All Chapters of The Vampire's Tale: Chapter 61 - Chapter 70
84 Chapters
BETRAYAL
Madilim ang paligid. Wala akong makita. Patay na ba ako? Pero pakiramdam ko ay napakakirot ng katawan ko. Hindi dapat kung patay na ay wala ng nararamdamang sakit? Isa pa ay bakit madilim? Hindi ba ako sa langit napunta? Siguro ay masyado ng mabigat ang mga kasalanan ko kaya ganoon.    Nakakarinig din ako ng mga ingay na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Noong una ay mahina lamang iyon hanggang sa palakas ng palakas. Talaga bang maingay ang paligid pag namatay na? Kung hindi ako nagkakamali ay mga boses ng lalaki ang naririnig ko. Pero hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila.    Sinubukan kong igalaw ang katawan ko para lang mapadaing sa tindi ng sakit na gumapang sa kabuuan ko. Pakiramdam ko ay para akong na-hazing. Kahit saang parte ay kumikirot. Pigil-pigil ko rin ang hininga matiis lamang ang sakit.    Lalon
Read more
BLOOD TRAITOR
"Elyxald Von," usal ko na halos pabulong na.    Naalala kong bigla ang sinabi ni tiya na madalas na pagpunta ni Cassius sa Palazzo noon. Kung ganoon ay si Elyxald pala ang pinupuntahan nito. Ibig sabihin ay matagal na siyang nagtatraydor. Ito rin ang pinuno ng mga rogue. Sa mas lalo ko pang pagtataka ay hindi lumuhod dito si Kieran.   "Maligayang pagdating," bati ni Cassius habang nakayuko pa rin.    Hindi naman iyon pinansin ni Elyxald sa halip ay tinapik sa balikat si Kieran nang makapasok sa kulungan at makalapit dito.    "Magaling, anak. Hindi ako nagkamali sa iyo."   Natigagal ako ng marinig ang tinuran nito. "A-anak?" Hindi ko namalayang dumulas sa dila ko.    "Hindi mo ba alam na
Read more
LIKE CLOCKWORK
*Kieran*   Abot-abot ang pagpipigil ko sa sarili huwag lamang daluhugin si Elyxald sa ginagawa nitong pagpapahirap kay Yueno. Kung kanina ay nagawa ko pang magtimpi kay Lenora, ngayon ay parang hindi ko na kakayanin. Hindi maatim ng kalooban ko ang nakikita ko ngayong sitwasyon ng babaeng pinakamamahal ko. Nahihirapan man ako ay kailangan ko iyong tanggapin dahil ako ang nagdala sa kanya sa sitwasyong ito.     Nang marinig ko itong sumisigaw kanina ay para na akong dinudurog. Kitang-kita ko ang sakit na nakabalatay sa mga mukha niya habang si Elyxald naman ay parang demonyong tuwang-tuwa sa nakikita. Parang gusto ko tuloy palipitin ang leeg nito at iparanas dito ang kaparehas na sakit na pinagdadaanan ni Yue. Pagkatapos nito ay malamang sa hindi na niya ako mapatawad. Kung sakaling magkagayunman ay tatanggapin ko. Mailigtas ko lamang siya.   
Read more
SEIZE
Gulong-gulo ang isip ko kung paano ang gagawin para maibigay lang ang hinihiling ni Elyxald na dugo ni Yue. Ang tuso na iyon. Talagang sinusubukan niya ako. Nakuyom ng madiim ang kamao ko.    Kung bibigyan ko naman siya ng ibang dugo ay siguradong malalaman niya dahil iba ang dugo ng Dovana sa dugo ng isang normal na tao. Kung gagamitan naman ng mahika ni Ada ay hindi rin ako nakakasigurong hindi niya iyon malalaman. Isa pa ay hindi siya ganoon kadaling malilinlang. Masyadong matalas si Elyxald sa mga ganoong bagay kaya't hindi kami maaaring makipagsapalaran.    Na sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang kusa na pala akong dinala ng mga paa ko sa mansyon ng mga Cayman. Tulad ng dati ay nakapalibot pa rin sa buong mansyon ang mga pinadalang rogue ni Elyxald. Ang kaibahan lang ay mas marami ngayon kaysa sa nakasanayan. Mukhang hiniling ito ni Cassius. Marahil ay natatakot ang mga i
Read more
MAD LOVE
*Yueno  Malamig na bagay na panaka-nakang dumadampi sa pisngi ko ang siyang nagpagising sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata saka inilingap iyon para hanapin ang kung ano mang bagay na gumising sa akin. Namulatan ko sa aking harapan ang isang bulto ng lalaki. Hindi ko pa maaninaw kung sino ito noong una dahil sa nanlalabong paningin ngunit unti-unti ko rin iyong nakilala.    Animo kidlat sa bilis akong napabangon ng makitang kong si Alaric iyon na nakaupo sa mismong harapan ko. Agad na kumalat ang takot sa dibdib ko para dito nang maalala ko ang ginawa ni Lenora at mas lalo na si Cassius. Dali-dali akong napaatras ng tangkain muli nito ang pag-abot sa pisngi ko. Ni sa hinagap ay hindi ko na gugustuhin pang muli ang mahawakan ng mga Cayman. Gusto ko mang paniwalaan na hindi kasama sa lahat ng kabalbalang ginawa ng pamilya nito si Alaric ay alam kong malabo iyong mangyari. Ngunit magkagayo
Read more
PUZZLED
