Lahat ng Kabanata ng Sa Rurok ng Tagumpay: Kabanata 51 - Kabanata 60
1928 Kabanata
Kabanata 51
Habang nakuha ni Jasper ang lahat ng pondo ni Zayden, kahit na hindi binabantayan ang market, bumagsak ang stock ng Heavenly Dragon Real Estate. Ito ay bumulusok pababa.Kalimutan na ang mga retail investors, maski ang mga organisasyon ay nagulat. Walang may alam kung ano ang ginawa ng Heavenly Dragon Real Estate para magalit ang isang investor na naging rason para ito’y bumagsak sa market. “Magkano ang iyong kinita?” lumapit si Wendy. May mga ilang flyaway ng buhok ni Wendy ang dumapo sa ilong ni Jasper, at ito’y nagbigay ng mabangong amoy ng isang babae. Hindi na ito napansin ni Wendy dahil siya ay interesado lamang tignan ang kinita ni Jasper. “Kapag binawas ang administrative costs, ito ay may halagang… $4,578,888,542.85. “Nagsimula ako sa tatlong bilyon na pondo at ito ay naging 4,570,000,000 sa aking account. Maaring kong sasabihin na napiga kong maigi si Zayden.”Nagpadala si Jasper ng 600 milyon sa account ni Dawson bago niya ilipat ang lahat na natitira sa kanya
Magbasa pa
Kabanata 52
Ang sigaw ni Sylva ay nakadagdag sa pawis sa noo ni Zayden.“Ang ganitong klase ng tao na talagang may kakayahan ay malamang isang sikat, Dad. Hahanapin ko siya!” galit na galit na sagot ni Zayden. Nangutya si Sylva. “Ang pamilya ay nalugi ng bilyong dolyares dahil dito. Kahit na hindi ka na sangkot dito, walang paraan upang patawarin ng pamilya ang taong ito. Magtago ka muna pansamantala. ‘Wag ka muna din mag ikot sa probinsya. Mag bakasyon ka muna.“Mahirap na kalaban si Dawson. Kailangan maghanda ang pamilya sa paghihiganti nito. Naiintindihan mo ba kung ano ang ibig kong sabihin?”Ayaw paniwalaan ni Zayden ang gustong ipahiwatig ni Sylva. “Hindi niya siguro maiisip na sugurin ako.”“Isipin mo kung paano nagawa ni Dawson na magkaroon ng pangalan kahit na madami ang mga magagaling kaysa sa kanya at kanyang napanghawakan ang titulo bilang pinakamayaman na tao sa probinsya ng matagal? Sabihin ko sa’yo, lahat ng alam mo tungkol kay Dawson Schuler ay ang mga bagay na gusto lamang
Magbasa pa
Kabanata 53
Iyon ang paliwanag kung bakit kahit sila ay nasa probinsya, halos walang laman ang Bentley showroom. Ang pagdating ni Jasper at Wendy ang nakakuha ng atensyon ng ilang salesmen, kaya lang hinayaan na lamang nila ang mga ito nang maisip nila na bata pa ang mga ito. Kung titignan, ang isang Chevrolet ay hindi kayang bilhin ng isang pangkaraniwang tao lamang, paano pa kaya ang isang Bentley na nagkakahalaga ng mahigit ilang milyong dolyares. Wala ito para kay Jasper, dahil nakita niya ang Bentley Mulsanne na matagal niya ng gustong bilhin pagpasok pa lamang nito sa pinto. Isa pa sa mga magaganda na bagay sa mga brand na Bentley at Rolls-Royce ay ang mga klasikong disenyo nito. Ito ang rason kung bakit ang Bentley ngayon ay hindi nagkakalayo ang itsura sa Bentley na ilalabas makalipas ng 20 taon. Mula sa hindi kumukupas na classical cylindrical headlights hanggang sa napakalakas na air intake grille, at sa double-winged Bentley logo na sumisimbolo ng karangalan at kayamanan, it
Magbasa pa
Kabanata 54
