All Chapters of The Way She Said Goodbye: Chapter 11 - Chapter 20
45 Chapters
Goodbye 11
"Hindi ko alam Aveline. Hindi pa siya nagigising."Lumapit si Andro sa kamang hinihigaan ni Adrienne at inalis ang ilang hibla ng buhok sa mukha nito. Nang makita niya sa malapitan ang maputlang mukha nito, hindi niya pa rin mapigilang mag-alala."Sige sige, Kuya. Papunta na ako. Siguro bago mag-gabi, nakarating na 'ko diyan. Alagaan mo si Ri, ha. 'Wag mo 'yang iwanan. Tatamaan ka sa akin kahit mas matanda ka sa akin, kuya. Nakita mo."Napailing na lang si Andro dahil sa sinabi ng pinsang si Aveline. Patuloy pa rin ito sa pagbilin sa kaniya at parang naririnig niya pang nakikipagtalo ito sa kabilang linya."Sa'n ka nga pupunta sabi?"Naupo na lang muna si Andro sa upuan sa tabi ng kama habang nakikinig pa rin sa usapan sa kabilang linya. Don't get him wrong. Hindi siya chismoso. Sadyang may ipapakisuyo lang siya kay Aveline kaya hinihintay niya munang matapos itong makipag-usap sa kabilang linya."'He! 'Wag mo akong k
Read more
Goodbye 12
Hindi mapakali si Andro habang nasa labas ng kuwarto ni Adrienne. Kanina pa kasi nag-uusap ang dalaga at ang doktor. Hindi niya alam, pero pakiramdam niya ay seryosong-seryoso ang mga pinag-uusapan ng mga ito."Daddy A! Is Mommy R awake?"Napatigil lang siya sa pagbabalik-balik nang lapitan siya ni Soleia na natuyo na ang buhok dahil kanina pa ito nakaligo. See? Ganoong katagal nang nag-uusap ang dalawa sa loob mula nang magising si Adrienne."Yes, baby. But she is still talking to the doctor that's why we can't go in yet."Nakauunawang tumango sa kaniya ang anak. Binuhat niya na lang ito at pumunta sa kusina. Mukhang matagal pa naman ang usapan sa loob kaya papakainin niya muna si Soleia."Kain ka muna ng carrot cake na binake ng mommy mo, ha."Iniupo niya lang ang bata sa upuan sa kusina at ipinaghiwa na ito ng isang slice ng carrot cake. Ipagtitimpla na niya sana ito ng gatas nang sabihin ni Soleiang tubig na lang
Read more
Goodbye 13
"Andro, mami-miss mo man lang ba ako pagkatapos ng 50 araw at hindi na ako nagpakita sa 'yo?"Inulit lang ni Rienne ang tanong niya kay Andro at hinihintay ang sagot nito. Para namang nabigla ang binata sa tanong niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sumasagot."Ako po, Mommy R, I'll miss you po!"Nginitian ni Rienne si Eya at niyakap ito. Mayamaya pa ay hinihintay pa rin niya ang isasagot ni Andro. Hindi kaya nahihiya itong sabihin ang tunay na nararamdaman sa harap ni Eya? Baka nga sobrang pagkamuhi sa kaniya ni Andro at hindi nito masabi-sabing hindi siya nito mami-miss kahit kailan. Baka hindi lang masabi ng binata iyon dahil nakikinig sa kanila si Eya.Akmang ibubuka na ni Andro ang bibig para magsalita nang unahan niya na ito."Whatever. I know you won't. And even if you will, well, you should not miss me, Andro."Siya na ang nagsabi dahil alam niyang masakit kapag narinig niya ang mga iyon mula sa bibi
Read more
Goodbye 14
"Ako na. Maupo ka na lang doon. Baka kung ano na naman ang mangyari eh."Mula nang mangyari ang insidenteng 'yon noong isang linggo, napansin ni Adrienne na marami nang nagbago kay Andro. Maaga na itong magising lagi, at hindi 'yon normal dahil hindi naman ito morning person.Naging alerto rin ito kapag may mga gagawin siya. Laging nagpi-presinta si Androng ito na lang daw ang gagawa ng mga binabalak niyang gawin dahil baka raw may mangyari na namang hindi maganda. Tulad ngayon. Hihiwain niya lang naman sana ang karne pero inagaw nito ang kutsilyo sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy ay tinuturing siya nitong batang clumsy."Andro, hindi naman ako mapapaano kapag naghiwa ako, 'no."As usual, hindi na naman siya sinagot ni Andro. Alam niya namang hindi siya mananalo rito, kaya pinanood niya na lang ito. In fairness, marunong itong magluto. Mukha tuloy itong chef. Take note---ubod nang guwapong chef, ha."So, chef, ano ang gagawin ko?
Read more
Goodbye 15
"What a shitty strategy."Andro can't help but smirk upon reading the trending news. His father, Andres Syjuco, went to an orphanage yesterday and acted like he was all kind and mighty. Siya dapat ang nandoon at kasama niya dapat si Harleen, pero siyempre, hindi siya pumayag. Ayaw niya sa mga ganoong taktika, 'yong tipong gagawa lang ng mabuti dahil sa litrato para bumango ang pangalan sa madla.Hindi niya alam kung siya lang ang nakapansin, pero halata naman sa mga litratong iyong ayaw ng tatay niya sa ginawa nito. Kilalang-kilala niya ang tatay niya. At halatang mukhang nandidiri pa ito sa mga batang nasa ampunan. Hindi mapigilan ni Androng iyukom ang kamao niya dahil doon. Kung tutuusin, ang tatay niya ang dapat pandirihan dahil may asawa itong tao, pero pumapatol pa rin ito sa ibang babae. Buong buhay niya, nasaksihan niya ang amang magsuot ng maskara ng isang tupa sa harap ng publiko. Pero sa likod ng entablado, mas masahol pa ito sa isang lobo.
