All Chapters of Assassin's World: Chapter 11 - Chapter 20
57 Chapters
Chapter 10: The Ranking
BRIANNA ZAFFRIE COLTON “Paano ba ’yan, Gunster, ako na naman ang nagwagi,” mapang-asar na sambit ko nang tuluyang mawalan ng buhay ang killer. “We are supposed to make her surrender, pero sa ginawa ninyong pag-atake, we failed to save her from your wrath,” ani Caz. Agad niyang naagaw ang pansin ko. Nilapitan ko siya at tiningnan ang leeg niyang nagkaroon ng kaunting laslas dahil sa ginawa kong pagbato ng shuriken kanina. Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko kung paano ako tingnan nang masama ni Night Bullet. I turned my gaze to him, pero hindi siya nagpaawat. “Is there a problem, your highness?” I curiously asked, dahilan upang bumalik siya sa katinuan. “W-wala… May iniisip lang ako,” nauutal na sagot niya. “Gunster, let’s go. Bumalik na tayo sa Underworld.” After that, iniwan na nila ako roon at umalis na. Naglakad na rin ako paalis at para puntahan ang Fencers na nakikipaglaban pa rin base sa naririnig ko sa earpiece. “Retreat, Fencers, tapos na ang misyon natin dito.” “M
Read more
Chapter 11: His Plan
DZION WILLIAM MHRIZ “Dex!” sigaw ko nang makarating ako sa bahay niya. Agad namang lumabas ang mga guards niya at iginaya ako papunta kung nasaan siya. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakita ko siya sa tapat ng human-sized window ng office niya. Nakatanaw siya sa labas ng bahay. “Bakit hinayaan mong malamangan kami ng Fencers?” Hinarap niya ako. “That ranking was based on your group’s performance,” maikling aniya at marahang naglakad palapit sa akin. “Did your group did well?” Natahimik ako sa tanong niya. Aminado naman ako na puro palpak ang mga nakaraang misyon namin, but I know that she can manipulate the result since she’s the one who’s making it. “’Yan lang ba ang ipinunta mo rito? I didn’t know that you can go this low, kuya, and just for a rank?” “Pumapayag na akong imbestigahan si Midnight Blade.” A smile formed in her lips. “Excellent choice.” 🗡️ Pagbalik ko sa Underworld ay sinalubong ako nina Terson. “Master, may misyon tayong kailangan gawin. Personal na ipinadal
Read more
Chapter 12: Foundation Day
BRIANNA ZAFFIE COLTON “Gumising ka na riyan, Midnight,” pangbubulabog ni Thyrie sa pagtulog ko. Umupo ako sa aking kama at humikab bago siya tiningnan nang masama. “Ano ba, Thyrone?” Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin dahil abala siya sa paghahalungkat nang kung ano sa loob ng cabinet ko. Dahil sa inis ay kinuha ko ang ang dagger sa bed side table ko at binato ’yon sa kanya. Daplis lang ’yon para makuha ang atensiyon niya. “Balak mo ba akong patayin, Zaffrie?!” sigaw niya habang nakahawak sa kanyang dibdib na parang minasilya naman, pero nagsusuot pa siya ng bra. “Ayaw mo kasi akong pansinin. Ano bang nangyayari? Ang aga-aga ay nangbubulabog ka?” “Nakalimutan mo na ba? My gosh, Zaffrie! Ikaw pa naman ang president ng Student Council tapos nakalimutan mo kung anong ganap ngayon?” “Bakit hindi mo na lang sabihin? Ang dami mo pa kasing sinasabi, hindi ako manghuhula.” “Tomorrow is our foundation day sa school, don’t you remember? Today is our preparation day for the event
