Loving the Beast

Loving the Beast

By:  Hiraya Neith  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
1 rating
20Chapters
2.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Isang buwan pagkaraang mawala ang ina ni Abbey ay natagpuan niya ang sariling bumib'yahe patungo sa Wulfgrim para hanapin ang taong tinutukoy sa sulat na iniwan ng Mommy niya bago ito tuluyang pumanaw. While on her way to finding the truth, she then met Luc Deriston Montego. Ang lalaking napagkamalan niyang si San Pedro na tagabantay ng pintuan ng langit sa una nilang pagkikita. Sa pagtatagpo nila ni Luc, matagpuan din kaya ni Abbey ang hinahanap o mapapahamak siya sa kamay ng lalaki? Paano kung sa gitna ng panganib ay matagpuan niya ang sariling nakakulong sa mga bisig nito? At, paano kung kasabay ng pagtuklas niya sa bagong sibol na damdamin ay matuklasan din niyang malaki ang kaugnayan nito sa pinagmulan niya? Ano ang gagawin ni Abbey? Handa ba siyang sumugal sa ngalan ng pag-ibig?

View More
Loving the Beast Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Leen Lacra
abaaa! naka chapter 19 na pala si Abbey 😍
2021-05-14 23:55:34
0
20 Chapters

Prologue

"No!" halos pabulong na usal niya habang kalong ang katawan ng kasintahan.Fresh blood drifted all over her woman's body. Basang-basa na rin ng dugo ang suot nitong puting bestida. She forced a smile on her lips as she slowly raised her left arm to reach his face that was full of tears."Huwag ka nang umiyak." Pilit ang ngiting bulong ng nanghihinang babae. "Gusto kong maging masaya ka. Mangako ka sa akin na hindi mo isasara ang puso mo para muling magmahal ng iba." Pakiusap nito habang nanunuyo at bitak-bitak na mga labi ay pilit na ngumiti."No! Just hold on. Magiging maayos ka rin." Garalgal ang tinig na turan niya sa babae at hindi pinansin ang sinabi nito. Pumatak ang ilang butil ng mga luha mula sa namumutlang mukha ng dalaga. Tinitigan nito ng buong pagmamahal ang kaharap at matamis na ngumiti. "Mahal na mahal kita, Luc." Bulong ng babae nitong bahagyang ipinikit ang
Read more

Chapter One

Habang nagmamaneho patungo sa lugar na nakasaad sa iniwang sulat ng kanyang ina ay hindi napigilan ni Abbey ang pag-alpas ng malalim na buntong-hininga. Muli niyang naalala kung paano siyang napunta sa sitwasyong kinakaharap ngayon.Isang buwan na ang nakakaraan mula nang tuluyang pumanaw ang kanyang inang si Felicity dahil sa sakit na cancer. Halos ilang taon ding nakipaglaban sa sakit ang Mama niya bago ito tuluyang sumuko. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakapagbabang- luksa ay saka naman niya natuklasan ang isang lihim na hindi inaasahan. Gusto niyang magalit sa ina ngunit sa huli ay naisip niyang sino ba siya para magalit dito gayong hindi naman ito nagkulang sa pagpapalaki sa kanya.Muling napahugot ng malalim na buntong-hininga si Abbey at nagpasyang buksan ang car sterio. Her mother was a retired professor lll. Maaga itong nagretire dahi
Read more

Chapter Two

Wulfgrim is an outskirt town of Morganda. Binubuo ito at hinati sa apat na teritoryo. Ang pinakamalaki at maunlad ngunit kinatatakutang teritoryo ay ang RedTails na pinamumunuan ng alphang si Luc Deriston Montego. Sumunod ang pinakatahimik at organisadong teritoryo, ang WhiteTails na pinamumunuan naman ni Griel Thrain Kinnison. Ikatlo ang GrayTails na pinamumunuan ng bugnuting si Ronther Louvel Mourgent. At, ang panghuli ay ang BlackTails na pinamumunuan ng basagulero at palaging nasasabit sa gulong si Rhonen Vallin Wulfric. And, they were the infamous alphas of Morganda. Magkaiba man ang kanilang pag-uugali at walang sandali na hindi nagkakainitan ng ulo kapag magkakasama, ay hindi iyon hadlang sa pagkakaibigan ng apat. Si Luc ang pinakamabagsik sa apat ngunit may itinatagong kabaitan. Si Griel naman ang palaging namamagitan sa tuwing nagkakainitan sina Luc at Rhonen. Taga-awat kapag nagpang-abot ang dalawang alpha. Samantalang wala namang p
Read more