Katabi nito, kumunot ang noo ni Wendy dahil sa asal at mga salita ng saleswoman. “Hindi ba ang inyong serbisyo ay hindi kanais-nais? Paano kayo nakapasok sa sales ng ganyan ang inyong modo?”“Oh?” irap ng saleswoman kay Wendy at ito ay kinutya. “Hindi niyo ba alam kung nasaan kayo? Ito ay ang Bentley showroom! Lahat ng sasakyan dito ay nagkakahalaga ng mahigit ilang milyong dolyares!”“Aaminin ko na mayroon kayong taste, dahil sa paghanap niyo agad sa Mulsanne sa oras na pumasok kayo. Hindi niyo ito kayang bilhin kahit gaano niyo ito titigan, kung ganun bakit ko kailangan maging magalang sa inyo?”“Paano mo nasabi na hindi namin ito kaya bayaran?” naiinis na si Wendy. Humalakhak ng tawa ang saleswoman na para ba itong sinabihan ng nakakatawang biro. “Isusubo ko itong basahan na ito kung kaya niyo ito bayaran, ayos ba iyon?” Matapos noon, naiiritang kumumpas ng kamay ang saleswoman sa paraang tinataboy niya ang mga ito. “Tama na, tama na. Nakita niyo na ito, kaya ‘wag na kayong tumay
Magbasa pa
Kabanata 55
Dahil hindi na padadagdagan ni Jasper ng accessories ang kanyang sasakyan, natapos niya ng mabilis ang proseso at maari ng imaneho ang sasakyan pauwi. Ang automobile industry sa taong 2000 ay kaayaaya pa hindi katulad ng lagay nito sa hinaharap, dahil sa mga dadag na insurance. Matapos makuha ni Jasper ang susi, maari na siyang dumiretso papunta sa DMV upang makuha agad ang kanyang plaka. Kinuha ni Jasper ang susi kay Xena at pumasok na sa kanyang sasakyan habang ang saleswoman ay nanginginig na sinusubo ang basahan sa kanyang bibig. Binuksan ang headlights, minaneho niya ang kanyang sasakyan palabas ng showroom. Buong oras na iyon, hindi na tinignan ni Jasper kung talagang sinubo ng saleswoman ang basahan o hindi. Magarang minamaneho ang anim o humigit kumulang na pitong milyong dolyar na sasakyan, lubos na nagagalak si Jasper. Dahil hindi kilala ng mga pangkaraniwang tao ang ganitong kagarbo na sasakyan sa panahon na iyon, ang awra nito ay kapansin pansin. Ang mapag masid na ta
Magbasa pa
Kabanata 56
Nang marinig ang mga salita ni Jasper, patakang nagtanong si Wendy, “Ano ang gusto niya?”“Ang pinakamataas na ambisyon ng isang manager ay mapagtanto na ang kanyang mithiin ay kailangan upang mapakita ang kanyang tunay na talento.” ngumiti si Jasper. “Sa hindi inaasahan, ito ang ibibigay ko sa kanya.”Hindi naintindihan ng lubos ni Wendy, pero ito ay mukhang maganda. Imbes na isama si Wendy sa opisina ni Jack, si Jasper ay nagpunta sa coffee shop kasama siya. Dahil sa pagbabasa ng maigi ng autobiography ni Jack, alam ni Jasper na itong coffee shop na ito ay ang lugar na pinaka gustong puntahan ni Jack sa Andros. Ito ang lugar kung saan sigurado na dadaan siya araw-araw pagkalabas galing trabaho. “Isang cappuccino at isang Jamaican Blue Mountain, please.”Pagkatapos mag order, sina Jasper at Wendy ay umupo sa tabi ng bintana. Gustong tanungin ni Wendy si Jasper kung bakit hindi ito pumunta sa opisina ng lalake, pero dahil walang sinasabi na kahit ano si Jasper, pinigilan niya ang s
Magbasa pa
Kabanata 57
Kaswal na nagsalita si Jasper habang nilalaro ang tasa ng kape sa kanyang kamay.Hindi naintindihan ni Jack ang sinabi nito at ito ay tumitig na may bakas ng galit kay Jasper, lumabas ang kanyang mga salita, “Hindi ko naiintindihan ang iyong ibig sabihin.”Tumingin si Jasper kay Jack at ngumiti. “Ang iyong Ph.D. sa Computer Science sa Fornia State University ay peke.”Hindi isang pagtatanong ang tono ng boses ni Jasper, kung hindi isang pahayag na ito ay katotohanan. Sa kanyang nakaraan, ilang taon na lamang ay lalabas din ang mga dinayang kwalipikasyon ni Jack. Ito ay magbibigay sa kanya ng malaking gulo, at isa sa mga rason kung bakit siya ay aalis sa Weresoft. Nagiba ang ekspresyon ng mukha ni Jack, ito ay biglang nagalala. “Ano ang iyong gusto?”“Hindi ko sinusubukan takutin ka, Mr. Tanner, pero sigurado ako na lagi mong aalalahanin ang iyong pekeng certificate ng edukasyon. Ang kasinungalingan ay mananatiling kasinungalingan, at oras na lamang ang makakapagsabi bago ito ma
