All Chapters of The Vampire's Maid Servant (Tagalog): Chapter 101 - Chapter 110
154 Chapters
Chapter 88.2
Noong una’y confident si Anastacia na makipagkita sa Emperador, pero nang makita niya ‘to kahit pa nga normal ang kasuotan nito’y malakas na kaagad ang presensiya nito. Kasing tangkad ‘to ni King, mayroong kulay puting buhok na nakatali at mayroong hikaw na tila tala sa kaliwa.Maganda ang hitsura nito at may kasama ‘tong mukhang manyikang babae na mukhang bata pa, marahil lower than twenty pa ang edad nito o mukha lamang itong pasibol na dalaga.“Magandang gabi, ako si Anastacia, mula ‘ko sa kabilang daigdig bago ‘ko makarating dito sa New World.”Nginitian kaagad siya nito, ang titig nito’y hindi para makinig mabuti, parang mas higit na gusto nitong galugarin ang kanyang pagkatao. Napansin ni Anastacia na saglit naging matang ahas ‘to pero marahil ay guni-guni niya ‘yon dahil normal naman ‘to matapos niyang kumurap.“Nalaman kong gusto mo ‘kong makausap, iyon laman
Read more
Chapter 88.3
“Mukhang maayos na naman si King,” sabi ni Kristelle. “Bukod do’n, tama ‘yong bilin ninyo sa ‘kin para mahawakan ko siya sa leeg. Sa tingin ko naniniwala siyang ako ang karelasyon niya noon na minsan naaalala niya, inuunahan ko ‘yon para ako lamang ang isipin niya.”Tumango si Don Felipe, nakangiti ‘to.“Salamat sa pagtitiyaga mo, Kristelle.”“Gusto ko rin siyang makuha, kailan kami magpapakasal?” tanong ni Kristelle.“Kapag mas maayos na siya, sa ngayon, kailangan pa rin niyang magpagaling. Mukhang may duda pa rin siya kung minsan sa ‘yo,” ani Don Felipe.Tumango naman si Kristelle. “Hindi ‘yon pagdududa, nakakaramadam lamang siya ng kakaiba dahil maraming alaala siyang nawala. Isama pa ‘yong alaala niya nang pagsasama namin noon. Kahit anong tanong ko, hindi pa rin niya matandaan ako. Pero mas okay na ‘yon dahil nga mas nagagawa
Read more
Chapter 89
 “Kailangan ka naming bantayan,” sabi ni Rima. “Mahihirapan kaming bantayan ka sa lugar ng mga bampira!” tutol si Rima sa desisyon ni Anastacia.Ang tatlong magkakapatid na bampira ay nag-iisip naman sa kabilang dako kung paano papasukin si Anastacia sa kanilang lugar.“Sa tingin mo ba maganda ang plano na ‘to? Hindi ako mapakali dahil baka mas maging magulo lang ang lahat,” sabi ni Stefan kay Dark.“Hindi ko alam kung may plano talagang tumulong an Emperador ng Zone 66 o lahat nang ‘to ay alam naman niyang ‘di uubra at maaaring magdulot pa nang mas masama sa ‘tin,” sabi ni Dark.“Mabuti pa, hayaan nating sa kanya magmula ang desisyon dahil buhay niya ang mas malalagay sa panganib,” sabi ni Grim na ang tinutukoy ay si Anastacia. “Kung sakali rin na totoong tutulong ang emperador, malaki ang tiyansang makalaya na tayo kay ama.”“Tama ka
Read more
Chapter 90.1
 “Hindi ko maipappangako na magiging maayos ka, hangga’t maaari hindi tayo hahanap nang ikakahinala nila tungkol sa ‘yo,” sabi ni Stefan sa ‘kin.Tumango ako. Suot-suot ko ang biyay niyang kasuotan sa isla kung saan daw ito kukuha ng mga babaeng bihag at ilang alipin.“Pero ‘wag kang mag-alala kung mabibigyan ka kaagad ng espesyal na pagtingin maiaalis ka roon. Sa umpisa, magtiis ka muna lalo kung masaktan ka o mahila pero bihira nilang gawin ‘yon sa kababaihan lalo kung may magandang hitsura,” paliwanag niya.Silang magkakapatid medyo magkakaugali lalo kung nagsasalita. Kung hindi mo maririnig ang boses nila, iisipin mong iisang tao lamang sila. Marahil ganoon sila sinanay magsalita.“May mga kasama sila sa barko, alam nilang nag-iikot-ikot ako. Pupunta na tayo roon at palalabasin kong nakita kitang tumatakbo at nagpaplanong tumakas. Galingan mo na lang umarte.”“
Read more
Chapter 90.2
 Nabalik na naman ako sa lugar ng mga alipin. Mas nakakatakot nga lang ang pinagdaanan ko ngayon kesa no’ng bata ako. Damang-dama ko ‘yong takot ng mga kababaihan na mapagsamantalahan at mamatay sa loob ng mainit at masikip na kulungan.Noong bata ako, takot lamang ang naramdaman kong una sa magulang ng Young Master, pero iyong pagsamantalahan, hindi pa ‘yon naabot ng isipan ko. Pero ngayon, masakit sa ‘kin na ako ay makaliligtas na sigurado at ang mga babaeng narito ay may iba’t ibang kapalaran. Hindi ko sila kayang tulungan ngayon. Iyon ang pinakamahirap tanggapin sa lahat, iyong kawalan ng kakayahan, iyong hindi mo na kailangan subukan dahil alam na alam mo na kaagad na talo ka.Maraming umiiyak sa kanila, nagmamakaawa, bagay na imposible rin namang pagbigyan ng mga halimaw na nasa labas.Sumandal ako sa malamig na semento sa ‘king likuran.Ipinapangako ko na matatapos ang pamamayagpag ng Ashes and Blood
