Lahat ng Kabanata ng The Billionaire's Rented Wife: Kabanata 1 - Kabanata 5
5 Kabanata
Prologue
Tinitigan ko ang aking repleksyon sa malaking salamin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang napunta ako sa ganitong sitwasyon. I chuckled at the astonishment of my face. Dati, buong-buo ang paniniwala ko na sa taong tunay kong minamahal ako magpapakasal. Naniniwala kasi ako na ang kasal ay isang sagradong seremonya na para lamang sa mga taong tunay na nagmamahalan. But now, I gave up my pride. Sumuko ako dahil lang sa iisang rason. Nakakatawa mang isipin pero, oo, sumuko ako para sa pera. Mapait akong napangiti habang dahan-dahan na tumulo ang mga butil ng luha sa aking mga mata. Kahit gaano ko pa kagustong magsisi sa aking desisyon ay hindi ko magawa. Para sa isang taong mas pinakaiingatan ko, ang pagkatali kong ito ay balewala lang. “Nami, handa ka na ba?” Agad na kumuha ako ng tissue na nasa harap ko lang para punasan ang aking mga luha. Pilit akong ngumiti habang tinitig
Magbasa pa
Chapter 1
"Tita, tulungan po kita riyan," ani ko nang makitang abala si tita sa pagtadtad ng ilang mga sangkap para sa niluluto niyang ulam.  Mabilis na lumapit ako sa kaniya. Akmang kukunin ko sana ang isa pang kutsilyo na nasa bandang giliran niya nang kaniya akong pigilan. "Ako na rito. Kaya ko na 'to. Mas mabuti pang maligo ka na para pagkatapos mo ay kakain na lang tayo. At saka baka mahuli ka pa sa klase. Balita ko…" Saglit siyang napahinto at mas inilapit pa ang kaniyang ulo sa akin. "... terror daw ang propersor mo!" dugtong niya na halos pabulong na sa hina ng kaniyang boses, ngunit dama ko pa rin ang diin sa mga salita. Mahina naman akong napatawa. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang balitang 'yan, pero sang-ayon ako. Halos lahat na kasi ng mga kaklase ko ay napahiya na ng propesor namin sa unang asignatura. "Nga pala, tita. Nabuksan niyo na po ba ang karenderya?" tanong ko.&n
Magbasa pa
Chapter 2
"Nami, what happened? Bakit namumutla ka?" nag-aalalang wika ni Karel. Agad na inalalayan niya ako nang muntik na akong matumba. Gusto kong sumagot, pero hindi ko magawa. My heart was pounding too fast to the point that I couldn't breath well. More than I wanted to get up, my limbs were shaking and felt like all my strength was taken away. I couldn't understand what I was feeling. And sweats started to form in my forehead. Karel gently guided me to sit on the floor. I gazed at her with the intent of talking back at her. Pero, dahil sa paghahabol ko sa aking hininga, wala kahit na isang salita ang lumabas sa aking bibig. "Tulong! Tulungan niyo po kami!" she shouted as tears started crawling out of her eyes. Halata sa mukha niyang naguguluhan siya at hindi malaman-laman kung ano ba ang tamang gagawin niya. I hooked my phone beside me and with the last strength of my arm, I handed it to her. Naguguluhan
Magbasa pa
Chapter 3
“Nami, ako na muna rito. May pasok ka pa ngayon, ‘di ba? Baka mahuli ka,” saad sa akin ni ate Margie.   Saglit ko munang tinitigan si tita bago siya binalingan. Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kaniya dahil sa kabila ng lahat, narito pa rin siya at handa kaming tulungan.   Nasabi ko na sa kaniya kagabi ang tungkol sa kalagayan ni tita. Nasabi ko na sa kaniya ang lahat ng sinabi sa akin ng doktor. Kahit siya ay lubos na hindi makapaniwala. Kahit labas naman na sana siya sa aming problema, dinamayan niya pa rin kami.   Malalim akong bumuga ng hininga saka nginitian siya. “Salamat po talaga, ate. Huwag ka pong mag-alala, gagawin ko po ang lahat para mabayaran ka.”   Lumapit siya sa akin at tinapik ako sa aking balikat. “Naku, huwag mo muna ‘yang isipin. Malaki na rin ang naitulong ni tita Cecilia sa akin noon pa man. Kaya isipin mo na lang muna na ito ang aking kabayaran sa kaniyang kabutihan,” mahaba
Magbasa pa
Chapter 4
***** Napahilot ako sa aking leeg nang makaramdam ako ng pangangalay mula rito. Kanina pa kasi ako nakayuko sa pagpirma ng mga dokumento. Halos dalawang linggo rin kasi akong wala sa kumpanya, kaya tambak-tambak na mga gawain ang sumalubong sa akin.   I stretched my arms and decided to take a break. As I looked at my wristwatch, I suddenly felt surprised when I realized what time it was already. It's nearly midnight.   I heaved a deep sigh, stood up, and went directly to the pantry to brew myself coffee. Dahil sa sobrang late na, malamang nakauwi na lahat ng aking mga trabahante.   Patuloy pa rin ako sa paghilot ng aking leeg habang pasimpleng humihikab nang pagbukas ko sa pinto ng pantry ay bumungad sa akin ang aking sekretarya kasama ang isa ko pang empleyado na gumagawa ng milagro.   Kaagad silang napabaling sa direksyon ko at halata ang gulat sa kanilang mga mukha, pero hindi iyon naging
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status