All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 2441 - Chapter 2450
2505 Chapters
Kabanata 2441
Nagbigay galang din ang ilan sa mga pinuno, sabay-sabay silang bumati, “Maligayang pagdating, Elder Turner!”Ang taong iyon ay isang elder mula sa Middle Province Alchemist Alliance. Nasaan man sila, ang status ng isang elder ay iginagalang pa rin. Hindi napigilan ni Fane na muling mapatingin kay Elder Turner.Mukha siyang mabait. Bilugan at nakangiti ang kanyang mukha. Subalit, mayroong kasamaan na hindi maitago sa kanyang mga mata. Patunay ito na hindi siya kasing bait ng gaya ng pinapakita niya.Kinawayan silang lahat ni Elder Turner at sinabing, “Kayong lahat, salamat sa pagpunta niyo. Hindi ko inasahan na napakaraming tao ang pupunta dito ngayon, ngunit kailangan nating sundin ang utos ng mga nakakataas.”Pagkatapos sabihin ni Elder Turner ang mga salitang iyon, tiningnan niya ng maigi ang lahat. Pagkatapos nito, tinaas niya ang limang daliri niya at sinabing, “Lima! Ngayong araw, limang disipulo lang ang kukunin namin!”Hindi lang si Fane anag nagulat sa mga sinabi niya. Nan
Read more
Kabanata 2442
Nagtaas ng kilay si Fane. Halata sa ekspresyon ng vice treasurer na hindi niya alam ang tungkol dito. Maliban kay Zayne at Constance, lahat ay may gulat sa kanilang mga mukha.Upang hindi na itapon ang kanilang mga kasalukuyang posisyon at matanggap pa rin ang mga mapagkukunan ng Middle Province Alchemist Alliance. Ito ay parehong magandang balita para sa estudyante at sa mga puwersa sa likod ng estudyante.Ito ay kapareho ng alyansa na karaniwang nagpapalaki ng anak ng ibang tao para sa kanila. Walang sinuman ang maniniwala na may ganoong magandang deal kung hindi nila ito narinig mismo.Nakakunot ang noo ni Fane habang may pagdududang tumingin sa matanda. Kahit na mukhang magandang bagay ito, alam na alam ni Fane na walang sinuman ang kusang-loob na isuko ang kanilang sariling mga benepisyo para sa kapakanan ng iba, lalo na ang isang grupong tulad nito.Ang Middle Province Alchemist Alliance ay dapat may sariling mga dahilan para gawin ito. Si Elder Horst ay nagpakawala ng kaunti
Read more
Kabanata 2443
"Muli kitang papaalalahanan. Iba ang proseso ng pagpili ngayon. Kapag napili ka, maaalagaan ka ng husto. Magiging sixth-grade alchemist lang ang simula."Ang mga salitang iyon ang naging dahilan ng paglaki ng mga mata ng lahat ng naroroon. Ito ay nag-udyok sa pagkauhaw ng lahat para sa tagumpay. Ito ay isang gintong kayamanan. Naramdaman ng lahat ng mga estudyanteng naroroon ang kanilang bibig.Pag-aalaga mula sa alyansa na hindi pa nakikita noon. Ito ay ganap na hindi isang walang laman na pangako. Kahit na parang matatamis na salita ang hinihikayat nila, ang Middle Province Alchemist Alliance ay hindi isang maliit na grupo. Natural na kailangan nilang panatilihin ang kanilang sariling mga salita.Sa sandaling naisip nila ang tungkol sa pag-aalaga na kanilang matatanggap, ang kanilang mga kamay ay nagsimulang manginig sa tuwa. Isang salpok ang sumakop sa kanilang mga katawan. Gayunpaman, walang pakialam si Fane sa mga huling salita na sinabi ni Elder Horst.Labinlimang minuto para
Read more
Kabanata 2444