Read more
Chapter 90.3
Naupo si King sa mahabang sofa kung saan madalas silang magkita-kitang magkakapatid.Sabay-sabay na pumasok ang tatlo niyang kapatid pagkalipas ng isang oras.“King! Buhay ka na pala!” sabi ni Stefan at kaagad tumabi sa kanya at yumakap at akmang hahalik.Hinarangan ng palad ni King ang mukha ni Stefan.“Pati ba ang pagiging sweet brother mo naapektuhan ng alaala mong nawala na rin?” ang hitsura ni Stefan ay tila maiiyak.“Tigilan mo nga ‘ko, hindi naman lahat nawala,” sabi ni King.Naupo sa tapat nila si Grim at Dark.“Kumusta ang pakiramdam mo?” seryosong tanong ni Dark.“Maayos na naman,” pagsisinungaling ni King.“Akala ko talaga hindi ka na makaka-survive,” ani Grim na natatawa.“No’ng magkikita kasi tayo sana no’n ay wala ka naman. Saan ka pala pumunta nang magising ka?” tanong ni Stefan.“Nagpa
Read more
Chapter 91
Narito na naman ako sa pagiging alipin.Huminga ‘ko nang malalim bago marahang bumuga. Alam ko na marami akong makikitang pagbabago, pero wala na ‘yon sa ‘kin, ang mahalaga sa ‘kin ay ang Young Master.Bukod doon, nagkakaroon ako lalo nang kagustuhang may magawa para sa mga alipin. Ibang-iba ‘to dahil medyo mapagmaltrato ang mga narito, kompara doon sa lugar ng mga Royal Blood, pero sabi rin naman ng ibang naninilbihan noon sa mga Bezarius, isa na ang mga ito sa matatawag na pinakamaganda’t mabuting pamilya ng bampira dahil hindi sila pinapapatay ng mga ito kung nagkamali. Mayroon din silang pagkain at mga kagamitan na kailangan.Ang pangkaraniwan siguro sa mga bampira ay iyong pagiging mainit, iyon ang palagi kong naririnig. Nahihirapan ang mga itong kontrolin ang libido at pag-iinit ng buong katawan. Mahilig ang mga ito sa tao dahil daw ang tao ay madaling i-pleasure, kompara sa mga kapwa bampira ng mga ito lalo pa at pagka-
Read more
Chapter 91.2
“King! Nasaan na ‘yong alipin?” Pumasok si Grim na malaki ang ngiti.Itinuro ni King ang kabilang sofa.“Oh, bakit—““Pinatulog ko dahil napipikit sa pagkakatayo,” sagot ni King.“Wow, napakabait mo naman talaga! Ikaw pa ba talaga ‘yan? Baka isa ka na sa mga zombie ni ama!” natatawang biro ni Grim.“Tigilan mo nga ‘ko, Grim.”“So, don’t you find her beautiful?”“She is,” naiiritang sagot ni Grim.“And then?”“But she’s not extra-ordinary,” sagot ni King.“Eh? Paano mo nalaman ‘yon kung hindi pa naman kayo nagkatikiman?”“Tumigil ka nga—““Sige, sa ‘kin na lang siya, parang gusto ko rin namang mag-exercise ngayong gabi!” Nag-inat pa si Grim.Naiirita si King na masyadong madaldal si Grim.&ldq
Read more
Chapter 91.3
“Ano sa palagay mo, Doc?” tanong ni Drake kay Doc Matias.Naroon sila sa lugar kung nasaan ang halaman na Eternal Rest.“May ilang pagsusuri na ‘kong nagawa, pero pupunta ‘ko sa capital para ipasuri pa ‘to.”“Malaking bagay ang iniwanang black card ni Anastacia.”Tumango ang doctor. “Napakamahal nang gastusin para sa pagtuklas lalo nang ganitong klase ng halaman. Pero ano pa ba ang tungkol dito?”“Na mula raw ‘yan sa gawain ng mga itim na Elfo, ibig sabihin maaaring mahikal din ang halaman talaga.”“Pero nasusuri naman ang lason niya, dumaan pa rin ‘to sa pangkaraniwang proseso. Kailangan lang makalikha tayo nang bagay na kapaki-pakinabang sa halaman na ‘to.”Tumango si Drake.Pinag-usapan nila ‘yon hanggang hapunan. Marami rin kasing natuklasan ang doctor sa halaman.  **Hin
Read more
Chapter 92
 Napaaga ang pagpunta ni Anastacia sa laboratoryo. Naramdaman niyang inakbayan siya ni Grim, mabilis ‘tong bumulong sa kanya na ‘Huwag ka munang gagawa ng kahit na ano, magmasid ka lang’ sabi nito. Naunawaan naman ‘yon ni Anastacia.“Excited ka na rin?” tanong ni Grim.Namula si Anastacia, kahit alam niyang biro’y nahihiya pa rin siya.“Hindi siya makasagot, pero excited ‘to,” sabi ni Grim.Nagtuloy kami paglabas ng mansion. Sabi nila’y mayroon namang daaanan sa mansion pero kapag wala ang ama ng mga ito ay sarado ang daanang ‘yon. Kaya kailangan nilang lumabas at maglakad papuntang laboratoryo na nasa likuran daw ng mansion.“Ano bang problema ang mayroon sa ‘yo, Stefan?” tanong ni King.“Masakit ‘yong likuran ko, hindi ko pa sigurado kung katulad sa ‘yo. Tagal na kasi, pabalik-balik lang,” sagot ni Stefan.&
Read more
PREV
1
...
910111213
...
16
DMCA.com Protection Status