Chapter Three

Kunot-noong pinagmasdan ni Luc ang babaeng walang tigil na tumutungga ng alak sa bar counter. Ginawa na yata nitong tubig ang inumin dahil maya't-maya itong humihingi ng alak sa pinsan niyang si Gayle.  Ilang sandali pa ay mukha tinamaan na ito ng nainom dahil nagsimula na itong dumaldal. Panay na rin ang ngiti nito kay Gayle ngunit nagulat siya nang bigla itong lumingon sa gawi niya at dinuro siya. Tumaas ang kilay ni Luc at malamig ang tinging mas lalong tinitigan ang babae. Ang hindi lang niya inaasahan ay nang tawagin siya nitong bakulaw. Napaangil si Luc at gusot ang mukhang umismid lalo na nang manlaki ang mga mata nito. Sabay pa silang napa-angil tatlo nina Ronther at Rhonen nang muli siya nitong tawaging na naman siya nitong bakulaw.  Talagang inulit pa nito. Nakakainsulto na ang babaeng ito, ah.Madilim ang anyo a
Read more

CHAPTER FOUR

Nagising si Abbey nang makaramdam ng pagkasilaw sa mga mata. Dahan-dahan siyang nagmulat at napangiti pa bago muling pumikit para namanmin ang magaang pakiramdam. Wala sa loob na nag-inat pa ng katawan si Abbey nang bigla siyang matigilan. Nakiramdam siya sa paligid. Tuluyan na siyang napadilat at nanlalaki ang mga matang inilibot ang paningin sa loob ng kinaroroonang silid. Nawala rin ang bahagya pang antok na nararamdaman niya. Luminga siya sa paligid at napatili nang mapansing hindi pamilyar ang lugar na kanyang kinaroroonan. Ang huling naaalala niya ay pumasok siya sa isang bar at napainom ng marami. Natutop niya ang noo at bahagyang napangiwi.You seriously got yourself wasted in an unfamiliar place, Abbey and you passed out. How can you be so fool and careless? Sermon niya sa sarili. Napatingin siya sa gawi ng pinto nang bigla iyong
Read more

CHAPTER FIVE

Pagkatapos maligo at magbihis ay kaagad na lumabas ng inuukopang silid si Abbey. Natigilan siya nang bumungad sa kanya ang tahimik at mahabang pasilyo. May nakasabit na grandiyosong chandelier sa kisame na kanyang ikinamangha. Kakaiba ang disenyo niyon kaya kunot-noong mataman niya iyong sinipat. Napangiwi pa siya nang tuluyang maunawaan kung ano ang disenyo ng malaki at halatang mamahaling chandelier. Sa halip kasi na bulaklak na kadalasang niyang nakikita sa mga chandelier ay mga nakangangang asong lobo ang design niyon. At, napakaganda ng pagkakaukit dito. Truly artistic! Napatigil siya sa pag-usyuso at nagulat nang biglang may nagsalita sa likuran niya. "Ay, kuwago!" Tili niyang napatalon pa. "What are you doing?" Kunot-noong tanong sa kanya ng isang lalaki.
Read more

