All Chapters of The Obsession Of A Dominant Billionaire: Chapter 411 - Chapter 420
426 Chapters
Kabanata 39 - Magnar Again
MAAGA pa lang ay nagpunta na si Marie sa Green House kung saan siya nakatuka. Hinihintay niya si Gheron. Eksaktong pagpatak ng alas-sais ng umaga, dumating si Gheron. Walang ekspresyon mga matang nakatingin sa kaniya."Come with me."Tumango siya at agad na sumunod sa binata. Nauna itong humakbang at malalaki ang hakbang na ginagawa nito kaya halos tumakbo na siya para mahabol ang binata."Here. Gamitin mo 'to." Pabagsak na binigay nito sa kaniya ang mabigat na gamit pang-lalaki.Nasa likuran sila kung saan gawain ng mga lalaki ang pwede ro'n sa bahagi ng farm. Ngayon ay papalapit na ang spring season, konti na lang din ang yelo pero malamig pa rin ang klima."Huwag kang tumunganga, Ms. Antopina. Trabaho ang pinunta natin rito, hindi ang tumunganga lang.""Sorry, Sir."Umungol lang ito na parang 'di sangayon sa pagtawag niya ng 'Sir' dito.Ilang sandali pa ay nagsimula na silang magtrabaho. Magtatannggal ng yelo ang una nilang gawin pero hindi naman kabigatan na trabaho iyon. Imbes na
Read more
Kabanata 40 - I Love You
Nagdalawang isip si Marie kung sasabayan ba niya si Magnar, baka makita na naman siya ni Gheron baka kung ano ang iisipin nito. Pero nawala lahat ng pagdadalawang isip niya nang malanghap ang bagong luto na dala nito. Parang sa tabing daan lang nito binili ang lutong Pinoy at amoy na amoy niya ang adobong baboy."Ayaw mo ba talaga?"Nag-atubli siya. "Anong oras na ba?""Break time na. 10 A.M!""10? Ang bilis ng oras." Napailing siya. Kung gano'n, kanina pa pala siya nagtatanim. May isang oras pa bago siya puntahan ulit ni Gheron. Siguro naman pwedeng kumain lalo na at masarap ang pagkain dala ni Magnar."Ano? The food is waiting, Marie."Ngumiti siya. Para talaga niyang kaibigan si Magnar. Kung ganito sana sila dati. "Sige na nga! Gutom na rin ako.""Good!" Ngumiti ito nang matamis. 'Yong klaseng ngiti na may nakaabang na panganib sa dulo.Ito na ang nag-asikaso sa kaniya. At dahil may mesang nando'n at mga upuan, nilagay na nito sa ibabaw ng stainless table ang dala nitong pagkain. K
Read more
Kabanata 41 - Black Coffee
Sandaling natigilan ang lalaki sa kaniyang sinabi at sa isipin na titigilan siya nito at yayakapin ay nagkamali si Marie. Dahil mas lalong naging mapusok ito at hindi lang labi nito ang nagpaparusa sa kaniya ngayon, pati na ang kamay nito ay nagpaparusa sa kaniyang katawan."Mahal mo ako?" pauyam na tanong nito.Kinagat nito ang kaniyang leeg at sinipsip iyon. Napapikit siya sa sakit. Gusto niyang manulak at pigilin si Gheron sa ginagawang kabastusan sa katawan niya pero walang lakas ang kaniyang katawan."You love me now, huh? Sweet! Those are the three words I've been dying to hear from you, Marie, pero pinagkait mo sa 'kin dahil isa akong mahirap sa mga mata mo. Ngayong isa na akong mayaman, mahal mo na ako agad? Mahal mo ako agad dahil sa pera ko? Gusto mo maniwala ako?""G-gheron hindi..."Siniil siya ng halik ni Gheron at ang mga salitang gusto niyang sabihin ay tinangay ng hangin. Kung ito ang paraan para makita nito ang totoo, pwes handa niyang ibigay ang kaniyang sarili.Kahi
Read more
Kabanata 42 - Boundaries
Lahat ng mga nando'n ay napasinghap sa nakita. Lalo na siya at halos napako siya sa kaniyang kinauupuan. Ilang segundo siyang hindi makahuma sa nasaksihan at kahit hindi niya pagmamay-ari ang lalaki, pakiramdam niya buong mundo ang bumagsak sa kaniya.Dahan-dahan bumagsak ang luha sa kaniyang mata at kasabay ng pag-usbong ng hindi niya maiintindihang galit sa sulok ng puso niya, nagyuko siya ng tingin at hindi nakaligtas kay Fidel ang pag-iyak niya."Marie okay ka lang?" Umiling siya. Gusto niyang maglaho ro'n pero walang lakas ang kaniyang tuhod para tumayo. Damang-dama niya ang galit na hindi niya alam kung saan at para kanino!"Shh..." Inakbayan siya ni Fidel dahil sunod-sunod na hikbi ang kumawala sa lalamunan niya kahit anong pigil niya. "Maririnig ka nilang umiiyak. Exit muna tayo..."Tama. Exit muna siya. May isang exit door na malapit sa kusina, nagmadali siyang tumayo at patakbong umalis do'n. Sumunod naman sa kaniya si Fidel na awang-awa kahit wala itong alam sa nangyayari.
