Lahat ng Kabanata ng Loving the Beast: Kabanata 11 - Kabanata 20
20 Kabanata
Chapter Eleven
Marahang humugot ng buntong- hininga si Luc habang hawak sa kanang kamay ang kopitang may lamang alak. Pinaikot- ikot niya ang hintuturo sa bunganga niyon habang matamang nag- iisip. Nasa loob siya ng kanyang opisina at hindi mawala sa isipan niya ang naging pag- uusap nila ni Callehan na siyang lubos na nagpagulo sa kanyang isipan. Muli ay naalala niya ang huling sinabi ng lalaki."Kaya mo bang saktan at gawing kasangkapan sa iyong paghihiganti ang kaisa- isang alaala na iniwan ni Delaney?""Ano ang ibig mong sabihin? Sabihin mo sa akin kung ano ang nalalaman mo, Willmore!""Why don't you find it yourself? Magaling ka, hindi ba?" Binitawan ni Luc ang hawak na kopita at tumayo mula sa pagkakaupo. Humakbang siya palabas ng opisina at tumuloy sa kanyang silid na nasa ikatlong palapag. Lumapit siya sa built-in cabinet at mula sa pinakaitaas ay kinuha niya ang isang lumang box
Magbasa pa
Chapter Twelve
"Ano'ng nangyari?" Kaagad na tanong ni Ziva, ang pack doctor ng RedTails. Marahang ibinaba ni Luc sa operating table na naroroon ang walang malay na si Abbey. Naghilom na ang sugat nito sanhi ng kagat ni Lulu, ang Harou na nakakagat dito. Kumuha ng ilang gamit si Ziva at in-eksamin ang dalaga. Pinunasan nito ang bakas ng dugong naiwan sa balikat ng babae habang kunot ang noo. Pagkatapos masigurong maayos naman ang kalagayan nito at walang natamong pinsala ay binalingan ni Ziva si Luc na kunot din ang noo at salubong ang mga kilay na natingin sa wala pa ring malay na babae."What is she?" Mahinang tanong ni Luc sa kaibigang doctor pagkaraan ng ilang sandali.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita niya kanina. Anong klaseng nilalang si Abbey?"What exactly did you see, Luc?" Balik-tanong ni Ziva sa kanya. "Isang nilalang na kakaiba. She have horns of a goat, wings of a raven and a body of a wolf." Kunot-noo pa r
Magbasa pa
Chapter Thirteen
Nakalabas na sila ng clinic nang biglang magpumiglas si Abbey mula sa pagkakabuhat ni Luc."Put me down! Put me down!" Bakas ang pagka-inis sa boses na sigaw ni Abbey kay Luc.Madilim ang anyong tinapunan ni Luc ng masamang tingin si Abbey habang patuloy ito sa pagpiglas. Padarag nitong ibinaba ang babae na mas lalo namang naimis.Nameywang si Abbey at namumula sa inis ang mukhang hinarap si Luc."What are you doing? Why am I here?!" Magka-kasunod na tanong ni Abbey.Ang huling tanda ni Abbey ay nasa loob siya ng kanyang silid. Pagkarating nila ni Gayle mula sa pag-iikot at pagtanong-tanong ay pumasok siya sa banyo at naghilamos. Pagkatapos ay humiga siya dahil para siyang nanghihina. Nanaginip siya. Isang kakat'wang panaginip. Nagkaroon daw siya ng pakpak. Itim ang mga iyon. Matulis na sungay at katawang kagaya ng sa asong-lobo. Oh, my ghad! Ang weird ng panaginip
