyang balak bumangon.

Not after she heard this alarming doorbell!

Marahan niyang pinihit ang doorknob ngunit sumilip muna siya sa maliit na siwang para icheck kung sino ang nasa labas.

Ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang makilala ang hindi inaasahang bisita sa labas.

'Drax Steve?' bulong niya sa sarili nang makilala ang binata.

Mabilis na ibinukas niya ang pintuan para patuluyin ang bisita niya.

β€”β€”β€”β€”

SABIK na agad hinuli ng labi ni Drax ang labi ni Rose Mary. Nagulat man ay nagawang tugunin ng babae ang mga halik niya. Nauunawaan naman nito ang pangangailangan niya bilang lalaki at nobyo nito.

Matagal ding naghinang ang mga labi nila kaya naman ay binuhat niya ang babae matapos isara ang pintuan at siguraduhing nakalock.

"Matagal mo na akong hindi sinisipot kaya sobra mo akong pinasabik sa iyo." Mayamaya ay wika niya habang maingat na ibinaba ang babae sa kama. "You will be mine again."

Iyon lang at muli niyang siniil ng halik ang nobya. Masuyo sa umpisa na unti-unting naging mapusok dahil kapwa na din sila nadadarang sa mga halikan nila pareho.

Naging mapangahas na din ang pareho nilang mga kamay. Iba na din ang kahulugan ng mga haplos at yakap nila sa isa't isa. Waring mapaghanap at ayaw na sa hanggang sa paraang iyon lang.

These feelings grew deeper as they kissed each other. They long for more, more than a kiss.

Ilang sandali pa ay isa-isang nagsilaglagan ang mga damit ng mga ito sa lapag. Sa pag-iisa ng kanilang mga katawan ay naroon ang kakaibang koneksiyon sa pagitan ng mga isip at puso nila na tumatangay sa kanilang kamalayan.

Ilang sandali pa ay kapwa na alipin ang isa't isa ng sariling pagnanasa.

Mayamaya pa ay mga impit na d***g at ungol na lamang ang siyang maririnig sa pribado at nakalock na kuwartong iyon.

β€”β€”β€”β€”

MASAYANG dinalaw si Jino nina Zieth Kate nang umagang iyon kasama ang isang lalaki. Hindi ko akalaing pupunta si sa Mansion nina Lola Zenaida at Lolo Ronaldo.

Nagulat na lamang siya ng pagbaba niya mula sa kaniyang kwarto ay nadatnan niya sa sala ang mga ito na kausap nina Lolo at Lola.

Siya naman ay kagigising pa lamang at nasorpresa sa biglang pagdalaw ng mga ito.

"O, gising na pala si Jino. Better to discuss it with him." Pansin ni Lolo.

Ngumiti naman siya ng buong giliw na mapunta sa kaniya ang paningin ng lahat.

"Good morning, everyone." Bungad ko sa kanila na pupuyos-puyos pa. "What's about here na kaylangang malaman ko?"

Sinabi niya iyon dahil sa narinig niya sa Lolo niya.

"They brought a proposal for you." Si Lola naman ang sumagot. Agad naman siyang nagmano sa mga aguela nang ganap siyang makalapit sa kanila.

Bahagya akong nagulat nang may boses bata na bigla na lang akong narinig.

"Hi kuya Jino, how are you?"

Napatingin siya sa nagsalita at noon niya lang napansin na may kasamang bata pala sina Tita Zieth kate at ang kasama nitong lalaki na sa tingin niya ay asawa nito.

Sinulyapan ko naman si Auntie para magpaliwanag.

"By the way pamangkin, met my husband Kurt Steve Del Pacio." Masayang pakilala nito sa kasama. "And my son, Janzel Thor, ang panganay namin."

Kumaway muli ang bata habang nakangiting nakatingin sa kaniya. Napangiti din siya sa bata na hindi maiwasang maalala rito ang pagiging makulit at palakausap kahit sa mga taong hindi pa nito ganap na kilala.

"I forgot to tell you earlier about them." Mayamaya ay paliwanag ni Auntie nang mapansin nitong natigilan siya.

"It's okay, Auntie." Pawi niya sa parang pagbabago ng ambiance ng paligid. "Naalala ko lang ang sarili ko sa kaniya noong bata pa ako. Sabi ni Mommy, ganiyan din daw ako kakulit noon."

Isang tango ang itinugon ni Auntie Zieth Kate bilang kumpirmasyon sa sinabi niya.

"Mabuti pa siguro ay maiiwan ko muna kayo ng apo ko at ng makapag-usap kayo. Pupunta lang ako ng komedor upang personal na maghanda ng inyong mameryenda." Basag ni Lola sa malapit na katahimikang ibig mamayani sa pagkikita nilang mag-anak.

"Samahan na kita."suhestiyon ni Lolo. "Bueno apo, maiiwan na muna namin kayo. Alam kong may seryuso kayong paguusapan na hindi dapat naming marinig. We will be back in a few minutes."

Hindi na hinintay ng mga ito na sumagot pa ako. Agad nang pumasok sa loob ang kaniyang nga agwela na parang may lihim ding paguusapan.

Para kasing aligaga ang mga ito habang naroon sa sala at kasama sina Auntie na parang hindi komportableng kasama ang pamilya ng mga kriminal.

Minsan na din siyang pinaalahanan ng mga ito noon na magingat sa mga ito. Pinagsabihan nga ako ng dalawa ng malamang pumunta ako sa Mansiyon Del Fuego.

Ayuko na sanang makatkat ang nakaraan ng mga ito o pagusapan ang tungkol doon pero hindi ko naman sila masisisi pareho.

I know they just doing it to protect me against the posibilities, if so ever na magkatotoo man ang mga sapantaha ng mga ito laban sa kanila.

Sandali niya munang pinalis sa isipan ang tungkol doon at ibinaling ang atensiyon sa magasawang kausap niya.

"Siyanga pala Tita, magtotoothbrush lang muna ako, babalik din ako kaagad. Umupo lang po muna kayo sandali dito at babalik din po ako kaagad." Mayamaya ay wika niya na bahagyang inamoy ang bungang sa pamamagitan ng pagtakip niyon.

Nakangiti namang tumango ang babae at sinulyapan sila isa isa na parang hinihingi ang pang unawa ng mga ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status