Read more
Kabanata 43 - Pamilya
TULAD nga ng sabi ni Magnar na ito ang bahala sa kaniya, ginawa nga nito. Ito ang kumuha ng plane ticket niya at hindi lang iyon, sinamahan siya nitong bumalik ng Pinas kahit ilang beses niyang sinabi rito na kaya niyang umuwi mag-isa o kaya sumabay na lang siya kay Fidel.Pero nung nasa Ninoy Airport na siya, hindi niya na hinayaan si Magnar na ihatid pa siya sa probinsya nila. Nag-alangan pa ito nung una pero nung sinabi niyang gusto niyang mapag-isa at mag-isip, napapayag niya ang binata."Advice from me, Marie. Magpalit ka ng phone kung ayaw mong malaman ni Gallagher kung saan ka." Ito ang huling sabi ni Magnar sa kaniya bago siya nito iniwan.Pero hindi siya magpapalit. Dahil kahit malaman ni Gheron kung saan siya, wala siyang pakialam. Nagtagumpay itong gawin siyang manhid. Nagtagumpay ang lalaking gawin siyang bato sa huli.Bandang gabi siya nang dumating sa probinsyang kinalakihan niya. Ang tanging dala niya ay ang kaniyang maleta at wala siyang kadala-dala kahit anong pasalub
Read more
Kabanata 44 - Magkamukha
KUNG mahirap ang buhay OFW, mas mahirap pala 'pag nasa sariling bayan at tingin ng pamilya niya sa kaniya ay isang walking atm. Kung wala siyang pera, hindi siya importante. Wala siyang halaga.At sa gabing iyon, imbes na magtampo sa kaniyang pamilya... Mas pinili niyang matulog at kalimutan saglit ang lahat. Pero kahit sa pagtulog niya, paulit-ulit niyang nararamdaman ang marahas at masakit na halik ni Gheron sa kaniya. Ang parusang binigay nito na hindi lang mundo ang napunit sa kaniya, kundi pati na rin puso.Kinabukasan, para siyang walang pakiramdam na bumangon para paglutuan ang pamilyang lahat ay gagawin niya. tulad nung nakagawian niya noon, siya lagi ang naghahanda sa bawat almusal ng lahat. Nagluto siya ng hotdog at scrambled eggs. Nagsangag din siya ng kanin at eksaktong pagkababa ng mga kapatid niya, deritso na ang mga ito sa mesa."Saan si Mama? Hindi ba tayo sabay-sabay kumain?""Hindi iyon sasabay. Galit si mama sa'yo, ate. Bakit kasi umuwi ka?" tinatamad na tanong ng k
Read more
Kabanata 45 - Halaga
MABILIS na lumipas ang isang linggo niya sa probinsya. Walang nagbago sa pagtrato sa kaniya ng kaniyang pamilya lalo na ngayon wala siyang pera sa mata ng mga ito. Nagkaroon din siya ng maliit na pwestuhan sa may kanto at nagtitinda ng kahit ano. Kahit papaano, may kita siya pero hindi malaki tulad ng kita niya sa pagiging fruit picker sa Japan."Pabili po, Aling Marie!"Natawa siya nang paglingon niya ay si Fidel ang kaniyang nakita. "Anong ginagawa mo rito?""Tulungan kang magtinda, ano pa ba? Saka maghahanap ako ng mapapangasawa rito sa purok niyo."Nagkibit lang siya sa sinabi nito. Mas mabuti ngang nandito ito ngayon, uuwi muna siya saglit sa bahay at maghahanda ng tanghalian. Nakiusap siya sa binata na bantayan muna nito ang mga paninda niya at pumayag ito basta dalhan niya raw ito ng ulam.Pero nasa malayo pa lang siya, dinig na dinig niya ang pag-aaway ng kaniyang magulang. Babae na naman siguro ng ama niya ang dahilan ng pag-aaway ng mga ito at kahit gusto niyang makisali, pi
Read more
Kabanata 46 - Connection
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy
Read more
Kabanata 47 - Sorry
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Read more
Kabanata 48 - Magustuhan Mo
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
Read more
PREV
1
...
383940414243
DMCA.com Protection Status