Magbasa pa
Chapter Fourteen
"Ano'ng plano mo ngayon?" Tanong ni Gayle kay Luc habang nasa loob sila ng kanyang opisina.Dalawang araw na simula nang matuklasan nila ang kakaibang katauhan ni Abbey. Kasalukuyang nagsasanay ang babae at nasa quadrangle kasama si Roe. Tinuturuan ito ng beta niya kung paano mako-kontrol ang biglaang pagpapalit-anyo lalo pa't nalaman nilang pangatlong beses na itong nanaginip ng ganoon ngunit nagigising naman daw itong nakahiga pa rin. Iyon nga lang, para raw itong hinang-hina."Hindi ko pa alam, Gayle. Pero hindi ko siya p'wedeng isuko sa counsils. They'll use her and I justcan'tallow it to happen." Nakatingin sa kawalan na tugon ni Luc. "Kung totoo nga'ng pangatlong beses nang nangyari sa kanya ito at palagi ziyang nagigising na nasa silid niya at nakahiga pa rin, ibig sabihin ay may bang nakakaalam ng tungkol sa tunay niyang pagkatao.Sinisiguro nitong hindi makakaramdam ng kahit na anong pangamba si Abbey kapag nagising ang
Magbasa pa
Chpater Fifteen
Gulat na napalingon si Abbey sa namumula sa galit na si Luc. Nawala sa loob niya ang nabitawang kawali."What the hell are you doing?!" pasigaw pa ring tanong nito sa kanya.Awang naman ang mga labi at namumutlang napatanga siya sa kaharap na lalaki. Madilim ang anyo nito at tila anumang oras ay gusto na siyang tirisin.Hindi alam ni Abbey kung paano siya magpapaliwanag. Nalulon na yata niya ang kanyang dila dahil sa labis na tensyong nararamdaman sa mga sandaling iyon. Napakalaki naman kasi ng anger issue ng lalaking ito. Gwapo nga sana at fafable pero palagi namang may topak."S-sorry..." medyo nabubulol na turan niya nang mahamig ang sarili sa pagkabigla at takot."Sorry? Is that all you can say now? Ano ba kasi ang naisipan mo?!" singhal nito sa kanyang ang mga mata ay nakatutok sa sunog na mga pancakes na nasa harap nito.Aba naman, sumusobra naman yata
Magbasa pa
Chapter Sixteen
Matapos masigurong maayos na ang kalagayan ni Abbey ayon kay Ziva ay niyaya ito ni Luc sa kanyang opisina. May gusto siyang malaman dito. Iniwan nilang natutulog ang babaeng tila naubusan ng lakas at ipinagbilin na lamang niya kay Kimmy na silip-silipin dahil umalis ang pinsan niyang si Gayle para bisitahin ang café nitong kasalukuyan pa ring ginagawa."Mukhang napapalapit na ang loob mo sa kanya, ah." Kaagad na untag ni Ziva nang makapasok sila sa opisina niya. Taas ang kilay na tiningnan niya ito bago umupo sa couch na naroroon."What are you talking about?" Kunot-noo niyang tanong sa kaibigang doctor.Umupo si Ziva sa tapat niya at tinitigan siyang mabuti na tila ba inuuri ang kanyang kabuoan. "Are you falling for her?" Nananantiya at out of the blue na tanong nito.Napa-angat naman si Luc mula sa pagkakasandal at tila napapantastikuhang tinapunan ng hindi makapaniwalang tingin si Ziva na titig na titig pa rin sa kanya. 