Tumawa si Grayson at sumagot, “Lahat kayo dito ay nandito lang para mapunan ang bilang. Pakiusap isipin niyo kung sino kayo. Kahit paano matapang kayong kausapin ako nang ganito.“Kung kaya niyong bumuo ng 500 pill runes, kikilalanin ko kayo. Pero, sa itsura niyo pa lang, kailangan niyo nang galingan para makabuo ng 100 pill runes!”Ang taong napagsabihan ni Grayson ay namula. Bigla itong mukhang isang bolang walang hangin, hindi makapagsalita. Tama si Grayson. Hindi siya makabuo ng kahit 100 pill runes, paano pa kaya kung limang daan. Higit sa lahat, ang Way of the Pill ay malalim na noon pa. Kung wala kang talento, imposibleng matutunan kung paano makabuo ng 500 pill rune sa loob lamang ng maikling panahon.Ang kaibahan sa pagitan ng husay niya at ng kay Grayson ay kitang-kita ng lahat. Kahit na nagmamatigas siya, kaagad itong mawawalan ng bisa dahil malapit na silang magsimula sa pagsusulit.“Mukhang kampante si Grayson sa kanyang sarili…” biglang sinabi ng tao sa likod ni Con
Read more
Kabanata 2445
Kanina, hindi masyadong nagbago ang ekspresyon nilang dalawa nang sabihin ni Elder Horst ang tungkol sa espesyal na pagpili. Mukhang ang lahat ng ito ay kasama sa plano nila. Malinaw na kinabahan dito ang vice treasurer.Ang pinakamalakas sa mga pinuno doon ay silang dalawa at ang vice treasurer. Ngunit ang vice treasurer lamang ang hindi nakatanggap ng kahit anong balita. Malinaw na mababahala siya dito. Tumaas ang kilay ni Fane. Pagkatapos huminga nang malalim, sinabi niya, “Mangyayari ang mangyayari. Kung isa itong biyaya, magiging biyaya ito. Kung masama ang kalalabasan nito, hindi naman natin ito maiiwasan. Isa lang itong selection test. Kahit na kumalat na nang maaga ang balita, hindi mo naman din siguro gugustuhing ipadala ang eldest student dito.”Lumingon kay Fane ang vice treasurer at sinabi, “Hindi naman sa ganyan. Kailangan handa kang isuko ang isang bagay para makakuha ng mas malaki. Handa ang Rosefinch Pavilion na dalhin si Grayson. Walang dahilan para magpigil tayo.”
Read more
Kabanata 2446
”Maaaring may punto ka, pero pakiramdam ko pa rin may ibang dahilan…”“Bakit palayo kayo nang palayo sa usapan? Hindi niyo ba narinig ang sinabi ni Rudy? Gusto niyang bumuo ng sixth-grade pill! Anong ibig-sabihin nito?! Ibig-sabihin nito, ang husay ni Rudy ay katumbas ng kay Grayson!”“Hindi talaga natin kayang makipagsabayan sa mga tulad nila. Nahihirapan pa tayong bumuo ng mga pill rune, pero nakapagsimula na silang bumuo ng mga sixth-grade pill. Kahit na mabuo nila ang pinakasimpleng sixth-grade pill, sapat na ito para patunayan ang kanilang sarili bilang sixth-grade alchemist.“Huwag niyong kalimutan kung nasaan tayo ngayon. Lahat tayo ay nasa vessel ng Middle Province Alchemist Alliance.“Basta matagumpay silang makabuo ng isang sixth-grade pill, aaprubahan ng alliance ang kanilang katayuan at bibigyan sila ng badge ng isang sixth-grade alchemist! Gamit ng badge na ito, lahat ng gusto nilang gawin ay mapapadali!” Kumalat ang usap-usapan sa buong lugar at nagsimulang sumakit
Read more
Kabanata 2447
Sa simula, tumayo lamang sa tabi si Constance at Zayne, walang pakialam sa bagay na ito. Gusto nilang hayaan ang sitwasyon na kusang umusad. Ngunit habang patindi nang patindi ang labanan ni Grayson at Rudy, napilitan silang kumilos.Napilitan silang paghiwalayin si Rudy at Grayson. Higit sa lahat, ang away sa pagitan ng mga batang henerasyon ay dapat may hangganan. Kapag sumobra sila dito, maaapektuhan ang kanilang ugnayan. Ito itong bagay na ayaw makita ni Rudy at Grayson.Halos labinlimang minuto na ang nakalipas. Umupo si Elder Horst sa kanyang upuan habang nakatingin sa mga usap-usapan. Nang maubos ang oras, tumayo siya sa kanyang upuan.Pumalakpak siya nang malakas at sinabi, “Sige, oras na. Siguro naman napagpasyahan niyo na kung paano niyo papatunayan ang inyong husay.“Siguro naman hindi ko na kailangan sabihin sa inyo ang tungkol sa iba’t ibang paraan. Maghiwalay na ang mga grupo ngayon na. Ang mga gustong bumuo ng pill rune ay tumayo sa silanang.“Ang mga gustong magsur
