Share

The Billionaire's Rented Wife
The Billionaire's Rented Wife
Author: kokopelli101

Prologue

Tinitigan ko ang aking repleksyon sa malaking salamin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang napunta ako sa ganitong sitwasyon.

I chuckled at the astonishment of my face. Dati, buong-buo ang paniniwala ko na sa taong tunay kong minamahal ako magpapakasal. Naniniwala kasi ako na ang kasal ay isang sagradong seremonya na para lamang sa mga taong tunay na nagmamahalan. But now, I gave up my pride. Sumuko ako dahil lang sa iisang rason. Nakakatawa mang isipin pero, oo, sumuko ako para sa pera.

Mapait akong napangiti habang dahan-dahan na tumulo ang mga butil ng luha sa aking mga mata. Kahit gaano ko pa kagustong magsisi sa aking desisyon ay hindi ko magawa. Para sa isang taong mas pinakaiingatan ko, ang pagkatali kong ito ay balewala lang.

“Nami, handa ka na ba?”

Agad na kumuha ako ng tissue na nasa harap ko lang para punasan ang aking mga luha. Pilit akong ngumiti habang tinitigan ang mukha ni Karel mula sa kaniyang repleksyon sa salamin.

I nodded, reluctantly. Ayaw ko munang magsalita dahil alam kong mawawasak lamang ang boses ko.

Her expression turned into a sad one. More than I wanted to hide my sadness, kusa naman itong nagpapakita na agad napansin ni Karel. She walked closer to me and hugged me tight from behind. Magkasing tangkad lang kami kaya nagawa niyang isandal ang kaniyang ulo sa aking balikat.

“It is okay, Nami. I know everything will be fine,” she said in a whispering voice.

Napahawak ako sa kaniyang mga braso na nakapulupot sa akin habang malalim na humugot ng hininga. I smiled and gently nodded.

“Thank you, Karel.”

Her face lightened. “You know what, Nami? You should always wear that kind of smile. You look undeniably gorgeous!” she complimented.

Kinalas ko ang mga kamay niya mula sa pagkapulupot sa akin at saka umikot para harapin siya. I cupped her face with both of my hands.

“Don’t worry, maganda ka rin naman. And of course, nagmana ako sa ‘yo, e, ‘no?” sagot ko naman.

She stared at me from head to toe. When her eyes stuck with mine, I saw amusement in it. Tila ba manghang-mangha talaga siya sa sinusuot ko ngayon.

“Gustong-gusto ko talagang masuot ang wedding dress na ‘to, e! It’s perfect, indeed. ‘Yong sa pagkakatahi pa lang ay malalaman mo nang napakatalentado ng gumawa? God! Sana talaga ako na lang ang ikinasal,” medyo natatawa niyang sabi, pero alam kong seryoso siya sa mga papuri niya tungkol sa wedding dress.

I glanced at my wedding dress, then to my friend Karel. “Well, what do we expect pa nga ba sa isang bilyonaryo, ‘di ba?”

Mahina siyang natawa. “Oo nga naman…” tanging nasabi niya.

Muling akong humarap sa salamin at inayos ang iilang hibla ng buhok kong tumatabon sa aking mukha. Matapos ay muli akong ngumiti at kinuha ang bridal bouquet.

“Ano, handa ka na ba talaga?” pag-uulit lang ni Karel sa tanong niya kanina.

Tumango ako. This time, with no hesitation. Hindi na ito ang tamang oras para umatras. Ito na lamang ang natitirang natatanging paraan para masolusyunan ang aking mga problema.

“Tara na at kanina pa sila naghihintay sa beach resort,” pag-aaya niya sa akin.

That is also one of the good reasons I gave up my pride. Kahit na maikasal man ako sa isang lalaking hindi ko gusto, at kahit man maikasal kami ni Warren Montenegro para lamang matugunan ang bawat naming pangangailan nang walang nabuong pagmamahalan ay pumayag ako, dahil sa kahit papaano’y hindi kami ikakasal sa loob ng simbahan.

Agad na sumunod ako kay Karel papunta sa bridal car na aking sasakyan papunta roon. Hindi naman kalayuan ang hotel na kinaroroonan namin ni Karel ngayon sa beach resort na pagdarausan ng kasal kaya ilang minuto lang ang aming tatahakin.

I gently hopped inside the car with the assistance of Karel. Nang makapasok ako ay kaagad na rin siyang sumunod. When we were seated properly, the car started immediately.

And just after a few minutes, we arrived.

“The bride has arrived!” I heard someone shout that alerted everybody.

Naunang lumabas si Karel sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. May iilan pang lumapit sa akin para tulungan akong makababa nang maayos at ayusin din ang aking gown.

Karel smiled widely at me. Sinuklian ko rin iyon nang isang matamis na ngiti. At nang mapalingon ako sa napakaraming mga bisita, bigla akong tinubuan ng kaba. Hindi kasi maipagkakailang mga bigatin sila.

I heaved a deep sigh to calm myself. I shouldn’t be nervous. This wedding should end up successfully as planned.

Muli akong napalibot ng tingin at hindi ko maiwasang mamangha. It’s a grand wedding and is prepared only in a few days. I can’t help myself but to be amazed. Money can really do everything perfectly and instantly.

Sweet romantic music started to fill my ears. I then walked in the aisle with Karel. She’s the one escorting me in my aunt’s stead.

My heart was pounding too fast and loudly like it was having a contest with the deafening music. Up ahead, I saw Warren, the man I am going to marry who doesn’t even make my heart beat romantically.

Pero, paano nga ba umabot ang lahat sa ganito? Paano nga ba nauwi ang lahat sa pagpapakasal ko sa isang bilyonaryong hindi ko naman gusto?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status