Read more
Chapter 13: Mysterious
DZION WILLIAM MHRIZ “Maayos na ba ang lahat?” tanong ko sa kanila. “Ayokong magkaroon ng abeerya mamaya.” “Maayos na. We also build an alliance sa jail booth if ever na walang pumunta sa booth natin ay may maidadala sila,” ani Caz at inayos pa ang salamin niyang nahulog na sa bridge ng kanyang ilong. “Prince Dzion!” sigaw ng isang jail guard na tumatakbo palapit sa akin. “Any suggestions sa susunod na ipapahuli?” Tumingin-tingin ako sa paligid hanggang dumako ang paningin ko sa isang nakakaaga-pansin na mukha ng isang babae. She looks so familiar, but I can’t remember where did I saw her. “Those who are wearing any white clothes,” sagot ko. Umalis na siya, pero ang paningin ko ay nakatuon pa rin sa babaeng naglalakad palayo. “Kilala niyo ba ’yong babaeng iyon?” tanong ko kay Jerome at itinuro ang babae. Nginuya muna niya ang kinakain na hotdog. “Hindi mo ba siya nakikilala? Student Council president natin ’yan. Bakit?” Umiling na lang ako at naglakad na paalis sa booth namin. I d
Read more
Chapter 14: Gunshot
BRIANNA ZAFFRIE COLTON Yesterday was a tiring day, and today is our last day. Ngayong araw gaganapin yung continuation ng operation sa mga booths at mamayang gabi naman gaganapin ’yong masquerade ball as the closing event of our foundation day. Kasalukuyan akong nagmumuni-muni sa likod ng booth namin nang marinig kong may tumawag sa first name ko. How dare him? Masamang binalingan ng tingin ang taong ’yon at agad nawala ang kunot ng aking noo nang makita na ang prinsipe pala ’yon. Awtomatikong tumaas ang kaliwang kilay ko nang makita siya. I even scanned him from head to toe. “Hi, Brianna,” aniya at nakangiti pa sa akin. Kahapon pa niya ako kinukulit. Ano ba’ng problema niya? Does he like me or what? I hope not, dahil kung totoo ngang may gusto siya sa akin, I’m sure that I’ll be in jail in no time because of breaking their prince’s heart. “Ano’ng kailangan mo?” I asked. “I’m sure that you’re aware of tonight’s masquerade ball, right?” aniya, at tumango naman ako bilang sagot. S
Read more
Chapter 15: Venom
BRIANNA ZAFFRIE COLTON’s POV   “Alam mo, Momshie, kanina pa kita napapansin, ha. Bakit panay ang tingin mo sa bo*bs ko, ha? Inggit ka ba?” tanong ni Thyrie kaya napatingin ako sa bo*bs ko na hindi kalakihan.   “Ano namang kaiinggitan ko riyan? Para ka ngang pader na minasilya, e!” natatawang panlalait ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.   “Hay nako, tama na nga. Puro walang katuturan naman ‘yan. Ito ang intindihin ninyo, kami ni Cath ang pumili niyan habang may ka-date ka kagabi,” ani Frizza at inabot sa akin ang envelope.   Kinuha ko ‘yon at binuksan. Binasa ko muna kung ilan ang reward na makukuha namin pero agad ko ring itinigil ang pagbabasa nang makita kung ano ang misyon na nakalagay roon. Ibinalik ko sa loob ng envelope ang mga papeles at saka ibinato pabalik kay Frizza.   “Ibalik mo, hindi tayo mangingialam sa kaso na ‘yan.”  