Chapter Six

Magkaharap na nakaupo sa mesa sina Abbey at Luc. Pareho silang nasa loob ng malawak na opisina sa ikalawang palapag ng mansyon ng pinuno ng Wulfgrim. Hawak-hawak  ni Luc sa kanang kamay ang sulat na ibinigay sa kanya ni Abbey. Sulat iyon ng Mommy nito na pumanaw na dahil sa sakit na cancer. Nang tanungin kasi ni Luc si Abbey kung ano ang pakay ng babae sa Wulfgrim at kung sino ang nagpadala rito roon ay sinabi nitong hinahanap nito ang isang lalaking nagngangalang Callehan.Kaagad na nagsalubong ang mga kilay ni Luc nang marinig ang sinabi ni Abbey. "Bakit mo siya hinahanap?" Seryoso at mapanganib na tanong niya sa babaeng kaagad namang napairap. Lukot ang mukhang sumagot si Abbey. Sa totoo lang ay hindi na siya natutuwa sa lalaki. Kanina pa siya nito tinatanong at kulang na lang ay tanungin nito kung may love life siya. "Walang sinabing dahilan si Mommy. Basta
Read more

Chapter Seven

"Hoy, kayo!" Angil ni Gayle sa walong lalaki. "Spare her, okay?" Sita niya sa mga ito na sabay pang napakamot sa ulo. Ang dalawa sa kanila ay galing sa Gray Tails na ipinadala ni Ronther, sina Jaro at Bruce. Sina Ady at Humpry naman ay kambal, pinsan ang dalawa ni Griel. Sina Emron at Mc Coy ay mga kapatid naman ni Rhonen samantalang sina Ares at Brix ay mga kapatid ni Roe na siyang beta ni Luc."But she's beautiful, no doubt." Apela ni Brix habang buhat ang isang tipak ng nawasak na bato.Si Abbey ang tinutukoy nito na kasalukuyang nakatanaw sa kanila at nakasakay sa kotse ni Gayle na nakaparada sa kalayuan. "Hinay-hinay, brad. The human girl is watching and it seems like she's shocked." Natatawang turan ni Emron bago kunwaring tinulungan si Brix sa pagbubuhat. Sino nga naman ang hindi magugu
Read more

Chapter Eight

Pagkatapos makausap ni Gayle ang mga lalaking sa tantiya niya ay mga malalapit din dito ay muli nilang ipinagpatuloy ang pag-ikot. May iilan nang napagtanungan si Abbey kung saan nakatira si Callehan ngunit wala ni isa sa mga ito ang nakakaalam. Pero walang balak na sumuko si Abbey. Desidido siyang mahanap si Callehan dahil hangga't hindi niya ito nakikita at nakausap ay mananatiling kulang ang pagkatao niya. Kasisimula pa lang niya at iilan pa lang ang kanyang natatanong. Tahimik lamang si Gayle simula pa kanina at ipinagwalang- bahala na lang iyon ni Abbey. Marahil ay iniisip pa rin ng babae ang bar nito. "Sandali lang, p'wede mo bang itigil sandali diyan sa tapat ng barber shop?" Untag niya kay Gayle na nagkibit- balikat lang bago itinabi ang sasakyan.May ilang kalalakihang nakatambay sa labas ng barber shop at masayang nagki-k'wentohan habang ang ilan ay nagl
Read more

Chapter Nine

Pagkarating sa mansyon ay kaagad na tumuloy si Abbey sa silid niya samantalang si Gayle ay muling umalis pagkatapos siyang ihatid. Bumalik ito sa bar para raw tingnan kung ano na ang nangyari roon. Pagpasok sa loob ng silid ay kaagad na ibinaba ni Abbey ang dalang clutch bag sa kama at tumuloy sa banyo para maghilamos. Pakiramdam niya ay nanlalata siya. Parang nauubos ang lakas niya na hindi niya maintindihan. Pagkatapos maghilamos ay tinuyo niya ang mukha gamit ang tuyong towel na nakasabit sa towel rock. Isang buntong- hininga ang pinakawalan niya bago lumabas ng banyo. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya at sa paghahanap niya kay Callehan pero sisikapin niyang mahanap ang lalaki. She's turning twenty- one few weeks from now at sa loob ng dalawampong taon niya sa mundo ay hindi niya naramdamang itinuring siyang iba ng kinilal
Read more
DMCA.com Protection Status