All Chapters of Maria: Chapter 21 - Chapter 30
31 Chapters
Chapter 20
Tumagal din ng kalahating oras ang pagyanig ng buong paligid. Madami ang napinsala sa loob ng kombento at simbahan. Bitak-bitak ang mga pader na semento. Ang ibang bahagi ng dalawang gusali ay nagbagsakan pa at tuluyan ng gumuho. Marami rin ang nasugatan at nasaktan. Ang iba ay nilapatan ng pangunahing gamot at ang ibang malala na ay dinala sa ospital. Naiiyak si Maria habang tinitingnan ang lahat. Hindi niya alam ang gagawin, hindi siya halos makagalaw sa kinatatayuan niya. Bumalik lang siya sa katinuan ng makita niya si Thaddeus kasama ang tiya Olga niya.Hindi na ito muling nakabalik pa ng iwan siya nito sa harden hanggang sa huminto ang malakas na lindol."Thaddeus! Tiya Olga..." Agad siyang lumapit sa mga ito. Galing sa simbahan ang mga ito kasunod na rin nila si Padre Antonio na halata sa hitsura ang pagkabahala.Agad na niyakap si Maria ng tiyahin niya."Salamat sa Diyos li
Read more
Chapter 21
"Paano namin mahahanap ang malaking balon sa bundok Himalaya?" Tanong ni Maria sa matandang babae na halos hindi na kumukurap. Para itong mangkukulam sa tingin niya. Pero sabi ay isa itong manggagamot,manghuhula at lahat na yata ay alam na nito. "May iniwan akong palatandaan sa dadaanan ninyo, sa bawat punong madadaanan ninyo ay may puting pangulay akong idinikit doon." Sagot ng matanda sa kanya, napatango siya. Binalingan nito si Thaddeus."At ikaw, alam kong madami kang katangungan, itanong muna." Sabi ng matanda kay Thaddeus, nakita niya ang pagbaba at pagtaas ng gulung-gulungan nito sa leeg. Hindi siguro nito inaasahan na mababasa ng matanda ang nasaisip nito."Alam mo po ba na nanggaling ako sa hinaharap at–" "Alam ko." Putol ng matanda sa sinabi ni Thaddeus. Muling nagsalita ang matanda."At sa takdang panahon ay makakabalik ka rin sa hinaharap." Sabi nito sa seryosong boses. Ma
Read more
Chapter 22
Hindi alam ni Thaddeus kung bakit mag-uumaga na ay hindi pa rin siya makatulog. Gusto niyang puntahan si Maria sa silid nito pero nagdadalawang isip siya. Alam kong iniiwasan ako nito kaya dapat iwasan niya rin dahil siguradong pareho silang dalawa masasaktan sa bandang huli. Masaya siya na ibinigay nito ang sarili sa kanya. Habang panahon niya iyong pangangalagaan sa puso niya. Sana hindi na siya makabalik–Napukaw siya sa kanyang pag-iisip ng marinig niya ang malakas na sigaw ni Maria. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at nagmamadaling lumabas sa silid. Humahangos siyang nakarating sa labas ng pinto sa silid ni Maria. Sinubukan niya itong buksan pero hindi niya mabuksan. Kinalabog niya na ito pero wala pa ring nangyari, napansin niyang umiilaw ang pulseras niyang suot. Mas lalo siyang kinabahan dahil nagpapahiwatig lang ito na nadito si Azreal! Ubod lakas niyang sinipa ang pintuan, bumukas ito at
Read more
Chapter 23
"Hanggang dito na lang po tayo Señorita." Ani ng driver sa sasakyan ng ihinto sila sa may bukana ng bundok, papasok ito at madaming puno sa gilid ng daanan. May mga iba't-ibang klaseng damuhan at halaman."Salamat po." Pasasalamat ni Maria rito. Sabay sila ni Thaddeus na bumaba sa sasakyan. "Mag-iingat po kayo." Sabi ng driver sa kanila, nginitian niya lang ito bilabg tugon sa sinabi nito.Muling hinawakan ni Thaddeus ang kamay niya saka sabay na silang naglakad papasok sa bukana ng bundok. Alam ni Maria na madalang lang ang mga umaakyat sa bundok Himalaya, ang iba ay kapag nagpapadasal ang mga ito o kaya ay nagpapagamot. Tahimik ang buong paligid, tanging huni ng ibon at mga tuyong damo na naapakan nila ang naririnig nilang ingay.Tahimik lang din sila ni Thaddeus at kapwang mabibilis ang mga hakbang nila na para bang takot na maabutan ng gabi sa daan.Bawat malalaki
Read more
Chapter 24
Nagpapalag si Maria at pilit na kumakawala sa pagkakasakal ni Azreal sa kanya. Umilaw ang suot niyang pulseras saka nag-umpisang umusok ang katawan ni Azreal. Para itong napaso ng bigla siya nitong bitawan at lumayo sa kanya. Muli siyang napaluhod sa lupa. Mas lalong nanlilisik ang mga mata nito dahil sa sobrang galit. Pati na ang anyo nito ay sa sobrang galit ay unti-unti ng nag-iiba.Nasisindak siya sa nakikita niyang anyo nito. Hinahaplos niya ang kanya leeg na para bang tinatanggalan niya ng bara sa lalamunan. "Na sa'yo ang pulseras na iyan?!" Galit na singhal nito sa kanya. "Hubarin mo iyan!!" Nanggagalaiting utos nito sa kanya."Tigilan mo na ako! Demonyo ka layuan mo ako!" Ganting singhal niya rito ng makabawi na siya ng lakas. Tumayo na rin siya at lakas loob na hinarap ito."Kahit kailan ay hindi ako mapapasaiyo! Iisang tao lang ang nagmamay-ari sa akin ngayon at walang iba '
