All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 31 - Chapter 40
3080 Chapters
Kabanata 31
Pak!May matangkad na lalaki ng dumating sa pinto.Sa sandali na binuksan ni Joshua ang pinto, nakita niya ang babaeng nakaupo sa hagdan.Nakaupo siya sa upuan habang may photo album sa kanyang kandungan, tumitingin sa laman ng photo album.Nakasuot siya ng yellow nightdress, at nakalugay ang mahaba at kulot na buhok niya, nagmukha siyang seksi at payat dahil dito.Sa ilalim ng mahinang ilaw, mukhang seksi at nakakaakit ang mga binti niya, ngunit sa kanyang maliit at makinis na mga paa, may suot siya na cartoon plush slipper na pareho kay Nellie.Huminto ang mga mata ng lalaki.Ang babaeng ito, ay gising pa ng madaling araw, at naka-pose ng ganito sa loob ng study room ng lalaki, sinusubukan ba niyang mang akit?Muntik na siyang mamatay ngayong araw, at ngayon at dumating na ang dabi, may ganitong mga intensyon pa rin siya!Habang iniisip ito, naging malamig ang ekspresyon niya. Lumapit siya at sinabi, “Anong ginagawa mo?”Hindi matatag ang posisyon ni Luna sa hagdan, at naka
Read more
Kabanata 32
Kumurap si Nellie, pagkatapos ay napagtanto niya na mali ang sinabi niya.Hindi siya humarap sa kanyang tatay, lumingon siya sa gilid, “Si Mommy po, ngayon, siya ay…”Bago pa siya matapos sa pagsasalita, nakita niya si Luna na nakatayo sa entrance ng study room.Naiwan ang salita ng batang babae sa kanyang lalamunan.Lumigon si Joshua at tumingin siya babaeng nakatayo sa entrance, maririnig sa boses niya na hindi siya natutuwa, “May gusto ka bang sabihin?”“Opo.”Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ni Luna. “Sinabi po ng mga katulong sa baba na handa na po ang agahan at tinanong nila kung kakain na po si Nellie.”“Pwede ka nang maunang kumain kung gutom ka na.”Tumingin sa kanya si Joshua ng naiirita, “Kapag natapos na si Nellie, kami na ang bahalang bumaba.”“Okay po.”Ngumiti si Luna at tumango, pagkatapos ay lumingon siya ng hindi nagdadalawang isip.Pag alis ni Luna, sinara ni Joshua ang pinto sa study room, lumingon siya at nagpatuloy sa pag tanong kay Nellie. “Ano n
Read more
Kabanata 33
Habang nakatingin sa eksena, bahagyang sumimangot si Joshua.Pagkatapos ng agahan, bumaba si Nellie sa kanyang upuan, “Babalik na po ako sa kwarto!”Pagkatapos, umakyat ng hagdan ang batang babae.Habang nakaupo, nakatingin si Luna sa pony tail ng batang babae habang umakyat ito sa hagdan, napailing siya.Bata pa lang si Nellie, pabago bago ang mga emosyon niya na parang isang bagyo.Base sa ekspesyon niya, tila nakalimutan niya na ang mga nangyari kahapon.Pagkatapos ang ilang saglit, tumayo siya at umakyat.“Sandali lang.”Sa sandali na tumayo siya; tinawag siya ni Joshua.Tumingin si Luna sa kanya, “Mr. Lynch, may sasabihin po ba kayo?”“Oo.”Klinaro ni Joshua ang kanyang lalamunan, “Gusto kong magluto para kay Nellie.”Naalala pa rin ni Joshua ang sinabi ng batang lalaki sa kanya kagabi.“Kapag biglang dumating ang tunay kong tatay, gusto ko na ipagluto niya ako ng masarap na pagkain, pilian ako ng mga damit at kwentuhan ng istorya bago matulog.”Kahit na magkaiba ang
Read more
Kabanata 34
