All Chapters of The Vampire's Tale: Chapter 71 - Chapter 80
84 Chapters
THE BEGINNING
Para akong natuklaw ng ahas habang natulala nalamang sa mga nagaganap sa harapan ko. Sunod-sunod ang pag pasok ng mga rogue sa lagusan pero heto pa rin ako at nananatiling nakaupo sa damuhan at hindi makagalaw. Kailangan kong mapigilan ang pagpasok ng mga rogue.   Akmang tatayo ako ng makarinig ako ng sumigaw. Agad akong napalingon sa likuran ko na parang gusto ko na agad pagsisihan. Kitang-kita ko kung paanong daluhugin ng mga rogue ang matandang babae. Noong una ay nagawa pa nitong mag-magic at maitaboy ang ilan ngunit hindi naging sapat iyon upang maipagtanggol ang sarili.    Tutulungan ko na sana siya ngunit biglang humarang sa harap ko ang napakaraming rogue. Lalong gumapang ang takot sa loob ko dahilan para hindi ako makapag-isip ng paraan para makaalis dito. Sa panggigilalas ko ay hindi lamang basta harang ang ginawa ng mga ito kundi pinalibutan pa ako. At nakapagtataka lamang ay hindi
Read more
UPROAR
Patakbo kong hinila si mama at nakisabay kami sa dagsa ng mga mages na tumatakbo rin palayo sa kaguluhan. Karamihan sa mga ito ay mga matatanda at bata. Hawak ko ng mahigpit ang kamay ni mama. Natatakot kasi ako na baka mabitawan ko siya at hindi agad makita dahil na rin sa dami ng taong nagkakagulo.    Sali-saliwaan din ang tungo ng mga iyon. Naghahanap ng ligtas na lugar kung saan hindi sila masusundan ng mga rogue. Ilang beses na rin akong nasasagi at di iilang pagkakataon na rin ang kundi ako muntik ng maitulak ay muntik ng masubsob. Pero magkagayunman ay binalewala ko lamang iyon at diretcho pa rin sa pagtakbo.    Nang lumingon ako sa pinanggalingan namin ay lalong nadagdagan ang takot at kaba ko nang makita ang napakaraming rogue na parating. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni mama at mabilis na hinila ito. Nahihirapan na rin akong ihakbang ang mga paa ko pero hindi pwe
Read more
AGONY
Nakatulala pa rin ako sa kawalan habang ang utak ko ay kusang bumalik sa ala-ala kung kailan nangyari ang trahedyang iyon, wala pang isang taon ang nakararaan. Noong gabing nasa kagubatan din kami at nakikipagbuno sa mga rogue. Noong gabing hindi ko man lang namalayang, huling pagkakataon ko na pala na makikitang buhay ang kapatid ko.   Umagos ang mainit na luha sa pisngi ko habang animo ay pinagpipyestahan ng mga rogue. Hindi ko na napigilang mapahagulgol. Ramdam ko ang animo patalim na humihiwa ng paunti-unti sa puso ko. Damang-dama ko ang sakit. Una, ang kapatid ko, tapos ngayon ay si mama naman. Hindi ako makakapayag kung may mangyayaring masama sa kanya. Kailangan kong mahanap si mama hangga't maaga. Kailangan kong makaalis dito. Bago pa mahuli ang lahat. Hindi ko kakayanin kung pati si mama ay mawawala rin sa akin.    Agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid upang maghanap ng
Read more
LAST KISS
  "Oswald!"    Makapatid hiningang sigaw ko ng makita kong namimilipit ito sa sakit habang tinatapakan naman ni Damien ang braso nito. Walang kalaban-laban itong nakabulagta sa lupa habang halos maputol na ang mga ugat nito sa leeg sa sobrang pagdaing.   Hindi ko malaman ang gagawin ko. Gusto ko siyang takbuhin at tumulangan pero hindi ko magawang tumayo. Nanginginig ang mga tuhod ko at nanghihina ako. Wala akong ibang magawa kundi ang titigan itong sumisigaw sa sakit habang walang awa itong sinisipa ni Damien.    Nang lingunin ko naman si Alaric sa tabi ko ay walang kaemo-emosyon itong nakatingin lang sa dalawang lalaki. Mukhang wala naman akong maaasahang tulong mula dito. Maging ang mga rogue ay tila tuwang-tuwa pa sa nakikitang paghihirap ni Oswald. Naikuyom ko ang kamao. Kung wala akong makukuhang tulong
Read more
SACRIFICE
*Kieran*   Kulang nalang ay doblehin ko ang bilis makarating lamang ng Magji. Kanina pa naroroon ang mga rogue at nangangaba ako na baka kung mapaano si Yueno. Masyadong mapanganib ang ginawa nila ni Mathilde ngunit hindi ko naman sila mapigilan.    Noong nakaraan pa ako nakakakutob ng hindi maganda kay Mathilde. Mukha kasing kakaiba ang ikinikilos niya kung kaya't palihim ko siyang minatyagan nitong mga nakakaraan. Kung sabagay ay kakaiba naman talaga ang ugali ni Mathilde noong una palang. Tahimik lamang ito at palaging nakamasid. Hindi rin ito makakaringgan ng pagtutol sa kung ano mang iutos dito o di kaya ay hindi pa man din naiuutos ay ginagawa na nito. Marahil ay dala na rin ng mind reading gift nito kaya ganoon ang mga ikinikilos nito.     Pero nitong mga huling araw ay tila hindi ito mapakali. Hindi ko ala
Read more
UNVEIL
    Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin.          Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito.        Agad akong pumaso
Read more
MISCONCEPTION
*Ada*   Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.    Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.    Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala
Read more
UNDYING
*Arsellis*   Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.    Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun
Read more
TREACHERY
Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.    Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.    Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin. &nbs
Read more
AWAKENING OF THE TRUTH
*Yueno*    Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.    Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status