Read more
Chapter 25
Mahal kong Thaddeus,Hindi na kita hinintay pa na magising ka, alam kong mahihirapan akong magpaalam sayo dahil alam kong hindi ka papayag sa gagawin ko. Patawad kong mag-isa ka nalang na magtutungo sa malaking balon. Hindi mo na ako kasama. Iniwan ko ang pulseras mo para ma-protektahan ka. Pati ang kuwentas, ikaw na ang maghulog sa balon. Maglakbay ka na kung kaya na ng katawan mo pero kung hindi pa ay huwag mo ng pilitin. Umalis ako para linlangin si Azreal, habang ginagawa ko iyon ay malaya kang makapaglakbay na walang panganib o sagabal. Ako lang naman ang kailangan niya kaya ako lang ang susundan niya. Sana pareho tayong magtagumpay bago
Read more
Chapter 26
"Damn it!" Muling palatak ni Thaddeus sa sarili, ilang beses na niyang sinubukan na umakyat pabalik sa itaas ngunit hindi niya magawa dahil wala siyang sapat na makapitan at mahawakan.Panay mura na siya sa sarili at ang utak niya ay tumatakbo kay Maria. Iniisip niya kung ano na ang nangyayari rito. Mas lalo siyang nakaramdam ng galit sa sarili ng maisip na baka huli na siya. Baka kasama na nito ngayon ang demonyong si Azreal at nagpakasawa sa katawan ni Maria."This is bullshit!" Sigaw niya. He was beyond frustrated. Sinisi niya ang sarili kung bakit nahulog siya sa patibong na ito. Sa ngayon ay kailangan niya ng milagro.Hindi niya alam kung anong oras na dahil wala naman siyang suot na relo maliban sa itim na pulseras! Nawawalan na siya ng pag-asa ng may biglang humagis sa kanya, isang lubid ang inihagis.Napasinghap siya sa gulat at tuwa. Hindi na siya nagdalawang isip pa, hinawakan na niya ang lubi
Read more
Chapter 27
Present TimeYear 2018Kasalukuyang nasa sala si Talia nagbabasa ng magazine habang hinihintay si Daniel, kauuwi lang nito galing sa trabaho at naisipang maglinis muna ng katawan bago sila pumunta sa ospital.Napapitlag si Talia ng mag-ring ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot. "Yes?" Sagot niya sa kabilang linya."Mrs. Ambrosio, your son is awake.""Really?" Hindi makapaniwalang usal ni Talia, halos panawan siya ng ulirat sa narinig. "Yes ma'am. Na-check na rin po namin ang inyong anak at okay na po siya."
Read more
Chapter 28
"Thaddeus, are you sure about it?" Nag-aalalang tanong ni Talia sa anak. Dalawang buwan na ang nakalipas magmula ng makalabas ito sa ospital. Inaayos nito ang mga gamit sa bag pack. Magmula ng gumaling ito galing comatose ay napapansin niyang iba na ang kinikilos nito.Minsan nakikitaan ni Talia ang anak na nakatitig lang sa kawalan. Minsan ay napapasukan niya ito sa silid na tinatawag ang pangalang Maria habang tulog ito. She wanted to ask him who Maria is pero mas pinili niya nalang na itikom ang mga bibig. "Yes,mom." Tipid na sagot ni Thaddeus sa ina."Baka mapahamak ka ulit." "Mom, i will be fine." Napabuntong hininga si Talia, pinagpipilitan talaga ni Thaddeus na bumalik sa Legazpi,Albay. Babalikan niya raw ang Belle Veu Mansion dahil madami pa raw itong aasikasuhin doon.Puno ng pangamba ang puso niya pero wala siyang magawa. Hindi niya ito ma
Read more
Chapter 29
Nagising si Thaddeus kinaumagahan dahil sa ingay ng chainsaw, malamang ay nakakuha na ng tauhan si Alberto para putulin ang malaking puno sa harden. Masarap ang tulog niya kagabi, wala man lang siyang narinig na ingay o kaluskos. Lalo na ang daing at iyak ni Maria pero wala siyang narinig bagkus ay nakatulog siya ng mahimbing.Bumangon siya at nagtungo sa bathroom para magsipilyo at maligo na rin. Basa pa ang buhok ni Thaddeus ng bumaba siya sa sala, nakasuot lang siya ng sweatpants at white tshirt. Nakapamulsa siyang nagtungo sa harden. Halos nawala ang ganda ng harden dahil natatabunan ng malaking puno ang mga halaman, ang iba ay nadaganan pa. Para itong taong nakahandusay sa lupa ng tuluyan ng maputol. Binati siya ni Alberto ng makita siya pati na ang mga ibang naroon. "Magandang umaga Sir Thaddeus." Bati ng lahat sa kanya, bahagyanlang siyang yumuko sa mga ito bilang pagtugon.
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status