Magbasa pa
CHAPTER SEVENTEEN
Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Abbey habang patamad na nakadapa sa kama. Hindi pa uli sila nag-usap ni Luc simula kahapon. Hindi naman niya masisi ang lalaki kung galit ito sa kanya. Hindi siya nag-ingat. Sa kagustuhan niyang i-please ito ay nakaperwisyo pa siya. At, muntik pa niya itong saktan."What now, Abbey?" Pabulong na kausap niya sa sarili bago tumihaya.Wala pa siyang isang linggo roon pero ang dami nang nangyari. Maraming nagbago lalo na sa kanya. Hindi niya pa rin lubos na matanggap ang pagiging halimaw niya. Akala niya kapag pumunta siya sa Wulfgrim ay matatagpuan niya kaagad si Callehan at magiging maayos na ang lahat. Pero mali siya dahil mas naging magulo ang sitwasyon. Mas naging komplikado.Natatakot siyang hindi na siya makabalik sa dati niyang buhay. Paano kung dahil sa pagiging halimaw niya ay makasakit siya ng inosenteng tao or worst ay makapatay siya? Hindi na niya alam kung paano at saan mag
Magbasa pa
Chapter Eighteen
 Rodan...iyon ang nabasa ni Abbey sa karatulang nakalagay sa gilid ng kalsada. May pasangang daan sa labas ng Wulfgrim at pinili niyang kumanan kung saan napansin niyang tila mas madawag ang mga puno. Naisip niyang kagaya ng Wulfgrim, baka sa bungad lang din ganoon at kapag nasa sentro na siya ay maayos rin ang Rodan. Ngunit hindi kagaya ng Wulfgrim na pakiramdam niya na tila hinahatak siya ng lugar. Kabaliktaran ang nararamdaman niya sa Rodan. Habang papasok siya sa lugar at palayo nang palayo sa pasangang daan ay bigla siyang nakaramdam ng takot. Nanindig ang mga balahibo niya at parang gusto niyang bumalik. Malayo na ang nararating niya at natatanaw na rin niya ang mga kabahayan.Simula nang madiskubre niyang isa siyang chimera ay luminaw na rin ang paningin niya. Kaya niyang makita ang isang bagay kahit gaano pa ito kaliit at natatanaw niya na parang malapit lang ang isang lugar kahit na malayo. Ayon kay Ziv
Magbasa pa
Chapter Nineteen
"Ano'ng balita?" seryosong tanong ni Callehan sa kaharap.Isa ang lalaki sa matapat niyang kasama. Marami na silang nalagpasang pagsubok simula pa nang una silang nagkakilala."Mukhang tama ka. Hindi kayang saktan ni Montego si Rashida." tugon nito.Napatango siya at napangisi. Mukhang umaayon ang lahat sa kanyang mga plano. Ilang araw na rin niyang pinasu-subaybayan ang bawat kilos ng alpha ng RedTails. At katulad ng inaasahan, nakamantyag nga ito sa bukana ng Lexus sa buong magdamag kasama ang alpha ng WhiteTails. It seems like his old friends never change, huh. At kilala niya si Luc, walang makakapigil dito kapag may gusto itong gawin sukdulang kalabanin nito ang lahat. He was his friend tho. Kabisado na niya ang likaw ng bituka nito pati ng tatlo pa nitong kaibigang sina Griel, Ronther at Rhonen."Kung ganoon ay maghanda ka. Anumang sandali ay mapapalaban tayo." aniya rito sa sery
Magbasa pa
CHAPTER TWENTY
"Ano'ng balak mo ngayon?" Seryosong tanong ni Griel sa kanya. Kasalukuyan na silang nasa loob ng mansyon. Si Abbey naman ay sinamahan ni Gayle sa kuwarto nito para magpahinga.Katulad ng madalas mangyari ay nanghina na naman ang babae pagkatapos nitong magshift at idagdag pang malayo-layo rin ang tinakbo nila. Nasapo ni Luc ang noo at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ano nga ba ang plano niya ngayong nagkagulo na lahat? Tiyak niyang hindi palalagpasin ni Akella ang pagpatay niya sa kapatid nito. Ngayon ay kailangan na rin niyang paghandaan ang magiging atake nito. "Bahala na, Griel. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi ako uurong sa anumang laban." Tiim ang anyong sagot niya. Napailing si Griel dahil sa sagot niya. Kilala siya nito na walang inu-urungang laban pero sa pagkakataong ito ay batid nila pareho na dehado siya kapag sabay-sabay ba umatake ang grupo ni Akella at ang organisasyong nasa likod ni Abbey magi
Magbasa pa
PREV
12
DMCA.com Protection Status