“Miss Zimmer.”Kumindat si Luna kay Anne, sadya niyang binati ito na para bang magkakilala lamang sila, “Nasa labas ka rin para mamalengke?”Sumimangot si Anne, magsasalita pa lang siya nang biglang tumingin si Joshua kay Neil, “Muli tayong nagkita.”Sa harap ni Luna, hindi kayang magsalita ni Neil, at napangiti na lang siya ng nahihiya, “...Opo, nagkita po ulit tayo.”Nabigla si Anne at wala siyang masabi.Anong nangyayari?Malapit si Luna sa isang tao na tulad ni Joshua Lynch?At kilala rin ni Neil si Joshua?Ngumiti siya ng awkward, “Mukhang kilala ng lahat ang isa’t isa…”“Hello.”Napansin lang ni Joshua ang babae na tumutulak kay Neil sa shopping cart, “Nanay ka ba ng batang ito?”Anne, “???”Ang nanay ng batang ‘yan ay nasa tabi niya.“Hindi ko po siya nanay, ninang ko po siya.”Nagsalita si Neil at siningitan siya, “Busy sa pagtrabaho ang nanay ko at wala siyang oras para alagaan ako, kaya’t kasama ko sa bahay ang ninang ko.”Naipit sa lalamunan ni Anne ang mga sa
Read more
Kabanata 35
Medyo nagulat si Joshua.Kung tama ang pagkakaalam niya, wala pang isang linggo ang pag alaga ng babaeng ito kay Nellie.Bakit ang dami niyang alam tungkol kay Nellie.Nakaupo si Joshua sa sofa habang pinapanood na pumili si Luna ng mga damit, napunta ang mukha ni Luna Gibson sa harap ng kanyang mga mata.Kung nasa tabi niya lang ito, magiging katulad niya si Luna, kumikilos na parang isang masipag na bubuyog, busy sa pag aalaga sa kanyang anak.Sa ibang salita, mahalaga si Nellie para kay Luna, parehong sa pag aalaga niya at sa pagbasa niya sa mga nararamdaman ng bata. Parang bang higit pa ang relasyon ng dalawa bilang isang yaya at isang anak ng kanyang amo.Naalala ni Joshua ang nangyari sa Ferris Wheel kahapon, sa sobrang determinado ni Luna sa pagproteka kay Nellie ay nilagay niya sa panganib ang kanyang sariling buhay.Sa mga sandaling ito, naramdaman niya na kahit na nilapitan siya ni Luna na may masamang intensyon, hindi na ito problema para sa kanya.At least, ginagawa
Read more
Kabanata 36
Nang matapos ang phone call niya kay Anne, agad na pumunta si Luna sa Twitter.Totoo nga. Ang nasa tuktok ng trending tab ay [Live na Umiiyak si Aura Gibson].Pinindot niya ito. Ito ay ang live stream ni Aura Gibson.Sa mga sandaling ito, nakaupo si Aura habang umiiyak. Nagpanggap siya na naagrabyado at pinaliwanag niya, “‘Wag po kayong makinig sa mga tsismis. Mahal namin ni Joshua ang isa’t isa. Naniniwala ako sa kanya. Hindi totoo ang mga nakita niyo. Tumigil na po kayo sa pagkakalat ng tsismis. Nahihirapan si Joshua. Hindi siya isang tao na mangangaliwa.”Nang makita ni Luna ang mga pekeng luha ni Aura, lumamig ang puso niya. Kaya pala isang aktres ang babaeng ‘to. Magaling siyang magpanggap.Hindi siya isang tao na mangangaliwa? Bakit pala nagsama sila ni Aura?“Mommy, ano pong tinitingnan niyo?” nang makapagpalit si Luna sa huling set ng mga damit, nakita niya na masama ang tingin ni Luna sa phone. Naintriga si Nellie at lumapit siya para tumingin.Mabilis na sinara ni Luna
Read more
Kabanata 37
Ngumiti siya ng malambing kay Joshua at pinasa niya ang porcelain bowl.“Magbati po kayo ng itlog.”Tinikom ni Joshua ang kanyang mga labi at tinanggap niya ang mga itlog mula kay Luna.Nang tinanggap niya ang mga itlog, dumampi ang daliri niya sa likod ng kamay ni Luna. Agad na hinila ni Luna pabalik ang kanyang kamay.“Mr. Lynch. Sa tingin ko po ay dapat kong ilagay ang mga sangkap sa counter. Bakit hindi niyo na lang po kunin ang mga ito mula doon?”Ngumiti si Luna. “Kung sabagay, may nobya na po kayo. Hindi po maganda na magdikit ang mga katawan natin.”Kumunot ang mga kilay ni Joshua at tumingin siya kay Luna. Anong nangyayari sa babaeng ito ngayong araw?Nagdikit ang katawan? Halos wala naman ata?Habang nakatingin sa nalilitong tingin ni Joshua, nanatiling nakangiti si Luna. Pagkatapos, nagpatuloy siya sa pagtuturo ng ibang mga hakbang, pero nakadistansya.Makalipas ang isang oras, bumaba si Nellie at nagulat siya. “Wow! Pinag lutuan po ako ni Daddy! Kakain po ako ng ma