Magbasa pa
Kabanata 58
”Mahigit apat na bilyon…”Ito ay isang pigura na nakaka taas ng dugo at nakaka putok ng ugat. Naramdaman ni Jack na namanhid ang kanyang anit ng makita ito. Kahit na ang kasalukuyan niyang boss ay si Charles Granger, ang pinakamayaman sa mundo, at ang apat na bilyong dolyares ay maliit na bahagi ng kanyang yaman, ito ay dahil amo niya si Charles. Bilang professional manager, ang taunang sahod ni Jack ay kinokonsidera na isa sa mga pinakamalaking sahod sahod na trabaho sa bansa. Ngunit, natuyo ang bibig ni Jack nang makita niya ang kagimbal gimbal na pigura. “Kung mayroon ka pang pagdududa, Mr. Tanner, maari ka sumama sa akin sa Commercial Bank para makasigurado,” Ngumiti na lamang si Jack sa hiya at naramdaman ang suntok sa salita ni Jasper. “Sapat na iyan. Alam kong wala kang rason para mag biro ng ganito, Mr. Laine.”“Totoo. Ang ating oras ay mahalaga para sa ganyan.” Sinenyas ni Jasper ang upuan kung saan umupo si Jack. Naiintindihan ang ibig sabihin ni Jasper, umupo muli
Magbasa pa
Kabanata 59
“Alam kong naniniwala ka sa akin, at pinapangako ko na tutuparin ito. Gusto ko nandoon ka kapag nangyari ito.”Humagikgik si Jasper, habang ang isang kamay ay naka hawak sa manibela at ang isa naman ay humawak sa kamay ni Wendy. Hawak ang kanyang kamay, nilagay niya ito ng dahan-dahan sa kambyo. Mayroon siyang magandang pasahero sa upuan ng kanyang magarbo na sasakyan habang siya ay nagmamaneho. Ito ay isang eksena na pinapangarap ng mga lalake. Sa oras na iyon, si Jasper ay patungo na sa kanyang tagumpay. Ang pinaka importante sa kanya ay si Wendy ang magandang pasahero. Ang kanyang pinaka iingatan at malambot na kamay ay nanginig sa mga palad ni Jasper dahil sa kahihiyan, at sa kinis ng kanyang balat ay ayaw ng pakawalan nito. Hindi inaasahan ni Wendy na kikilos ng ganun kabilis si Jasper. Buti na lang madilim sa loob ng sasakyan. Ang kanyang namumulang pisngi ay makikita lamang pag ito ay dumaan sa mga poste ng ilaw. Bumilis ang tibok ng puso ni Wendy at naramdaman
Magbasa pa
Kabanata 60
Ilang negosyo ba ang mayroon sa loob ng bansa na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong dolyares?Pag isinantabi ang pang national, mayroong mababa pa sa isang daang bilang ang pang pribadong negosyo sa loob ng bansa na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong dolyares. Ibig sabihin nito sa oras na marehistro ang kumpanya ni Jasper, magiging kabilang ito sa top hundred na negosyo sa bansa. “Ibang klase kang lalake, Jasper.” sabi ni Mr. Ziegler na may kasamang pagkamangha sa kanya. “Salamat sa pagtulong sakin, Mr. Ziegler, kung hindi ang buong proseso ng pagrehistro ay aabutin ng mas matagal.” Magalang na pagpapasalamat ni Jasper. Tumigil ang pag kaway ni Mr. Ziegler. Ngayon na ang lokal na gobyerno ay nagsisimula na manghingi ng puhunan, ang mga mayayaman na kagaya ni Jasper ay kinokonsidera na VIP kahit saan sila mag punta. Walang rason para hindi siya umasta ng mataas at malakas. “Masyado kang mabait. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Ano gusto mo ipangalan sa kumpanya mo pala?
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
193
DMCA.com Protection Status