”Oo, oo, oo, masyadong makitid ang utak ko noon.” Ang mayabang na Old Master Hill ay humingi ng tawad.Inangat ni Spencer ang baso niya. “Salamat, Catherine.”Ngumiti si Lea at sinabi, “Kapalaran ni Shaun ang makillala ka.”Kahit si Valerie ay naglakas loob at kusang sinabi, “Inapi kita nang maraming beses noon. Humihingi ako ng tawad.”Nagulat si Catherine. Silang dalawa ni Valerie ay palaging hindi nagkakasundo, kaya hindi niya inaasahan na magkukusa si Valerie na humingi ng tawad.Gayon pa man, dahil ipinahayag ni Valerie ang pasasalamat niya, hindi na kailangan pa magtanim ng sama ng loob.Inangat ni Catherine ang baso niya. “Ang nakaraan ay nakaraan na.”“Oo, pamilya na tayo simula ngayon.” Ngumiti si Shaun at pinalibot niya ang kamay niya sa baywang ni Catherine.Namula ang mukha ni Catherine, at hindi niya matiis na sikuhin ito sa dibdib. Anong pamilya? Hindi pa nga siya diborsyado.Mukhang alam ni Old Master Hill ang saloobin niya kaya seryoso niyang sinabi, “Shaun, ka
Read more