Read more
Kabanata 2448
Mukhang nakalunok ng langaw si Gilbert. Kanina pa siya umaasang sa kanya ito sasabihin ng vice treasurer, ngunit hindi man lang siya tiningnan nito.Nilagay ng vice treasurer ang pag-asa nito kay Fane. Para bang nandoon lamang si Gilbert at ANdrew para makumpleto.Mukha ring masama ang loob ni ANdrew. Marami silang naging pagtatalo ni Gilbert noon, at hindi maaayos ang kanilang ugnayan.Ngunit dahil kay Fane, isinintabi niya muna ang lahat ng galit na ito.Sinabi ni ANdrew habang nagdidilim ang mukha, “Vice treasurer, mukhang inilagay mo na ang pag-asa ni kay Fane.“Pero dapat paalalahanan mo pa rin si Fane na kahit na mahusay siya, dapat hindi siya maging masyadong mayabang.”Sobrang mapanghamak ng salitang iyon. Galit na galit si Andrew sa sandaling iyon at hindi siya nagpigil.Dumagdag si Gilbert pagkatapos nito, “Tama si Andrew. Kahit na mahusay si Fane, hindi dapat siya maging mayabang. Hindi maganda ang magagawa sa’yo ng ganitong salita.”Walang masabi si Fane sa mga pasa
Read more
Kabanata 2449
Si Fane na lamang ang nakatayo sa sandaling iyon. Mukhang nagdadalawang-isip siya at naghihintay. Sa sandaling matapos ang vice treasurer na sabihin ito, napatingin si Elder Horst.Kahit na masyadong maraming makikita sa mata nito, nakakaramdam pa rin ng talim si Fane dito. Para bang matatanggal siya kapag hindi siya kumilos.Kumirot ang labi ni Fane. Hindi na siya makapaghintay, kaya naglakad siya patungo sa lugar kung saan niya balak magpunta.Sa simula, ayaw ni Fane na kumuha ang atensyon. Higit sa lahat, maaaring siya ang nahuli, ngunit walang nakakilala sa kanya. Kahit na mula siya sa Heavenly Pills, bukod sa mga nakakilala na sa kanya, walang nakakaalam kung sino siya.Habang naglalakad siya patungo sa kaliwa, nagsimulang bumaling sa kanya ang titig ng lahat. Unti-unti ring sumama ang mukha ng vice treasurer nang mapansin niya ang direksyong pinupuntahan ni Fane.“Balak bang pumunta ng taong ‘yon sa likod ni Rudy? Balak rin ba niyang patunayan ang kanyang sarili sa pamamagit
Read more
Kabanata 2450
Walang mas nakakaalam sa vice treasurer kung anong ibig-sabihin ng sixth-grade pill. Sa loob ng napakaraming taon, tumanggap na ang Heavenly Pills ng napakaraming estudyante, ngunit kaunti lamang ang naging sixth-grade alchemist.Ngumiti si Constance at sinabi, “Vice treasurer, talagang marami kang tinatagong alas. Hindi ako makapaniwalang may henyo rin sa Heavenly Pills. Hindi ko pa ito nababalitaan noon.”Kumirot ang labi ng vice treasurer. Gusto niyang magpaliwanag, ngunit kapag sinabi niyang hindi kayang bumuo ni Fane ng sixth-grade pill, at mahusay lang ito sa pagbuo ng mga pill rune, magiging isa itong malaking katatawanan. Pagtatawanan ng lahat ang Heavenly Pills.Ngunit kapag nagmatigas siya, mabubunyag ni Fane ang lahat pagdating sa oras ng pagbuo ng mga pill. Sa gayon, lalong titindi ang pagkakapahiya.Nanginig ang kanyang kamay. Hindi pa siya nakaramdam ng ganito noon sa lahat ng taon niya. Pakiramdam niya naipit siya sa pagitang ng dalawang mahirap na sitwasyon. Akala n
Read more
PREV
1
...
243244245246247
...
251
DMCA.com Protection Status