Paggising niya kinabukasan ay wala na sa bahay ang asawa niya. Maaga raw umalis ang sabi ni Melay. Lunch time ng pumunta sila sa restaurant na sinabi ni Nike. Maliwanag at masigla ang lugar, may mga pamilyang kumakain. Sa isang mesa sa gilid, nakaupo na si Olivia at si Vaughn. Makikita ang pananabik sa mukha ni Vaughn habang inaayos ang kubyertos. Dumating si Nike, nakangiti at may dalang maliit na kahon ng pasalubong. "Papa Nike!" Tumakbo si Vaughn papunta kay Nike at agad yumakap. Halata ang kasabikan at saya ng bata. Si Olivia naman ay napangiti nang bahagya, bagaman may tensyon sa kanyang mga mata. "Anak! Ang laki-laki mo na. Na-miss kita sobra." Umupo silang tatlo sa mesa. Nasimula silang magkwentuhan, tumatawa si Vaughn sa mga biro ni Nike. "Hindi ko naisama ang Tita mo dahil nagkaroon ng emergency sa hospital. Baka sa susunod na lang." Napatango siya dito. Saglit na nakalimutan ni Olivia ang bigat ng sitwasyon. Ala una na nang matapos silang kumain at magkwentuhan. Na
Read more