Read more
Goodbye 16
"Wow, kuya! Nagmukha kang tao, in fairness. Anyway, ito o. Isuot mo 'yan ha. Bawal umattend ng party ang wala niyan."Hinagis sa kaniya ni Aveline ang isang garland na gawa sa mga artificial na bulaklak. Ni hindi man lang siya hinayaan nitong magsalita at basta na lang itong umalis pagkahagis noon sa kaniya."Andro, sumunod ka na lang sa labas, ha."Muli, maski si Adrienne ay hindi man lang siya hinayaang makapagsalita. Her mind seems all over the place. Aligagang-aligaga ito at si Aveline. Inisip niya na lang na gano'n siguro ang mga babae kapag parties ang pinag-uusapan.Today, they will be celebrating Soleia's eighth birthday. Hawaiian ang theme at sa beachside gaganapin ang party ng bata. He hates anything floral at karaniwan ay black, white, at grey ang suot niya. But here he is, wearing a floral polo with a garland hung around his neck. Well, hindi naman masamang baliin ang nakasanayan paminsan-minsan lalo na kung para sa anak niya naman.
Read more
Goodbye 17
"Ri, makinig kang mabuti, ha. Kapag nagkaproblema, tawagan mo ako agad. Kahit madaling-araw, tumawag ka lang. Eeskapo agad ako papunta sa 'yo. Huwag na lang kaya akong umalis? Dito na lang ako para mabantayan kita." Pabirong inirapan ni Rienne si Aveline. Kagabi pa ito bilin nang bilin sa kaniya mula nang sabihin ni Flint na iuuwi na raw ito sa Metro. Ngayon naman ay mukhang nagbabago pa ang isip nito at ayaw nang umalis. "Vi, I'll be fine. Kawawa naman si Kuya Flint kung hahayaan mong lumuwas mag-isa. At saka alam ko namang nami-miss niyo na ang isa't-isa e. Don't worry. Tatawag na lang ako sa 'yo kapag nagkaproblema." Rienne tried to reassure Aveline by flashing her a bright smile. Pero halata pa rin sa mukha ng kaibigan niya ang pag-aalala. Medyo nangingilid na nga rin ang mga luha nito. She was taken aback when Aveline suddenly hugged her tight. "P-Paano kasi kung may mangyari habang wala ako sa
Read more
Goodbye 18
Kanina pa napapansin ni Rienne na hindi mapakali si Andro. Tingin ito nang tingin sa wristwatch nito at pansin niya ring lagi itong nagpapakawala ng malalim na hininga.  "Andro..." Saglit lang napatingin sa kaniya si Andro at pagkatapos ay tumingin na muli ito sa labas ng bintana ng sasakyan. Para iparamdam ditong hindi ito nag-iisa, hinawakan niya ang kamay nito kaya napatingin ito ulit sa kaniya. Malamig ang mga iyon at medyo nanginginig pa. Nang magtama ang mga mata nila ni Andro, nakaramdam si Rienne ng parang kuryente. Pero ipinagwalang-bahala niya iyon. "He will be fine, Andro." Nginitian siya ni Andro nang tipid at pinasalamatan siya nito dahil sinamahan niya ito rito sa Metro. Sa totoo lang ay hindi alam ni Rienne kung tama ba ang naging desisyon niyang baliin ang napagkasunduan nilang hindi na siya magpapakita rito pagkatapos ng 50 araw. How can she say no to him when she can clearly se
Read more
Goodbye 19
"Mom, he'll be alright." Hindi alam ni Andro kung ilang oras na silang naghihintay sa labas ng emergency room. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang mahanap na magdo-donate ng dugo sa daddy niya. Hindi maiwasan ni Androng kabahan sa mga puwedeng mangyari pero pilit siyang nagpapakatatag para sa mommy niya. He needs to be strong for them at times like this. Nang tumahan na ang mommy niya ay agad itong uminom ng tubig at hinarap siya. "Nasaan nga pala si Rienne?" Upon mentioning her name, Andro clenched his fist. His heart contracted in pain, too. Galit dapat siya dahil naging makasarili ito. But he cannot find it in his heart to feel a 100% hatred towards her. There's no doubt that she managed to creep into his heart. But still, he cannot entertain his feelings for that selfish woman. Not now when his father is still unstable. "Don't look for that selfish woman, mom. I told her to
Read more
Goodbye 20
"Anak, kumain ka na muna. Puro ka na lang trabaho." Andro took a peek at his mom who looks worried right now and gave her a small smile.  "Mamaya na, mommy. Tatapusin ko lang 'to." He heard his mother sigh and sat down on the couch in front of him. Nakatingin siya sa laptop at abala sa pag-type ng reports, pero ramdam na ramdam niya ang mga nag-aalalang titig ng kaniyang ina. "Anak, magpahinga ka na muna. Tatlong buwan ka nang ganiyan. Nag-aalala na ako sa 'yo. Ayaw ko lang mapahamak ka. Alam mo namang tayo na lang dalawa..." His mother said the last one in a small voice. He sighed upon remembering what has happened in the past few months. Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang mamatay ang daddy niya. Nahuli na rin ang mastermind at ang mga kasabwat sa pagpatay sa daddy niya, at kahit na masaya na sila dahil nakakulong na ang mga ito, hindi niya pa rin maiwasang makaramdam
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status