"What d'you think you're doing?"      Narinig kong tanong ni Kieran kay Alaric na ngayon ay tila nahihirapan na sa pagkakasakal dito ng una. Halata ang galit at panggigigil doon na tila ba pilit pa nitong pinipigilan. Ang mga mata rin nito ay naniningkad sa tindi ng galit.       Maging ako ay pigil rin ang hininga sa mga nangyayari. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapatitig nalamang sa mga ito at magtaka sa kung ano ang nangyayari. Hindi ko rin maialis ang tingin sa dalawa dahil baka kung ano nalang ang gawin nila. May kung ano kasi sa loob ko na natatakot sa kung ano ang maaaring kahinatnan ng pag-aabot ng dalawa. Ayoko man sanang maramdaman ito pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-alala lalo na sa bagong dating.       Nakapagtatakang bigla-bigla nalang itong sumusugod ngunit magkagayonman ay malaking pasasalamat ko na din dahil dumating siya
Read more
THE BREAKOUT PLAN
Ilang ulit na akong paikot-ikot dito sa loob ng kulungan. Hindi ko na rin malaman kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko ay napakatagal ko ng nakakulong dito. Hindi ko na nga malaman kung kailan nga ba iyong huling pagkakataon na nagpunta rito sila Kieran at Alaric. Kung kahapon ba iyon o noong isang araw. Hindi ko na rin alam kung kailan ako unang nakarating dito. I already lost count of the date. Sa tuwing tatanungin ko naman ang mga bantay ay hindi naman sila nagsisisagot.   At magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin ako nakakabuo ng plano kung paano tatakas dito. Paano ay pulos si Kieran ang naiisip ko. Malapit ko na ngang iuntog ang ulo ko sa pader. Sa tuwing pag-iisipan ko kasi kung paano aalis dito ay laging sumasagi sa isip ko ang tungkol sa lalaking iyon.    Nabaling ang tingin ko sa pader kung saan nakabakas pa rin ang hulma ng katawan ni Alaric na isinadlak ni Kieran. Hangga
Read more
NIGHTMARE OR PREMONITION
   Mabilis na nawala si Mathilde sa paningin ko. Pagkatapos ng usapan naming iyon ay hindi naman naglipas ang segundo at bumalik rin agad ang mga bantay. Kung tunay nga ang intensyon ni Mathilde na tulungan ako ay mas mainam nang hindi natuloy ang pagtakas ngayong gabi. Magiging kahina-hinala pa iyon kung umalis kami habang wala ang mga bantay. Pero hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung hindi ba nito naisip na maaari siyang paghinalaan kung sakali.     Bakit nga ba hindi ko iyon naisip agad kanina? Kung ganoon nga ang maaaring mangyari ay bakit pa iyon ginawa ni Mathilde? Inaasahan na kaya niya na tatanggihan ko siya?   Kung ano man ang maging kasagutan doon ay mas maganda siguro kung isasantabi ko muna. Ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ngayon kung paano ang gagawin pagkaalis ko dito. Dapat ay makarating ako ng Magji bago pa m
Read more
STRIVE TO SURVIVE
  Nakatulala lamang ako sa kawalan habang hinihintay ang pagdating ni Mathilde. Kanina pa ako nakahiga at nagpapanggap na tulog upang hindi maghinala ang mga bantay sa binabalak naming mangyari.    Mula pa rin kanina ng umalis sila Elyxald ay hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung ma-e-excite ba ako o matatakot sa paglipas ng oras. Habang iniisip ko kung ano ang maaaring mangyari mamaya ay lalong hindi ako mapalagay.    Ilang sandali pa ang lumipas nang makarinig ako ng mahihinang kaluskos. Agad akong nagbangon at napalingon sa bukana at nakita doon ang pigura ni Mathilde. Tulad ng nakagawian ay hindi pa rin makikitaan ng kahit anong ekspresyon ang mukha nito. Diretcho lamang itong nakatingin habang naglalakad papalapit sa kulungan.     Una itong huminto sa mga bantay at kinausap ang mga
Read more
ACT OF BRAVERY
Habol ang hiningan ngunit takbo pa rin ako ng takbo. Hindi ko na tinangka pang huminto dahil baka magkaroon pa ng pagkakataon ang mga rogue na maabutan ako. Mga bampira pa rin sila at hindi pwedeng balewalain ang lakas. Sa normal kong pagtakbo ay nasisiguro ko na madali nila akong maaabutan sakali mang huminto ako. Kaya kahit ayaw ng tumakbo ng mga tuhod ko ay pilit ko pa rin iyong inihahakbang.       Isang maling hakbang at mabilis akong lumagapak sa lupa. Umalingawngaw sa kapaligiran ang maikling sigaw at daing ko. Hindi ko kasi agad nakita ang nakausling ugat ng puno kaya sumabit doon ang paa ko. Nang igalaw ko ang natalisod na paa ay laking pasalamat ko ng hindi iyon naapektuhan. Kung hindi ay mas lalo akong mahihirapan.       Hindi ako pwedeng magpahinga. Itinukod ko ang tuhod kahit ramdam na ramdam ko na ang pangangatog noon. Gustong-gusto na ng katawan kong mamahinga pero hindi pa ma
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status