Nanggagalaiti si Shirley sa sobrang inis, pero nung napansin niya na papalapit na sa kanila ang mayaman na binata, kaagad niyang binago ang kanyang ugali. "Imposible yun. Ako, si Shirley Lancaster, ay walang pinagsisisihan na kahit na ano. May lakas ka ba ng loob na sabihin sa akin ang pangalan mo?" Tugon ni Shirley ng may mapagkunwaring ngiti. “Fane Woods!” Malamig na ngumiti si Fane at dinagdag niya, "Fane Woods ang pangalan ko at ipinagmamalaki ko ito. Bakit ako matatakot na sabihin sayo ang pangalan ko!" "Mabuti kung ganun!" Bahagyang ngumiti ang magandang babae, at pagkatapos niyang mapansin na nakatayo na sa kanilang harapan ang mayaman na binata, binati niya ito, "Kamusta, Young Master Norton, ang tagal din nating hindi nagkita! Anong ginagawa mo dito? May susunduin ka ba?" Nung nakita ni Young Master Norton ang lambingan ng dalawa, nanginig ang mga kanto ng kanyang mga labi. Ng may malungkot at madilim na mukha, tumingin siya kay Shirley at sinabi, "Shirley Lan
Baca selengkapnya