Read more
Chapter 16: Anniverssassin
BRIANNA ZAFFRIE COLTON’s POV   “Momshie, sayang ang misyon na ‘yon,” pangungulit sa akin ni Cath at pinagpipilitan ang misyon na nabunot nila.   “Oo nga naman, Momshie. Mapaparusahan tayo dahil tinanggihan natin ang misyon na nabunot natin,” dagdag ni Thyrie dahilan upang mas mainis ako. Bakit ba ang kukulit nila?   “Hayaan na natin. Hindi naman siguro masyadong mahirap ang ipapataw na parusa. Misyon lang ‘yon at hindi niya tayo papatayin kaya ‘wag kayong mag-over react, okay?” parang nanay na ani Frizza roon sa dalawang makulit. Nang humarap sa akin ni Frizza na nanginginig ang mga kamay niya habang nakahawak sa kanyang bibig. “Momshie natatakot ako.” Binatukan naman siya ng dalawa dahil sa sinabi.   Umiling na lang ako dahil sa ginagawa ng tatlong abnormal. Paano ko ba naging members ‘yan, e mga wala sa katinuan? Saka hindi dapat sila sa Underworld pumunta, sa Asylum dapat
Read more
Chapter 17: Date
DZION WILLIAM MHRIZ’ POV   “Biruin mo, ‘yong leader ng mortal na magkaaway na grupo rito sa Underworld, ngayon ay naghahalikan na. No to pornography!” ani Jerome habang tinatakpan ang kanyang mga mata.   Pumasok ako sa kwarto ko upang makaiwas sa mga eskandalosong bunganga nila. Iniligpit ko ang mga baril na nakakalat sa sahig nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. May pumasok doon. Abala siya sa paglilibot ng paningin sa kabuohan ng kwarto ko, nang makuntento ay umupo na siya sa couch at matalim akong tiningnan.   “Bakit mo hinalikan si Zaff? Hinalikan mo ba siya dahil may feelings ka na para sa kanya o dahil–”   “Ewan ko,” pagsisinungaling ko kahit alam kong kilalang-kilala na niya ako dahil bestfriend ko siya.   “Magkaibigan na tayo mula pagkabata, Zio. Hindi mo ako maloloko,” aniya at nag-cross arms habang nakatingin sa akin at prenteng nakaupo
Read more
Chapter 18: Supremo
“Boss, may tumatawag sa telepono mo,” sabi ng isang lalaki. Ibinigay niya ang cellphone at tinanggap naman ‘yon ng boss nila.   “Hello, sino ‘to?” tanong ng boss ngunit nagtaka siya nang tawa lang ang isinagot ng kausap niya.   “Hindi ba ako nakikilala at naaalala?” tanong ng isang malalim na boses.   “Kung hindi ako nagkakamali, ikaw ang nag-utos sa amin na patayin si Golden Cazburn, ‘di ba?” paniniguro ng lalaki.   “Nabalitaan kong hinahanap ng prinsipe ‘yong bote ng lason,” sabi ng misteryosong lalaki at maririnig sa kabilang linya ang pag-tap niya ng daliri sa mesa.   “Diretsuhin mo na ako. Ano’ng ipapagawa mo?” tanong niya. Lumipas ang ilang minuto ngunit hindi pa rin sumasagot ang kausap niya. Nang akmang papatayin na niya ang tawag ay muli itong nagsalita.   “Alam kong hanggang ngayon ay nasa inyo pa rin ang bote. Ibigay n’yo ‘yon sa kanya.” Nanlaki an
Read more
Chapter 19: Development
THIRD PERSON’s POV“Paano natin mahahanap ‘yon? Sampung taon na ang nakalilipas nang makuhaan ng litrato ang bote,” reklamo ng isang lalaki habang pinapalo ng hawak niyang kahoy ang mga dahon na nadaraanan.“‘Wag ka na ngang magreklamo riyan, Georgie. Maghanap ka na lang nang may matanggap kang reward kay Yna,” sabi ng kasamahan niya na ikinatuwa ni Georgie.“Sa tingin mo, Jester, ano ang ibibigay na reward sa atin ni Yna?” nakangising tanong ni Georgie.“Ano pa ba? Malamang, katawan niya. ‘Yon naman ang lagi niyang ibinibigay sa atin tuwing nananalo tayo sa misyon na ginagawa natin,” ani Jester at nag-apir pa sila ni Georgie na parang nanalo sa lotto.Sa kabilang gilid ay may isang lalaki na iiling-iling na lang habang pinapakinggan ang kamanyakan ng kanyang mga kasamahan. Siya lang kasi ang bukod-tanging hindi tumatanggap sa katawan ni Yna dahil iginagalang niya ang mga babae.“Hans, sumama ka sa amin nang madali na nating mahanap ang bote
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status