Read more
Kabanata 38
“Wala po siyang ginawang masama.”“Gumawa siya ng gulo para sa mga amo niya. ‘Yun ang pinakamalaking pagkakamali niya!”“Hindi po siya gumawa ng gulo,” ito ang simpleng sinabi ni Joshua habang nakakunot ang kanyang noo.Galit na hinampas ni Granny Lynch ang kanyang tungkod. “Gumawa siya ng gulo para kay Aura! Si Aura ang magiging Madam ng Blue Bay Villa, at ang magiging amo niya!”Kalmadong lumingon si Joshua at tumingin siya ng malamig kay Aura, “Sa tingin mo rin ba?” namutla ang mukha ni Aura sa mga salita ni Joshua.Tinikom ni Luna ang kanyang bibig at nagpanggap siya na na agrabyado. Umatras siya at yumuko. “Maraming beses ko nang ipinaliwanag kay lola, mga tsismis lang ‘yun mula sa mga netizen. ‘Wala tayong dapat gawin dahil lang gumawa sila ng tsismis…”“Tsismis?” tumingin ng galit si Granny Lynch kay Aura. “Ano? Maghihintay lang ba ako hanggang makuha ng katulong na ‘yun ang gusto niya, hintayin na may mangyari sa kanila ni Joshua, at doon ko lang siya papalayasin? Paano n
Read more
Kabanata 39
Hindi tumingala si Joshua.Matapos ang ilang saglit, sinabi niya lang na, “Umalis ka na. Gusto kong mapag isa.”“Okay.” nagbuntong hininga si Aura at umalis na siya ng opisina.Sa hagdanan sa labas ng President’s office.Nasa break sina Zach at Yuri. Palihim nilang tinawagan si Neil.“Boss, hulaan niya ang narinig namin ngayon lang? Pumunta si Granny Lynch sa opisina ni President Lynch at gumawa siya ng gulo. May narinig din ako na tungkol sa pagbawi ng engagement…”Sa kabilang linya ng phone, nasabik si Neil. “Ano pa!”“Hindi namin masyadong narinig, pero pagkatapos umalis ni Granny Lynch, pinag uusapan nila Aura at President Lynch na babawiin daw nila ang engagement. Mukhang maghihiwalay na rin sila!”“Magandang balita!” ang sabi ni Neil. Pagkatapos purihin sina Zach at Yuri, binaba na ni Neil ang phone.Sabik siyang naglalakad sa loob ng bahay. Sa huli, nilabas niya ang kanyang phone at nagorder ng maraming pagkain.Makalipas ang isang oras, nagulat si Anne ng makita niya
Read more
Kabanata 40
Hindi nagtagal, muling nagring ang phone ni Luna.Tumingin siya sa screen. Nakalagay ang, [Malcolm Quinn]. Kumunot ang noo niya at sinagot niya ito.“Luna.” narinig ang mababang boses ni Malcolm mula sa kabilang linya ng phone. “Nakita ko ang balita sa Banyan City.”Nagbuntong hininga si Malcolm. “Bakit naging katulong ka ni Joshua Lynch?”Nagkibit balikat si Luna. “Mahabang istorya.”Bago bumalik si Luna sa bansa, marami siyang ginawang paghahanda para mapalapit siya kay Joshua.Gayunpaman, bago pa niya gawin ang mga plano niya, pinadala na ni Neil si Nellie kay Joshua. Wala siyang magagawa kundi maging katulong ni Joshua.Lumihis ang lahat mula sa orihinal niyang plano. Gayunpaman, kaya niya pa rin itong harapin.“Narinig ko na ginagawan na ng paraan ni Joshua na harapin ang mga tsismis sa online.” tila istrikto si Malcolm. “Pero, mukhang mahirap harapin ang mga taon na gumagawa ng mga tsismis. Nahihirapan ang mga tao ni Joshua na harapin ‘to. Kailangan mo ba ng tulong ko?”
Read more
PREV
123456
...
308
DMCA.com Protection Status